You are on page 1of 3

ISKRIP NG PATALASTAS

Fade in (Walang tunog)


Anak:(naglalaro sa kanyang selpon) Wooo! Haha. Hihi. Ayos!
Ina: Anak! Anak!
(Nagpapatuloy pa rin sa paglalaro at hindi pinapakinggan ang ina)
(Lumapit ang ina sa anak at pinagsabihan)
Ina: Anak, bitawan mo muna iyan. Tigilan mo muna ang pagseselpon.
Anak: (galit) Ano ba? Naglalaro ako!
Ina: Anak naman, makinig ka sa akin.
(Hindi nakikinig ang anak)
(Saka lang magsisimula ang awdyo ng tula pagkatapos magdabog at bumalik sa pagseselpon
ang anak) Black out
Fade in (sound effect ng balita)
Sa ulo ng mga nagbabagang balita
Kaso ng Covid-19 sa Pinas tumataas
Parami nang parami ang kaso ng mga nagkakasakit. Ito ay dulot ng pagiging pasaway ng
ilang mamayan. Madalas mga kabataan ang nangunguna sa paglabag sa batas. Sila'y makikita
sa labas ng kanilang bahala nang walang suot na face mask, at face shield. Tunay na
nakababahala ang ganitong eksena ngayong panahon ng pandemya.
(Papatayin ang tv) Black (pangalawang stanza ng tula)
Fade in
Makikita ang isang babae na nakasuot ng doctor gown.
Naglalakad sa hallway ng ospital hanggang sa makarating sa harap ng isang pintuan at
binuksan.
Naglakad sa loob ng silid, lumapit sa lamesa.
Nagzoom in sa picture frame. (pangatlo at pang-apat na stanza)
Flashback
(Anak na pasaway lumabas ng bahay walang suot na ppe hindi sumunod sa patakaran)
End of flashback (panglimang stanza)
Fade in
Hinawakan ang picture frame, naaninaw ang larawan. (larawan ng mag-ina)
Niyakap ang picture frame. Fade out
Fade in
Naglalakad palayo ang ina sa silid (pang-anim na stanza)
Black
"Ang bawat buhay ay mahalaga kaya't bigyang pagpapahalaga"
Black
Paalala mula sa WHO
----------------End

Tula
Makinig kay Inay

Makinig ka anak...
bitawan mo muna ang telepono,
may gusto akong sabihin sa'yo,
mahalagang bagay na dapat isaisip at isapuso,
ito ay para sa ikabubuti mo.

Makinig ka anak...
napakadelikado ng panahon ngayon,
mahirap magkasakit kaya't inumin mo ang gamot pagkabangon,
may inihanda akong pagkain sa hapag,
umuna na ako para magsipag.

Makinig ka anak...
doble ingat ang iyong kailangan,
manatili kang lagi sa tahanan,
sumunod ka sa mga patakaran,
nais ko lamang ay iyong kaligtasan.

Makinig ka anak...
mga bilin ko'y huwag mong kalimutan,
iyong mga kamay palagiang hugasan,
sa iyong paglabas, sarili'y protektahan,
wala ako sa'yong tabi upang ika'y tulungan.

Makinig----- Anak?
bakit hindi mo ako pinakinggan?
sinuway mo akong tuluyan,
layaw na iyong gusto, kapalit ng iyong buhay?
para saan pa ang aking pamumuhay?

Makinig ka anak...
sana'y iyong naririnig pa rin ang aking himig,
laging tandaan, buhay ay mahalaga,
ipagpapatuloy ko pa rin ang aking mga gawa't paalala,
hanggang sa huli nating pagkikita.

Paalala mula sa WHO

You might also like