You are on page 1of 1

BANTUGAN (Epiko ng Mindanao)

Si Bantugan ay isang prinsipe sa kaharian ng Bumbaran. Si prinsipeng bantugan ay kapatid ng


haring Madali na hari naman sa kaharian ng Bumbaran. Si prinsipeng Bantugan ay kilala na makisig
at sobrang matapang kaya marami ang nagkakagusto na dalaga na siya ay maging asawa . Kaya
madalas na mainggit ang kanyang kapatid na si haring Madali kay prinsipe Bantugan . Nang dahil sa
inggit ay gumawa ng panibagong utos ang haring Madali na bawal kausapin si Prinsepe Bantugan at
kung sino man ang lumabag sa kautusang ito ay magkakaroon ng parusa . Nang dahil sa panibagong
utos ng haring Madali ay naging malungkot ang prinsipeng Bantugan at ito ay nagkaroon ng
malubhang sakit at ito ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay . Si prinsipeng Bantugan ay
namatay sa pintuan ng kaharian na nasa pagitan ng dalawang dagat . si haring Rito at ang kanyang
kapatid na babaeng si prinsesa Datimbang ay naguguluhan dahil hindi nila kilala ang namatay na si
prinsipeng Bantugan. Kaya ang mga ito ay tumawag sa mga Pulo ng mga tagapayo habang tinitingnan
ang namatay na si prinsipeng Bantugan . May isang ibon ang pumasok at ang ibon na ito ay isang Loro
at sinabe ng Loro na ang namatay na yan ay si prinsipe bantugan na nagmula sa Bumbaran at agad
itong binalita ng loro sa haring Madali .
Nang mabalitaan ni haring Madali ang nangyare kay prinsipeng Bantugan siya ay nalungkot at ito ay
agad na pumunta sa langit upang bawiin ang kaluluwa ng prinsipe . Habang dala ng hari ang kaluluwa
ng prinsipe, dala naman ng prinsesa Datimbang ang katawan ng prinsipe sa Bumbaran . Doon
pinagsanib ang kaluluwa at katawan ni prinsipe Bantugan . Dun muling nabuhay ang prinsipe
Bantugan . Dahil nabuhay muli ang prinsipe ay nagdiwang ang kaharian ng Bumbaran .
Nang mabalitaan ng kaharian ng Miskoyaw ang nangyari kay prinsipe Bantugan nilosob agad nito ang
kaharian ng Bumbaran . Lumaban si prinsipe Bantugan sa mga lumusob sa kanilang kaharian ngunit
dahil mahina pa siya dahil sa kakabuhay nya lang . Siya ay nabihag at nahule ng mga lumusob sa
kanilang kaharian at dinala siya ng mga ito. Si prinsipe Bantugan ay ginapos, ngunit ng magbalik ang
kanyang lakas agad niya nilagot ang pagkakagapos sa kanya . Dun niya nilusob ang kaharian ng
Miskoyaw . Niligtas niya ang kanilang kaharian sa kamay ng kaharian Miskoyaw at naligtas naman
niya ng ligtas ang kanilang kaharian . Nang maligtas niya ang kanilang kaharian, tinuloy nila ang
kanilang pagdiriwang. dun na nagsimula na mawala ang pagkaingit ni haring Madali sa kanyang
kapatid na prinsipeng Bantugan. at dahil sa nangyareng iyon dinalaw niya ang lahat ng prinsesang
kanyang kapitan at ito ay kanyang pinakakasalan at inuuwe sa kanilang kaharian. Buong puso naman
itong tinatangap ng haring Madali . Dun na namuhay si Prinsipeng Bantugan ng mapayapa at
maligaya.

You might also like