You are on page 1of 1

Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa

Araling Pilipinas Para sa Siglo 21 at Lagpas pa

Ang papel na ito ay pagtatangkang magbuo ng makabuluhang adyenda sa pananaliksik sa


Araling pilipinas, sa pamamagitan ng panimulang rebyu ng litiratura at pananaliksik sa labas ng
bansa. Pokus ng papel na ito ang mga usaping makabuluhuan sa konteksto ng Pilipinas sa siglo
21. Multidisiplinari ang dulog at saklaw ng papel kaya't ang mga iminumungkahing paksa sa
pananaliksik ay tumatawid sa mga disiplinang gaya ng agham, pampolitika, teknolohiya,
medisina, inhenenyeriya, aralimg pangkalikasan, araling pangkultura, ekonomiks at iba pa. Sa
pangkahalatan ambag ito sa intelektwalisasyon ng Filipino bilang wika ng pananaliksik sa iba't
ibang larangan.

Mga Susing Salita: Araling Pilipinas, adyenda ng pananaliksik, agham, pampolitika, araling
pangkultura, araling pangkalikasan.

araling Pilipinas, Araling Pilipino, Araling Filipino, Filipinolohiya, Philippine Studies.


Hindi pa ganap na nagkakasundo sa terminong dapat gamitin ang mga nasa akademya
ngunit may mga bagay naman na mapagkakasunduan gaya ng makabuluhang adyenda
sa pananaliksik na akma sa mga pangangailangan ng Pilipinas at ng mga Pilipino sa
Siglo 21. Pahapyaw na tatalakayin dito ang mga isyu at problemang kinakaharap at
kakaharapin pa ng mga mananaliksik sa Pilipinas sa mga susunod na dekada at siglo,
mga bagay na maaaring bigyang-pokus sa mga pananaliksik o kaya'y paghalawan ng
paksa na maaaring saliksikin mula sa politika at iba pang ekonomiks hanggang sa
kultura at medisina, at iba pang larangan.

You might also like