You are on page 1of 1

UNANG BAHAGI

Madilim ang paligid. Hindi pa sumusulyap ang araw mula sa pinagkukublihan nito.
Tahimik. Malamig ang ihip ng hangin. Walang naririnig na ingay sa bawat sulok ng nayon.
Umaalingawngaw ang bawat tunog ng hininga. Lamig ng hangin ay unti-unting sumisiksik
sa murang mga baga ng binata. Ang kalangitan ay animo’y binuhusan ng tinta.
Nagdudulot ng kadiliman na ‘di ninoman gugustuhing makita. Mapanglaw. Walang
maririnig kundi ang paghinga. Ang bawat tibok ng puso ay damang dama. Iminulat ni
Udan ang kanyang mga mata. Inunat-unat ang mga kamay at paa, at dahan dahang
tumayo. Pinagmasdan niya ang paligid na tila siya’y nasa ibang daigdig. May mumunting
mga ilaw sa paligid. Dilaw na liwanag na nagmumula sa matataas na mayabong puno.
Mabilis naglakad si Udan. Si Udan na anak ni Away Maghusay, ang Datu ng Hanapulon.
Binaybay ni Udan ang mabatong daan. Patuloy siyang naglakad sa kawalan, sa di
pamilyar na lugar. Sa madilim, makipot, at mabatong daan. Direksyong hindi mawari kung
saan ang patutunguhan. Patuloy na binagtas ni Udan ang mabato at makipot na daan.
Ngunit sa kalagitnaan ng tahimik na lakaran, kanyang nasalubong ang isang patpating
lalaking may supot na dala-dala. Maaaninag sa bawat banayad niyang yabag ang kurot
sa bawat puso na may awa’t habag. Kaunting minuto nang siya’y malingat, dalawang
putok ang umalpas sa isang dako. Kasunod nito’y nakakarinding alingangaw ng isang
ginang. Saglit siyang napahinto sa kanyang kinatatayuan. Sinundan niya ang palakas na
palakas na alingawngaw. At nang matunton kung saan nagmumula ang alingangaw,
makapal na tumpukan ng mga taong nahihibang kanyang nasaksihan. Kitang kita ni Udan
mula sa kanyang kinatatayuan ang pagdaloy ng mapulang likido mula sa ulo ng patpating
lalaki. At nagsumabog mula sa supot ang mapuputi at nangingislap na pulbos sa
mabatong daan.

You might also like