You are on page 1of 3

Panimula

1. Panimula- - Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala
ang iba sa mga tauhan ng kwento.

2. Sumisilip pa lamang ang araw ng kami'y lumusong sa landas na patungo sa tubigan ni Ka Teryo.
kasabay namin si Ka Albina na kasama niyang si Nati at ang kanyang pamangking si Pilang. Ang tatlo'y
may sunong na mga matong ng kasangkapan at pagkain.

b. Saglit na Kakintalan

1. naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

2. Nang Kami'y dumating sa tubigang aararuhin ay malapit nang makatapos ng pagtitilad si Ka Ipyong
at si Fermin. Sa hindi kalayuan ay natanaw naming dumating sina Ka Punso, Ka Imong, Toning , Ilo, at
Asyong. Sa malayo ay may ilan nang dumarating na hindi namin mapagpasiya.

c. Papataas na Aksyon

1. yugto sa kwento na nagpapaigting sa interes ng mambabasa sa kwento, na nagiging tulay


patungong kasukdulan o climax.

2. Pumilantik si Ore at sinabayan ng isang sutsot. Lalong nag-umahon ang mga kalamnan sa mga hita
ng kanyang kalabaw. Umigpaw ang kalakian. Muling pumilantik si ore. Lalong bumilis ang hakbang ng
kanyang kalabaw. At sa layo nang dalawang unat-suga ay unti-unting umabot si Ore kay Pastor. Isa pang
pilantik. Nag-umunat angkalabaw ni Ore. Bumubula ang bunganga ng kalakian. Yuko ang ulo at lahat ng
lakas ay ibinigay na. Lalo kaming naghiyawan.

d. Kasukdulan
1. yugto sa kwento na makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.

2. Dahan-dahang lumapit sa amin si Ore. Mapulang mapula ang kanyang mukha. At paulit-ulit niyang
ikinukuskos ang kanyang mga palad sa kanyang pantalong maong. Malinis na malinis na ang palad
ni Ore ay kuskos pa rin siya nang kuskos. Naiisip ko tuloy: mayroon kayang putik ang kanyang mga palad
na siya lamang ang nakakakita?

e. Pababang Aksyon

1. Yugto ng kwento na nagtutuloy sa pagwawakas ng kwento.

2. Nang ako'y tumayo upang tunguhin ang kalabaw ni Ore, nakita kong palapit si Pilang sa binata. At
doon sa kinauupuan ng binata - ilang hakbang ang layo sa karamihan - doon siya dinulutan ni Pilang. Ano
kaya ang kanyang sinasabi kay Ore?

f. Wakas

1. Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.

2. Nang ako'y muling tumanaw mula sa aking pagsasaboy ng tubig sa humihingal na kalabaw ay
nakita kong tila naibsan na ng hirap si Ore. At mula sa kinatatayuan ko, ang mga binti ni Pilang ay tila
lalong mapuputi.

g. Tunggalian

1. ito ang paglalaban ng dalawang pwersa na namamayani sa kabuuan ng kwento: May apat na uri:
tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan
2. Tao laban sa tao; dahil sina Pastor at Ore ay naglalaban para sa puso ng dalagang si Pilang.

5. Reaksyon- Maganda ang kabuuan ng Kuwento, naipapakita ang teoryang kaakibat nito.

You might also like