You are on page 1of 1

“”

May iba’t ibang pamantayan ang iba’t ibang manlilikha at tagasuporta ng teatro sa pagsusuri
ng kagandahan at pagiging epektibo ng isang dula. Mayroong mga indibidwal na kung sumuri ng
isang dulang pagtatanghal ay sumisipat sa mga panlabas at teknikal na aspetong taglay ng isang dula.
Kinaklasipiko ng ilan ang kagandahan ng isang pagtatanghal base sa entablado, kasuotan, ilaw, artista
(minsa’y mas pinahahalagahan pa ang itsura ng artista kesa ang talento nito) at minsan patin na rin
ang mga prodyeksyon (projection, mapabidyo man o anino) na taglay ng isang pagtatanghal.
Mayroon din namang kung tumuligsa ng isang dula ay paloob. Nakapaloob dito ang pagsusuri ng
mensahe’t kontekstong taglay ng isang teksto, kung paano nilinang ng direktor ang espasyo upang
mas mapagtibay pa nito ang paglalahad ng kuwento sa mga manunuod at ang kakayanan ng isang
dula na maging isang kapanipaniwalang piyesang naglulungsad ng halu-halong emosyon upang
maipaarok ang mga karampatang mensahe’t biswal na kahulugang nais ipakita ng isang pagtatanghal.

Habang sinusulat ko ang mga katagang nasa itaas na bahagi ng pangungusap na ito, hindi ko lubos
maaalis sa aking isipan ang tanong na “ikaw, paano ka sumuri ng isang dula at paano mo
natutumbok kung epektibo ba o maganda ang isang pagtatanghal?”

Halos karamihan ng mga kasamahan ko sa teatro ay sinasabing isa raw ako sa pinakakritikal na taong
nakilala nila at sanay na raw sila sa akin. Ang iba nama’y sinasabihan akong wala na raw akong
kakayanan upang magpahalaga ng mga dula.

You might also like