You are on page 1of 2

I. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

______1. Nakita mo na pinupunit ng iyong kamag-aaral ang mga pahina ng Koran.

A. Kukuhain ko ang Koran mula sa kanya sa kaniya upang di na niya ito tuluyang
mapunit.

B. Hahayaan ko na lamang sya sa kanyang ginagawa.

C. Sasabihin ko na huwag niyang punitin ang mga pahinan ng banal na aklat.

_____2. Malakas ang tunog ng radio habang nakikinig ang iyong tatay ng balita.
Narinig mong nagdarasal ang mag-anak na Muslim na inyong kapitbhay.

A. Magpapaalam ako sa aking tatay na hihinaan ko ang radyo dahil nagdarasal ang
aming kapit-bahay.

B. Tatahimik na lamang ako habang habang sila ay nagdarasal.

C. Hihintayin ko ang aking tatay na sabihan akong hinaan ang radyo.

_____3. Alam mong pupunta ang kaibigang Muslim ng iyong kapatid sa inyong bahay
sa araw ng piyesta. A. Sasabihin ko sa kanya ang mga handa naming walang sahog
na baboy na maari niyang kainin.

B. Sasabihin ko sa aking nanay na puro lutong may karne ng baboy ang dapat naming
ihanda.

C. Sasabihan ko ang ate ko na huwag na lang siyang papuntahin.

_____ 4. Nakita mong naglalaro sa loob ng isang kapilya ang mga bata.

A.Hahayaan ko sila sa kanilang paglalaro at hindi ako sasali sa kanilang paglalaro


upang hindi na makadagdag sa ingay.

B. Pagsasabihan ko sila na maglaro na lamang sa palaruan.

C. Hahanulin ko sila hanggang mapilitan silang lumabas ng kapilya.

______ 5. Nagyaya ang iyong kaibigan maglaro sa parke ng Sabado ngunit ang iyong
kalaro ay isang Sabadista.

A. Sasama pa rin akong maglaro at iiwan na lamang ang kaibigang Sabadista

B. Magmumungkahi ako ng ibang araw upang makapaglaro.

C. Pipiliting sumama ang kaibigang Sabadista.

II. Isulat kung Tama o Mali ang mga pangungusap.

_____ 1. Ang paniniwala sa Diyos ay may kaikibat na pagkilos sa mga nininais nating
manyari.
_____ 2. Ang pag-ibig ng Diyos ay nadarama ng mga taong ganap naniniwala sa
kanya.

_____ 3. Ang lahat ng tao ay naniniwala na iisa lamang Diyos.

_____ 4. Kahit ikaw ay bata pa ay kaya mo ring makapagbigay ng pag-asa.

_____ 5. Kung minsan kahit tayo ay nananalig sa Diyos ay di nangyayari ang mga
bagay na ating inaaasahan.

_____ 6. Nakapagbibigay tayo ng pag-asa sa iba sa pamamagitan ng pagbibigay sa


kanila ng lakas ng loob, suporta, o tulong.

_____ 7. Maaari kang makapagbigay ng pag-asa kahit wala ka nito.

C. Gumuhit ng masayang mukha sa patlang sa bawat bilang kung ang tauhang


nabanggit ay kinakitaan ng paninindigan at malungkot na mukha kung hindi.

_______ 1. Karamihan sa mga kaklase ni Ronan ay nangopya sa kanilang pagsusulit


sapagkat mahirap ito. Gayunpaman hindi nangopya si Ronan sa mga kaklase at
nagsikap ng sagutan ito.

_______ 2. Narinig mong pinag-uusapan ng iyong mga kaklase ang bagong lipat na si
Eman. Natatawa sila dahil siya ay may punto sa pagsasalita at di-gaanong marunong
magsalita ng Tagalog. Alam mong mali ang kanilang ginagawa ngunit tumahimik ka
lamang.

_______ 3. Nakita mong nangupit ang iyong kaibigan sa kanyang nanay kayat
kinausap moa ng kaniyang nanay para mapagsabihan ang iyong kaibigan.

______ 4. Hindi sinasadyag nabasag nang iyong mga kaklase ang paso ng halaman ng
inyong guro. Alam mong kailangan malaman ito nang inyong guro ngunit pinili mo na
lamang na wag itong sabihin.

______ 5. Nakita mong pinatid ng isang malaking bata ang kaklase mong malabo ang
mga mata. Agad mong tinulungan ang iyong kaklase. Sinamahan mo siya sa inyong
guro upang sabihin ang nangyari.

You might also like