You are on page 1of 2

Mga Patakaran sa Pagsabak sa Gera

Sa dilim nagiiba ang mga tao.

Lagi naming napaguusapan ng mga kaibigan ko ang mga extreme measures na ginagawa ng isa’t isa
sa tuwing sasabak kami sa gera (isa pa naming termino sa clubbing o night out).

Hindi mabilang ang mga paghahanda na kailangang harapin ng bawat isa upang magmukha lamang
maganda sa mata ng iba.

Iba sa ami’y iniiwasan ang kumain ng marami para hindi magmukhang mataba pag sapit ng gabi.

Iba nama’y bibili ng bagong damit para mas may effect kuno ang kanyang itsura sa mga taong
makakakita sa kanya. Pag bago raw kasi laging iba ang effect na idinudulot.

Iba’y ilang oras ang itinutuon sa pagaayos ng buhok. Lalong lalo na yung mga paminta kong kaibigan
na walang humpay ang effort na maging straight para mas lumakas ang benta sa darating na gabi.

Ang gabi ay pinaghahandaan ng lahat.

Ang gabi ay ang Gerang susuungin naming lahat.

Sala-salabat na matutulis na tingin, kumpol kumpol na usapan sa dilim, mga sitsit, hithit, buga ng
usok mula sa kabi-kabilang lumpon ng mga sundalong nagmamasid sa kapararakan ng gabi.

Kanya kanyang aura. Kumbaga.

Sa dilim nagiiba ang kani-kanilang mga anyo.

Mapanlinlang.

Kadalasan naming sinasabi kapag may nakita kaming guwapo sa dilim ngunit kapag nadantayan ng
liwanag ay mas masahol pa ang meyk up sa mga patay sa morge.

Masinsin dapat kung magmasid kung gusto naming maka-jackpot sa gabi.

Bawat isa’y may kanya-kanyang moves at acting style ang nakahanda.

May ilang naka-paminta school of acting para mas magmukhang intimidating ang dating sa mga
tigreng nakatingin.

Iba nama’y naka-princess punzalan school of eyes acting. Sila yung mga taong napakatalas ng tingin
na tila kaya nilang makahati ng kamatis kapag nadantayan ka nila ng tingin.
Iba nama’y naka-piolo pascual pa-cutietams school of acting. Ibang uri sila ng paminta. Sila yung
pacute lang na kunwari laging Masaya para magmukhang fresh at walang problema kahit na in truth,
haggard ang life at puno ng problema sa real life.

Kanya kanya rin ng pagpili ng espasyo. Minsan may mga favourite spots na ang bawat isa. Kadalasan
ang pamantayan nila sa isang magandang spot ay ang capacity nito upang maka-attract ng maraming
borta cute force.

May iba naman na ang pamantayan ay suwerte. Sila yung mga tipong naniniwalang espasyo ang
dahilan kung bakit sila nakakapaguwi ng someone.

Iba naman gusto sa table lang, kunwari sopistikada para mas magmukhang regal sa mata ng iba. Sila
yung mga desperado talagang maguwi pero hindi nila ipahahalatang desperate sila.

Marami.

Sobrang raming styles ang meron sa tuwing sumasabak ang isa sa gera.

Kung kinakailangan ng gumamit ng dahas ang iba’y hahawak at kakalabit lang para matapos lang ang
paglalagalag.

Iba nama’y idadaan na lang sa status at sweet talking. May ibang may mga rehearsed lines ng
nakahanda para sa mga pinakahapit na pagkakataon: “you wanna join me tonight in my condo?” o
kaya “hey! You wanna hang out with us after?”.

Marami pa.

Baka kulang pa ang isang journal entry para lang maisalaysay ang mga matters of consequences ng
bawat manlalakbay sa kanilang paglalagalag.

A soldier knows how to perform well his duties and responsibilities.

A soldier must show loyalty.

A soldier will defend his country.

A soldier has needs and his needs had to be met.

You might also like