You are on page 1of 14

1

GLOSARYONG BILINGGUWAL SA TURISMO

Isang Tesis-Masterado
na Ihinarap sa mga Propesor ng
Paaralang Gradwado ng Kolehiyo ng Malalayang Sinin g
Pamantasang De La Salle - Dasmarias
Dasmarias, Cavite

Bilang Bahagi ng Pagtupad


Sa mga Pangangailangan para sa Degring
Master ng Sining sa Filipino

MARK P. PROFETA
March 2014

TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
PAMAGAT NA PAHINA

TALAAN NG NILALAMAN

MGA TALAHANAYAN

INTRODUKSIYON
Kaligiran ng Pag-aaral

Paglalahad ng Suliranin

13

Batayang Konseptwal

13

Mga Teorya sa Leksikograpiya

15

Mga Teorya sa Pagsasalin

17

Ang Filipino sa Ibat ibang Disiplina

24

Mga Kaugnay na Pag-aaral


sa Paggawa ng Glosaryo at Diksyonaryo

26

METODOLOHIYA
Disenyo ng Pananaliksik

28

Mga Kalahok sa Pag-aaral

28

Hakbang sa Pagbuo ng Glosaryong Bilinggwal

30

Balidasyon ng Intrumento

38

Datos Istatiskal

39

RESULTA AT DISKUSYON
Ang Nabuong Glosaryo

41

Resulta ng Balidasyon

51

Kwalitatibong Pagtataya

52

Kwantitatibong Pagtataya

57

Implikasyon sa Pagtuturo ng Filipino

62

Diskusyon

62

Kongklusyon

62

Rekomendasyon

64

MGA REPERENSIYA

67

MGA APENDIKS
A-1 Liham sa mga Propesor ng Turismo para sa Tseklist

71

A-2 Tseklist ng mga Terminong Panturismo

72

B. Liham sa mga Leksikograpo

106

C. Liham sa mga Tagatayang Eksperto

108

D-1 Liham sa Tagapangulo

110

D-2 Liham sa mga Tagatayang Mag-aaral

111

E-1 Liham sa Tagapangulo

112

E-2 Liham sa Magsusulit-basa

113

E-3 Instrumento sa Pagsusulit-basa

114

F. Talaan ng mga Tagatayang Mag-aaral

117

G. Talaan ng Nagsulit-basa

118

H. Mean Ratings ng Dalas ng Paggamit ng Terminong Panturismo

119

I. Mean Ratings ng Antas ng Pagtanggap ng Tagatayang Eksperto at


Mag-aaral
129
J. Kalkulasyon ng Z-test

144

K. Komento ng mga Tagatayang Eksperto at Mag-aaral

145

L. Pinal na Manuskrito

150

Talaan ng mga Tahanayan


1. Talaan ng mga Tesis-masterado at Disertasyon

27

2.1 Tatlong-punto ng Frequency of Use Rating Scale

31

2.2 Interpretasyon ng Kinalkulang Mean Ratings Kaugnay


ng Dalas ng Paggamit sa mga Terminong Panturismo

32

2.3 Distribusyon ng mga Termino Batay sa Dalas ng Paggamit

32

3.1 Distribusyon ng mga Termino Batay sa Kanilang Ortograpiya

42

3.2 Halimbawa ng mga Terminong Pinanatili ang Orihinal na


Ispeling (OS)

43

INTRODUKSIYON

Kaligiran ng Pag-aaral
Ang paglago at pag-unlad ng ekonomiya ay ang pangunahing layunin ng
pamahalaan, mula lokal patungo sa internasyonal na antas (Hawkins and Hudman,
1989). Ayon kina (Cook et al, 2006), ang industriya ng turismo ay may mahalagang
bahagi sa pundasyong ekonomiko ng maraming bansa. Sa kasalukuyan, isa ang
Pilipinas sa mga bansang umaasa sa industriya ng turismo upang patatagin ang
kanilang ekonomiya. Ayon kay Labidosa (2003), malaki ang papel ng turismo sa
paglago ng ekonomiya ng isang papaunlad na bansa gaya ng Pilipinas. Sa katunayan,
ayon sa Philippine Tourism Satellite Account, nakapag-ambag ng anim na porsiyento
ang industriya ng turismo sa ekonomiya ng Pilipinas nitong 2012.
Sa isinagawang pag-aaral ng Departamento ng Turismo nitong 2012, lumalabas
na mas malaki ang porsiyento ng mga lokal na turista naglalakbay sa Pilipinas kaysa sa
mga banyagang turista. Sinusuportahan ito ng pag-aaral ng World Tourism Organization
na ang mga lokal na turista o ang mga taong naglalakbay sa sarili nilang bansa ay mas
marami ng sampung ulit kaysa sa mga internasyonal na turista (Labidosa, 2003). Ayon
sa 2010 Household Survey on Domestic Visitors, nasa 23.1 milyong Pilipino na may
edad labinlima pataas ang naglalakbay sa ibat ibang panig ng Pilipinas mula Abril
hanggang Setyembre 2010 na kumakatawan sa 36.6 porsiyento ng tinatayang 63.2
milyong Pilipino. Samakatuwid, malaki ang naiaambag ng mga lokal na turista sa
patuloy na pagsulong ng industriya ng turismo.

Ayon kina Cook et al., (2010), ang turismo ay pansamantalang pagpunta ng


mga tao sa mga destinasyon na malayo sa kanilang tirahan at trabaho, ang mga
gawaing pinagkakaabalahan habang sila ay nasa mga destinasyon at ang mga
pasilidad na binuo upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Sa pananaw
ng mga Pilipino, ang turismo ay para lamang sa mga banyaga at hindi para sa kanila
(Salamanca, 2006).
Ang turismo ay nakahihikayat ng iba't ibang pag-aaral. Nakapagsagawa ng
maraming pananaliksik ang mga dalubhasa na may kinalaman sa papel ng turismo sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ng isang bansa, ang pananaw ng mga komunidad at
turista sa pagpapayabong ng turismo, ang turismong pang-isports bilang kasangkapan
sa pagbuo ng maunlad na turismo, ang pagdebelop ng tourist friendly destination upang
makahikayat ng maraming turista at ang gampanin ng makabagong teknolohiya tungo
sa pagpapaunlad ng industriya ng turismo.
Esensiyal ang ginagampanan ng turismo sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng
isang bansa. Nakatuon ang pananaliksik nina Bhuiyan, Ismail at Siwar (2013) sa
debelopment ng Turismo sa Malaysia mula sa perspektibo ng mga plano sa pagunlad. Tinukoy naman ang pag-aaral nina Aghdaie at Momeni (2011) sa pagsasaliksik
sa mga epektibong salik sa debelopment ng industiya ng turismo sa Iran. Nakasentro
naman ang saliksik nina Awang, Hassan at Zahari (2009) sa debelopment ng turismo sa
heograpikal na perspektibo. Binigyang-pansin naman nina Kroeksakul, Naipinit at
Sakolnakorn (2013) ang debelopment at pamamahala ng pangmatagalang turismo sa
Phuket Province sa Thailand. Pinag-aralan naman ni Mustafa (2012) ang pagpapabuti
ng kontribusyon ng domestik na turismo sa ekonomiya ng Jordan.

Mahalaga namang malaman ang pananaw ng mga komunidad at turista tungo


sa pagpapaunlad ng industriya turismo ng isang lugar o bansa. Nakapagsagawa ng
pananaliksik si Mensah (2012) tungkol sa pananaw ng mga residente sa sosyoekonomikong mga impak ng turismo sa Tafi Atome, Ghana. Nagsaliksik naman sina
Aref, Gill at Redzuan (2009) tungkol sa pananaw ng komunidad sa ekonomiko at
pangkalikasang mga impak ng turismo sa mga lokal na komunidad. Tinukoy naman sa
pag-aaral

ni Mohammadi (2010) ang pananaw ng lokal na komunidad sa sosyal,

ekonomiko at pangkalikasang mga impak ng turismo sa kultural na pamanang


destinasyon ng Kermanshan, Iran. Nakatuon naman ang saliksik ni Hong Long (2012)
sa eksaminasyon ng pananaw ng residente sa impak ng turismo sa pagpapaunlad ng
Ha Long Bay, Vietnam. Inalahad naman ng pananaliksik nina Ahmadian, Gill at
Hendijani at Samah (2013) ang tungkol sa saloobin ng mga residente sa turismong
edukasyonal.
Hindi naman matatawaran ang papel ng turismong pang-isports bilang
instrumento sa pagpapayabong ng industriya ng turismo sa isang bansa. Itinuon ni
Bangun (2014) ang papel ng recreational sports sa pag-unlad ng sport tourism sa
Indonesia sa pagpapataas ng kalidad ng buhay sa bansa. Binigyang-pansin naman sa
pananaliksik nina Liu, Qin at Wang (2012) ang sayaw ng Chinese Tibetan Guozhuang
mula sa perspektibo ng isports. Samantala, nakasentro naman ang pananaliksik nina
Johnston at Tian (2008) sa pagsusuri sa 2008 Olympic Games at ang benepisyo nito sa
Beijing.
Mahalagang salik ang pagbuo ng tourist friendly destination sa paghikayat ng
mga turista mula sa ibat ibang panig ng mundo. Tinukoy nina Anuar, Ahmad, Jusoh at

Hussain (2012)

ang papel ng turismo sa pagbuo ng konsepto ng tourist friendly

destination. Nakapagsagawa din sila ng mga pananaliksik noong 2013 tungkol sa


pagbuo ng konsepto ng tourist friendly destination sa Kula Lumpur at

ang mga

esensiyal na elemento sa pagbuo ng konsepto ng tourist friendly destination.


Krusyal naman ang ginagampanang papel ng makabagong teknolohiya sa
pagtataguyod ng turismo sa isang lugar. Sa pananaliksik nina Farahani, Abooali at
Mohamed (2012) na pagsusuri sa kondisyon ng magagamit na online na impormasyon
sa George Town World Heritage Spots. Binigyang-pansin naman sa pag-aaral nina
Aldahamsheh, Alkharabsheh, Alsarayreh at

Jawabreh (2011) ang promosyon ng

turismo sa pamamagitan ng Internet (websites).


Sa inilabas na kampanya ng Departmento ng Turismo na Its more fun in the
Philippines na nakatuon hindi lamang sa paghikayat ng mga dayuhang turista kundi sa
mga lokal na turista. Sa Domestic Tourism Program ng Departemento ng Turismo na
ang pangunahing layunin ay magbigay ng oportunidad na hihikayat sa mga Pilipino na
libutin ang sariling bansa sa abot-kayang halaga sa pamamagitan ng pagbuo ng
organisadong lokal na paglalakbay upang magkaroon ng mataas na kamalayan at
maiangat ang pambansang pagkakakilanlan at maipagmalaki ang kultura at pamanang
Pilipino (Salamanca, 2006).
Ayon kay Stevenson, Wearing at Young (2010) naisasantabi ang mga lokal na
komunidad sa pagpapaunlad ng tursimo. Binigyang-diin ni Ponting et al., (2005) na
nakaangkla ang mga kaalaman, wika at operasyon sa Kanluraning turismo. Ayon kay
Salamanca (2006), hindi lamang sa wikang Ingles dapat mahusay ang mga nasa
industriya ng turimo sapagkat nararapat na maging multilingguwal. Nangangahulugan

ito na bihasa dapat sa ibat ibang wika ang nasa industriyang ito kabilang na ang mga
wikain sa Pilipinas.

Isa sa pamantayan na inilabas ng Internatioanal Air Transport

Association na paggamit ng wikang Ingles para sa mga internasyonal na paglipad.


Subalit para sa mga lokal na paglipad, inilalahad ang mga panuto sa dalawang wika,
ang wikang Ingles at sariling wika. Isang halimbawa nito ay ang sintrong pangkaligtasan
o safety belt sa Ingles. Kinakailangan ang paggamit nito sapagkat hindi naman lahat ng
lokal na pasahero ay bihasa sa wikang Ingles.
Binigyang-diin ni Constantino (1996) na ang wikang pambansa ang kasangkapan
sa ekonomikong pag-unlad ng isang bansa. Dagdag pa niya, kinakailangan ng mga
umuunlad na bansa na palakasin at patatagin ang kanilang ekonomiya kundi man
makaangat ay makatagal sa global na kompetisyong ekonomiko at ang katutubong
wika ang instrumento para dito.
Batay sa preliminaryong sarbey na isinagawa ng mananaliksik, mas tumataas
ang interes ng mga mag-aaral sa tuwing ginagamit ang wikang Filipino sa mga
talakayang pansilid-aralan. Hindi ikinakaila ng mga guro ng turismo na sila ay
nagpapalit-koda upang lubos na maipaunawa ang kanilang aralin. Ang mga estudyante
naman ay nagpapalit-koda rin upang mas maipahayag ang kanilang sarili. Sa pag-aaral
ni Acuna (1987), lumalabas na mas nagiging malikhain at tumutulong sa kognitibong
pag-unald ng bata ang paggamit ng katutubong wika sa kanyang pag-aaral kaysa sa
banyagang wika.
Hindi na mabilang ang mga pag-aaral at pananaliksik sa loob at labas ng bansa
na nagpapatunay na ang unang wika ang susi sa mahusay na pagkatuto ng mga
estudyante. Sa ginanap na Trends in International Math and Science Study noong 1993

10

kung saan halos pumanghuli ang bansang Pilipinas sa Agham at Matematika. Sa 45


bansang naglaban ay 43 sa Matematika at 41 naman sa Agham. Sa nasabing
kompetisyon ay nanguna ang mga bansang gumamit ng kanilang sariling wika kumpara
sa mga bansang gumamit ng wikang Ingles gaya natin. Samakatuwid, krusyal at
esensyal ang ginagampanan ng sariling wika sa pagtuturo at pagkatuto ng mga araling
teknikal. Ayon kay Yanga (nasa dyornal ng SANGFIL), ang paggamit ng wikang Filipino
ay nakapagdudulot ng mahusay at mabilis na pang-unawa sa mga asignaturang
teknikal.
Naging puspusan ang pagpupunyagi ng mga dalubhasa mula sa ibat ibang
disipilina na magamit ang wikang Filipino sa mga aralin. Ilan sa kanila ay sina: Manuel
B. Dy, Jr. (Pagtuturo ng Pilosopiya sa Filipino); Malaya C. Ronas ( Pagtuturo sa Filipino
ng Agham Panlipunan II); Eugene Y. Evasco (Ang Paglinang ng Pagkamalikhain sa
Pagtuturo ng Kurso sa Komunikasyon); Juliana Hafalla (Filipino: Wikang Pampalaganap
ng Kamulatang Agham); Danilo Yanga (Ang Filipino sa Agham at Matematika);
Rosemary R. Seva (Mga Hamon sa Pagtuturo sa Wikang Filipino sa Inhinyeriya);
Fortunato Sevilla III (Kemistri sa Filipino); Lea A. Soriano (Pagtuturo ng Matematika sa
Wikang Filipino). Ang mga ito ay nakalathala sa Unang Sourcebook ng SANGFIL. Sa
mga nabanggit, masasabing hindi matatawaran ang papel ng pagsasaling-wika sa
estandardisasyon at intelektuwalisasyon ng wikang Filipino.
Patuloy sa pagsasagawa ng mga gawaing leksikograpiko gaya ng glosaryo at
diksyonaryo ang mga nasa akademiya upang makapag-ambag sa intelektuwalisasyon
ng wikang Filipino at makatutulong sa pagpapaunlad ng ibat ibang disiplina o larangan.
Bumuo ng glosaryo sina Otero et al. (2002) sa Edukasyon, sa Sikolohiya ang kay Rolle

11

(2006) sa Edukasyong Panrelihiyon ang kay Bernardo (2006), at sa Kriminolohiya ang


kay Mojica (2005). Samantala, diksyonaryo naman sa Pilosopiya ang binuo ni Ballena
(2005) at sa Print at Brodkas Midya ang kay Francisco (2009).
Sa kabilang dako, binigyang-diin ni Batnag (nasa Unang Sourcebook ng
SANGFIL) na mahalaga ang pagsasalin sa panahon ng impormasyon. Sa pamamagitan
ng mga salin, maibabahagi sa nakararaming mamamayan ang mga makabagong
kaalaman na patuloy lamang magiging misteryo sa kanila kung mananatiling nakasulat
sa wikang hindi nila nauunawaan. Bukod sa pagpapalaganap ng impormasyon,
mahalaga ang pagsasalin sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino.
Bukod sa pagsasalin, kinakailangan ang kaalaman sa leksikograpiya partikular
na sa pagbuo ng glosaryo. Ang leksikograpiya ay ang masining na pagtatala ng mga
kinalabasan ng leksikolohikal na pananaliksik sa anyo ng talasalitaan, glosaryo,
bokabularyo at diksyonaryo (Newell, 1994). Samakatuwid, nangangailangan ng teknikal
na kasanayan ang isang leksikograpo.
Patuloy ang pakikipaglaban ng wikang Filipino sa wikang Ingles bilang midyum
sa pagtuturo. Kung tutuusin, nararapat na maging patas ang paggamit sa wikang
Filipino at Ingles. Alinsunod sa itinatadhana ng Saligang Batas, nagpalabas ng
kautusan ang Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports, ang Kautusang
Pangkagawaran Bilang 52 serye 1987 o kilala sa tawag na Patakaran sa Edukasyong
Bilinggwal ng 1987. Dito malinaw na isinasaad ang matinding pangangailangan upang
matamo ang kahusayan sa parehong Filipino at Ingles sa isang mataas na antas sa
pamamagitan ng paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo.

12

Mula sa patuloy na pakikipaglaban ng wikang Filipino ay ang pag-usbong ng


mga suliraning kinahaharap nito gaya ng mababang pagtingin at pagsasantabi dito
bilang wikang pambansa at opisyal. Para sa lubusang pagtatagumpay nito ay
nangangahulugan ng pagkakaroon ng katuwang kung saan nangangailangan ng
paglikha ng mga materyal na nasusulat sa wikang Filipino gaya ng aklat, diksyonaryo,
glosaryo, tesauro, manwal at iba pang kagamitang pampagtuturo. Ayon kay Sibayan
(1999), huwag magturo ng/sa Filipino kung walang materyal.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makabuo ng isang glosaryong bilinggwal sa
turismo. Kaugnay nito, sinagot sa kasalukuyang papel ang mga sumusunod na tiyak na
layunin.
1. Makabuo ng glosaryong Ingles-Filipino sa turismo.
2. Mataya kung katanggap-tanggap ang glosaryo.
. Ang binuong glosaryong bilingguwal sa turismo ay magsisilbing kagamitang
panturo na magbibigay-daan sa mahusay na pagtuturo ng mga guro at mabisang
pagkatuto ng mga mag-aaral. Gayundin, magagamit ito sa pagpapahusay ng mga
serbisyong panturismo na magbubunga sa mas mabilis na pag-unlad ng industriya ng
turismo.

Higit sa lahat, magsisilbi rin itong kasangkapan sa pagpapayabong at

pagpapayaman ng wikang Filipino bilang wika sa loob at labas ng akademya.


Batayang Konseptwal
Dalawang disiplina ang konseptuwal na saklaw ng binuong pananaliksik:
Leksikograpiya

at Pagsasalin. Nakaangkla

ang pananaliksik

sa teorya

sa

leksikograpiya ni Zgusta (1971) at Newell (1994) at sa teorya sa pagsasalin ni Larson


(1984).

13

Sa larangan ng leksikograpiya, binigyang-kahulugan ni Newell (1994) ang


leksikograpiya

bilang masining na pagtatala ng mga kinalabasan ng leksikolohikal na

pananaliksik sa anyo ng talasalitaan, glosaryo, bokabularyo

at diksyonaryo.

Samakatuwid, nangangailangan ng teknikal na kasanayan ang isang leksikograpo.


Inisa-isa naman ni Zgusta (1971) ang hakbangin tungo sa pagbuo ng glosaryo; (1)
Pangangalap ng mga Materyal mas epektibo bilang batayan ang isang monolinggwal
na diksyonaryo sa pagbuo ng bilinggwal na diksyonaryo; (2) Pagpili ng mga Termino
tumutukoy ito sa pamamaraan sa masusing pagpili ng termino lalot nagtataglay ito ng
ibat ibang kahulugan ; (3) Pagtutumbas ng mga Termino pagtukoy sa tunguhang wika
kung saan isasagawa ang pagsasalin sa Ingles tungo sa Filipino; (4) Pagsasaayos ng
mga Termino pagkakasunod-sunod ng mga termino ayon sa alpabeto ng simulaang
wika at paglalapat ng mga kaukulang bahagi ng glosaryo sa bawat termino tulad ng
pagbigkas at bahagi ng pananalita.
Sa larangan naman ng pagsasalin, ipinaliwanag ni Larson (1984) na ang
pagsasalin ay muling paglalahad sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng
mensaheng katulad ng sa simulaang wika ngunit gumagamit ng piling mga tuntuning
panggramatika at mga salita ng tumatanggap na wika. Ang kasalukuyang pag-aaral ay
pumapaloob sa pagsasaling teknikal dahil ang turismo ay kabilang sa mga disiplinang
akademiko na nangangailangan ng espesyalisadong wika. Dahil dito, ang pagsasaling
nakabatay sa kahulugan ang magiging gabay sa pagsasalin na magbibigay-pansin sa
kahulugan sa halip na anyo. Ito rin ang magsisilbing batayan upang mabuo ang
glosaryong panturismo, mula Ingles patungong Filipino.

14

You might also like