You are on page 1of 4

SPECIAL FILIPINO CLASS

Level 2

PANITIKAN (Literature)

KAHULUGAN NG PANITIKAN (Definition of Literature):


Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, relihiyon at mga
karanasang nakukulayan ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa,
pagkamuhi, takot at pangamba.

IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN SA BUHAY NG TAO (Influences of Literature):


1. Banal na Kasulatan – nagiging batayan ng pananampalatayang Kristiyano
2. Koran – (Arabia) Bibliya ng mga Muslim
3. Iliad at Odyssey – ni Homer – (Gresya) –siyang kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya
4. Maha-Bharatas - (Indiya)- kasaysayan ng pananampalataya
5. Divina Comedia - ni Dante – (Italya) – nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugali
ng mga Italyano
6. Aklat ng mga Araw - ni Confucious – (Tsina) – naging batayan ng kalinangan at pananampalatayang
Insik
7. Aklat ng mga Patay – (Ehipto) – kinapapalooban ng mitolohiya at teolohiya ng mga taga-Ehipto.
8. Counterburry Tales – ni Chaucer- (Inglatera) naglalarawan ng mga ugaling Ingles at ng kanilang
pananampalataya
9. El Cid Campeador – (Espanya) – nagpapahayag ng kanilang mga alamat, pag-uugali at kasaysayan
10. Uncle Tom’s Cabin – si Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos na nagbukas ng mata ng mga
Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at ang simula ng paglaganap ng demokrasya sa daigdig

MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN (Purposes in Studying Literature)


1. Upang matanto natin ang kalinangang Pilipino, ang henyo ng ating lahi at ang mga minanang
yaman ng kaisipan.
2. Upang alaming tayo’y may marangal na tradisyong katulad ng ibang lahi.
3. Upang matalos ang mga kapintasang at kakulangan ng ating panitikan at mapag-aralang ito’y
matuwid.
4. Upang makilala ang ating mga kahusayan sa panitikan at ang mga ito’y lalong mapapayaman.
5. Sapagkat tayo’y mga Pilipino, kailangang tayo’y magmalasakit at tumangkilik sa sariling atin.

KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN: (Importance of Studying Literature)


1. Malalaman ng mga tao ang kanilang sariling kalinangan at kasayasayan.
2. Makikita nila ang kanilang sariling kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-uugali.
3. Matutuhan nilang ipagmalaki ang mga bagay na kanila at nagiging matibay at matatg ang kanilang
pagkilala sa kanilang lahi.
4. Malalaman ang kahalagahan nng sariling wika sa paglalarawan ng makabagong karanasan,
pangarap, paniniwala at gawaing pang-araw – araw

Dalawang Anyo ng Panitikan


1. Tuluyan (Prose) - maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay
nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
Halimbawa:
 ALAMAT (Legend) – isang uri ng kathang nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook at
katawagan.
 MITOLOHIYA (Mythology) - malikhaing kuwento na nauukol sa mga diyos at diyosa. Ito ay
mahabang salaysay tungkol sa pinagmulan ng santinakpan ng tao, ng mga diyos at diyosa at ng
mga mahiwagang nilikha, gayundin naman, tungkol sa buhay ng mga bayani ng iba’t ibang
pamayanan.
 PARABULA(Parable) - isang uri ng salaysay na may kabuluhang aral na tinutukoy ng mga
pangyayari. Hango ito sa Bibliya na nagbibigay ng aral na pang-ispiritwal.
 DULA (Play) - isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Ito’y
tinatampukan ng mga tauahan. Ito’y nahahati sa ilang yugto at ang bawat yugto ay maraming
tagpo.
 NOBELA (Novel) - isang mahabang salaysay na mahahati sa mga kabanata. Ang mga
pangyayari rito’y hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao, sumasakop ng mahabang
panahon at ginagalawan ng maraming tao.
 TALAMBUHAY (Biography) - ang salitang ito ay pinagtambal na mga salitang talaan ng buhay,
samaktawid ay nauukol sa kasaysayan o kabuhayan ng isang tao o biography. Ang pagsasaysay
tungkol sa taong pinapaksa ay maaaaring isagawa ng ibang tao o kaya’y ng may katawan na
rin.
 ANEKDOTA (Anecdote) - isang maikling salaysay ng isang nakawiwili, nakalilibang, o
patalambuhay na pangyayari na hango sa tunay na buhay.
 BALITA (News) - isang paglalahad ng mga pang-araw –araw na pangyayari sa lipunan,
pamahalaan, paaralan, sa mga sakuna, sa industriya , sa agham at sa mga iba’t ibang paksa sa
buong bansa at sa ibayong dagat man.
 SANAYSAY (Essay)– isang akdang pampanitikanng naglalahad ng matatalinong pagkukuro.
Ito’y makatwirang paghahanay ng kasipan at ng damdamin ng sumusulat ayon sa kanyang
karanasan, kaalaman at haka-haka.
 TALUMPATI (Speech)- isang sangay ng panitikan na nagpapahayag ng kaisipan upang basahin
o bigkasin sa harap ng mga taong handing magsipakinig.
 MAIKLING KUWENTO (Short Story) - anyo ng panitikang nagsasalaysay nang tuluy-tuloy ng
isang pangyayaring hango sa tunay na buhay

2. Patula (Poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang ng pantig sa


taludtod na pinagtugma-tugma at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at
pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

MGA URI NG TULA (Kinds of Poetry):


1. Tulang Liriko o Tulang Pandamdamin (Lyric Poetrty)- Nagtataglay ito ng mga karanasan ,
guniguni, kaisipan at mga pangarap na maaaring nadama ng may akda o ng ibang tao.

Mga Uri ng Tulang Liriko (Kinds of Lyric Poetry):


a) Dalit - nagpaparangal sa Maykapal na may halong pilosopiya sa buhay
b) Soneto - laging nagtataglay ito ng aral sa buhay, 14 na taludtod at ang mga nilalaman ay
tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kaalaman at likas na pagkatao.
c) Elehiya - ang nilalaman nito ay may kinalaman sa alaala ng isang namatay; guniguni tungkol
sa kamatayan; pananangis at pananaghoy.
d) Oda - masigla ang nilalaman, pumupuri sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng
mga tao. Walang katuyakan ang bilang ng pantig at saknong sa bawat taludtod.
e) Awit – madamdamin ang nilalaman nito sa dahilang ang karaniwang pinapaksa ay may
kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, kaligayahan
2. Tulang Pasalaysay (Narrative Poetry) – Naglalahad ng makulay at mahahalagang tagpo sa buhay
tulad ng pag-ibig at pagkabigo, tagumpay mula sa kahirapan, kagitingan at katapangan ng mga
bayani sa pakikidigma.
3. Tulang Patnigan – hal. Duplo , Karagatan at Balagtasan
4. Tulang Dula o Pangtanghalan – isang dula na binibigkas nang patula ang diyalogo

Iba Pang Akdang Panulaan :


 BUGTONG (Riddle)- matalinghagang parirala may sukat at tugma. Kailangan ang bilis at talino
sa pagsagot sa tinutukoy na bagay. Nasasalamin din ditto ang katauhan n gating mga ninuno.
 SALAWIKAIN (Proverb) - patulang mga taludtod na nagbibigay –aral.– isang butil ng
karunungan hango sa karanasan ng mga matatanda kinapapalooban ng mga payo tungkol sa
kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa batas ng kaugalian.
 KASABIHAN (Sayings) – hindi gumagamit ng talinghaga, ang kilos, gawi at ugali ng tao ang
nasasalamin
 BULONG - ginagamait itong pasintabi o paumanhin sa mga lamang-lupa. Nasaslamin ditto
ang paggalang at pangamba sa mga hindi nakikitang espiritu.
 HAIKU – tulang may 17 pantig
 DIAMANTE - isang payak na tula na hugis diamnte, may limang taludtod.
Unang linya - isulat ang isang salita tungkol sa inyong paksa
Ikalawa - magbigay ng dalawang pang-uri naglalarawan sa paksa
Ikatlo - magbigay ng tatlong pandiwa para sa paksa
Ikaapat - magbigay ng isang maikling parirala maiuugnay sa paksa
Ikalima - magbigay ng isang salitang kasingkahulugan ng salita sa unang linya o maaaring
ulitin

Hal. Lupa
Mayaman , nagbibigay ng buhay
Nilalason, inaabuso , inuubos
Paano ang mundo
Kalikasan
 TANAGA – ito ay may iisang saknong lamang, may apat na taludtod at may pitong pantig
bawat isa. Naghahayag ito ng aral at pilosopiyang ginagamit na halimbawa ng mga matatanda
sa mga kabataan. matandang tulang Tagalog na binubuo ng apat na taludtod. Ito ay may sukat
na pipituhing pantig, may tugma at nagtataglay ng kariktan at talinghaga.

Hal. Pag-ibig
Busilak na damdamin
Sa puso nanggaling
Kapayapaang hated
Lunas ‘to sa daigdig.

 TULANG PAMBATA - ginagamit sa pagliliban lalung-lalo na ng mga bata noon.

Hal. Sipit namimilipit


ginto’t pilak namumulaklak
sa tabi ng dagat.

Mga Awiting Bayan (Folk Songs) – tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian,
karanasan, pananampalataya,gawain o trabaho ng mga taong naninrahan sa isang pook.

Uri ng Awiting Bayan (Kinds of Folk Songs:


1. Soliranin (Rowing Song) – awit sa pamamangka ng mga Tagalog .
2. Talindaw (Boat Song) - awit ng pamamangka
3. Diona ( Nuptial or Courtship Song) - awit sa panliligaw o kasal
4. Oyayi (Lullaby Song) - awit ng pampatulog sa bata o panghele
5. Dalit ( Hymns) – awit ng pagpaparangal sa Maykapal
6. Kumintang (War or Battle Song) - awit sa pakikidigma
7. Sambotani - (Victory Song) - awit sa pagtatagumpay
8. Kundiman (Love Song) – awit ng pag-ibig
9. Hilirao o Pamatbat - awit pang-inuman
10. Indolanin o Kutang-kutang - awit panlasangan

You might also like