You are on page 1of 2

Liwanag sa likod ng mga ulap

Sa paglisan ng bawat Araw,tayoy nagpapatuloy sa pagtahak ng landas tungo sa Isang mas malusog at
maunlad na pilipinas sa pagdiriwang ngayung national statistic month,tayoy nagkakaisa upang
ipagdiwang ang diwa ng Datos at estadistika,na may temang "accelerating progress: promoting data ang
statistic for a healthy Philippines".

Magandang Araw sa inyong lahat.

Nasubukan nyu na bang bumili ng mga gamit o pagkain na kailangan ng inyong pamilya sa inyong
tahanan? Ano na ba ang halaga ng Pera? Ang dating walong daang halaga ng dalawamput limang kilong
bigas ngayun ahy Isang libot limang daan na. Ang limang daan,ano na lamang ang kaya nyang mabili? Sa
pagsakay nation sa mga pampublikong sasakyan ,gaya ng tricycle o dyipp, Hindi pa tayoy napapakamot
sa patuloy na pagtaas ng pamasahe, kaakibat ng pag taas ng presyo ng gasulina't petrolyo

Nagtataasnag presyo ng mga bilihin, lumalalang kawalan ng trabaho, bumababang halaga ng Pera at
kriminalidad. ilan lamang ito sa mga pagbabagong ating kinakaharap na patuloy na nagpapahirap sa
ating mga pilipino.Matagal nang hinaing ng bawat pilipino ang krisis na ito at higit pa natin itong
naramdaman sa pag dating ng Isang pandemyang nagpabago at nakaapekto sa mga Plano nating pag-
unlad. Ang COVID-19 na pandemyang ay nagkaroon ng malawak na epekto sa Buhay at kabuhayan ng
mga tao sa buong Mundo. Lubos nitong naapektuhan ang ating kabuhayan, edukasyon, lalong lalo na
ang ating ekonomiya.para itong mga ulap na humrang upang ang liwanag at sinag ng Araw ay ating
mulimg masilayat maramdaman.

sa mga hamon na kinakaharap ng pilipinas, nanatili tayong nakatayo bitbit ang pag - asa ng pagbangon
subalit pilit tayong sinusubok ng dahil sa katiwalian mataas na antas ng buwis sa merkado mababang
kalidad ng mga pasilidad ng telecom, luma at lipas nang mga daungan at paliparan at iba pang
imprastruktura ng kalakal, at higit sa lahat ang aking binibigyang diin ang pag sasawalang bahala sa
importansya ng hustong pag gamit at pag tamgkilik sa tamang Datos at estadistika nagdudulot ng maling
disisyon at maling patakaran.

Napapansin ba natin ang maliwanag na ulap sa ating itaas na tila ba'y nagmamasid lang sa atin? Ang
liwanag sa likod ng mga matatayog na ulap ay ang pag - asa. Ang pag - asang mapalakas ang pagbawi at
pagbangon ng ating bansa sa pamamagitan ng maayos na paggamit at pagbibigay importansya sa
tamang Datos at estadistika.

Sa kasalukuyang kapanahon, Hindi maitatangging may malalim na pangangailangan ang ating bansa, ang
pilipinas, para sa Isang makabuluhang pag usbog. Ang isyu ng kaunlaran ay patuloy na nasa sentro ng
malawakang talakatan sa ating lipunan.

Bakit mahalaga ang estadistika sa pagpapapakas ng pagbawi at pag bangon ng ating bansa? Ang
paggawa ng disisyon ay tulad lamang sa pagpili ng daang tatahakin kaya mabuting isipin ng ilang beses
kung ano ang tingin natin ay nararapat. Mahalaganag malaman natin ang estado ng bansa gamit ang
sensus, datus, survey at mga impormasyong kaloob ng stadistika upang magkaroon tayo sa sapat na
kaalaman at mapagtagumpayan natin ang bawat pagsubok ng ating bansa. Sa tamang paggamit ng mga
Datos at estadistika,kinakailangang ang masusing pag aaral at kritikal ma pag iisap ng mga eksperto ,
maaring gamitan ito ng pag aaral o research upang matiyak na Tama at maka buluhan ang disisyon at
polisiyang ipatutupad sa ating bansa ng sa gayun ay masiguro nating ito ang naaayon napapanahon at
nakabubuti sa ating pagbangon.

Kaya aking hinihikayat ang lahat na maging mapag matyag matalino maging mahusay sa pagbuo ng
disisyon.dahil sa likod ng mga ulap ahy mayrooong pag asa at gaya ng mga ulap pag tapos ng bagyo,ang
pagbangon ang syang mananaig sa pamamagitan ng Tama at matalinong pag didisisyon

You might also like