You are on page 1of 16

UNCORRECTED

and INCOMPLETEPROOF

KABANATA 25
TAWANAN-IYAKAN

Ang salas ng Panciteria Macanista de Buen Gusto nang gabing iyon ay


may anyong di-pangkaraniwan.1

Labing-apat na binata,
ng mga pulong lalong tanyag ng
Sangkapuluan, mula sa Indiyo
na walang ibang dugong halo
(kung mayroong walang halo)2
hanggang sa Kastilang taga-
Espanya, na nangagkatipon
upang isagawa ang piging na
ipinayo ni Padre Irene, alang-
alang sa naging maayos ng
kinalabasan ng mga usapin ukol
sa pagtuturo ng wikang
Espanyol. Inupahan nila ang lahat ng lamesa para sa kanila, pinaragdagan
3

ang ilaw at ipinadikit sa dingding, katabi ng mga palamuti at kakemonong


Tsino, 4 at ang ganitong di-mawatasang mga pananalita:

MGA PALIWANAG

1 Ang binabanggit na panciteria sa kabanatang ito ay isang tunay na establisemento


sa kapanahunan ni Rizal na nakunan pa ng larawan sa mga unang taon ng 1900’s.
Nasa ibaba ng tulay ng Binondo at ang isang bahagi ng gusali na mayroong mga
bintana ay nakaharap sa ilog ng Binondo. Ginamit sa pangalan ng establisemento ang
salitang Macanista na ibig sabihin ay mga Tsino nan a taga Macao. – Isa ito sa
pinagmulan ng pariralang “lutong Macao” na tanyag pa rin sa ating mga Pilipino.

2 Hindi naniniwala sa pagiging puro ng lahi, ito ay sa dahilang ang pagkasalinglahi sa


loob ng 300 taon ng pananakop.

3 Para kay Padre Irene ay dapat na ipagdiwang ng mga kabataang Pilipino sa


nobelang ito ang pagpapahintulot ng pagtatayo ng isang akademiya ng wikang
Espanyol.

4 Sa ilang salin na nabasa ng nagsasaliksik ng nobelang ito ay inilalagay nila ang


salitang “nakakemonong Tsino”, sa pag-aakalang ito ang kasuotan ng mga Tsino na
nagsisilbi sa panciteria. Samantalang ang binabanggit ditto ni Rizal ay ang hanging
scroll na ang nakasula ay ang mga hindi maintindihan na sulat Tsino na bahagi ng
Luwalhati kay Custodio sa kanyang mga katusuhan, at pansit sa lupa sa
mga binatang may mabubuting kalooban!5

Sa isang bayan na ang lahat ng kabalbalan ay tinatabingan ng ayos ng


pagiging seryoso6 at `at lahat ay tumataas dahilan sa malakas na hangin at
mainit na usok;7 sa isang bayan na ang sadyang seryoso at sinsero ay maaring
makasakit sa paglabas ng nasa loob ng puso at mangyayaring maging dahilan
ng mga kaguluhan,8 marahil ay iyon ang lalong mabuting paraan upang
ipagdiwang ang lumabas sa ulo ng bantog na si Don Custodio.9 Sinagot ng
mga nadaya (binola) ng isang halakhak ang biro, ang pastel10 ng pamahalaan
ay sinagot ng isang pinggang pansit, at mabuti’t gayon na lamang!11

mga palamuti sa dingding. Ang katulad na lamang nito sa kasalukuyang mga


kalendaryo na mahaba at makitid.

5 Kasama ng mga kakemonong Tsino ay ang nakasabit na pahayag ng mga


estudyante na katulad halos sa isang anyo ng streamer na naglalaman ng protesta.
Ang pananalitang “Luwalhati kay Custodio sa kanyang mga katusuhan, at pansit sa
lupa sa mga binatang may mabubuting kalooban” ay hinango ni Rizal sa Biblia.

6 Dito ay ipinapansin ni Rizal nan a binago niya ang katuturan ng salita na nasa itaas
– Sa Pilipilipinas ang kabalbalan ay tinatakpan ng anyo ng kabanalan, sa
pagkakataong ito naman ang ginawa ni Rizal ay ang kabanalan ay inalisan niya ng
belo upang mahayah ang kabalbalan.
Mapansin sana na ang piging na ito ay mistulang isang selebrasyon ng “pasko”
na pumupuri sa katusuhan ni Don Custodio at ang pansit sa lupa naman ay para sa
mga mag-aaral na naging biktima ng mga pinaghahalong salita.

7 Ang ibig sabihin ay tumataas ang kalagayan ng tao dahilan sa hangin na malakas
mula sa gobyerno at mainit na parang insenso mula sa simbahan.

8 Isang paglalantad ni Rizal sa kalagayan ng lipunang Pilipino – kawawa ang mga


whistle blower.

9 Upang huwag maging kaguluhan ang seryosong paglalabas ng nasa puso ng mga
tao ay kailangan na paraanin ito sa anyo ng katatawanan. Ito ang magpapaliwanag, sa
mga masugod na mambabasa ng El Filibusterismo, kung bakit ang lahat halos ng mga
salaysay rito ay puno ng mga katatawanan, hanggang sa mga tauhan na ginawa ni
Rizal ay nilagyan niya ng katangian na lukayo o mapagpatawa o katatawanan
(Tandaan ang pamamaraan na ibinigay ni Rizal kay Tadeo sa paaraan niya ng
pagpapakilala sa mga naninirahan sa Maynila).

10 Mula sa Patricio Mariano na isinama sa loob ng texto ng nobela”pinaghalong arina


at mantika na pambalat sa matamis, isda o karne. Pastel din ang tawag sa Kastila sa
mga pakana o pandaraya na binabalutan ng mga mabuting pakitang-loob.” Inilabas
ng nagsasaliksik ang mga salitang ito upang makita ang tunay na ikli ng paragraph.

11 Mabuti at hindi dumanak ang dugo.


Nangagtatawanan, nagbibiruan, nguni’t nahahalatang ang katuwaan
ay pilit; ang tawanan ay tumataginting dahil sa nerbiyos, sa mga paningi’y
pumupulas ang matutuling kislap at hindi iisa ang kinakitaan ng
nagniningning na patak ng luha.12 Gayunman, ang mga binatang iyon ay
mga malulupit at mga wala sa katwiran! Hindi noon lamang pinasyahan sa
gayong paraan ang lalong mainam na panukala, na pinapatay ang mga pag-
asa sa tulong ng malalaking salita at mumunting gawa: bago si Don Custodio
ay nagkaroon na ng marami, lubhang marami!13

Sa gitna ng salas, at sa tapat ng mga parol na pula, ay may apat na


lamesang bilog, at sistematikong inayos na parang parisukat; ang mga
upuan kahoy na bilog din.14 Sa gitna ng bawa’t lamesa, alinsunod sa pauso ng
tindahan, ay may nakahandang apat na maliliit na platong may kulay na may
tig-apat na kakanin ang bawa’t isa, at apat na tasang tsa, na may kani-
kanyang takip, na pawang porselanang pula; sa harap ng bawa’t lamesa ay
may isang bote at dalawang kopang Kristal na nangingintab.15

Dahil sa pagkamausisa ni Sandoval ay nagtitingin-tingin, lahat ay


sinisiyasat, tinitikman ang mga hopya, pinagmamasdan ang mga palamuti,
binabasa ang talaan ng mga halaga.16 Ang iba’y nangag-uusap tungkol sa mga
artistang babae ng operetang Pranses at mahiwagang pagkakasakit ni Simoun,
na alinsunod sa ilan ay natagpuang may sugat sa lansangan; alinsunod
naman sa iba ay nagtangkang magpatiwakal: gaya ng sadyang dapat
mangyari, silang lahat ay naninirá sa mga pagkukuru-kuro. Si Tadeo ay may
ibang balita, na alinsunod sa sabi niya’y hindi magkakabula. Si Simoun ay
sinugatan ng isang hindi kilala sa may lumang liwasan ng Vivak; ang sanhi
ay ang higanti, at ang katunayan ay ang pangyayaring si Simoun ay ayaw

12 Isang napakagandang paglalarawan ng isang kasayahan kung saan ang mga


dumadalo ay nagtataglay ng malabis na kalungkutan.

13 Pansinin ang mapang-insultong paglalarawan ni Rizal sa mga kabataang


Pilipino na malupit at wala sa katwiran – subalit ang kasunod niyang isinasalaysay
ang kalupitan at ang kawalang katwiran ng pamahalaang Espanya sa napakahabang
panahon. Halimaw talaga sa istilo si Rizal,

14 Mapapansin sa bahaging ito sa kaayusan ng salas ay nailarawan ni Rizal ang


kabuuan ng pagdiriwang:
Pansinin na ang apat na mesang bilog ay maayos na inihanay para maging
parisukat sa gitna ng salas. Katulad ng pagdiriwang na kanilang ginagawa – iba ang
nasasa loob ng mga kalahok sa gawa-gawa nilang anyo ng pagdiriwang. Higit sa
lahat ay ang parol na ilaw na nababalutan ng pula na nasa tapat ng bawat lamesa.

15 Mapapansin na mayroong nakalaan sa bawat isa ayon sa ayos ng panciteria.

16 Si Sandoval ay dugong Espanyol.


magpahiwatig ng ano man.17 Matapos iyon ay napag-usapan ang mga
mahiwagang higanti, at gaya nang maaantay ay mga kagagawang prayle ang
tinutukoy na isinalaysay ng bawa’t isa ang inaasal ng mga kura sa kani-
kanilang bayan.18

Isang tula na nasusulat sa malalaking titik na itim ang nasa dakong


itaas ng pintong kabahayan at nagsasabing:

De esta fonda el cabecilla


At publico advierte
Que nada dejen absolutamente
Sobre alguna mesa o silla.19

“Kay inam na paunawa!” ang bulalas ni Sandoval, “nagpapakita ng


kawalan ng pagtitiwala sa cuadrilla, ano?20 At anong tugma, si Don
Tiburcio ay naging isang tula, dalawang paa, ang isa’y mahaba kaysa isa sa
pagitan ng dalawang tungkod! Pag nakita iyan ni Isagani ay iaalay sa
kanyang magiging tiyahin!”

“Narito si Isagani!” ang sagot ng isang boses mula sa hagdanan.

At ang mapalad na binata’y lumitaw na puno ng katuwaan, na


sinusundan ng dalawang Insik na walang kamiseta na may dalang malalaking
mangkok na nagkakalat ng nakakagutom na amoy. Masasayang paaba ang sa
kanila’y sumalubong.

Wala pa si Juanito Pelaez, nguni’t sa dahilang nakaraan na ang oras, ay


masasayang nagsilapitan sa lamesa. Kailan pa man ay hindi makatutupad sa
salitaan si Juanito.

17 Ang Plaza Vivac ay ang kasalukuyang Plaza Lorenzo Ruiz. na halos ay katabi
lamang ng panciteria na kinagaganapan noon ng piging ng mga mag-aaral. Lumilitaw
na sa gabi habang itinatanghal ang Clotches de Corneville ay mayroong nagtangka sa
buhay ni Simoun at ito ay tiyak na isa sa mga kausap niya sa hindi natupad na pag-
aalsa.

18 Bawat bayan ay mayroong mga prayle na magpapakita ng halos pagkakatulad.

19 Mula sa salin ni Patricio Mariano Ipinatatanto ng may-ari ng ponda (pansiterya)


na huwag mag-iwan ng anumansa ibabaw ng mga lamesa o silya).

20 Ang cuadrilla ay ang pulutong na nagsisilbing mga pulisya sa panahon ng


pamahalaang kolonyal ng Espanya sa Pilipinas.
“Kung si Basilio pa ang ating inanyayahan at hindi siya,” ang sabi ni
Tadeo, “ay lalo tayong magiging masaya. Lalasingin sana natin upang
mapagsabi ng ilang lihim.”

“Ha!” Ang mapagnilay na si Basilio ay may itinatagong lihim!”

“Bah!” ang tugon ni Tadeo, “at ang lalo pa namang mahahalaga! May
ilang lihim na pangyayaring siya ang lamang tanging susi… ang batang
nawala, ang mongha…”

“Mga ginoo, ang pansit-langlang ay siyang sopas na pinakamabuti!” ang


sigaw ni Makaraig, “gaya nang makikita ninyo, Sandoval, ang halo ay kabuti,
hipon, tiniping itlog, sotanghon, tinadtad na manok, at hindi ko na maalaman
kung ano pa. Bilang unang bunga ay ihandog natin ang mga buto kay Don
Custodio; tingnan natin, magpanukala siya tungkol dito!”

Isang masayang halakhakan ang sumalubong sa pahayag na ito.21

Pag naalaman…

“Patakbong paparito!” ang dugtong ni Sandoval, “napakasarap ng sopas,


ano ang pangalan?”22

“Pansit-langlang, sa lalong tuwid na sabi, pansit Insik upang maiba sa


isa na sadyang gawa rito.23

“Bah!” Mahirap alalahanin ang pangalan. Patungkol kay Don custodio


ay bibinyagan ko ng pangalang sopas ng proyekto.24

Tinanggap ang bagong pangalan.

21 Ano ano ang nakakatawa rito?


Panukalang sopas - lutong halo-halo. Subalit kung papansinin ang mga sangkap ng
nasabing sopas ay kabuti, itlog, sotanghon, hipon (mapula-pula) at manok chicken..
Ibig sabihin ay sopas na naglalarawan ng sex ang inihahandog ng mga mag-aaral kay
Don Custodio. Mapapatunayan ito sa pamamagitan ng pag-gagmit ng mga ito kay
Pepay na kabit ng nasabing ginoo.

22 Ang tawag ng sekso ang pangunahing pangganyak kay Don Custodio.

23 Pansit Lang-lang – ang pinakamalapit nito sa salitang Filipino ay linglang at


nagagamit din sa mga pangungusap ang salitang napaglanglangan o naloko. Maari
rin hinalo na lang ng paganoon-ganoon.

24 Bakit tinawag na sopas ng proyekto an gang pagkain na para kay Don Custodio.
Isang tagong pahiwatig ukol sa makamundong o seksuwal na proyekto. Isang
pahiwatig na si Don Custodio ay isang impulsive masturbator.
“Mga ginoo,” ang sabi ni Makaraig na siyang pumili ng mga
kakanin,”mayroon pa tayong tatlong ulam! Lumpiang Insik na ang laman ay
baboy…”

“Na ipinatutungkol kay Padre Irene!”25

“Ababa! Si Padre Irene ay hindi kakain ng baboy hanggang hindi


nag-aalis ng ilong,” ang marahang sabi ng isang binatang taga-Iloilo sa
kanyang kalapit.26

“Mag-aalis ng ilong!”

“Mawala ang ilong ni Padre Irene!” ang panabay na sigawan ng


lahat.27

“Galang, mga ginoo, kaunting galang!” ang hingi ni Pecson na pabirong


wari’y tinotoo.

“Ang pangatlong pinggan ng ulam ay panyang na alimango…”28

“Na iniuukol sa mga prayle,” ang dugtong ng taga-Bisaya.

“Dahil sa pagkaalimango,” ang dugtong ni Sandoval.29

“Tama, at tatawaging panyang na prayle!”

Inulit ng lahat na sabay-sabay ang: “panyang na prayle!”

“Tumututol ako sa ngalan ng isa!” ang sabi ni Isagani.30

25 Napakahusay ni Rizal sa panunudyo! Pansinin na ang hoping baboy ay iniuukol


niya kay Padre Irene.na isang prayle.

26 Mapapansin na si Padre Irene ay hindi kumakain ng baboy – sa bahaging ito ay


makikita na may food taboo na sinusunod ang nasabing prayle. Ang hindi nito
pagkain ng baboy ay nagbibigay ng malaking kredibilidad sa sinasabi ni Ongoco na sa
pag-aaral ni Teodoro Agoncillo ay isang Hudyo.

27 Nangangahulugan kaya ito na nais ng mga mag-aaral na malantad ang tunay na


pagkatao ni Padre Irene na isang huwad na prayle at tunay na Hudyo.
28 Crab cake

29 Ang alimango ay ginamit ni sagisag dahilan sa kakayahan nitong manakit sa


pamamagitan pag-sipit sa kaisipan ng mga Pilipino at ang ugali nito na hinihila
pababa ang mga nagnanais na papanhik. Dito ay mapapansin na ang crab mentality
ay nakuha ng mga Pilipino sa mga prayle.
“At ako, sa ngalan ng mga alimango!” ang dugtong ni Tadeo.31

“Galang, mga ginoo, kaunting galang!” ang muling sigaw ni Pecson na


namumuwalan.32

“Ang pang-apat ay pansit na ginisa, na ipinatutungkol… sa pamahalaan


at sa bayan!”33

Lahat ay napalingon kay Makaraig.

“Hindi pa nalalaunan, mga ginoo,” ang patuloy, “na inaakalang ang


pansit ay gawang Insik o Hapon, nguni’t dahilang siya’y hindi kilala ni sa
kainsikan ni sa Hapon ay tila siya Pilipino, nguni’t gayunman, ang mga
nagluluto at nakikinabang ay ang mga Insik:34 idem na idem ang nangyayari
sa pamahalaan at sa Pilipinas: wari’y Insik, nguni’t Insik man sila o hindi
man, ay may mga doktor ang Santa Madre…35 Lahat ay kumakain at
lumalasa sa kanya, nguni’t gayunman ay nangagpapatumpik-tumpik pa’t
nagpapakunwaring umaayaw; gayon din ang nangyayari sa bayan, gayon din
ang sa pamahalaan… Lahat ay nabubuhay nang dahil sa kanya, lahat ay
kalahok sa pistahan, at pagkatapos ay walang bayang sasama pa kaysa

30 Sa pamamagitan ng ipinahiram na pananalita ni Rizal kay Isagani na tumututol na


tawaging “alimango” ang prayle ay dahilan sa may nakikita siyang isa na hindi angkop
para tawaging ganoon at ito ay si Padre Fernandez. Sa kabila ng waring
mapagmalasakit na pagtutol ni Isagani ay mawawatasan ang isang matalino at
masakit na pagtukoy na ang lahat ng mga prayle liban sa isa ay mga karapat-dapat sa
paglalarawang “alimango”.

31 Higit na malupit ang pagtutol ni Tadeo – hindi patas dahilan sa nakakasira sa


karangalan ng alimango na gamitin ang kanilang pangalan sa mga prayle.

32 Pansinin na si Pecson ay sumisigaw ng galang samantalang punong puno ang


bibig sa kinakain. Ang larawan ni Pecson ay isang simbolismo ng pagtutol bunga ng
pagkadayukdok o avarice. Tumutol si Pecson sa pangalan ng pagkadayukdok ng mga
prayle.

33 Bakit ang kolonyal na pamahalaan at ang sakop na bayan ay itinulad sa pansit na


ginisa?
Pinagsama o niluto sa pamamagitan ng init ng apoy, inespada ng sandok at dumaan
sa sagitsit ng mga punglo ang pananakop at ang pagsasamang ito ay gumawa ng
isang anyo ng pagkain.

34 Mapait na puna ni Rizal sa mga negosyante Tsino na nakikinabang sa kolonyal na


pamahalaan at sa mga sakop na bayan.

35 Malupit ang tuligsa sa bahaging ito na ipinasabi ni Rizal kay Makaraig – hindi
lamang ang mga Tsino kundi maging ang kolonyal na simbahan.
Pilipinas, walang pamahalaang lalong magulo.36 Ipatungkol nga natin ang
pansit sa bayan at sa pamahalaan!”

“Ipatungkol!” ang sabay-sabay na sabi ng lahat.

“Tutol ako!” ang bulalas ni Isagani…37

“Igalang ang mga bata, igalang ang mga nagging biktima!” ang sigaw
ni Pecson na pinaugong ang tinig at itinaas ang isang buto ng inahing
manok.38

“Ipatungkol natin ang pansit sa Insik na si Quiroga na isa sa apat na


kapangyarihan ng sambayanang Pilipino!” ang palagay ni Isagani.39

“Hindi, sa Eminencia Negra!”

“Huwag kayong maingay,” ang pabiglang sabing mahiwaga ng isa, “sa


liwasan ay may mga pulutong na nagmamanman sa atin at ang mga dingding
ay may pandinig!”

Tunay nga, pulu-pulutong ng mga nanonood ay nangagtayo sa tapat ng


mga durungawan, samantalang ang ingayan at tawanan sa mga tindahang
kalapit ay lubos na napawi, na wari bagang minamatyagan ang nangyayari sa
piging. Ang katahimikan ay may ayos na katangi-tangi.

36 Pagkatapos na pakinabangan ang bayang Pilipinas ay marami pang sinasabi ang


mga nakinabang na laban sa kaniya.

37 Ang pagtutol ni Isagani ay sa isang bahagi at ito ay ang mga sinasabing laban sa
Pilipinas. Ang pinakamahalagang basehan sa ganitong anotasyon ay ang pagkamuhi
ni Rizal na natala sa kaniyang diary sa taong 1882, kung saan sa barkong Salvadora
ay kaniyang narinig ang mga masamang sinasabi ng mga Epanyo na kaniyang kapwa
pasahero sa barkong iyon.

38 Para kay Pecson ay hindi dapat laitin ang isang sakop na bansa na mayroong mga
batang susunod na lahi na hindi dapat maisama sa mga paninira at ang mga biktima
na namatay sa pagtutol sa kolonyalismo.
Ano ang simbolismo ng buto ng inahing manok?
Ang mga ina na nagtiis ng lahat ng pagmamalupit mula sa kamay ng kolonyal
na pamahalaan at kolonyal na simbahan, isama na rin sa simbolismo ang mga
babaeng nasira ang hinaharap dahilan sa makamundong pagnanasa ng mga dayuhan
at kaparian.

39 Pansinin na si Isagani ay mayroong masugid na pagkamuhi sa mga Tsino na


bumubiktima noon sa kabuhayan ng mga Pilipino. Maging si Rizal sa kaniyang
pagkakatapon sa Dapitan ay gumawa ng isang sariling pag-boycott sa isang tindahan
ng Tsino sa nasabing lugar.
“Tadeo, bigkasin mo ang iyong talumpati!” ang marahang sabi ni
Makaraig.

Sa dahilang si Sandoval ang siyang lalong bihasa sa


pagkamananalumpati ay pinagkasunduang siya ang sa huli’y hahalaw sa lahat
ng salaysay.

Si Tadeo, dahil sa ugaling tamad, na taglay niyang parati, ay hindi


naghanda at namimilipit. Samantalang sinisipsip ang isang mahabang
sotanghon ay iniisip ang paraang ikaliligtas niya sa kalagayang iyon,
hanggang sa naalaala ang isang talumpating napag-aralan sa klase at
humanda nang gagayahan iyon at lahukan ng ibang bagay.

“Mga ginigiliw na kapatid sa panukala!” ang simula niyang ikinumpay


ang chopstick na kagamitan ng mga Insik sa pagkain.40

“Hayop! Bitiwan mo ang chopstick, ginulo mo ang buhok ko!” ang sabi
ng isa niyang katabi.

“Sa tawag ng inyong paghahalal na pagpunan ang kakulangang iniwan


sa…”

“Manggagaya!”41 ang putol ni Sandoval, “ang talumpating iyan ay sa


pangulo ng ating Liceo!”

“Sa tawag ng inyong paghahalal,” ang patuloy ni Tadeo na walang katiga-


tigatig, “na pagpunan ang kakulangang iniwan sa aking… pag-iisip (at itinuro
ang kanyang tiyan) ng isang dakilang lalake, dahil sa kanyang Kristiyanong
mga aral at kanyang mga kagagawan at mga panukala na karapat-dapat na

40 Pansinin na nilagyan ni Rizal si Tadeo ng chopstick habang nagtatalumapati. Isang


anyo ng pagpapatawa, dahilan sa kung bolo ang haawak ni Tadeo noong siya ay
nagtatalumpati – tiyak na magkakaroon ito ng anyo ng sedisyon.

41 Bakit sinabi ni Sandoval ang salitang manggagaya?


Sa katotohanan ang piging na ito ng mga mag-aaral sa panciteria ay hango mula sa
tunay niyang karanasan. Ito ay nang maganap ang brindis ng mga Pilipinong mag-
aaral sa Madrid noong 1884. Ang pagkakaiba lamang ay ang aspeto na sa nobela ang
selebrasyon ng mga mag-aaral ay kanilang kabiguan, samantalang noong 1884, ang
brindis ay ginanap sa Restaurante Ingles na kanilang inupahan at nasa kasama nila
ang mga kabigang Espanyol at mga peryodistan sa Madrid. Ang brindis ay para
ipagdiwang nila ang tagumpay nina Luna at Hidalgo sa pagkakapanalo sa isang
internasyonal na eksposisyon ng sining sa Madrid.
magkaroon ng kaunting pang-alaala, ano ang masasabi sa inyo ng isang gaya
ko na may malaking gutom sa dahilang hindi nananghali?”42

“Narito ang isang leeg, kaibigan!” ang sabi ng kanyang kalapit na


iniabot sa kanya ang leeg ng isang inahing manok.43

“May isang ulam, mga ginoo, na kayamanan ng isang bayan, na ngayo’y


tampulan ng lait at kutya ng mundo, na sinasandok ng mga dayukdok na na
pinakaganid sa kanlurang rehiyon ng daigdig…”44 itinuro sa pamamagitan ng
kanyang chopstick si Sandoval na nakikipaglaban sa isang makunat na
pakpak ng inahin.45

“At mga tagasilanganan!” ang sagot ng tinukoy, na iginuhit nang pabilog


ang kanyang panandok upang maituro ang lahat ng kumakain.

“Hindi pinapayagan ang mga patlang!”46

“Humihingi ako ng salita!”47

42 Hindi nalilimutan ni Rizal na ilagay sa pamamagitan ni Tadeo ang kaniyang


mismong nagging karanasan sa ginanap na brindis para kay Luna at Hidalgo. Si Rizal
sa nasabing brindis ay hindi pa nananghalian noong hilingan siya na magtalumpati
sa nasabing okasyon kapalit ng isang hindi nakadalo na si Pedro Paterno.

43 Malaman na ang leeg ng manok ay inaabot kay Tadeo at ang leeg ng manok ay
isang paraan ng pang-iinis ni Rizal sa mga prayle. Tandaan na sa Kabanata 3 – Isang
Hapunan sa Noli Me Tangere ay ito ang inihain ni Rizal kay Padre Damaso.

44 Pansinin na pinatatamaan ni Rizal sa pamamagitan ng talumpati ni Tadeo na


produkto ng hindi panananghalian ay ang mga prayle na kinikilala niyang
pinakadayukdok na pangkatin ng mga tao mula sa Kanluraning rehiyon ng mundo.

45 Isang pamamaraan na palaging ginagamit ni Rizal na kapag nagpahayag ng isang


malupit na puna sa Espanya o sa simbahan ay mayroong isusunod na nakakatawang
eksena o mga salita upang palambutin ang impact ng kaniyang naunang pahayag.
Subalit pansinin na ang ginamit na panturo ni Tadeo sa Espanyol na si Sandoval
ay ang matulis na chpstick.
Sa talumpati ni Rizal sa Madrid (1884) ay mapapansin ang kaniyang paala-ala
sa mga Espanyol:

What can a piece of red and yellow cloth do, what can guns and cannon
do, there where the feeling of love, of affection, does not spring; WHERE
THERE IS NO FUSION OF IDEAS, UNITY OF PRINCIPLES, ACCORD
AMONGST OPINIONS...? (Prolonged applause.)

46 Ang dahilan nito ay tumigil si Tadeo sa kaniyang talumpating extemporenous at ito


ay sa bahagi kung saan ang tinatalakay ay ang mga taga Silangan.
“Humihingi ako ng patis!” ang dugtong ni Isagani.48

“Dalhin dito ang lumpiya!”49

Hininging lahat ang lumpiya at si Tadeo ay umupong masaya dahil sa


pagkakaalpas sa kagipitan.

Ang ulam na ipinatungkol kay Padre Irene ay hindi lumabas na masrap


at ang gayon ay ipinahayag ni Sandoval sa malupit na paraan.

“Nangingintab ang labas dahil sa mantika at baboy ang loob!50 Dalhin


dito ang pangatlong pinggan ng ulam, ang panyang na prayle.”

47 Humihingi sa salita – ang nagpahayag nito ay nagnanais ng mga karagdagang


inpormasyon kung papaano ilalarawan ni Tadeo ang silangan.

Sa talumpati ni Rizal sa Madrid noong 1884 ay tinalakay niya ang relasyon ng


Silangan at Kanluran:

"The patriarchal era of Filipinas is passing. The illustrious achievements of


her children are no longer consummated within the home. The Oriental
chrysalis is leaving the cocoon. The tomorrow of a long day is announced for
those regions in brilliant tints and rosy dawns, and that race - lethargic
during the historical night while the sun lit up other continents - awakens
again, powerfully moved by the electric shock produced in it by contact with
the Western peoples, and it clamors for light, life, the civilization that time
once gave as its legacy, confirming in this way the eternal laws of continual
evolution, of transformation, of periodicity, of progress.

48 Halimaw talaga si Rizal sa simbolismo – ang paghingi ni Isagani ng patis ay isang


anyo ng paki-usap na lagyan pa ng alat ang magiging talumpati ni Tadeo. Sa mga
susunod na bahagi ng anotasyon ay makikita ang patis na hinihingi ni Isagani.

49 Pansinin na ang sinabi ni Tadeo sa kaniyang talumpati ay ang pag-order ng


lumpia. Isang lumpiang baboy na sumimbolo sa panlilibak ni Rizal sa mga prayle sa
kaniyang kapanahunan.

50 Tandaan na ang mga unang ginamit na pananalita ni Rizal ay hindi masarap ang
lumpiang baboy.
Mantika sa labas na nagpapakintab sa panlabas na anyo ng mga prayle at baboy ang
kalooban ng katawan at isipan.

"If the mother teaches her child her language in order to understand his
joys, his needs or pains, Spain as a mother also teaches her language to
Filipinas, despite the opposition of those short-sighted midgets who
secure their position, INCAPABLE OF LOOKING INTO THE FUTURE and
not weighing the consequences. Sickly wetnurses, corrupted and
Ang panyang ay hindi pa luto; nadinig ang sagitsit ng mantika sa
kawali. Sinamantala ang patlang upang tumungga at hiningi nilang magsalita
si Pecson.51

Walang kapingas-pingas na si Pecson ay nag-antanda, tumindig na


pinipilit pigilin ang kanyang tawang hangal, ginayahan ang isang predicador na
Agustino, na noo’y nababantog, at nagsimula sa pagbulong na wari’y sinasabi
ang paksa ng sermon.52

“Si tripa plena laudat Deum, tripa famelica laudabit fratres; (Kung ang
bitukang bundat ay nagpupuri sa Diyos, ang bitukang dayukdok ay
magpupuri sa mga prayle) Mga salitang sinabi ni Ginoong Custodio sa bibig ni
Ben-Zayb, pamahayagang El Grito de la Integridad, pangalawang salaysay,
kaululang ika-isang daan, limampu’t pito.”53

“Mga ginigiliw kong kapatid kay Jesucristo!”

“Ibinubuga ng kasamaan ang kanyang maruming hininga sa mga kulay


dahong baybayin ng Frailandia, Kapuluang Pilipinas sa karaniwang
tawag! Hindi sumisilang ang isang araw na hindi umuugong ang isang
paninira, na hindi nadidinig ang isang masamang parunggit sa mga
reverendas, venerandas (kagalang-galang, pinipintakasi) at predicandas
corporaciones (kabunyi-bunying mga kapisanan ng mga prayle), na walang
sukat magtanggol at walang sukat kumatig. Ipahintulot ninyo sa akin, mga
kapatid, na sa isang sandali’y maging caballero andante (ginoong lagalag) ako
upang magtanggol sa walang sukat magsanggalang, sa mga banal na

corrupting, who tend to snuff out all legitimate feeling and pervert the
hearts of nations, sowing in them the seeds of discords such that later
their fruit is harvested: wolfsbane. The death of future generations.

51 Sa bahaging ito ng piging ng mga mag-aaral sa Maynila ay nagkaroon ng ikalawang


tagapagsalita:
Sa ginawang piging ng mga mag-aaral sa Madrid noong 1884 ay dalawang
Pilipino ang nagbigay ng talumpati na halos magkapareho ang nilalaman:

Ang una ay si JOSE RIZAL at ang ikalawa ay si Graciano Lopez Jaena.

52 A young Filipino doctor rose to pronounce the first toast, Sr. D. José Rizal...RIZAL
was a speaker with a brief and easy manner; when he spoke he seemed to meditate on
everything he said, and his pleasant appearance, with his thinking man's face,
attracted people immediately.

53 Mula sa binanggit na bilang ni Rizal ay nais niya na ipahiwatig ang dami ng


kaululan na ginagawa ng mga prayle sa Pilipinas. Waring isang aklat ng mga
kaululan/tonteria – o mga mga bagay na walang kabuluhan.
korporasyon na nagturo sa atin, at patibayan pang muli ang karugtong ng ibig
turan noong sawikain na, bitukang bundat ay nagpupuri sa Diyos, na dili iba’t,
ang bitukang dayudok ay magpupuri sa mga prayle.”

“Mainam, mainam!”

“Hoy,” ang sabi ng walang katawa-tawa ni Isagani, “ipinababatid ko sa


iyo na kapag ang mga prayle ang natutukoy ay iginagalang ko ang isa.”54

Si Sandoval, na nasasayahan na, ay umawit:

“Un fraile, dos frailes, tres frailes, en el coooro,


Hacen el mismo efecto que un solo toooro!”55

“Makinig kayo, mga kapatid; ibaling ang inyong paningin sa magandang


kapanahunan ng inyong kabataan; tingnan ninyong siyasatin ang
kasalukuyan at itanong ninyo sa sarili ang kinabukasan.56 May ano
kayo? Prayle, prayle at prayle! Isang prayle ang sa inyo’y nagbibinyag,
nagkukumpil, dumadalaw nang lubhang masuyo sa paaralan; isang prayle ang
dumidinig ng mga una ninyong lihim, siya ang una-unang nagpakain sa inyo
ng isang Diyos, ang nagtuturo sa inyo ng landas ng buhay, mga prayle ang una
at huling guro ninyo, prayle ang nagbubukas ng puso ng inyong magiging
asawa, na inilalaan sa inyong mga suyo; isang prayle ang nagkakasal sa inyo,
na nag-uutos na kayo’y maglakbay sa iba’t ibang pulo, na binibigyan kayo
ng daan upang makapagbago ng singaw at libangan;57 siya ang naglilingkod

54 Pansinin na muling ipinabigkas ni Rizal kay Isagani ang pagtatangi sa iisa – ibig
sabihin ay lahat ng prayle sa Pilipinas at bawasan lamang ng isa.

55 (Isang prayle, dalawang prayle, tatlong prayle sa koro, ay katulad din ng isang
toro)!” – napakalupit ni Rizal, ang totoo binigyan pa ni Isagani ng isang mabuting
prayle, samantalang kay Sandoval ay lahat ay pareho.

56 Bahagi ng talumpati ni Rizal:

Are we denied what we believe we deserve? Look to the future! The


circumstances of the present cannot be eternal! No Filipino, and even
less in the presence of prestigious Spaniards, had ever dared to say
anything like it. RIZAL wanted the union of Spain and the Philippines to
be preserved; but he demanded, for that union to prevail, that the
Filipinos should have identical rights as the Spanish. He considered that
to live without them diminished the dignity of his race, and he refused to
submit to such an offense.

57 Isang maayos na pangungusap na nangangahulugan na ang mga prayle ang


mayroong kakayahan na ipatapon sa ibang lupain ang mga hinihinalaan niyang
sa inyo kung kayo’y naghihingalo at kahi’t umakyat kayo sa bibitayan ay
naroroon din ang prayle upang kayo’y samahan ng kanyang mga dasal at luha,
at makapapanatag kayong hindi kayo iiwan hanggang hindi makitang kayo’y
sadyang patay na at bitay.58 Datapwa’t hindi hanggang diyan lamang ang
kanyang kaawaan; kung patay na kayo ay pagpipilitang kayo’y mailibing nang
buong dingal, makikipaglaban upang ang inyong bangkay ay dumaan sa
simbahan, tanggapin ang kanilang mga panalangin, at magpapahinga lamang
kapag naibigay na kayo sa mga kamay ng Lumikha, na malinis na malinis dito
sa lupa,59 alang-alang sa mga parusang tinanggap, mga pahirap at mga
pagpapakumbaba.60 Sa pagkakilala sa mga turo ni Cristo na hindi
binubuksan sa mayayaman ang pinto ng langit, sila, mga bagong mananakop,
mga tunay na kahalili ng Tagapagligtas, ay lumalalang ng sarisaring paraan
upang alisan kayo ng sala, kuapi sa karaniwang tawag, di dinadala sa malayo;
lubhang malayo, doon sa tinitirhan ng mga kalait-lait na mga Insik at mga
Protestante, at iniiwang malinis, mabuti, malunas, ang hinihingahan natin
dito, sa paraan na kahi’t ibigin man natin pagkatapos ay wala tayong
matatagpuang halagang sikapat na magiging sanhi ng ating ipagkakasala!” 61

“Oo nga, sila’y kailangan ng ating kaligayahan; kung sa lahat ng


dakong dalhin natin ang ating ilong ay matatagpuan natin ang manipis na
kamay na gutom sa halik, na sa araw-araw ay lalo pang nagpapatalapya sa
sungalngal na dagdag na taglay natin sa mukha.62 Bakit hindi sila suyuin at
patabain at bakit hihingin ang kagagawang hindi nararapat na sila’y
palayasin? Nilayin sandali ang malaking kakulangang mangyayari sa ating
kalipunan kung sila’y mawala! Dahil sa pagkawalang pagal na manggagawa

kalaban ng kanilang kapangyarihan at aral – gaya rin ng nangyari sa mga bayaw at sa


kapatid ni Rizal na si Paciano.

58 Ang katotohanan ng binabanggit rito ni Rizal ay matutunghayan sa pagkakatulad


sa GOMBURZA na ang mga prayle na pinaghihinalaan na siyang mga nasa likuran ng
pagkakabitay sa tatlo ay siya rin mga naghatid sa kanila sa bitayan.
59 Isa sa mga malaking kinikita ng mga prayle noon ay ang pagbebendisyon sa mga
Katolikong namatay.

60 Ang buhay ng mga Pilipino sa ilalim ng mga alagad ng kolonyal na simbahan ay


waring isang walang tigil na pagpapahirap sa pagsasamantala ng mga prayle.

61 Dahilan sa hindi tinatanggap ang mga mayaman sa langit ay gumagawa ang mga
prayle na maalisan ng kayamanan ang mga Pilipino. Ang mga kayamanan na ito na
mula sa kanilang mga nakuha sa mga Pilipino ay dinadala ng mga prayle sa Hong
Kong upang ideposito sa bangko at gamitin sa mga pamumuhunan.
Dahilan sa naubos nan g mga prayle ang salapi ng mga Pilipino ay wala na siyang
makikita pa na maging dahilan ng kasalanan dahilan sa nasa Hong Kong na nga.

62 Pango na nga ang mga Pilipino ay papahalikin pa ang ilong sa kamay ng prayle.
ay pinabubuti at pinakakapal nila ang mga lipi;63 sa pagkakawatak-watak
natin dahil sa mga inggitan at samaan ng loob ay pinagsasama tayo ng mga
prayle sa iisang kapalaran, sa isang mahigpit na tungkos, napakahigpit, na
hindi na tuloy maigalaw ng marami ang kanilang siko!64 Alisin ninyo ang
prayle, mga ginoo, at makikita ninyong mayayanig ang kapamayanang Pilipino
dahil sa kakulangan ng malakas na balikat at mabalahibong hita;65 ang
pamumuhay Pilipino ay makaiinip kung wala ang nakapagpapasayang prayle
na mapagbiro at malikot, kung wala ang mumunting aklat, at mga sermon na
nakapagpapaihit ng tawa,66 kung wala ang mainam na pagkakaibayo ng
malalaking hangarin sa mga bungong walang kabuluhan, kung wala ang tunay
na pagtatanghal sa araw-araw ng mga kuwento ni Boccaccio at ni La
Fontaine! Kung wala ang mga korea at kalmen, ano ang ibig ninyong gawin
sa haharapin ng ating mga babae kundi impukin ang salaping iyan at sila’y
maging maramot at makamkam?67 Kung wala ang mga misa, mga nobena at
mga prusisyon, saan kayo makakatagpo ng mga pangginggihang kanilang
mapaglilibangan?68 Wala silang gagawin kundi ang mga gawaing-bahay at ang
pagbabasa nila ng mga kuwentong kababalaghan ay kailangan nating palitan
ng mga aklat na wala pa rito!69 Alisin ninyo ang prayle at mawawala ang
kagitingan, tataglayin na ng bayan ang mga mabuting pamamayan; alisin
ninyo ang prayle at mawawala ang Indiyo; ang prayle ay siyang Ama, ang
Indiyo ang Verbo; iyon ang artista at ito ang istatwa, sapagka’t lahat ng
kabagayang taglay natin, ang ating iniisip at ginagawa ay utang natin sa
prayle, sa kanyang katiyagaan, sa kanyang kasipagan, sa kanyang

63 Nakatulong sa pagpaparami ng populasyon ang mga prayle sa pamamagitan ng


pakikilahok sa aktibidad reproduktibo.

64 Ang kamay ng mga prayle ang nag-isa sa mga Pilipino, subalit napakahigpit ng
nagging proseso.

65 Simbolismo na kumakatawan sa pagiging macho ng mga prayle na nakaka-akit sa


mga babae.

66 Sa isang tao na may malayang kaisipan – ang mga sermon ng prayle ay


katatawanan. Maging si Rizal ng kaniyang sagutin ang polyeto ni Padre Rodriguez ay
nakagawa si Rizal ng isang malaking katatawanan sa unahan pa lamang ng kaniyang
akdang Ang Pangitain ni Fray Rodriguez.

67 Nang-aasar si Rizal, subalit sa kabaligtaran ay ipinapakita niya ang kahalagahan


ng pagtitipid at pagsisinop sa buhay.

68 Sa tabi ng simbahan nagsusugal ang mga babae ng panggingue.

69 Isang pang-aasar ni Rizal sa mga libangan ng mga babae na ang libangan ay


magbasa ng mga kuwento ng milagro. Ipinapasok ni Rizal na marami pang matutunan
ang mga babae sa Pilipinas sa mga aklat na wala pa noon sa Pilipinas dahilan sa
hindi pinapayagan na mapasok ng mahigpit na sensura ng kolonyal na pamahalaan
at simbahan.
pagtatamang tatlong daang taon, upang mabago ang ayos na ibinigay sa atin
ng Kalikasan!70 At kung walang prayle at walang Indiyo ang Pilipinas, ano ang
mangyayari sa kaawa-awang pamahalaan na mapapaharap sa mga Insik?”71

“Kainin ang panyang na alimango!” ang sagot ni Isagani na nababagot


sa talumpati ni Pecson.72

“At iyan ang dapat nating gawin. Tigilan na ang talumpati!”

Sa dahilang hindi dumarating ang Insik na may dala ng ulam ay


tumindig ang isa sa mga nag-aaral at tumungo sa pinakaloob, sa may
durungawang harap sa ilog;73 datapwa’t madaling bumalik na humuhudyat
nang palihim.

“Sinusubukan tayo; nakita ko ang paborito ni Padre Sibyla!”

“Siya nga ba?” ang bulalas ni Isagani na sabay ang tindig.

“Huwag nang magpagod; nang makita ako ay umalis. Lumapit sa


durungawan at tumanaw sa liwasan. Pagkatapos ay hinudyatan ang kanyang
mga kasama upang mangagsilapit. Nakita nilang lumabas sa pintuan ng
magpapansit ang isang binata na palingun-lingon at lumulan, na kasama ang
isang hindi kilala, sa isang sasakyang nag-aantay sa tabi ng bangketa. Ang
karwahe ay kay Simoun.”

“Ah!” ang naibulalas ni Makaraig. “Ang alipin ng Vice-Rector ay


pinaglilingkuran ng panginoon ng Kapitan Heneral!”

70 Ang bahaging ito ay hango sa Juan 1:1 ng Bagong Tipan – Ang Diyos at ang verbo
ay iisa. Sa paraan ng talumpati ni Tadeo ay lumilitaw na iba ang interpretasyon ni
Rizal, magkaiba ang artista sa estatwa.

71 Ipinapakita rito ni Rizal na sa maraming pagkakataon, ang isa sa mga tunay na


banta laban sa pamahalaang kolonyal ng Espanya sa Pilipinas ay ang pag-aalsa at o
pag-atake ng mga Tsino. Sa mga kaganapang nangyari noon, ang mga Pilipino ay
kumakampi palagi sa mga Espanyol.

72 Pansinin na si Isagani na kahit na iginagalang niya ang isang prayle ay namumuhi


sa talumpati ni Pecson na pumupuri sa mga prayle.

73 Ang deskripsiyon na ito na ang dungawan o bintana sa harap ng iloh ang


nagpapatunay na ang larawan sa unang pahina ng pag-aaral na ito ay ang siyang
tinutukoy na panciteria ni Rizal sa Binondo.

You might also like