You are on page 1of 1

ANG MAG-ASAWA AT ANG BATANG BABAE SA BUKO

Ni: Julie Ann C. Berin

Sa bayan ng Salvacion nakatira ang mag-asawang Maria at Juan.Matagal na silang magkasama sa


buhay ngunit hindi pa nabibiyayaan ng anak. Mabuting asawa si Maria samantalang itong si Juan ay
ubod ng tamad.Madalas mag-away ang dalawa dahil sa katamaran ni Juan.

Isang araw, napagod na si Maria sa pagpapaalala sa asawa na kailangan na niyang maghanap ng


trabaho sa bayan kaya napagdesisyunan niyang yayain na lamang itong magsimula ng panibagong
buhay sa nayon. Maraming plano ang naisip nila pagdating sa kanilang bagong lugar. Magtatanim sa
bukid, mangangaso, mangangahoy at magkakaroon ng payak na pamumuhay na kabalintunaan ng
kinagisnan nila sa bayan.Pumayag naman si Juan.

Bukang liwayway pa lamang ay nagsimula na sa paglalakbay ang dalawa.Maraming paalala si


Maria sa kanyang kabiyak na sinang-ayunan naman nito. Sa kanilang paglalakbay patungo sa nayon ay
malimit na magreklamo si Juan dahil sa sobrang pagod kaya hindi maiwasan na matulog nang palihim sa
asawa.Lakad.Tulog.Ito ang naging sistema ni Juan habang tinatalunton ang malawak na kagubatan bago
marating ang kanilang pupuntahan habang si Maria ay tuloy-tuloy lamang sa paglalakad.

Sa kanilang paglalakad ay nakakita sila ng isang bahay.Sukdulan ang saya ni Juan dahil
nabawasan na ang kanyang gagawin na pagbuo ng bagong bahay na titirahan.Nagdalawang-isip si Maria
dahil ayon sa kanya masama ang pumasok sa isang bahay nang walang paalam.Ngunit si Juan ay
desidido kaya hinayaan na lamang niya ang asawa dahil mukha namang walang tao ang bahay.Nagtaka si
Juan dahil hindi niya matagpuan ang pinto maging ang bintana ng bahay ay wala.Bigla silang natigilan
dahil sa kanilang nasaksihan hanggang sa nawalan sila pareho ng malay at nang magising ay nasa loob
na sila ng bahay na kanilang nakita.Namangha sila sa kagandahan ng bahay sa loob na malayung-malayo
sa itsura nito kapag nasa labas.Magara ang lahat ng sulok ng bahay na animoy palasyo subalit wala man
lamang silang nasilayang tao maliban sa isang malaking buko.

Dahil sa uhaw na uhaw na si Juan kaya hiningi agad sa asawa ang dala-dala nitong itak at
madaling biniyak ang buko. Laking gulat nila nang mabiyak ang buko ay isang batang babae ang
lumabas.Nawalan ng malay si Maria samantalang hindi agad nakapagsalita si Juan.

Nang nagising si Maria ay kausap na ni Juan ang batang babae na ayon sa kanya ay isang
prinsesang nakulong sa buko nang matagal na panahon.Kayat bilang pasasalamat sa mag-asawa sinabi
ng batang babae na kahit anong hingin ng dalawa ay kanyang ipagkakaloob.Tuwang-tuwa si Juan.Walang
kagatul-gatol niyang tinuran na gusto niya ng pagkain at agad namang lumitaw sa mesa ang maraming
pagkain.Sa pagkakataong ito ay hindi nasiyahan si Maria dahil sa inasal ng asawa kaya kinausap niya ang
asawa ngunit sinabi ni Juan na kapag naibigay ng batang babae ang kayamanan na hihilingin niya ay
hindi na nila kailangan pang magtanim o kaya naman ay magtrabaho sapagkat mayroon na sila ng lahat
ng bagay na kinakailangan upang mabuhay at wala nang iba pang gagawin kundi ang matulog nang
matulog at kumain.

Nagalit at hindi sang-ayon si Maria sa plano ng asawa kayat hindi na lamang siya umimik.

You might also like