You are on page 1of 3

BUOD NG UHAW NA TIGANG NA LUPA

NI LIWAYWAY ARCEO
Naging kapansin pansin sa dalgita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi ito makatulog, palaging malungkot
kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan minsan ay may impit na hikbi.
Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang siyang magalit. Parang patak ng
ulan kung tag-araw ang kaniyang mga ngiti. Ang batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na
uhaw.
Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang pagbabasa nito,pinagmamasdan
niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina at
kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at
tahimik.
Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang dibdib at ulo. Naratay ng ilang araw ang
ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na karamdaman ng ama.
Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng ama ang hapag nito. Ang
larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay “Sapagkat
ako’y nakalimot”. May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng
kanyang ama at tanggapan nito.
Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na nasa kalamigan ng lupa ang
kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso ay hindi pagibig tuwina.
Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang ang ina ay patuloy sa pagbabantay,
walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha kung walang makakita sa kanya.
Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang magtungo….na nag
moog na kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan.
Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang maysakit at nagkatitigan sila ng
ina.
Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko
na ang kaligayahan ko”.
Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang mahal.
Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang dumaloy
sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.

PAGSUSURI SA LUPANG TINUBUAN NI NARCISO REYES


Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa
kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng
buhay ng tao at ng mundo. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng
lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa
suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na
suliranin. Ang ating susuriing kwento ay ang “LUPANG TINUBUAN” ni Narciso Reyes. Ang kwentong ito ay
nagkamit ng parangal. Ang mga tauhan dito ay sina nDanding, ang pangunahing tauhan, Juana at Tiyo
Gorio. Isa si Danding, kasama ang kanyang Tiya Juana at Tiyo Gorio sa mga taong naroon na uuwi sa
lalawigan upang makipaglibing sa kanyang Tata Inong na pinsan ng kanyang ama. Sa kanyang pag-uwi ay
marami pala siyang mga kamag-anak sa Malawig. At doon niya nakilala ang kanyang mga di-kilalang
kamag-anak. Isa nga sa mga kamag-anak niya ay si Lolo Tasyo. Nagkuwento ang matanda kay Danding
tugkol sa knayang Ama. Masasabing nabibilang ito sa toeryang historikal sapagkat gumamit ang awtor ng
flashback sa buhay ng isang tauhan sa kwento. Nabibilang iton sa teoryang historikal spagkat tumutukoy ito
sa mga kwento ng isang matanda sa pinagdaanan ng ama ni Danding noong bata pa siya. ’Kaparis ka ng
iyong ama,’ ’Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang
laruan. Naulila agad siya sa ama.’ Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang munti.
Sa kabilang pitak siya nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya
noon, ang akala ko’y hindi siya titigil sa kaiiyak.’
1. 2. ’Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang hapon, noong kainitan ng
himagsikan, nang mabalitaang may mga huramentadong Kastila na paparito. At doon, sa kinauupuan mo
kanina, doon niya isinulat ang kauna- unahan niyang tula-isang maikling papuri sa kagandahan ng isa sa
mga dalagang nakilala niya sa bayan. May tagong kapilyuhan ang ama mo.’ Ang mga katagang iyan ang
ginamit ng awtor upang magbalik-tanaw sa mga pangyayari sa kwento. Kung ating papansinin ang katagang
ito: pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay
nananariwa sa kanyang gunita ng isang tao o indibidwal. Para bagang isa itong karanasan ng isang tao. Ang
mga ito ay masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog ng awtor. Naipakikita rin rito ang
pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin kagaya ni Danding nabigyan ng linaw ang kanyanmg
mha tanong tungko sa kanyang ama. Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng
tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa
ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalungat sa bagyo at baha
makauwi lamang sa Inang Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio. Dito
na pumasok ang teoryang historikal dahil nabanggit ng may-akda ang kadakilaan ng ating mga bayani na si
Rizal at Bonifacio. Hindi man deretsahang sianbi ng may-akda na nabuwis ng buhay ang dalawang bayani
ginamit niya naman ang dugo upang maging simbolo sa katapangan ng mga ito

PAGSUSURI SA UHAW ANG TIGANG NA LUPA


1. 1. Tagpuan: Aklatan: Maaring sa tagpuan ng kwento mapupuna ang mga bagay na maaaring pinagmulan o
mga bagay na tatalakayin sa kwento. Dito ay matatagpuan ang talaarwan at liham ng ama na ginamit upang
buksan ang ang paksa kung saan matutukoy ang problema o suliranin sa kwento. Dito din naganap ang mga
bagay na di inaasahan, gaya ng mga bagay na doon lamang nadiskubre ng ama,ina at ng anak na siyang
bumasa dito. Kung hihimaymayin ang parteng ito ng kwento makikita na hindi lamang ang liham ang
binanggit o ipinakita, nariyan din ang ang sobre, larawan, at ang pelus na rosas. Maaaring mabanghay sa
pagkakasunod sunod ang mga mahahalagang detalye sa tagpuan. Sobre⇨Liham⇨Pelus na
Rosas⇨Larawan Sa pagkakasunod sunod na ito sa banghay ng tagpuan ipinapakita ang pagkakaugnay
ugnay ng bawat isa na siya ring nagbibigay ng magandang daloy sa kwento nakung susuriing mabuti ay may
ibang mas malalim na kahulugan ang bawat isa na inilihim o di agad ipinakita ng may akda upang
magkaroon ng oras ang mambabasa na galugading maiigi ang loob ng kwento sa pamamagitan palang ng
tagpuan. B. Tauhan: Anak: Ang tauhan sa kwento na siyang nagbukas sa mga papaksain ng mga iba pang
tauhan. Sa kanya din unang umikot ang kwento na siyang nagpakilala pa sa ibang tauhan. Kung papansinin
ang pamagat pa lamang ng kwento ay mapupukaw na kaagad kung ano o bakit yun ang pamagat ngunit
habang pinapasadahan ang kwento matatalakay ang pagkauhaw ng anak sa kanayang pamilya. Hindi nito
nararanasan ang saya ng isang tunay na pamilya dahil sa kalagayan ng kanyang ama at ina. Ama: Isa siya
sa pantulong na tauhan na kung saan kung susuriin o babasahing mabuti siya ang dahilan bakit ang lungkot
ng ina ay nadarama. Sa pamamagitan din niya naipakita ng may akda ang mga problema sa kwento, kung
bakit dinadanas ng ibang tauhan ang mga bagay sa suliranin sa kwento. Sa kanya din sinimulan ang
suliranin dahil sa liham na ipinakita palang sa bahagi ng tagpuan. Ina: Pantulong na tauhan na kung saan
siya ang nagbigay ng emosyon sa kwento sa una pa lamang na bahagi ng kwento ay ipinakita na ang
emosyong kalungkutang namamayani sa kanya. Mapapansin din na may kaugnayan ang ama at maging ng
kanayang anak ang pag-ikot ng kwento. C. Banghay 1. Panimula Sinimulan ni Arceo ang maikling kwento sa
pamamagitan ng paglalantad ng pagpapakahulugan sa pamagat mismo. Sa simula pa.lamang ay ipinaliwang
na niya kaagad ang kahulugan ng Pamagat. Ang Uhaw ang tigang na lupa ay binigyang kahulugan sa
pamamagitan ng anak na uhaw sa pagmamahal ng kanyang pamilya.
2. 2. 2. Saglit na Kasiglahan Sa bahaging ito ang kawilihan ng kwento ay makikita sa pangungulila ng anak sa
pagmamahal ng kanyang mga magulang. Ang kasiglahan ng kwento ay sa pamamagitan ng paglalarawan
ng anak sa pananabik niya na magkaroon ng masaya at magandang pamilya, maging ang pagkakaroon ng
kapatid ay binanggit din. 3. Suliraning inihahanap ng lunas Paano kaya mapanunumbalik ng anak ang
kasiyahan ng kanyang pamilya. Paano mapipigilan ng anak ang pagiging malungkot ng ina at paano ang
gagawin nito upang malaman ang totoong nasapit ng ama bakit ganoon na lamang ang kanyang mga
magulang. Suliranin ito ng ama ngunit kailangan ang tulong ng anak dahil kung papansinin ang kalungkutan
ng ina ay nagmula sa ama na siyang tinatalakay ng anak sa kwento. 4. Kasukdulan Sa isang liham
nabuksan ang isang paksa o suliranin. Sa pamamahlgitan ng liham mahihinuha sa kwento na may hadlang
sa kaligayahan ng ama at ng ina kung kayat ganun na lamang ang lungkot na nakaukit sa mukha ng ina. Sa
pamamagitan din ng isang larawan mas naintindihan ng anak ang mga pangyayari na isinalaysay sa kwento.
"Huwag padala sa simbuyo ng iyong kalooban, ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig tuwina." Kung
papansinin ang linyang ito mahihinuha na ang dahilan ng kalungkutan ng ina. Kung gagalugarin ang linya ay
makikita ang tunay na dahilan ng kalungkutan ng ina. D. Karagdagan 1. Paksang diwa o Tema Tinalakay sa
kwento ang suliranin ng isang pamilya na dahil sa suliraning iyon ang anak ay nauuhaw sa pagmamahal ng
kanayang mga magulang. Naghahanap ito ng tunay na masasabing pamilya. Tinalakay din dito ang
suliraning pampamilya na kadalasang nagaganap sa ating bayan o pamayanan. 2.Simbolismo Liham- ang
may akda ay gumamit ng liham upang di lantarang ipakita o sabihin ang mga unang kaganapan sa kwento
na kung babasahin ay makikita o malalaman ng isang may malawak na pagiisip na mambabasa. Pelus na
Rosas- o ang pagibig na dula ng tauhan sa kwento. Larawan- sa pamamagitan ng larawan ang mga
nakaraan sa kwento ay maaring malaman sa tulong na rin ng liham na kalakip nito. Ama,ina at ang anak-
sumisimbolo sa pamilya Pamagat "Uhaw ang tigang na Lupa"- sumisimbolo sa kakulangan ng pagmamahal
sa isang anak dahil sa suliranin ng pamilya. 3. Linggwahe Guumamit si Arceo ng pormal na mga pananalita
na kinapalooban din ng mga matatayutay na pagpapahayag gaya ng linyang. "Nasa kalamigan ng lupa ang
kaluwalhatian ko."
3. 3. Na maaaring may iba pang lalim ng kahulugan na nais niyang iparating sa mambabasa kung gagalugarin
ng mambabasa. Repleksyonsa Uhaw ang Tigangna Lupa ni LiwaywayB.
ArceoPaanobamapapatunayannatunay ang pagmamahal? Ang isa bang pagkakamali aysapatna
dahilanpara iwananang minamahal?Itomarahilangnaissagutinni Bb.Arceosa kanyang akdang Uhaw ang
Tigangna Lupa. Isinulatsamata ng isangbata,naisngakda na patunayansa atinna sa
panahonngayon,mayroonparing tunayna pagmamahal,atmayroonpa ring halagasa
lipunanangpamilya.Samatang batangkarakter,ang kanyangpamilyaayperpekto-
angkanyanginaaymabait,sadyangdi galitin,atdi masyadongmasalita.Ang kanyangama ay huwaransapamilya-
masipag,mabaitatmaaruga.Parasa bata,ang kanyangpamilyaay masaya atpara bangwala
nangsuliranin,ngunitdi nyanaiisipnaisangbagaypala ang titibagsakanyang mga
impresyon.Tunggaliansaakdaang pagsulpotngkeridangkanyangama-na isikretongmatagal na
panahonhanggangsa natuklasanitonangnatagpuan ang kanyangtalaarawan.Sagitnangpagsubokna itoang
kanyangina ay nanahimikatnagsawalang-kibo,huwarankungiisipindahil kadalasangdi
kakayaninngisangbabae na harapinnangpasiboangganitongmga bagay.Sapagkakasakitngkanyang asawa
nagawapa nyangarugainitong buongpuso,atnangito ay gumalingnaibigaynarinnyaang
kanyangpagpapatawad.Marahil aynagtagumpayangakda dahil nagawanitongmakawalasa
tradisyunalnamgakaganapansa buhay.Maaringisipinnatinnaangginawangpagpapatawadsainasa kasalananng
asawaay pantasyangmalabonang magingrealidad,ngunitsatotoolangaykahanga-hanga man kungitoay
maganap.Palagiannanatingnaririnigsabalitaatnapapanuodsamga telenobelaang kuwentongmga
pamilyangnasisiradahilsapakikiapid,ngunitkungiisipinnatinaymalungkotna
repleksyonlangitosakunganumanangnagaganapsa lipunannatin.Marahil,kungangmgamag-asawa ay
magagawalamangnatibayinangpagsasama para sa kapakananng pamilya,masmabibigyannatin
ngmagandangkinabukasanangmgamusmod,namadalasnaiiwangnagtatakaatnagrerebelde sa
dahilangwalasilanginaoama.Ditomakikitanatinangakda bilangisang“feel-good”naakdana kapag
mataposmongbasahinaymapapaisipkaat mapapahanga.Angkuwento,sakabuuanayinspirasyonsa atin na may
mga bagay na posible pangmangyari.Samatangisangbata,lahataymaganda,lahatay
inosente,lahataymapagmahal.
1. Tagpuan: Aklatan: Maaring sa tagpuan ng kwento mapupuna ang mga bagay na maaaring pinagmulan o mga
bagay na tatalakayin sa kwento. Dito ay matatagpuan ang talaarwan at liham ng ama na ginamit upang buksan ang
ang paksa kung saan matutukoy ang problema o suliranin sa kwento. Dito din naganap ang mga bagay na di
inaasahan, gaya ng mga bagay na doon lamang nadiskubre ng ama,ina at ng anak na siyang bumasa dito. Kung
hihimaymayin ang parteng ito ng kwento makikita na hindi lamang ang liham ang binanggit o ipinakita, nariyan din
ang ang sobre, larawan, at ang pelus na rosas. Maaaring mabanghay sa

You might also like