Talumpati Sa Mathematics Final

You might also like

You are on page 1of 4

Exciting adventures. White sands. Friendly locals. Rich history and culture.

Sumptuous delicacies. Amazing tourist destinations. It’s more fun in the Philippines!

Ito ang mga tag line na ginagamit sa panghihikayat sa mga dayuhan na bisitahin
ang ating bansa. Merong mga naeengganyo pero meron ding mga nag-aalinlangan.
Bakit? Maaring dahil sa mga maling persepsyon….dahil sa hindi magandang inilalathala
o paglalarawan na ibinibigay ng international media sa atin.

Kung kaya naman hangga’t hindi natin naaalis ang persepyon na “It Actually
Sucks in the Philippines”, mahihirapan tayong kumbinsihin ang ibang lahi na ikonsidera
ang Pilipinas bilang isang tourist hub na dapat nilang ilagay sa kani-kanilang mga
bucketlist.

Samakatwid ano ang maaari nating gawin upang madiskubre ng mga dayuhan
ang ganda ng Pilipinas? Iyan ang mgandang pag-usapan: Pagtuklas sa Ganda ng
Pilipinas sa Pamamagitan ng Numero: Estadistika para sa Likas-Kayang Pag-unlad ng
Turismo.

Iyan ang tema ngayon ng pagdiriwang ng ika-29 na “National Statistics Month”.

Sa ating mga kagalang-galang na hurado, mahuhusay na katunggali at sa lahat


ng mga nanonood , magandang umaga!

Malinaw na kinikilala ng ahensya ang kahalagahan ng numero at estadistika sa


pagkakaroon ng progresibo at likas-kayang pag-unlad o paglago ng turismo sa ating
bansa. Sa pamamagitan ng estadistika ay matutukoy ang mga potensiyal na “tourism
haven” at ang mga lugar panturismo na nangangailangan ng rehabilitasyon o
interbensiyon.

Napakahalagang matukoy ang kalakasan at kahinaan ng turismo sa ating bansa


sapagkat hindi kaila sa ating lahat na malaking bagay ang naiaambag ng turismo sa
kaunlaran ng isang bansa.

Ang ginagastos ng mga dayuhang bisita ng bansa ay nagpapalakas sa


ekonomiya. Lumilikha ito ng mga bagong trabaho para sa mga mamamayan ng bansa.
At ang mga dayuhang bisita ang nagiging dahilan kung bakit naitatampok sa CNN at
Discovery Channel ang bansa para sa mas malawak na exposure. Ito ang mga dahilan
kung bakit masigasig ang isang bansa na humikayat ng mga dayuhan para bumisita.

Ayon sa estadistikang inilabas ng PSA o Philippine Statistics Authority, nakatulong


ang industriya ng turismo sa ating ekonomiya noong taong 2017 ng labindalawang
bahagdan at mahigit limang milyong tao ang nabigyan ng trabaho.

Dahil sa malaki ang naiaambag ng turismo sa ating ekonomiya, kinakailangang


magkaroon ng maaasahan at mapagkakatiwalaang estadistika nang sa gayon ay
magkaroon ng batayan sa pagbalangkas nang wasto at angkop na patakaran at
programa na magsusulong sa likas-kayang pag-unlad ng turismo. Ang mga estadistikang
ito ang magiging patnubay ng mga mambabatas at ng iba’t ibang ahensiya gaya ng
Department of Tourism upang harapin ang mga hamon at balakid sa pag-unlad ng
turismo sa ating bansa.
Samakatwid ano-ano ang mga estadistikang makatutulong sa pagtuklas ng ganda
ng Pilipinas para sa likas-kayang pag-unlad ng turismo?

Sa kasalukuyan, tayo ay rank 79 sa 136 na bansa sa buong mundo sa larangan


ng turismo ayon sa WEC o World Economic Forum on Travel and Competitive Report.
Bumaba ng limang puwesto ang Pilipinas mula rank 74 noong taong 2015.

Inilahad sa report na kabilang sa mga dahilan ng pagbaba ng turismo sa ating


bansa ay ang una: ang kakulangan ng “cultural resources”; pangalawa, ang
imprastraktura sa mga paliparan, daungan at maging sa mga lansang. At ang pangatlo
ay ang usaping panseguridad at kaligtasan lalo na’t hindi maganda ang mga naging balita
sa bahaging Mindanao ng bansa.

Sinuportahan ang mga datos na ito ng mga estadistikang inilabas sa


USNews.com na naglalahad na ang Pilipinas ay pang-44 sa 80 bansa sa kategoryang
“Most Forward-Looking Countries” at pang-dalawamput walo naman sa kategoryang
“Best Countries to Travel Alone”.

Samantala, lumabas din sa pag-aaral na ang mga turistang Chinese ang “world’s
top spender”. Sa Pilipinas ay gumugol sila ng 655 milyong piso noong 2016. Ito marahil
ang dahilan kung bakit isinusulong ng Pilipinas ang “single visa policy” para sa mga
bansang miyembro ng ASEAN partikular ang bansang China.

Dahil naman sa lumabas na datos na ang Pilipinas ang pang-28 bansa na


pinakabukas sa mga kasunduan sa mga serbisyong panghimpapawid, pina-iigting ang
mga usaping pagdaragdag ng mga “regular flights” at pagbubukas ng mga bagong
internasyonal na ruta. Isa na nga rito ang kasunduan ng Pilipinas at ng Qatar Airways na
magbubukas ng ruta mula Doha patungong Cebu at Davao maliban sa kasalukuyang
biyaheng Doha-Manila at Clark.

Mga minamahal kong hurado, masasabi nating nagbunga ang mga pagsisikap ng
DOT dahil ngayong 2018, mula buwan ng Enero hanggang Hulyo kumpara sa Enero
hanggang Hulyo ng taong 2017 ay tumaas na ng mahigit 300,000 turista ang dumating
sa bansa. Ang pinakamaraming turistang naitala sa estadistika ay galing sa Korea,
sumunod ang China, Estados Unidos, Japan at Australia. Magandang balita ito para sa
atin.

Sa pagbubukas ng Boracay na dating pangunahing destinasyon ng mga turista


sa Pilipinas ay inaasahang tataas pa ang bilang ng mga turistang papasok sa ating
bansa. Huwag lamang sanang makalimot ang mga tao sa aral ng pagsasara ng Boracay
apat na buwan na ang nakakraraan. Maging aral sana sa ating mga Pilipino ang di
paglimot sa likas-kayang pag-unlad dahil aanhin natin ang sosyo- ekonomikong
kaunlaran kung ang kapalit naman nito’y pagkasira o pagkawala ng kalikasan.

Ang pagsulong at pag-unlad ay mithiin ng bawat isa at bawat bansa subalit huwag
nating balewalain ang ugnayan ng kalikasan at ng kaunlaran.

Bago ko lisanin ang entabladong ito, nais ko lamang pong sabihin na bilang
isang kabataang Pilipino, itataguyod ko ang likas-kayang pag-unlad -ang pagtugon
sa pangangailangan at mithiin ng mga tao nang may pagsasaalang-alang sa kakayahan
ng susunod na henerasyon na makamit din ang kanilang pangangailangan. Ang lahat ng
ito ay upang makamit ang likas-kayang pag-unlad ng turismo at ng Pilipinas sa kabuuan!

You might also like