You are on page 1of 9

FILIPINO 101

(Final Period)

Sanligan ng Modyul

Ang modyul na ito ay nakatuon sa pagpapaunlad ng apat na makrong kasanayang pangwika;


pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat gamit ang iba’t ibang tekstong Filipino. Sa
pamamagitan nito magagamit ng mga mag-aaral ang kanyang kasanayang pangwika sa mabisang
pakikipagkomunikasyon ayon sa kanyang pangangailangan at kanyang kapaligiran.

Pangkalahang Layunin

1. Lalong mapaunlad ang kasanayan sa pakikinig at pagsasalita para sa aktibong pakikilahok sa


mga gawaing pangklase at maging sa labas ng paaralan at pamayanan.

2. Makapagpahayag nang wasto, malinaw at epektibong mga kaisipan at pananaw.

3. Mapaunlad ang kasanayan sa pag-unawa, pagsusuri at pagbibigay kahulugan sa mga tekstong


napakinggan at nabasa.

4. Malinang at mapaunlad ang kasanayan sa pagsulat nang wasto at maayos na komposisyon


tungkol sa isang paksa o isyu.

PAKIKINIG

Lesson (1)
Panimula

Lahat ay kailangang making upang maging mahusay na komunikeytor kapag mahusay na


napakinggan ang sinasabi ng ispiker, magiging madali ang unawaan. May mga tao na hindi
marunong making at palasabat sa usapan, kaya nagkakaroon nang di ganap na unawaan. Kapag
kayo’y nakinig, maaari tayong makipagtanong at makipagpalitan ng kuru-kuro o palagay.
Yumayabong an gating kaalaman sa pakikinig at nalilimi natin ang bagong informasyon sa ating
napakinggan. Mas kailangan nating making nang madalas kaysa sa iba pang gawaing
pagkomunikatibo.

Layunin:

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng pakikinig.


2. Naipaliliwanag kung paano nagaganap ang pakikinig.
3. Natutukoy at nakikilala ang ibat’t ibang uri ng pakikinig.
4. Naipaliliwanag kung paano naging epektibong tagapakini

Gawain
Magtala ng mga trabaho o hanapbuhay na mahigpit na nangangailangan ng epektibong
pakikinig. Ipaliwanag ang inyong bawat sagot.

Gawain

Anu-ano ang iyong kaalaman tungkol sa pakikinig at anu-ano pa ang iyong gustong malaman?

Pagbasa at Pag-unawa

Ang pakikinig ay isang komplikadona proseso. Ang proseso ng pakikinig ay nahahati sa iba’t
ibang yugto ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Ang unang yugto ay resepsyon o pagdinig
sa tunog mapipikit natin ang ating mata ngunit hindi mo naisasara ang iyong ang iyong tainga
lagi itong bukas sa mga tunog sa mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na iyon
ang nagdaraan sa auditory nerve patungo sa utak.

Ang pangalawa ang rekognisyon o pagkilala sa tunog na kinikilala natin ang tunog hindi lamang
bilang ingay kundi bilang reyalidad. Ang pangatlo ay pagbibigay kahulugan. Ito ay nakabatay sa
dalawang naunang yugto at kung gayo’y mahigpit na nauugnay sa dalawa, ang pagbibigay
kahulugan sa tunog ay higit na diskriminatibong yugto.
Upang maging epektibong tagapakinig, kailangan nating isaalang-alang ang ilang elementng
nakaiimpluwensya sa proseso ng pakikinig.

a. Oras- sadyang may mga oras na ang ating pandinig ay handang-handa ngunit may mga oras
ding kulang iyon sa kahandaan.
b. Channel- madlas, ang daluyan ng tunog ay nagiging sagabal sa pakikinig. Kapag ika’y
nakikipag-usap sa telepono o radio, magiging Malabo ang pagkakadinig mo sa mga salita.
c. Edad- karaniwang mahina pa ang kakayahan ng mga bata sa pagbibigay kahulugan ng narinig
samantalang karaniwang humihina na ang pandinig ng mga matatanda.
d. Kasarian- may mga tao na higit na nakikinig sa babae kung paanong may iba naming sa lalaki
o kung ano ang preperensya nito.
e. Kultura- hindi maihihiwalay ang kultura sa pakikinig. Sa pagbibigay ng kahuilugan sa mga
tunog na narinig, ang isang tao ang lagging naiimpluwensyahan ng kanyang kultura.
f. Konsepto sa sarili- ang pagkakaiba-iba n gating pananaw ay maraming makaimpluwensya sa
proseso ng komunikasyon.
Kailangang linangin sa bawat tao ang kanyang kasanayan sa pakikinig upang ang lahat ay
magkaroon ng epektibong komunikasyon ngunit paano ito naisasakatuparan? Narito ang ilang
mungkahi:

1. Pakinggan huwag lamang ang mga salita kundi maging mensahe.


2. Tulungan angkausap na linawin ang kanyang mensahe.
3. Ipagpaliban hanggat maaari ang iyong mga paghuhusga.
4. Kontrolin ang mga tugong emosyunal sa narinig.
5. Pagtuunan ang mensahe.
6. Pagtuunan din ng pansin ang istruktura ng mensahe.
7. Patapusin ang kausap.
Gawain

a. Tukuyin ang mga elementong nakaiimpluwensya sa pakikinig.


1.
2.
3.
4.
5.
6.
B. magbigay ng tatlong mungkahi kung paano ang isang tao ang magiging epektibong
tagapakinig at ipaliwanag ang iyong sagot.

PAGSASALITA

Lesson (2)
Panimula

Ang isang taong epektibong magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao ay higit na medaling
nakakakuha ng respeto ng ibang tao. Ang isang taong kulang ang kasanayan sa pagsasalita ay
nahihirapang ikintal sa isipan ng ibang tao. Ang kanyang halaga at natatanging katauhan.
Pinatutunayan ng kasaysayan kung paanong ang kabiguang maipahayag ang sarili nang epektibo
ay kadalasan pa ngang nagbubunga ng pagguho ng mga pangarap ng isang tao.

Layunin:

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naibibigay at naipaliliwanag ang kahalagahan ng kasanayan sa mabisang tagapagsalita.


2. Naisa-isa at natatalakay ang mga pangangailangan sa mabisang pagsasalita.
3. Natutukoy at naipaliliwanag ang mga kasangkapan ng isang epektibong tagapagsalita

Gawain

Obserbahan ang paraan ng pagsasalita ng mga kilalang pinuno ng inyong komunidad, paaralan,
at bansa. Itala ang mga naobserbahan mong katangian nila sa kanilang pagsasalita sa harap ng
isang tao, sa harap ng maliit na pangkat at sa harap ng malaking pangkat. Suriin din ang himih,
paraan ng pagsasalita, tono at ang ekspresyon ng kanilang mukha.

Gawain

Anu-ano ang iyong kaalaman tungkol sa pagsasalita at anu-ano pa ang iyong gustong malaman?

Pagbasa at Pag-unawa

Ang mga pangunahing pinunong natanyag sa kasaysayan ng daigdig ay may isang katangiang
ipinagkatulad sa isa’t isa. Lahat sila ay may mataas na antas ng kakayahang magpahayag ng
ideya na kanilang naging kasangkapan upang umakit ng mga tagahanga at tagasunod. Marami na
ang natanyag at nagtagumpay bunga ng kanilang katangi-tanging kakayahang magsalita sa
paraang kinalulugdan ng mga tagapakinig. Ngunit ang kasanayang nagpatanyag at nagpaunlad sa
kanilang lahat ay isang kasanayang maaring linangin ng sino mang indibidwal sa kanyang sarili.

Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga participant nito kung gayon,
malaki ang impluwensya ng mabisang pagsasalita sa epektibong proseso ng komunikasyon.

1. Kaalaman- you cannot say what you do not know, kaya kailangang ang isang tagapagsalita
ang may sapat na kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay:
a. Paksa ng usapan
b. Bokabularyo
c. Gramatika
d. Kultura ng pinanggalingan ng wikang ginagamit mo.

2. Kasanayan- kailangang may sapat na kasanayan sa mga sumusunod:


a. Pag-iisip ng mensahe sa pinaka maikling panahon.
b. Paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, galaw, kumpas at iba pang
anyong di- berbal.
c. Pagpapaghayag sa iba’t ibang genre tulad ng pagsasalaysay,paglalarawan, pagllahad at
pangangatwiran.
3. Tiwala sa sarili- ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi
palakibo, may mahinang tinig, garalgal na boses, mabagal na pananalita, pautal-utal magsalita.
Paano makukuha ng isang nagsasalita ang inaasahan niyang reaksyon sa kanyang tagapakinig?
Sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng kanyang mga kasangkapan sa pagsasalita.

1. Tinig- ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita, kinakailangan ang tinig ay
maging mapanghikayat at nakakaakit pakinggan.
2. Bigkas- napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita. Ang maling pagbigkas
sa mga salita ay maaaring may bunga ng ibang pagpapakahulugan.
3. Tindig- sa isang tagapagsalita napakahalaga ng tindig kinakailangang may tikas, ika nga, mula
ulo hanggang paa.
4. Kumpas- ang kumpas ng kamay ay importante rin. Kung wala ito ang nagsasalita ay mag
mukhang tuod o robot.
5. Kilos- sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaari ring gumalaw. Ang mga mata,
balikat, paa at ulo.

Gawain

1. Anu-anong kaalaman ang kailangang taglayin ng isang tao upang siya’y maging isang
mabisang tagapagsalita.
2. Anu-ano ang kasanayang kailangang taglayin ng isang tao upang siya’y maging isang
mabisang tagapagsalita.
3. Anu-ano ang mga kasangkapan ng isang nagsasalita.
4. Magbigay ng tatlong kahalagahan ng paglinang ng kasanayan sa pagsasalita. Talakayin ang
bawat isa.
PAGBASA

Lesson (3)
Panimula

Ang pagbasa ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan


sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina. Ang pagbasa ay isa sa apat na kasanayang
pangwika, kasama nito ang pakikinig, pagsasalita at pagsulat.

Ang pagbabasa’y makatutulong sa pagtuklas ng karunungan sa iba’t ibang larangan. Naghahasa


ito ng kaisipan ng tao, nakapagdaragdag ng kaalaman, nagpapalawak ng pananaw, nagbibigay ng
kasiyahan, at nakapagdadala sa isang tao sa iba’t ibang lugar. Nagbubukas din ito ng daan upang
matuto sa iba’t ibang disiplina katulad ng Pilosopiya, Sikolohiya, Humanidades, mga Likas na
Agham, Agham Panlipunan, Kasaysayan, Matematika, Panitikan at iba pa.

Layunin:

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng kasanayan sa pagbasa.


2. Naibibigay ang kahalagahan ng kasanayan sa pagbasa
3. Naisa-isa ang mga yugto ng pagbasa
4. Natutukoy at natatalakay ang iba’t ibang uri ng pagbasa.
5. Nagagawa ang mga inaasahang makrong kasanayan sa pagbasa.

Gawain

Basahin ang kwentong Tanging Pamana ni Hilario Coronel at sagutin ang mga sumusunod.

Mga Sanhi kung


Mga epekto ng bakit nagtatagumpay
pagiging mahigpit ng sa pag-aaral ang anak
ama

Para sa iyo, alin ang higit na epektibong paraan ng pagdidisiplina sa anak, sa pamamagitan ba ng
pamalo o sa pamamagitan ng pangaral o diplomasya? Bakit?

Gawain

Anu-ano ang iyong kaalaman tungkol sa pagbasa at anu-ano pa ang iyong gustong malaman?

Pagbasa at Pag-unawa

Ano ang pagbasa? Ang pagbasa ay pagpapakahulugan o pagsasabi sa diwa o sinasabi ng mga
nakalimbag na sagisag ng kaisipan.
Pagbasa- pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag. Ayon
kay William S. Gray “Ama ng Pagbasa” ito ay nagaganap sa apat na yugto.

1. Ang pagbasa ng akda


2. Ang pag-unawa sa binabasa.
3. Ang reaksyon sa binasa.
4. Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman mula sa binasa at ng dating
karanasan.

Ang pagbasa ay mauuri ayon sa layunin at paraan. Sa layunin, masasabing ang mga ito ay masusi
at masaklaw samantala sa paraan, maaring ito ay tahimik na pagbasa (silent reading), pasalitang
pagbasa (oral reading), mabagal na pagbasa at mabilis na pagbasa. Narito ang mga aytem na
dapat isaalang-alang sa bawat uri ng pagbasa.

1. Masusing pagbasa- mapanuri at kritikal na pagbasa, ang emphasis nito ay nakatuon sa pag-
aaral sa mga nilalaman at istruktura ng texto.

2. Masaklaw na pagbasa- nakatuon ang pag-unawa sa pangkalahatang nilalaman ng binabasa at


hindi sa mga tiyak o ispisifikong detalye ng akda.

3. Pasalitang pagbasa- pagbasa ito sa isang texto na inangkupan ng wastong pagbigkas sa mga
salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig.

4. Tahimik na pagbasa (silent reading) mata lamang ang gumagana sa uri ng pagbasang ito.
Walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog na salita ang nalilikha ng
bumabasa ng texto.

5. Mabagal na pagbasa- hindi ito “undertime-pressure” na pagbasa. Ipinahihiwatig dito na


mahalagang-mahalaga na pag-ukulan ng interes ang mga salita sa akda. Ang mabagal n apagbasa
ay ang unang bilis sa pagbasa na tinatawag na “study speed”.

6. Mabilis na pagbasa- ito ay tinutukoy sa Ingles sa scanning at skimming na ginagamit na


paraan sa pagkuha at pagpili ng pangunahin at pagtingin sa kabuuan ng aklat bago tuluyang
basahin. Ito ay pagriribyu sa aklat ng mga kinakailanganing imformasyong kaugnay ng paksang
sasaliksikin.

Mga iba’t ibang kasanayan sa Pagbasa

a. pagtukoy sa pangunahing kaisipan


b. pagkuha sa mga mahalagang detalye
c. pagtukoy sa sanhi at at bunga
d. paghahambing at pag-uuri-uri ng mga kaisipan
e. pagtukoy sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
f. paghihinuha
g. pagbibigay ng mga opinion at reaksyon
h. pag-unawa sa mga idyoma at tayutay.
Gawain

a. Magbigay ng mga halimbawang seleksyon sa nabibilang sa dalawang uri ng pagbasa ang


masusi at masaklaw.

b. Basahin ang kwentong “ Walang Panginoon” ni Deogracias Del Rosario


ibigay ang buod nito at magbigay ng reaskyon at komento.

PAGSULAT

Lesson (4)
Panimula

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o isa sa ano mang kasangkapang maaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa
layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan. Ayon kay Dr. Lydia R. Lalunio ang pagsulat
ay isang prosesong sosyal o panlipunan, ang bunga ng intereksyong proseso ng mag-aaral at
produkto sa sosyo-kultural na konteksto na nakaapekto sa pagkakatuto.

Napananatiling buhay ang kultura at hindi nababaon sa limo tang kasaysayan ng isang bansa.
Ang mga nasulat na tala ay mababasa ng salinlahi kaya’t malalaman nila ang pinagdaanan ng
kanilang bansa.

Layunin:

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipapaliwanag ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat.


2. Natatalakay ang kahalagshan ng kasanayan sa pagsulat.
3. Nakikilala, natutukoy at naipaliliwanag kung ano ang talata.
4. Nakasusulat ng isang maayos at malinaw na talata batay sa isang pamaksang pangungusap.
5. Nagagamit ang angkop at wastong bantas sa pagsulat ng komposisyon.
6. Nakasusulat nang wasto, malinaw at maayos na komposisyon.

Gawain

Sumulat ng isang talata batay sa pamaksang pangungusap na ito: Nakita ko sila sa parke
bagama’t hindi nila ako napansin.

Gawain

Anu-ano ang iyong kaalaman tungkol sa pagsulat at anu-ano pa ang iyong gustong malaman?

Pagbasa at Pag-unawa
Ang pagsulat ay kapwa isang fisikal na mental na aktiviti na ginagawa para iba't ibang layunin.
Ito ay fisikal na aktiviti sapagkat ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa papel, o sa pagpindot
ng mga keys ng typewriter o keyboard ng computer. Ginagamit din sa pagsulat ang mata upang
imonitor ang anyo ng writing output kahit pa ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng ideya ayon
sa isang tiyak na metodo ng development at patern ng organizasyon at sa isang istilo ng gramar
na naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit.

MGA YUGTO NG PROSESO NG PAGSULAT


a. Prewriting
b. Drafting
c. Revising
d. Editing
e. Final Document

Ang Talata ay isang pangungusap o grupo ng mga pangungusap na inorganiza upang


makadevelop ng isang ideya hinggil sa isang paksa bilang bahagi ng isang komposisyon o upang
magsilbing pinakakomposisyon mismo. Ang talata ay binubio ng isang pangungusap ay maaring
kahit na anong uri ng pangungusap.

PAGBABANTAS

Tuldok (.) - ginagamit bilang panapos sa pangungusap na paturol at sa ilang pangungusap na


may himig-pautos o pakiusap

Tandang Pananong (?) - bilang panapos sa pahayag na patanong?


Sa loob ng panaklong, bilang pananda sa isang tala o pahayag na walang katiyakan.

Tandang Panadamdam (!)- sa mga pagpapahayag at bukambibig na nagsasaadng masidhing


damdamin.

Kuwit(,)- upang paghiwalayin ang tatlo o magkakasunod na salita o kipil ng diwang


magkakatulad ng tungkulin sa pangungusap.
*upang ihiwalay ang pangangalang panawag sa iba pang bahagi ng pangungusap.

*upang ihiwalay ang pangalan ng nayon sa bayan, ng bayan sa lalawigan, ng lalawigan ng bansa,
o ng kau-kaukulang baha-bahagi ng pook.

*upang ihiwalay ang bilang ng araw o buwan sa taon.

*upang ihiwalay ang nangungunang sugnay sa pang-abay sa iba pang bahagi ng pangungusap.

*upang ihiwalay ang tuwirang sabi sa ibang bahagi ng pangungusap.

*upang ihiwalay ang tuwirang sabi sa ibang bahagi ng pangungusap.

*upang ihiwalay ang tuwirang sa ibang bahagi ng pangungusap.


*upang ihiwalay ang tuwirang paturol na bahagi sa patanong na bahagi ng pangungusap.

Tuldok-kuwit (;)- sa pagitan ng mga sugnay na hindi pinag-uugnay ng pangatnig.

*Sa pagitan ng mga sugnay na pinag-uugnay ng mga pangatnig.

Tutuldok(:)- Upang ilahad ang magkakasunod na mga bagay na inilalahad isa-isa.

*Sa isang pahayag na nangangailangan o sinusundan ng isang pagpapaliwanag.

*Sa diwa ng pangungusap na nangangailangan ng pigil na pagbigkas upang sundan ng bahaging


binibigyang-diin ng sumusulat.

*Sa bating panimula ng mga formal na liham.

Tulduk-tuldok(....)- kapag sa loob ng pangungusap ay may salita, kaisipan o anumang bahaging


kinaltas.

*Sa pagpapahayag na may pag-aatubili, pag-aalinlangan o pagkakaantala.

Kudlit (')- sa pagpipisan ng magkasunod na salaita at pangatnig na at o ay upang mapaikli ang


pagsulat at pagbigkas.

Panaklong ()- ginagamit sa mga salita, parirala, o pananda o sagisag at sa anumang kipil ng
kaisipan bilang karagdagang diwa sa pagiging ganap at malinaw na
pagpapahayag.

Panipi (" ")- upang kulungin ang isang tuwirang sabi kung iyon ay hindi magagawang
maitalizado.

*upang kulungin ang buong pamagat ng isang likhang sining.

*upang kulungin ang mga salitang hinango sa mga banyagang wika na hindi pa laganap ang
paggamit ng bayan.

Gawain

Sumulat ng isang komposisyon sa paksang napili gamit ang iba’t ibang uri ng bantas.

You might also like