You are on page 1of 2

Sa Pagitan

Crizel Sicat-De LaZa

Sabi ko sa isang kaibigan: Hintay lang, malapit na ako. Malapit na ako sa istasyon kung saan kmi magkikita.
Habang naghihintay na lumapag ang mga paa sa susunod na istasyon, kinasanayan ko ang magmasid sa mga nakikita,
tumutunghay sa nakahihilo at mabilis na paglilipat ng mga tanawin sa labas ng malabong salamin. Saka kung mainip,
igagala ang mga mata para panoorin ang mga kasakay na kampante sa kanilang pagkakaupo,nagmamadaling patingin-
tingin sa kanilang relo, nagkukuwentuhan, walang pakealam na nakikinig ng musika at sari-saring paraan ng pagpatay sa
oras, mga kapwa ko naghihintay.

Natitiyak kong may kanya-kanya kming hinihintay sa buhay, parang itong lalaking disente sa harapan ko, sa
porma niya at bitbit na brown envelope, posibleng maghahanap ito ng trabaho. May alinlangan akong nababasa sa
kanyang mukha na posibleng nasibak sa trabaho lalo sa panahong ito na uso ang kontraktwalisasyon. Parang hindi
nalalayo sa alinlangang naramdaman ko sa tuwing magtatapos na lang ang semester sa pinagtuturan o ang mas matagal
na alinlangan sa pagdating ng full-implementation ng malabong K to 12 sa 2016. Ah basta, ko na iniisip. Gaya nitong
babae sa tabi ko na walang ibang inaalala at inaatupag kundi ang ngumiti at pasimpleng kiligin habang sumasagot sa
text, malamang na jowa ang nasa kabilang linya o isang manliligaw na ayaw pang sagutin, kasi may alinlangan din?
Siguro. Hindi ko alam, kaya nga, isa ito sa ibubukas kung usapan mamaya kapag nagkita kami ni Jonats.

Malamig ang kinatatayuan ng mga oras na ito, masakit na rin ang paa sa pagkakatayo, kaya kailangang
maghihintay ng bakante o nang mag-aalok ng upuan. Kahit pa, alinlangan akong tumatanggap ng upuan mula sa isang
lalaki at hindi mabalikwas ang ganung konsepto para sa babaeng gaya ko. Kunsabagay, kababawan nga kung sa ganyan
lang susukatin Ang papel sa pag papalaya ng isang babae. Sige, magtitiis akong nakatayo ngayon, dalawng istasyon na
lang nman. Masyadong maingay ang barkaang nagkukuwentuhan at walang kosiderasyon sa mga umiidlip at
nagrorosaryo sa bangdang kaliwa ko, balak kong sawayin pero may alinlangan ako: baka lumabas akong isang dakilang
epal o pakielamerang ewan kaya? Pero wala naman sigurong masama kung sawayin ko sila. Teacher ang peg ni Mam.
Pero masasabi ko sa maayos na paraan. Sa gaan kung paano mambasted ng isang makulit na mangliligaw na wala naman
talagang pag-asapero balak kogf pagbigyan kasi matiyag, sasawayin ko na at baka hindi talaga sila nakakaramdam o
sasabihin ko na para hindi na umasa pa? at biglang bumukas ang kanina’y nkasarang pintuan ng tren at sabay-sabay na
nagsipanaog ang barkada. Sabi kona, wala na akong oras sabihin gayundin wal pa akong sapat na lakas ng loob para
sabihin sa masugid na mangliligaw ang nararamdaman kong hindi talaga ako handa o talagang ayoko.

Muling tumunog ang cellphone ko, si Jonats na hinihintay na ako sa sususnod na istasyon. Sa tex, sunabi ko sa
kanya: intay lang, isang istasyon na lang. tumakbo ulit ang sasakyan at muling tumakbo ang sari-saring tanawin sa aking
paningin. Hindi ri tapos mag rosary ang nasa aking kaliwa, paulit-ulit niyang inuusal ang dasal habang inip na inip ako sa
kanyang ginagawa. Ano naman kaya ang kanyang alinlangan at bakit nagdadasal? Laging sinasabi ng nanay ko, kapag
may alinlangan ka anak, mag dasal ka lang at ang Diyos ang bahalang sumagot sa iyong mga alinlangan. Naalala ko
naman si nanay at ang katotohanan na kailangan kong tanggapin na hiwalay na sila ng tatay. Payo ni Ditse, walang ibang
kailangan gawin sa kanila ngayon kundi ang mag hintay, hintayin na mauunawaan nilang muli ang isat’isa at maghintay
sap ag babalik ng nararamdamang pinagbubukod ngayon ng kanya-kanyang sama ng loob. Kaya lang, kung kalian pa man
sila nag sipagtanda, saka sila nagkaroon ng alinlangan s isa’t isa? Hindi nga talaga ang panahon at tagal ang nagtatakda
ng kaayusan ng relasyon, pero pwedeng ipalagay na mahalaga talagang maghintay sa tamang panahon upang mailagay
sa tamang lugar ang lahat.

Lahat kaming sakay nitong tren ay lalapag sa huling istasyon, at kanya-kanyang araw ang magsisimula. Paano
kaya magsisismula ang akin? Sinalubong ako ni Jonats, naglakad kami paibaba ng istasyon at nagsimula ang palitan ng
kamustahan, kuwento at mga bagay-bagay nab ago sa amin. Sakto naming kapwa walang bago liban sa pupuntahan
naming binyag ng dating kasama sa trabaho na si Clarissa. Naisingit ko: “Matgal ding naghintay ang mag-asawa ano?
Limang taon din nilang hinihintay ang kamag anak. Sigurado ang saya ni Cla. Tayo naman, hanggan ngayon naghihintay
ng matinong relasyon.” Pagkatapos susundan ko ng hagalpak na tawa. Gaya ng dati, isasagot niya sa akin: “walang
dapat hinihintay para walang inaasahan, pero sapat na kumilos para mahanap ang hinahanap.” Hindi ko masisi kung
ganito mag-isip ang isang bente singko anyos na lalaki sa gaya kong bente siyete anyos na babae. Ngunit may punto siya,
mahilig nga kasi akong mghihintay at umaasa, at kinasanayang ko ang alinlangan sa maraming bagay. Matinding
alinlangan sa maraming bagay.

“40 years old pa naman ang critical age at bakit nagmamadali?” minsang tanong ko sa sarili. Nitong nakaraang
taon, apat na pinakamalapit n kibigan at kasamahang guro sa isang kolehiyong pinag tuturuan ko ang sunood-sunod na
ikinasal. Tiyak na marami pang susunod. Sabay pag papasyang isara na lang muna pansamantalang usapan naming ukol
sap ag-aasawa.
Mukhang gutom naman itong kaibigan ko. Nakasakay na kami sa FX papunta sa bahay ni Clarissa, isang
nakakabago;t nap ag hihintay ulit hangga’t hindi na pupunan ang lahat ng upuan, halos siksik kaming parang sardinas sa
loob ng isang maliit na sasakyan. Napag-isipan naming lumipat ng taxi ngunit may alinlangan baka lalong maligw t
tanging ruta ng FX lang ang gabay naming sa pupuntahan. Kung kay, nag pasya lang ulit na maghintay, oo maghintay
habang alas dose na sa aking orasan at paniguradong sa kainan na ang tuloy naming nito. Nakakahiya nga lang kung
ganun. Pero sakto lang para sa kamustahan at kuwentuhan. Matipid na akong magsalita mula kanina, hindi ko naman
kasi alam kung paano bubuksan sa mga kaibigan ang isang kuwentong bitbit ngayon. Hindi ko matiis kaya binuksan ko
na. pero naudlot ang pagsisimula ko nang dumating kami sa mismong venue. Maghihintay uli sa pagkaktaon.

“Heto na, nandito na tayo, mukhang maraming pagkain ah” sabi ni Jonats na hilig talaga ang pagkain. Ganito ko
gustong simuloan sana, nang may dumating. Gusto ko at mukhang gusto rin ako. Kilala nila pero baka hindi magustuhan
para sa aking dahil Malaki ang agwat ng eded naming. Posibleng makasundo kami sa maraming bagay pero mukhang
Malabo ang tindig sa pakikipagrelasyon.

“ Ano gusto mong kainin? Kumain ka na rin, pasensya at hindi ko kayo maasikaso” sabi ni Clarissa habang
nakaturo sa gutom na gutom sa si Jonats na sumasandok ng kanin sa mahabang buffet. Lumapit, umupo si Jonats at
ianiabot ang isang plato ng pagkain. “Kinuha na kita Bb. Sicat, mukhang tamad kang kumain ngayon eh” may gusto
siyang sabihin pero sanay siyang itago ito sa ganyang kmakahulugang pag-aalok. Parang gusto niyang sabihin sa’kin na
may problem aka? Ano naman? Sino naman? Ano bang nagyari? Marami kasi sa kuwento ko ang kabisado ng mokong na
ito. Magsisimula ulit ako sa sasabihin, saktong kumpleto na kamig tatlo sa mesa. Ngunit hindi pa man nabibitawan ulit
ang unang mga linya, tinawag ulit si Clarissa ng asawa niya at kinarga ang umiiyak nilang anak. Habang sa ganitong
sunud-sunod ang subo ni Jonats ay tiyak kong wala sa wisyong making sa akin. Kumain na lang din ako. Iniangat ko ulit
ang kutsara saka lang napansin na madaling naubos ni Jonats ang pagkain sa kanyang plato. Saktong-saktong ang
panahong ito para masabi ko. Binitawan ko ang kutsara.

Tumunog ang cellpohone ko at nabasa ang isang text: kailangan may lebel ang lahat ng bagay? Reply ito sa
tanong ko kung ano estado ng magulong sitwasyon namin. At ilan sa mga bagay na gusto kong ikuwento at ikonsulta kay
Jonats. Nagkakamabutihan pa lang kami sa maikling panahon pero lampas na sa inaasahang pagkakakilanlan ang
ginagawa. Sa ganitong kalagayan, naghahanap ako ng katiyakan sa kabila ng paghihintay. Ayaw kong maghintay nang
may alinlangan. Hinahanap ko ang tiyak na sagot sa isang di tiyak na tanong at tiyak na kategorya sa di tiyak na
sitwasyon. Habang abala sa pagkain si Jonats, abala rin ako ako sap ag-iisip kung paanong magrereply sa text. Nag-iisip
kung paanong hahanap ng sagot sa matinding pag-aalinlangan. Tinitimbang ko ang pakiramdam ko at posibleng
nararamdaman niya. Mailap ang katiyakan at maling pag-asa ang ibinigay ng mga nakaraang relasyon. Pakiramdam ko’y
ganun din ang patutunguhan ng isang ito. Desidido akon wakasa ang alinlangan. Hihintayin ko na lang na muling sumapit
ang panibagong pag-ibig. O hindi naman talaga dapat hinihintay.

Pero mali yata ang naging reply ko.

Activity #.3

Sagutin ang sumusunod na tanong kaugnay ng binasang CNF.

1. Ano ang paksa ng CNF?


2. Ilarawan ang salaysay sa CNF?
3. Batay sa mga katangian ng CNF, maituturing bang isang mahusay na pagsalaysay ang binasang akda?
Pangatuwiran mo ito.
4. Kung aayusin ang binasang CNF, ano sa tingin moa ng dapat baguhin? Ipaliwanag.

You might also like