You are on page 1of 3

Tulang Walang Pamagat #1

Ni: Ma. Nica Balanlay

Siya yung laging nasa isip


Kasama hanggang panaginip
Kapag di nakikita’y naiinip
Mga litrato’y laging sinisilip

Pangalan sa puno’y inukit


Mukha sa papel ginuhit
Nakikita kapag pumipikit
Sa iba’y laging nababanggit

Siya’y nagsisilbing inspirasyon


Pinagkukunan determinasyon
Laging nilalman ng ilusyon
Sa problema ngti nya ang solusyon

Pag may kasaang iba nalulungkot


Kaya mga salita’y may hugot
Na para bang mayroong poot
Ngunit ngingiti pari at maskaray isusuot
Tulang Walang Pamagat #2
Ni: Ma. Nica Balanlay

Puso kong ito’y nalilito


Laging tinatanong kung paano
Paano kung iba ang mahal mo
Paano na ang puso ko

Paano mo ko mamahalin
Kung ako’y di makuhang pansinin
Paano matututunang ibigin
Kung mata sa iba naman nakatingin

Puso ko’y nag iintay at umaasa


Na balang araw ay tayo ng dalawa
Ngunit malabong magyari sa twina
Sapagkat mahal mo’y iba

Paano na ngayon ako


Paano ang pusong nagmamahal sayo
Papaasahin pa ba ng aing puso
O iiwan mo itong nagdurugo

Paano, paano, paano


Paano na ang pag-ibig ko sayo
Ngayong di na masisilayan ang ngiti mo
Paano buburahin ang nararamdaman ito
Tulang Walang Pamagat #3
Ni: Ma. Nica Balanlay

Pagod na pagod na ko

You might also like