You are on page 1of 1

Sa aking mga katunggali, kapita-pitagang mga inampalan, aming panauhing pandangal,

kapwa magaaral, isang matiwasay at kaaya-ayang araw sa inyong lahat. Lubos ang aking kagalakan
na ako’y mabigyan ng pagkakataong mapakinggan, at makapagsalita sa inyong harapan.

Edukasyon, kalusugan, pambansang seguridad at pagbaba sa bahagdan ng kahirapan, ay ilan


lamang sa mga kadahilanan kung bakit ang estadistika, ay isang mahalagang kasangkapan, tungo sa
tunay na kahulugan ng matatag na kinabukasan.
Ngunit ano nga ba ang tunay na halaga ng estadistika, kung walang pagbabago sa mga
ideya? Paano natin maipapakita sa mundo na isa tayo sa mga bansang may kakayahang
makipagsabayan sa hamon ng globalismo? Pilipino, tayo ang sagot sa mga ito!

“Data Innovation: Key to a Better Nation”. Isang tema na napapanahon, at naglalayong ang
bansa ay higit pang maiahon.

Ano nga ba ang kahulugan ng data innovation?


Ang data innovation o makabagong ideya ng datos, ay tumutukoy sa paggamit ng bago o di-
tradisyonal na mga mapagkukunan at mga pamamaraan upang makakuha ng higit pang malinaw na
pag-unawa sa mga pagbabago sa pag-unlad.

Sa paglipas ng maraming taon, ang datos ay nagkaroon ng mahalagang papel sa pang-araw-


araw na sistema ng tao at bansa. Ang mga datos na ito, kapag naproseso, naipakalat at ginamit nang
maayos, ay nagiging isang tumpak at maaasahang batayan para sa epektibong desisyon at paggawa
ng patakaran.

Bilang tugon sa mga hinihingi ng Philippine Development Plan at iba pang pambansa, sektoral
at lokal na mga plano sa pagpapaunlad, kabilang na rin ang mga pang-internasyonal na pangako,
ang Philippine Statistical Development Program 2018-2023 ay binibigyang diin ang pangangailangan
ng pagbabago ng datos upang makabuo ng kalidad na estadistika.

Ang Philippine Statistical System (PSS) naman ay patuloy na nagpapatupad ng bago at


makabagong mga paraan upang matugunan ang mga lumalagong pangangailangan at mga hamon
ng isang patuloy na lumalawak na ekosistema ng datos.

Sa mas mahusay na mga patakaran at programang estadistika, at sa pamamagitan ng


mabisang mga pagbabago, makasisiguro ang mamamayang Pilipino sa pagkamit ng
pangmatagalang adbokasiya ng bansa ng isang simple, systematiko at komportableng buhay para sa
lahat.

Ako, sila, tayo bilang mamamayan, maging kaagapay sa pagbabago tungo sa isang matatag na
bansa, bigkis ng kaayusan, pagkakaisa, at kaunlaran.

You might also like