You are on page 1of 3

Ang KODIGO ni KALANTIAW

José María Pavón y Araguro


Sa mga aklat ng kasaysayan ng pilipinas, si Kalantiaw ay isang datu
na naghari sa isla ng negros noong 1433. Sinasabing si Kalantiaw ang
kauna-unahang datu na nagpatupad sa kauna-unahang listahan ng batas
na pinangalanang "kodigo ni kalantiaw." ang mga kodigong ito ay nakilala
sa kanilang karahasan sa pagparusa at magkakasalungat na batas at
kaparusahan. Isa sa mga batas...
"ang sinumang pumatay, magnakaw o
manakit ng nakatatanda ay maaring
parusahan ng kamatayan. ang sinumang
mahatulan na maysala ay maaring bitayin
sa pamamagitan ng pagtali sa kanya sa
malaking piraso ng bato at paglunod sa
ilog o sa kumukulong tubig."
Noong 1968, ibinunyag ni William Henry
Scott, isang dalubhasa sa kasaysayan ng
pilipinas, na si Kalantiaw ay isang
panlilinlang na nilikha ng isang prayleng
nag-ngangalang Jose Maria Pavon.

ILANG MGA BATAS SA KODIGO NI KALANTIAW

1. Bawal pumatay, bawal magnakaw, bawal manakit ng matatanda. Ang


hindi makasusunod ay itatali sa bato at lulunurin sa ilog o sa
kumukulong tubig.

2. Kailangan magbayad ng utang sa tamang oras. Ang hindi


makasusunod sa unang pagkakataon ay lalatiguhin ng isang daang
beses. At kung ang pagkakautang ay malaki, ilulublob ang kanyang
kamay sa kumukulong tubig ng tatlong beses. At kung hindi talaga
makababayad ay bubugbugin hanggang sa mamatay.

3. Walang sinuman ang maaaring magkaroon ng asawang napakabata.


Hindi rin dapat mag-asawang higit sa kayang tustusan. Ang lalabag sa
unang pagkakataon ay kailangan lumangoy ng tatlong oras at sa
ikalawa, lalatiguhin ng may tinik hanggang mamatay.
4. Bawal gambalain ang katahimikan ng mga namatay. Dapat silang
igalang habang dumadaan sa kuweba o puno kung nasaan sila. Ang
hindi makakasusunod ay ipapakagat sa langgam o lalatiguhin ng may
tinik hanggang mamatay.

5. Ang pagpapalitan ng pagkain dapat ay patas at matapat. Ang hindi


tumupad ay lalatiguhin ng isang oras. Ang umulit sa di pagtupad ay
ipapakagat sa langgam sa loob ng isang araw.

6. Dapat sambahin ang kagalang-galang na lugar at ang mga puno. Ang


hindi makasusunod sa unang pagkakataon ay magbabayad ng ginto
katumbas ng isang buwang pagtatrabaho at sa ikalawa ay ituturing na
siyang alipin.

7. Ang puputol sa puno na dapat igalang, ang papatay sa matatanda, ang


papasok sa bahay ng pinuno ng walang permiso, at ang papatay sa
isda, pating at buwaya ay dapat mamatay.

8. Ang may-ari ng aso na kakagat sa pinuno, ang susunog sa araruhan


ng iba, at ang magnanakaw sa babae ng pinuno ay magiging alipin sa
loob ng ilang panahon.

9. Ang mga kumakanta habang nagtratrabaho sa gabi, ang pumatay sa


ibong manaul, ang pumunit ng dokumento ng pinuno, mga sinungaling
at ang mga naglalaro ng patay ay dapat mamatay.

You might also like