You are on page 1of 3

ANG MGA DULA AT TELESERYE SA KASALUKUYAN

Ulat ni: Teresa O. Lotereña


I. DULA
Isang uri ng sining na nagsasalaysay ng isang kwento sa pamamagitan ng
pagsasalita at pagkilos ng mga gumaganap na tauhan.
Bagamat ang dula ay isang uri rin ng panitikan, masasabing ito ay naiiba sa
ibang mga katha dahil sa paraan at istilo ng paglalahad nito.

Ang dula sa alinmang panahon ay ginagamit ng manunulat sa


pagpapahayag ng kanilang kaisipan at damdamin. Batid nilang medaling
naipaaabot at nalalarawan ang alinmang mensahe sa pamamagitan ng teatro.
Higit na epektibo, sapagkat bukod sa usapan, ang tagpo at kilos ng mga tauhan
ay malinaw na nagbabadya ng nais ipaabot sa manonood. May dulang tatlong
yugto, ngunit karaniwa;y isa lamang.

Ang nobela at ang dula ay kapwa nagsasalaysay ng mga pangyayari ngunit


ang nobela ay nakalimbag at binabasa samantalang ang dula ay itinatanghal
at pinanunuod.

Makikitang may higit na pagkakahawig ang dula sa pelikula lalo na ngayong


may mga dula na ring ipinalalabas sa telebisyon. Datapwat ang pelikuula sa
sinehan ay maaring ulitin ang panunuod ngunit ang sa telebisyon ay
hindi.Ngunit sa pamamagitan ng pag-unlad ng teknolohiya, ang dula ay maari
na ring ulit-ulitin sa pamamagitan naman ng internet.
Mayroong yugto sa buhay ng dula ang halos ito ay nawala na sa larangan
dahil sa pamamayagpag ng pelikula. Sinasabing ang pelikula raw ang pumatay
sa dula. Ngunit sa paglipas ng panahon, na halos mamatay na rin ang pelikula
dahil naman sa pagpasok ng mga telenobela mula sa iba’t ibang bansa gaya
ng Korea. unti-unti namang umuusbong o maaring sabihing muling
namumulaklak ng dula sa panahong ito dahil naman sa pagpasok ng mga
namimirata. Sa kabila ng malaking gastos ng mga prodyuser sa paggawa ng
pelikula, tila nakikipagagawan naman sila sa mga pirate kung kailan ipapalabas
ang isang pelikula. Dahil dito, muling umusbong ang dula dahil ito ay hindi
maaring ibenta ng basta lamang sa bangketa.
Sa panahong kasalukuyan, may mga samahan o pangkat na nagbigay ng
mga parangal sa mahuhusay na akda ng dula. Dahil dito maraming mga
bagong manunulat ang nagnais na makapagambag sa pagsulat ng dula. Ilan
sa mga akdang nagkamit ng unang gantimpala ay ang mga sumusunod:
Dulang may isang yugto:
1990- “Usapang Babae” ni Cris Millado
1992- “ Daigdig Dinaig ng Makamundong Pananalig ni Abel Molina
- “Dalawang Mukha ng Kagubatan” ni Emelina G. Regis

Dulang May Tatlong Yugto


1990 – “Deuterium” ni Bienvenido M. Noriega Jr.
1991 – “ Baclaran” ni Wilfredo S. Victoria

Dulang Pantelebisyon
1990- “ Patay-Bata” ni Manuel R. Buising
-“ Ang Pagbabalik ni Kiwada” ni Emmanuel Quindo Palo
1992- “ Walang Lunas” ni Ronaldo Tumbokon

TELENOBELA
Ang salitang telenobela ay hango sa dalawang salitang telebisyon at
nobela. Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na nasusulat sa mga aklat.
Hindi ito kinakayang basahin sa iisang upuan lamang dahil sa haba nito. Binubuo
ito ng ilang yugto o tagpo.
Kinalaunan umusbong ang telebisyon sa ating bansa dahil pumasok na ang
makabagong teknolohiya na nag-ambag ng malaking pagbabago sa ating
panitikan.
Ang dula na dati-rating nasa radyo ay tinangka ring ipalabas sa telebisyon
na umani naman ng di- matatawarang suporta ng mga tagatangkilik.
Dito nagsimulang magkaroon ng napakaraming linya ng iba’tibang panoorin
na ang naging tagapanood ay karaniwang mga maybahay na noon ay hindi
nagtatrabaho sa labas bagkos ay naiiwan sa mga tahanan at siyang naglilinis, at
nangangalaga sa mga anak. Karaniwan na ring hawak ng mga kababaihan noon
ang labada sa araw-araw.
Di naglaon, naihambing ang mga dula at labas sa telebisyon sa sabong
pambahay. Sa kadahilanang madalas pakinggan ng mga maybahay ang isang
opera sa radyo ay tinawag nang isang Soap Opera.
Hanggang nagpasimulang ipinalaganap ang telebisyon ditto sa Pilipinas sa
50’s, at kanilang isinalin sa telebisyo ang duladulaan.
Dekada 50 ay nagpasimulang ilunsad ng ABS-CBN ang dula sa telebisyon.
Dekada 70 naman ay sumikat ang soap opera sa iba’tibang istasyon. Ilan
sa mga kilala at di malilimutang drama serye sa telebisyon noon ay ang AnaLiza
ni Julie Vega na kinumpetensiya naman sa kasabayang Flor de Luna ni Janice de
Belen.
Nagmarka sa isang simple at nasisimula pa lamang na istasyon ang mga
soap opera. Isa ang ABS-CBN noon sa mga nagsimula ng mga bagong soap
opera na panghapon sa telebisyon. Sumunod sa mga pinasikat nilang drama noon
ay ang Gulong ng Palad at Ana Luna.
Mga baguhang artista lamang ang pinagaganap noon sa kadahilanang
mayroon lamang silang limitadong badyet sa pagbuo ng isang palabas.
Kinalaunan, tinanggap at tinangkilik ng mga manonood ang mga pangunahing
artista at nagpasimulang umusbong ang kanilang karera.
Dekada 90 nang magpasimulang sumikat at nakilala ang isa sa highest
rated at ang longest soap opera sa bansa, ang Mara Clara na nagpasikat kay Judy
Ann Santos.Ang soap operang ito na halos tumagal ng 5 taon ay nasundan pa ng
ilang mga dekalidad na drama series sa ABS-CBN.
Sunod-sunod na inilunsad ng network ang MULA SA PUSO, Esperanza at
Marinella.
Nang pumasok ang bagong milenyo, pumasok na ang teleseryeng
Pangako sa Yo nina Jerico Rosales at Kristine Hermosa, Sa Dulo ng Walang
Hanggan at Sa Puso ko, Iingatan Ka.
Lumipas ang mga taon at tila ba nainip ang mga manonood sa haba ng
isang kwento sa isang telenobela. Tila sumabay sa bilis ng panahon ang
damdamin ng mga manonood na maging mabilis din ang bawat pagtalakay sa
mga palabas. Pumasok sa bansa ang kauna-unahang serye na nagmula sa
Mexico na may pamagat na Marimar. Isang panooring ginagampanan ng mga puti
ngunit ang maririnig ay boses at salin sa wikang Filipino. Tinanggap ito ng marami
at nag-ugat sa pagsunod pa ng ibang mga palabas gaya ng Maria La Del Barrio
at Maria Mercedez. Marami ang naaliw sa palabas na siyang tumugon sa
kagustuhan ng mga manonood ng isang panooring hindi gaanong matagal ang
paghihintay kung paano magtatapos ang kwento.
Nasundan pa ito ng ibang panooring mula sa iba’tibang bansa ngunit higit
na tinangkilik ang mga nobelang mula sa Korea gaya ng Jumong, Meteor Garden,
Stairways to Heaven, Coffee Prince at marami pang iba.
Sa kasalukuyan, kilalang-kilala ang mga panooring pantelebisyon sa tawag
na KOREANOBELA. Ang dating soap opera, na naging teleserye at naging
telenobela at naging Koreanobela na sa ngayon.

You might also like