You are on page 1of 4

MT.

EVEREST

Kinikilala rin bilang Sagarmatha sa Nepal at Chomolungma sa Tibet ang bundok ng Everest. Makikita
ang nasabing bundok sa bunlubundukin ng Mahalangur ng Nepal at Tibet. Sa taas na 29, 029 talampakan o
8,848 metro, ang Everest ang kinikilalang pinakamataas na bundok sa buong mundo kung altitud ang
pagbabasehan.

Marami ang nais umakyat sa bundok na ito at karamihan sa mga ito ay mga propesyunal. Dalawa ang
ruta ng pagakyat patungo sa tuktok ng bundok: isa ang mula sa timog silangan ng Nepal at ang pangalawa ay
ang mula sa norte ng Tibet. Ngunit, nababalot din ng kapahamakan ang mga taong nagnanais umakyat dito. Ilan
sa mga maaaring maranasan ng mga namumundok dito ay ang “altitude sickness”, panahon, hangin at mga
“avanlanches”. Marami na ang nagtangkang akyatin ang bundok nna ito at marami na ang nasawi. Ilan pa sa
mga ito ay nagsilbing palatandaan sa ibang mamumundok.

Refleksyon:

Nababalot ng kagandahan ang bundok ng Everest.


Ito marahil ang dahilan kung bakit marami ang nais na
akyatin ang nasabing bundok. Ngunit, kung ating iisipin,
kaakibat ng kagandahan nito ay ang panganib na dulot ng
pagakyat sa bundok na ito. Ito ang isa mga mahahalagang
leksyon na ating matututunan. Hindi lahat ng bagay ay
medaling makuha bagkus, kailangan paghirapan ito. Sa
bandang huli, makikita natin ang kagandahan sa ating
pinaghirapan.
GREAT WALL OF CHINA

Ang Great Wall of China ay isa sa mga natatanging kagandahan ng mundo at kasama sa listahan
ng “World Heritage” ng UNESCO noong 1987. Ikinukumpoara ang nasabing pader sa isang dragon na
lumilibot sa disyerto, kapatagan, bundok at talampas na may habang 21, 19 na kilometro.

Itinayo ang pader na ito noong “warring states period” o mga panahon na nahahati pa ang Tsina sa
iba’t ibang kaharian sa Tsina. Isa itong pangdepensang arkitektura ng tatlong kaharian: Yan, Zhao, at Qin.
Nagsimula ito bilang hiwahiwalay na pader ng iba’t ibang kaharian hanggang sa maging magkakaduksong
noong dinastiya ng Qin. Ginawa ito para panlaban sa mga “Huns” ng norte.

Refleksyon:

Malawak ang kasaysayan ng pader na ito ng


Tsina. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit marami
ang nahuhumaling at pumupunta para makita ito.
Masasabi natin na tunay ang mga pangyayari ng
nakaraan sa pamamagitan ng mga ganitong
istraktura at artitekto. Sila ang nagsisilbing
ebidensya n gating nakaraan. Hindi man tayo
nabuhay sa panahong ginagawa pa lamang ang mga
bagay na ito ngunit dahil sa nakikita at nakatayo pa
rin sila mula ngayon, kahit paano ay nasaksihan
natin ang kanilang istorya.
KL TOWER

Ang KL tower ay tinatawag ding Menara Kuala Lumpur at makikita sa sentro ng Kuala Lumpur,
Malaysia. Ito ang pang-pito sa pinakamataas na tore para sa komunikasyon sa buong mundo.
Tinatahalagang mayroon itong 421 metro na taas. Nakatayo ang nasabing tore sa isang maliit ng burol kaya
naman maganda ang makikitang tanawin dito. Napapalibutan din ito ng isang kagubatan at ang makikitang
parang bumbilya sa may tuktok nito ay isang kainan at obserbatorya.

Binuksan ang KL tower noong 199 sa publiko, limang taon matapos simulant ang paggawa dito.

Refleksyon:

Ang Kuala Lumpur ay tinataguriang lugar kung


saan makikita at mararanasan ang iba’t ibang lahi at kultura.
Sa makatuwid, isa ito sa mga lugar kung saan maari mong
maintindihan ang ibang lahi. Pinapakita dito na hindi sa
bawat oras, gulo ang magiging resulta ng iba’t ibang
pananaw at kultura ng tao. Maaaring intindihin natin ang
isa’t isa at mamuhay ng samasama. Dahil dito, ang KL tower
ay masasabing simbolo ng Malaysia bilang isang nasyon
kung saan nagsasamasama at nagkakahalubilo ang iba’t
ibang klase ng tao, kultura, at relihiyon.
LUNETA PARK

Tinatawag din bilang Rizal Park, makikita ang Luneta Park sa Manila, ang kapital ng Pilipinas.
Ang pangalang Luneta ay nagmula sa salitang “Luna” dahil ang parke ay korteng buwan. Dati ay tinatawag
itong Bagumbayan ngunit hindi kalaunan ay pinalitan na din ito ng Luneta.

Tanyag ang parke sa kadahilanag dito pinatay ang pambansang bayani na si Jose Rizal sa kamay
ng mga Espanyol. Subalit, bago pa man patayin dito si Rizal ay tanyag na ang parke bilang lugar ng
pagpapatupad ng kamatayan ng ilan sa mga kriminal at kalaban ng mga Espanyol.

Refleksyon:

Ang Luneta Park napupuno ng kasaysayan


na mahalaga sa ating bansa.

You might also like