You are on page 1of 7

Suring-Pelikula

sa

“Ang Guro Kong ‘Di Marunong


Magbasa”

Edrianne Carvin V. Caronan

10 – Schon
I. Buod

Sa isang maliit na komunidad ng mga magsasaka ay bumuo ang mga magsasaka


ng planong turuan at bigyan ng edukasyon ang mga bata sa kanilang lugar sa halip na
sumama sa kilusan ng mga rebelde na malapit sa baryo nila. Si Aaquil, isang
magsasaka, ang napiling magturo sa mga bata ngunit lingid sa kaalaman ng kanyang
mga estudyante, siya ay hindi marunong magbasa at magbilang. Isang araw,
pinakiusapan siya ni Kapitan Badi na bumaba sa bayan upang bumili ng mga gamit
panturo ngunit sa paglalakad niya pabalik sa baryo ay muntik na siyang mapahamak.
Sa ibang parte ng gubat ay isang batang nagngangalang Basil ang ineensayong
bumaril nina Mahmud at Abdul, mga miyembro ng kilusan ng mga rebelde sa lugar na
iyon. Nakaligtas si Aaquil mula sa pamamaril ng mga rebelde at naisama niya sa
pagbabalik sa baryo nila ang batang si Basil na umamin sa kanyang wala siyang
pagpipilian kundi ang sumali sa kilusan at hindi niya ginusto iyon. Nang matapos ang
isang klase ni Aaquil sa mga bata, inamin niya kina Kareem at Aasim, dalawa sa mga
mag-aaral niya, na hindi siya marunong magbasa kung kaya silang dalawa ang lagi
niyang pinagbabasa sa klase at nasabi niya rin ang tungkol sa kahalagahan ng
edukasyon. Sa pagdaloy ng palabas, sunod-sunod na karahasan na ang nangyari.
Napatay ang ina ni Aasim dahil sa panghohostage ng isang rebelde noong
magkasagupaan ang AFP at mga rebelde samantalang ang mga papuntang dayuhang
guro o volunteer teachers sa baryo ay pinatay ng mga rebelde habang ang iba ay
ginahasa nila. Nakarating ito sa Mayor at nagkaroon ng panayam sa kanya kasama ang
isang volunteer teacher na nagahasa ng rebelde. Naitanong sa Mayor kung bakit
walang kasamang guwardiya ang mga papunta baryo na volunteer teachers ngunit
hindi siya nakasagot at hindi rin niya pinakinggan ang pakiusap ng mga tagabaryo at
mga bata na magtayo ng paaralan na may maraming guro. Nagkasakit ng malubha si
Kapitan Badi kaya nagpuntang bayan si Aaquil upang bumili ng gamot sa botika. Sa
halip na magbayad at dahil sa kawalan ng salapi, tumakas si Aaquil sa botika dala ang
gamot ngunit dinukot siya, pinaamin sa sala at pinahirapan hanggang sa mamatay.
Nasaksihan ito ni Basil at galit at kalungkutan ang naramdaman sa kasawian ng
itinuring na niyang ama. Sa kabilang dako naman ay tuluyan ng namayapa si Kapitan
Badi at ito naman ay nasaksihan ni Aasim. Sina Kareem, Aasim, Basil at matandang
lalaki na lamang ang natira sa mga mag-aaral ni Aaquil sapagkat ang iba ay sumali na
sa pangkat ng mga rebelde. Sa bandang huli, napagkasunduan nilang sumali na rin sa
pangkat at doon ay iensayo silang lumaban at gumamit ng baril. Naghiganti sila kasama
ang kilusan sa mga sundalong nagdulot ng kasawian ng nanay ni Aasim, sa Mayor, at
sa mga pulis na nagpahirap kay Aaquil. Binigyang hustisya rin nila ang mga napatay at
nagahasang volunteer teachers sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga miyembro ng
kanilang kilusan na sangkot doon.

II. Suliraning Tinalakay

a.) Edukasyon

Ipinakita sa pelikula ang iba’t ibang suliranin ng mga pangunahing tauhan ukol sa
edukasyon. Ito ay ang kawalan ng paaralan, kakulangan sa guro, at kawalan ng gamit-
panturo. Sa pelikula, ang dahilan kung bakit walang gurong nagpupunta sa lugar ng
mga magsasaka ay dahil sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng pamahalaan at rebelde.
Samantalang ang kawalan ng paaralan at gamit-panturo ay dulot ng pangungurakot ng
nakaupong opisyal sa lugar ng magsasaka.

b.) Korupsyon

Ito ang dahilan kung bakit nabuo ang pangkat ng mga rebelde sa pelikula. Ang
korupsyong ginawa ng Mayor sa pelikula ay parang tinanggalan na rin niya ng
karapatan ang mga bata na makapag-aral nang matiwasay at kumpleto ang
pangangailangan—paaralan at guro. Bukod sa pangungurakot, hindi rin pinakikinggan
ng Mayor ang hinaing ng mga taong kanyang nasasakupan. Hindi niya binigyan ng
guwardiya ang mga dayuhang gurong papunta sa lugar nila Aaquil.

c.) Trabaho at Ospital

Ang kakulangan sa trabaho o oportunidad at kakulangan sa ospital ang dalawa sa mga


hinaing ng mga rebelde sa pelikula. Hindi nabibigyang pansin ang mga taong nasa
malalayong lugar partikular na ang mga taong malayo sa kabayanan. Hindi nabibigyang
pagkakataon ang mga tao na mapaunlad ang kanilang pamumuhay at kung may
pangangailangan medikal naman ay hindi rin natutugunan dahil sa kawalan ng ospital
at propesyunal sa lugar nila.

d.) Digmaan

Ipinakita sa pelikula ang mga epekto ng digmaan sa pagitan ng pamahalaan at rebelde,


lalo sa mga magsasaka at bata sa probinsya. Naaapektuhan nito ang edukasyon ng
mga bata sapagkat ang iba ay nahihikayat sumali sa kilusan. Ang iba nama’y hindi
makapag-aral dahil sa pagkawasak ng kanilang paaralan dulot ng digmaan at bukod pa
roon ay apektado rin ang kanilang kaligtasan.

e.) Kamangmangan

Ipinakita sa pelikula ang negatibong epekto ng hindi marunong magbasa. Sa nakaraan


ni Aaquil, ang nagpanggap na guro na hindi marunong magbasa, namatay ang tatay
niya dahil mali ang dosage ng gamot na ipinainom ni Aaquil. Sa kasalukuyang panahon,
ang Pilipinas ay mayroon pa ring napakataas na illiteracy rate, matanda man o bata.

III. Implikasyon ng Suliranin sa El Filibusterismo

a) Edukasyon

Napakahalaga ng edukasyon at ito ay karapatan ng bawat isa sa atin. Sa nobela, ang


mga kabataan ay isinulong ang pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila. Mahalaga
ang papel ng kabataan sa pagsusulong ng edukasyon. Maaaringang mga kabataan ang
magpatuloy sa sinimulan ng mga matatanda tulad ng nangyari sa peilikula. Maaari rin
naming sila ang magsimula ng pagpapatatag nito sa dahilang ang mga matatanda ay
nadaanan na ito ngunit hindi nagtagumpay at piniling manahimik na lamang.

b) Korupsyon

Kapag may salaping kasama, anumang trabaho o gawaing isinusulong iyan, hindi
talaga maiiwasan ang korupsyon. Sa pelikula, ang Mayor ay ginamit ang salaping para
sa pagpapatayo ng paaralan sa pangangampanya. Sa nobela, hindi lamang ang
kapitan heneral kundi ang korporasyon ng mga pari ang nangurakot. Hindi mawawala
ang korupsyon lalo na kung mulat ang mga tao na sila ay makapangyarihan at may
puwesto sa pamahalaan.

c.) Trabaho at Ospital

Kung may nagaganap na korupsyon o anumang pagmamalabis, may mga


napagkakaitan ng karapatan, oportunidad at pansin. Nagkakaroon ng magkaibang
pagtrato sa mahirap at mayaman. Hindi napapakinggan ang hinaing ng mga nasa
laylayan ng lipunan. Sa kabila nito, hindi mawawala ang mga taong may paninidigang
maging boses ng mga nayuyurakan.

d.) Digmaan

Ang digmaan ay hindi lamang labanan o bakbakan sapagkat maaari itong digmaan ng
mga ideya, paniniwala at ipinaglalaban. Sa bawat digmaan may nananalo at natatalo.
May mga opinyong mas pinakikinggan sapagkat sila ay mas makapangyarihan o
malakas ang kapit sa namumuno. Sa pelikula, naipakita ang pagkakaiba ng
pinahahalagahan: ang grupo ng mga magsasaka na nais pag-aralin ang mga bata at
ang grupo naman ng rebelde na nais isali ang mga bata sa kilusan. Parehas silang
biktima ng pamahalaan ngunit magkaiba sila ng atake o paraan ng pagtugon dito,
samakatuwid, nagkaroon ng digmaan ng paniniwala o prinsipyo

e.) Kamangmangan

Ang kamangmangan ay hindi lang naman tumutukoy sa kawalan ng kakayahang


magbasa, magsulat o magbilang. Maaaring ito ay pagiging walang alam o kamulatan sa
mga bagay-bagay tulad ng nangyayari sa kapaligiran. Sa nobela at pelikula,
masasabing magpapatuloy ang pang-aalipin kung magpapatuloy ang kamangmangan.
Kailangang gisingin ang mga Pilipino mula sa mahimbing na pagkakaalipin upang
ipaglaban ang kanilang mga karapatan at mapuksa ang mapang-abusong pamahalaan.
IV. Tauhan

a) Mayor - Kapitan Heneral

Makikita sa kilos at pananalita nila na hindi nila ginagawa ang tungkuling nakadagan sa
kanilang titulo o posisyon sa pamahalaan. Kakikitaan ng pagiging alipin ng pera at hindi
ginagawa ang nararapat gawin bilang kawani ng pamahalaan.

b) Kareem – Simoun

Sila ay biktima ng mapang-abusong pamahalaan at ito ang naging dahilan ng kanilang


paggising ng damdaming makabayan. Bagamat magkaibang paraan ang ginamit nila sa
paghihiganti, iisa ang pangunahing layunin nila: ang pabagsakin ang pamahalaan at
maitaas ang kapwa Pilipinong nasa laylayan ng lipunan. Matatandaan sa pelikula, nang
mamatay sina Kapitan Badi at Aaquil, si Kareem ang unang nanghikayat sa mga kapwa
estudyante na umanib sa kilusan sapagkat wala raw maidudulot na mabuti kung
ipagpapatuloy ang pag-aaral nila.

c) Aasim – Basilio

Dahil sa pamahalaan, nawalan sila ng minamahal sa buhay, si Aasim ay namatayan ng


ina at si Basilio nama’y namatayan ng ina’t kapatid. Ang kasawiang ito ang nagtulak sa
kanila na umanib sa isang kilusang naglalayong maghiganti sa pamahalaan, si Aasim
sa mga rebelde at si Basilio kay Simoun.

d) Kapitan Badi – Isagani

Ninais nilang magtayo ng paaralan para sa kapwa Pilipino. Sa pelikula, bagamat


patuloy ang digmaan sa pagitan ng pamahalaan at rebelde, sinikap ni Kapitan Badi na
mabigyang ng edukasyon ang mga bata sa lugar nila kaya’t sa simpleng pamamaraan
ay binigay niya kay Aaquil ang responsibilidad na maging guro ng mga bata.
Samantalang si Isagani naman ay hindi kinatatakutan ang awtoridad, inihahayag niya
ang kanyang saloobin at adhikain kaya’t siya ang naging pinuno ng pangakt ng mga
estudyanteng nagpaplanong magpatayo ng paaralan para sa mga Pilipino.
e) Abdul – Kabesang Tales

Parehas pinagkaitan ng mga karapatan nila. Si Kabesang Tales ay inabuso ng


korporasyon ng mga prayle, nawala sa kanya ang lupang pinaghirapan, at umanib sa
mga tulisan. Ganoon din si Abdul sapagkat ipinagkait sa kanila ang oportunidad na
makapagtrabaho at karapatang magkaroon ng impraistruktura tulad ng ospital.

You might also like