You are on page 1of 14

Pagsulat ng

Iskrip
Iskrip
• ang sinasandigan ng buong produksyon
•naglalarawan ng mga eksena, dayalogo,
aksyon, at mga detalye ng tanghalan
•may problema na kailangan
masolusyonan
•may mensahe na pinapatunayan
Ang Dula ay Lohikal
May Sanhi at Bunga
Ang bawat tauhan, dayalogo,
props, at ibang detalye ay may
dahilan
Kailangan ng pananaliksik
Eksena
•ang dula ay binubuo ng isa o
higit pang eksena
•maaaring magsimula at
magtapos ang eksena sa
pagbabago ng set
•paglabas at pagpasok ng mga
tauhan sa entablado
•pagbabago ng panahon
•ang bawat eksena ay
tumutulak sa kwento ng dula
Dayalogo
•Iba-iba ang paraan ng pananalita ng mga
tao
•Kapag pareho ang pananalita ng tauhang
doktor at tauhang bata, may problema
•Walang tao na nagsasalita ng diretsyong
tatlong paragraph nang walang
sumasabat
•Sa dayalogo lalabas ang mga
katangian ng mga tauhan
•Makinig sa mga tunay na tao upang
magka-ideya kung paano sila
nagsasalita
•Hindi lamang ang sinasabi kundi
paano ito sinasabi
Ang Kapanipaniwalang
Tauhan
•Ang dula ay pagsasalamin sa
katotohanan
•Kahit likhang isip ang tauhan, dapat
makilala siya ng manonood bilang tao
•Ang bawat tao ay produkto ng kanyang
realidad
Story Arc
•Lahat ng tauhan ay meron nito
Backstory: ang pinanggalingan ng
tauhan bago natin siya maabutan sa
kwento
Arc: ang kahahantungan ng tauhan
na inaabangan ng audience
Show, Don’t Tell!
•Madaldal ang dula, pero hindi
likas na madaldal ang mga tao
•Kapag may lihim ang tauhan,
hindi niya ito basta-bastang
ipagsisigawan
•Hindi dapat nagpapaliwanag
ang mga tauhan sa mga
manonood
•Hayaan ang manonood
intindihin kung ano ang
nangyayari sa entablado
May kapangyarihan ang mga hindi
sinasabi o “unsaid”
A: “Ano ang ikinamatay ni Flor?”

B:“Nagkulong daw sa kwarto ng


dalawang buwan, tapos ayun… akala
ko pa naman, nakaalis na siya…”
Saan nanggagaling ang mga ideya para sa
dula?
Pagbabasa
Panonood ng ibang mga dula
Sariling karanasan at talakayan
Paglahok sa ibang produksyon
Para kanino ka nagsusulat?
Mula sa aling punto de bista?
Bakit ka nagsusulat ng dula?
Ano ang obhektibo ng iyong dula?
Isulat mo ang kwento na ikaw lang
ang makapagsasabi.

You might also like