You are on page 1of 1

Frency Marie V.

Lima Grade 11- HUMSS A

Movie Review
(Children of Heaven)

1. Ilarawan ang pangunahing tauhin.


Ang pangunahing tauhin sa pelikula ay nanggaling sa mahirap na buhay lamang,
ngunit ang kanilang pananaw at pagpapahalaga sa edukasyon ay napaka
importante at ang kanilang pagmamahal sa pamilya ay walang kapalit.

2. Ano ang pinakagusto mong eksena sa pelikula at bakit?


Ang pinakagusto kong eksana sa pelikula ay yaong nag desisyon ang magkapatid
na iisa lang ang sapatos na kanilang gagamitin dahil sa naiwala ni Ali ang kaisa-
isang sapatos ni Zahra. Sa ganitong pangyayaring ito, naipapakita nia ang
kanilang pagpapahalaga nila sa edukasyon, handa silang magtiis na magpapalitan
araw-araw upang makapasok lamang sa klase, minsan si Ali ay minsan nang
nahuhuli sa pasok. Pusrigido silang mag-aral, maiahon lang nila sa matiwasay ang
kanilang buhay.

3. Kung ikaw ang magbibigay ng wakas sa pelikula ano ito at bakit?


Kung ako ang magbibigay ng wakas sa pelikula mas gugustuhin kong nakuha ni
ali ang ikatlong gantimpala sa kanilang footrace sa paaralan sapagkat ang premyo
ay may kasamang magkapares na sapatos, maari nya itong ibigay kay Zahra
upang sa ganoon ay makapag-aral sila ng walang inaalalang pagod sa pagpapalit-
palit at sa pabalik-balik na pagsuot ng iisang sapatos at upang mapadali ang lahat
alang-alang sa importansya ng edukksyon at upang matulungan ang kanilang
pamilya.

4. Repleksiyon
Sa pelikulang ito, maraming magagandang asal at birtud an gating makikita, mga
birtud kung saan atin itong magagamit at gawing inspirasyon sa buhay. Una, ang
pagiging mapagkakatiwalaan, kagaya ng ama ni Ali at Zahra na pinagkatiwalaan
ng gawain. Pangalawa, ang pagiging mapagmahal, katulad ni Ali na isinakripisyo
niya ang kanyang sapatos ka Zahra upang makapag-aral lamang siya. Pangatlo,
ang pag una nila sa pamilya kaysa sa mga kaibigan, katulad na lamang ni Ali na
inuna ang pagtulong sa magulang sa gawaing bahay at katulad ni Zahra na
inaasikaso ang nakababatang kapatid kysa sa paglalaro sa labas. Pang apat, ang
pagiging determinado, determinado silang makapag-aral at makatulong sa
pamilya sa abot ng kanilang makakaya. Sa pelikulang ito naipapakita ang
pagpapahalaga sa edukasyon at ang pagmamahal nila sa kanilang pamilya.

Ipinasa Kay: Mrs. Stephanie R. Cabigunda 10092017

You might also like