You are on page 1of 5

Dapat bang Dagdagan pa ng isang taon sa hayskul?

Magandang umaga po sa inyo bayan

At sa mga inaantok hoy! Gising ang panawagan

Narito po akong muli upang kayo ay handugan

Ang paborito ninyo, aking magandang balagtasan.

Aba eto ngayon si Dapat, na lagging bumabanat

Magiliw na nagpupugay, bumabating walang puknat

Dito’y ako’y tagahatol, lakandiwa po ang tawag

Mabait na lakandiwa, ang matalo’y bitay agad.

Ang unang tindig ay ang pumapayag

Na ang limang taon sa hayskul ay dapat

Sa pagtayo ni Dapat na may sigla’t gilas

Palakpakan natin, itong nagmamalas.


Dapat: (Unang Tindig)

Ang lahat na diwa nati’y tumataas

Habang lumalaon sa nasang pag-unlad,

Sa hayskul na batis ng dunong na hiyas

Ang apat na taong panaho’y di sapat.

Ang isang taon pang idaragdag ditto

Ay tulong sa batang mapurol ang ulo

Kaalamang dagdag na di magkakano

Ay tulong din naman ay pampatalino

Kaya’t ako nama’y lubhang nagtataka

Sa kabalagtas kong wala yatang mata

Sa paggalaw ng mundo, ate magmasid ka

Ang walang tiyaga’y nagmumukhang tanga

Ang aking mungkahi, tayo’y magtiyaga

Nang isang taon pang pandagdag na takda

Sa hayskul ang limang taong paghahanda

Ay may pamantasang hihintong tuwa.

Maniwala kayong may magandang dating

Yaong limang taong hayskul, na may ningning

Ang hindi sang-ayong ito ay magaling

Kung hindi man pangkal, ay makatang haling.


Di dapat (Unang Tindig)

Ang daigdig ngayo’y lubhang peligroso

Sa krisis pinansyal na pasan ng tao

At ang Pilipinas tigna’t apektado.

Marami sa atin ay walang trabaho.

Bagama’t nasanay ang pinoy sa hirap,

Ayaw ko sa hayskul ng santaong dagdag

Inaasam natin diplomang pangarap

Di man imposible’y magiging mailap.

Hindi Makikita sa dagdag na taon

Ang ganda’t kalidad ng hayskul sa ngayon

Manapa’y sa husay ng mga instruksyon

Ng aral may upa o walang twisyon.

Sa di matingkal ang hirap nitong Pinoy

Ang santaong dagdag ay tila kumunoy

Sa kitang karampot ni pobreng Mang Pandoy

Pagpasok ng anak, di matutuloy

Sa ating problema ay hindi panlutas

Ang dagdag sa hayskul ng santaong singkad

Ulap ang isip mo mutyang kabalgatas

O dapat, gumising ka, to’y realidad.


Lakandiwa

Titigil na muna akong lakandiwa

Na nasa pagitan ng dalawang makata

Kung may suliranin sa pananalasa

Saka mag-aawat upang pumayapa

Ngayon ay minsan pang aking tatawagin

Si dapat na lagging gumagaling

Sa kaniyang pagtula’y ating salubungin

Nang maatikabong palakpakan natin.

Dapat (Ikalawang Tindig)

Sa teknolohiyang ngayo’y umuunlad

Visual aids, computer, may bagong kalidad.

Sa komunikasyong talisik na ganap,

Lubhang kailangan ang oras na dagdag.

Ang buong santaong idadagdag sa hayskul

Matinong ideyang inihihimaton

Mabuting tanggapin itong mahinahon

Pagka’t ibubuga’y masusing pagsulong.

Sa ating lipuna’y naglipana man din

Ang mga masalimuot na usapin


Binging moralidad ay tutok sa bangin

Na pagkariwarang kay sarap tanggapin.

Tapos man ng hayskul ay di malalaman

Ang pagpapamilya at pananagutan

Ang marami’y walang pag-ibig sa bayan

Minamahalaga’y sarili lamang.

Ang mga ito ba’y dapat ituro?

Oo!, Kailangan!..,, itanim sa puso

Ito ay hamon din sa lahat ng guro

Dagdagan ang taon sa hayskul! –isamo

Di dapat (Ikalawang Tindig)

Tunay maunlad ang teknolohiya

At ang Pilipinas ay ayaw pauna

You might also like