Upang maging kapantay at katulong nya Maging kapantay sa kahit anumang bagay Katulong sa hirap at ginhawa ng buhay.
Subalit ng minsang panahon ay magbago
Pantay na pagtingin sa’yo ay bigla na lang naglaho Sa karapatan ikaw ay naging salat Napermi para sa gawaing bahay ay maging sapat.
Pag-aaral ay pinagkait Upang sa simbahan ay magamit Mga pangarap ay kinalimutan at isinantabi Namuhay ayon sa dikta ng lipunan na napakasimple
Sa hinaba ng panahon na ikaw ay nanahimik
May damdaming pilit na naghihimagsik Katanungang ito sa iyong isip naghihintay kung kailan masasambit Pagiging kapantay ng lalaki sa lipunan kailan kaya makakamit?
Kalaunan himagsik ng damdamin ay di na napigil pa
Hanggang sa tuluyang pantay na karapatan ay ipinaglaban na Nag-aral, nagpursige at nagtapos Hanggang sa ang pangarap ay iyo ng nayapos
Doktor, nars, abogado
Presidente, guro, piloto Pulis, enhinyero, sundalo Ito ay iilan lang sa mga titulo na iyo ng natamo
Babae, mabuhay ka!
Nagagawa ng lalaki ay nagagawa mo na Magkasamang tinitingala ngayon sa pidestal Dahil hinugot at hinulma kang may pusong bukal.