You are on page 1of 1

Kasaysayang Oral: Ang “Kapisanang Panitikan,” Ugat ng

Makabagong Panitikan sa Tagalog


Abueg, Efren R.

Discipline: History

Abstract:

KUNG UUGATIN ANG PANITIKAN sa wikang Tagalog,makikita ang corpus (katawan) nito sa
oral na tradisyon. Hindilamang saklaw nito ang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas
atpagtitipon nila ng iba't ibang anyo ng panitikan. Daang taon,marahil, bago pa lumaganap
ang ideya ng eksplorasyon, angPilipinas na tinatawag sa iba-ibang pangalan (tulad ng Ma -
i)ay mayroong nang panulaan (bugtong, awiting-bayan,

salawikain, epiko, ritwal). Sa mga anyong ito ng panitikannaihayag ng ating mga ninuno ang
kanilang kaisipan, damdamin,saloobin, bisyon at sa mga iyon masasalamin din ang
angkanilang mga positibo at negatibong katangiang panloob atpanlabas, patina ang kanilang
mga abentura't karanasan at mgapang-araw-araw na kilos at gawi nila sa lipunan. Lalo nasa
mgaliblib na kagubatan, at sa mga malawak na kapatagan, angpanitikang oral ay buhay at
kasangkapang mahalaga naipinamamana ng ating mga ninuno sa kanilang angkan sa
mgasusunod na salinlahi. Kaya masasabing mas matagal angtradisyong oral sa ating
panitikan kung ihahambing sa tradisyongpasulat na nagsimula lamang nang magdala rito ng
sistema sapaglilimbag ang mga Kastila noong kalagitnaan ngikalabimpitong siglo. At ang
tagal ng tradisyong iyan aymasusukat sa patuloy na pag-iral ng literaturang oral sa
mgagrupong etniko sa mga lugar ng kabundukan at karagatan. Patinasa mga lungsod at
bayan ay mababakas din ang pananatili ngliteraturang oral sa mga kasabihan ng mga
manggagawangdrayber at kantahing bayan ng mga mangingisda at magtatanim.Ito ang
batayan kung bakit sa mga disiplina ng pag-aaral, angpamamaraang oral ng pananaliksik ay
ginagamit kung lubhangmatagal nang lumipas ang mga pangyayari sa kasaysayan
atmatatanda na't iilan pa ang mga respondent.

You might also like