You are on page 1of 2

Ano ang wika?

 Heny Gleason – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Masistemang Balangkas - Ang lahat ng wika ay may sinusunod na kaayusan o balangkas ng pagkakabuo.
1 Ponolohiya -Tunog
2 Morpolohiya- Salita
3 Sintaks- Balarila/Pangungusap

 Batay sa aklat nina Bernales et al. (2002) - Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong cues na maaring berbal o di- berbal.
Berbal – Pasalita o pasulat. Ginagamitan ito ng mga salita.
Di-berbal – Pagbibigay mensahe ng hindi ginagamitan ng salita, maaaring sa pamamagitan ng larawan, kumpas
ng kamay (sign language) at iba pa.

 Batay sa aklat nina Mangahis et al. (2005) -- Binabanggit dito na may mahalagang papel na ginagampanan ang
wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi
sa pagkakaunawaan.
Tagahatid ng mensahe(nagsasalita) – Tagatanggap ng mensahe(nakikinig)

• Pamela C. Constantino at Galileo s Zafra (Edukador) - Ang wika ay isang kalipunan(pinagsama-sama) ng mga
salita at ang pamamaraan ng pagsasama- sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga
tao.

• Bienvenido Lumbera (2007)Ang wika ay parang hininga, gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat
pangangailangan natin.

• Alfonso O. Santiago (Lingguwista 2003)"Wika ang sumasailalim sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin,
kaisipan, o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng to sa lipunan"

 Diksiyonaryo - ang wika ay sistema ng komunikasyon ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang
simbolo.

• Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2001) ang wika ay "lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na
laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan."

Kahalagahan ng Wika

o Instrumento sa Komunikasyon
o Mahalaga sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao.
o Naipakikilala ang kultura dahil sa wika.
o Ginagampanan ng wika ang tagapagpanatili ng pambansang kamulatan at pagkakakilanlan.
o Wika ang nagsisilbing tagapag-inggat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman
o Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at magkaunawaan ang iba't ibang grupo
ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit

KALIKASAN (KATANGIAN) NG WIKA

Ayon kay Henry Gleason may tatlong (3) katangian ng wika:

1. Masistemang Balangkas - binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang wika na makalikha ng mga yunit ng
salita na kapag pinagsama-sama sa isang maayos at makabuluhang pagkakasunod-sunod ay nakabubuo ng mga parirala
pangungusap, at talata.

2. Wika ay arbitraryo - pinagkakasunduan ang anumang wikang gagamitin ng mga grupo ng ao para sa kanilang pang
araw- araw na pamumuhay.

3. Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura.


4. Buhay o dinamiko(nagbabago) – Ang wika ay nagbabago sa pagdating ng panahon. May salitang namamatay dahil
hindi na ito nagagamit.
Halimbawa: Noon – kasampwego
Ngayon – posporo
5. Unique o natatangi – walang wika ang magkatulad
6. Walang superior na wika – lahat ng wika ay pantay-pantay sapagkat may kanya kanya itong katangian.
7. Ang wika ay kabuhol ng Kultura – Nahihinuha/nalalaman ang kulturang kinabibilangan ng tao sa pamamagitan ng
wikang ginagamit nito.

ILAN PANG KAALAMAN TUNGKOL SA WIKA


 May 5,000 wika ang sinasalita sa buong mundo.
 May humigit kumulang 180 wika ang sinasalita sa Pilipinas.
 Heterogenous – ang wika sa Pilipinas dahil marami ang wika na sinasalita rito.
 Homogenous – ang tawag sa sitwasyo ng isang bansa kung isa lang ang umiiral na wika rito.

WIKA, DIYALEKTO, BERNAKULAR


 WIKA – salitang naimbento para tukuyin ang sinasalita/wikain.
 DIYALEKTO – wikang pangrehiyon (bisaya, ilokano, Kapampangan)
 BERNAKULAR – wikang katutubo

BILINGGUWALISMO -

You might also like