You are on page 1of 18

“HALALAN”

HALALAN”

(Kasaysayan, impormasyon at isyu sa likod nitu)

ISANG RISERTS NA IPINASA KAY


Bb. Maria Hope M. Tumamao

DATEMEX INSTITUTE OF COMPUTER TECHNOLOGY


TE CHNOLOGY
“TACLOBAN CITY”

Bilang katuparan sa mga kinakailangan sa kursong pagbasa‟t pagsulat


pagbasa‟t pagsulat

ni
Magno, Mark Andrew P.

March 13, 2013


TALAAN NG NILALAMAN

I.PANIMULA . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1

II.TEKSTO

A. KOMISYON NG HALALAN (PILIPINAS)

I.Kabuuan. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2

II.kapangyarihan ng komisyon sa halalan. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .3

III.mga kagawaran ng komisyon

IV. kasaysayan. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4

B. KASAYSAYAN NG HALALAN. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .8

C. ANU ANG HALALAN?

D. ANU ANG PATAKARAN PARA MAGINGKANDIDATO?. . . . . . . . . . . . . . .9

E. KWALIPIKASYON PARA MAGING KANDIDATO. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10

F. MGA KINAKAILANGAN UPANG MAGING KANDIDATO

G. PAANU MAG SUMITE NG KANDIDATURA

H. PARAAN NG PAGBOTO. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .11

I.KARAPATAN SA PAGBOTO

J. BAKIT PINAG‟AAGAWAN ANG PWESTU SA PULITIKA?. . . . . . . . . . . . . .12

K. ISYU AYUN SA POLITICAL DYNASTY. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13

III. KUNKLOSYUN. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .15

IV. BIBLIOGRAPI. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .16


I. PANIMULA

Para sa mga mambabasa ng aking pananaliksik, nais ko munang magkaroon ng isang


maikling pahayag batay sa impormasyon at isyung ito. Upang sa ganun ay magkaroon kayo ng
interes para basahin pa ang kabuuan. Pinili kung ito ang aking isulat para mas maintindihan ko o
maging sino mang makakabasa ang kahalagahan nito sa ating lipunan. Mababangit din dito ang
mga isyu tungkol sa mga samo‟t saring problema na idinudulot ng halalan. Bilang mamamayan
tayo ay nararapat makialam sa ganitung mga usapin dahil nabababatay dito ang magiging
kinabukasan ng ating lipunan. Nakapag-aral kaman o hindi ikaw ay dapat na mapabilang sa kung
anu ang nangyayari sa likod nitu at ang kahalagahan din nitu sa atin. Nakasalalay din dito ang
kinabukasan ng ating mga mahal sa buhay dahilang saklaw tayu sa lahat ng batas na ginagawa
ng mga politiko, sila ang gumagawa ng lahat ng uri ng batas na kasalukuyang sinusunod natin sa
ngayon. Masasabi ring sila ang pangunahing dahilan kung paano masusulusyunan ang mga ibat-
ibang anumalya sa likod ng mga gawaing ilegal ngunit sa kabila din nito ay isa rin sila sa
 pangunahing dahilan kung bakit nababahiran ng masama o maruming imahe ang ating lipunan .
ang iba pang pag‟aaral sa sulating ito ay mababasa pa sa mga sumusunod na pahina. Sa aking
 pananaliksik mayroon akung maikling kaalaman na isasama batay sa pangkalahatang halalan ng
 pilipinas, 1935. Sa halalang Pangpanguluhan, Pambansang Asembleya at lokal na ginawa noong
Setyembre 15 taong 1935 sa Pilipinas. Ito ang kauna-unahang halalang naganap simula noong
mapatupad ang Tydings-McDuffie Act na nagbigay daan sa pagbabago ng pamahalaan. Ang
Pangulo ng Senado na si Manuel Luis Quezon ang nanalong pangulo laban sa pangulong
rebolusyonaryo na si Emilio Aguinaldo. Ang kanyang pagkapanalo ay nangyari matapos
maakusahan si Aguinaldo nang pagtanggap ng suhol mula sa mga Espanyol nang maitaboy sa
Hong Kong.Ang isa pang tumakbo ay si Gregorio Aglipay, ang nagtatag at supremong obispo ng
Iglesia Filipina Indepediente (Philippine Independent Church). Ang kasama ni Quezon na si
Senador Sergio Osmeña ang nanalong Pangalawang Pangulo. At ang Komisyon ng Halalan
(COMELEC) (Commission on Elections) ay isa sa mga pinagpipitaganang mga Komisyong
Konstitusyon sa Pilipinas. Ang COMELEC ang naatasang magpatupad ng mga batas
 panghalalan at magsagawa ng malinis, maayos, tahimik at malayang halalan.

1.
II.TEKSTO

A. KOMISYON NG HALALAN (PILIPINAS)

Ang Komisyon ng Halalan (COMELEC) (Commission on Elections) ay isa sa mga


 pinagpipitaganang mga Komisyong Konstitusyon sa Pilipinas.[1] Ang COMELEC ang naatasang
magpatupad ng mga batas panghalalan at magsagawa ng malinis, maayos, tahimik at malayang
halalan.

I. KABUUAN

Ang Komisyon ay binubuo ng isang Tagapangulo at anim na mga Komisyonado. Ang mga
kwalipikasyon ay ang mga sumusunod:

1.Katutubong inianak na mamamayan ng Pilipinas;

2.Tatlumpu't limang taong gulang sa panahon ng pagkakahirang sa kanila;

3.Naghahawak ng titulo sa kolehiyo; at

4.Hindi kailanman naging kandidato sa anumang katungkulang halal sa halalang kagyat na


sinundan

Ang mayorya, kasama na ang Tagapangulo, ay dapat na mga kabilang sa Philippine Bar na
nagpraktis bilang abugado sa loob ng sampung taon man lamang.[2]

Ang Tagapangulo at mga Komisyonado ay dapat hinihirang ng Pangulo sa pagsang-ayon ng


Komisyon sa Paghihirang sa isang pitong taong taning ng panunungkulan na hindi muling
mahihirang. Sa mga naunang nahirang, tatlong (3) kagawad ang manunungkulan sa loob ng
 pitong taon, dalawang kagawad sa limang taon at mga nalalabing kagawad sa tatlong taon na
hindi na muling mahihirang. Ang paghirang ukol sa ano mang bakante ay dapat lamang na sa di-
natapos na bahagi ng taning na panahon ng panunungkulan ng hahalinhan. Hindi dapat hirangin
o italaga ang sinumang kagawad sa katayuang pansamantala.[3]

II. KAPANGYARIHAN NG KOMISYON SA HALALAN

Ang Komisyon ay may kapangyarihan ng tulad ng sumusunod:

1.Magpatupad at mamahala sa pagpapatupad ng lahat mga batas at regulasyon na kaugnay ng


 padaraos ng halalan, plebisito, initiatibo, reperendum at recall;

2.
2.Gampanan ang eksklusibong orihinal na hurisdiksyon sa lahat ng mga hidwaan tungkol sa mga
halalan, mga kinalabasan, at katangian ng lahat ng halal na mga pinunong pangrehiyon,
 panlalawigan, at panglungsod;

3.Magpasya, magtangi doon sa mga may kinalaman sa karapatan sa pagboto, sa lahat ng mga
suliranin tungkol sa mga halalan, kasama ang pagpapasya sa bilang at kinalabasan ng mga
 botohan , paghirang ng mga pinuno at mga inspektor ng halalan, at pagrerehisto ng mga botante;

4.Magsugo,sa pagsang-ayon ng Pangulo, sa mga sangay at kasangkapang taga-pagpatupad ng


 batas ng Pamahalaan, kasama ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, ukol sa tanging layuning
matiyak ang malaya, maayos, malinis, mapayapa at kapani-paniwalang halalan;

5.Irehistro, pagkaraan ng sapat na paglalathala, ng mga partido, mga organisasyon,o mga


koalisyong pampulitika na bukod sa iba pang mga katangian, ay kinakailangang magharap ng
kanilang plataporma o programa ng pamahalaan, at kilalanin ang mga lingkod-bayan ng
Komisyon sa Halalan;

6.Batay sa beripikadong sumbong o sa pagkukusa nito, magharap ng mga petisyon sa hukuman


ukol sa pagdarakip o pagwawaksi ng mga botante sa rehistro ng mga kwalipikadong botante,
sisiyasatin at usigin ang paglabag sa mga batas sa halalan;

7.Itagubilin sa Kongreso ang mga mabisang hakabangin upang mapaliit ang gastos sa halalan,
ang pagtatakda ng lugar na paglalagyan ng mga kagamitan sa propaganda, mapigil at
maparusahan ang lahat ng uri ng pandaraya, mga pagkakasala at masasamang gawain sa halalan;

8.Itagubilin sa Pangulo ang pag-aalis sa sinumang pinuno o kawani na isinugo nito o pagpapataw
ng anumang iba pang aksyong disiplinaryo, dahil sa paglabag o pagwawalang-bahala , o
 pagsuway sa mga tagubilin, utos , o pasya nito, at;

9.Iharap sa Pangulo at sa Kongreso ang komprehensibong ulat tungkol sa pamalakad ng bawat


halalan, plebesito, initiative, reperendum, o recall.

10.Ang Komisyon ay may kapangyarihang magpasya en banc o sa dalawang dibisyon. Dapat


ding maglagda ng mga alituntunin ng pamamaraan nito upang mapadali ang pagpapasya sa mga
kaso na may kaugnayan sa halalan kabilang ang mga hidwan bago iproklama ang nanalo.

11.Ang alin mang patawad, amnestiya, o suspensyon ng kaparusahan sa paglabag sa mga batas ,
tuntunin, at mga alituntunin ng halalan ay hindi dapat ipagkaloob ng Pangulo nang walang
 pagsang-ayon ng Komisyon.

3.
III. MGA KAGAWARAN NG KOMISYON

1.Ang punong tanggapan ng Komisyon sa Intramuros, Maynila ay binubuo ng siyam na


kagawaran: 2.Kagawaran ng Batas (Law Department) 3.Eleksyon at Gawaing Pambarangay
4.Protestang Elektoral at Adhudikasyon5.Kagawaran ng Edukasyon at Kabatiran (Eduacation
and Information Department)6.Talaan ng Eleksyon at Estadistika7.Gawaing
Administratibo8.Gawaing Pananalapi9.Pantauhan (Personnel)10.Pagpaplano (Planning
Department)

IV. KASAYSAYAN

Bago naitatag ang Komisyon, ang mga halalan sa Pilipinas ay pinamamahalaanan ng mga
Kalihim Panloob na may malawak na kapangyarihan at karapatang pigilin o alisin sa tungkulin,
sa pahintulot ng Pangulo ng Pilipinas, ang sino mang inaakalang hindi kanais-nais na opisyal sa
 pamahalaan. Ang hukuman ang dumidinig sa mga suliraning kaugnay sa karapatan sa pagboto at
 protesta ng mga kandidatong talunan. Ang Komisyong Elektoral na binubuo ng tatlong (3)
Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman at anim (6) na kasapi ng Pambansang Asembleya
(National Assembly) ang siyang dumirinig at humahatol sa mga protesta ng mga kaanib nito.

Subali't sumapit ang sandaling nagkaroon ng hinalang ang halalan ay ginagamit na kasangkapan
ng mga Kalihim Panloob upang pagbigyan ang partido pulitikal ng Pangulo na kanila ring
kinaaaniban. Ang malapit na ugnayang namamagitan sa Pangulo at Kalihim Panloob ang
hinihinalang sanhi ng kalimita'y hindi malinis na halalang nagaganap. Upang maiwasan ang
ganitong pangyayari, ang Pambansang Asembleya ay nagpasyang susugan ang Saligang Batas
(ng 1935) at bumubuo ng isang Komisyon sa Halalan na papalit sa gawain ng Kalihim Panloob.
Pinagtibay ng Pambansang Asembleya sa bisa ng resolusyon Bilang 73 noong ika-11 ng Abril
1940 ang tatlong susog sa probisyon ng Saligang Batas (ng 1935) na Payagan ang re-eleksyon ng
Pangulo; Magtatag ng sistemang bikameral na lehislatura na bubuhay sa Senado; atLumikha ng
nagsasariling Komisyon sa Halalan. Ang mga susog na ito sa Saligang Batas ay niratipikahan ng
mamamayan ng magdaos ng plebisito noong ika-17 ng Hunyo 1940 na isinumite sa Pangulong
Franklin Delano Rooseveltupang pagpasyahan. Sa dahilang hindi pa nagkakabisa ang mga
 pagbabagong nabanggit, ipinasa ng Pambansang Asembleya ang Batas Komonwelt Bilang 607
nagtatag ng isang Komisyon sa Halalan na mamamahala sa halalang idadaos sa ika-10 ng
Disyembre 1940. Samantala, ang mga susog sa Saligang Batas ay ganap na nagkabisa noong ika-
2 ng Disyembre 1940 matapos itong sang-ayunan ng Pangulo ng Estados Unidos.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng reorganisasyon ang Komisyon noong ika-22 ng


Hunyo 1941 at sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 657, mula sa pagiging batas ay naging ganap
na katauhang Konstitusyonal ang Komiyon. Itinakda ng 1935 Saligang Batas, na sinusugan, na

4.
manunungkulan ang Tagapangulo nito ay manunungkulan ng siyam (9) na taon, ang unang
kagawad ay anim (6) na taon at ang pangalawang kagawad ay tatlong (3)taon. Sila ay maari
lamang maalis sa kanilang tungkulin sa pamamagitan ng impeachment. Sila ay tatanggap ng
sahod ma hindi maaring dagdagan o bawasan sa panahon ng panunungkulan, mamamahala at
magpapatupad ng mga batas panghalalan at may kapangyarihang humatol sa mga suliraning may
kinalaman sa halalan maliban sa karapatan sa pagboto na tanging mga hukuman lamang ang may
kapangyarihang humatol.

B. KASAYSAYAN NG HALALAN

Ang masasabing unang pambansang halalan ay nangyari sa bahay ni Tandang Sora sa Sitio
Gulod, Barrio Banlat, Caloocan noong August 24, 1896 nang ang katas-taasang sanggunian ng
Kaptipunan, kasama ng isanlibong mga kasapi nito ang naghalal sa Supremo Andres Bonifacio
 bilang unang pangulo ng pambansang pamahalaang mapanghimagsik by acclamation  — o viva
voce! Sa palakasan ng boses.

5.
Sa pulong ng kataas-taasang kapulungan ng Katipunan, nahalal by acclamation si Bonifacio
bilang unang pangulo ng pamahalaang rebolusyunaryo, ang unang pamahalaang pambansa sa
 Pilipinas. Mula sa City Hall ng Maynila.

Inagaw sa kanya ang kapangyarihan sa pamamagitan ng Halalan sa Tejeros noong March 22,
1897. Ayon sa ibinulong sa Supremo ni Diego Moxica, mayroon nang mga nakasulat na mga
 boto sa mga balota bago pa maghalalan at sobra ang balota sa dami ng tao na naroon.

 Halalan sa Tejeros, nahalal si Mariano Trias na pangalawang pangulo. Ang masayang tagpong 
ito ay magwawakas nang insultuhin pa ang Supremo Bonifacio sa kanyang pagkapanalo sa
 pinakamababang posisyon na Direktor ng Interyor. Nasa Tejeros Hall ng AFP Commissioned 
Officer’s Club.

6.
Gayundin ang mga pangyayari sa Tejeros ang nagbunsod sa isang political killing — ang
 pagpatay kay Supremo Andres Bonifacio noong May 10, 1897, isang petsang ginagamit o
malapit sa mga eleksyon natin ngayon!!!

 Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng 
demokrasyang elit sa bansa. Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

 Noong 1907, sa unang halalan para sa Philippine Assembly sa ilalim ng mga Amerikano ay
limitado sa mga taong 23 taong gulang at pataas, lalaki, may ari-arian, nagbabayad ng buwis,
may edukasyon, at marunong ng Ingles at Espanyol ang mga nakaboboto. Kaya naman, 1-2 %
lamang ng mga tao ang nakaboto noon at diyan nagsimula ang halos kalahating siglong
 pamamayani nina Manuel Quezon at Sergio Osmeña sa ating pulitika.

 Ang unang Philippine Assembly sa Ayuntamiento, 1907. Mula sa Kasaysayan: The Story of the
 Filipino People.

7.
Noong 1936, nakakolekta ng mahigit na 300,000 na mga pirma ang mga kababaihan upang
sila ang makaboto at dahil dito nakaboto sila sa lokal na halalan noong 1937.

 Ang mga kababaihan nang makaboto. Mula sa Eleksyong Pinoy.

Dati sapat na ang mangampanya lamang sa mga lalawigan ang mga kinatawan mo o ng iyong
 partido, ngunit nang si Ramon Magsaysay ay tumakbo, gamit ang CIA na si Edward Lansdale,
 binago nila ang pangangampanya. Nakisalamuha at nakipagkamay siya sa mga tao, pumunta sa
mga malalayong barrio. Nagpagawa pa ng jingle kay Raul Manglapus — ang Mambo
Magsaysay, sinasayaw na ng mga tao ang pangalan ng kanilang pinuno.

 Ramon Magsaysay at ang masa, karaniwang tao

8.
C. ANU ANG HALALAN ?

Ang halalan ay ang pagpili ng taong mapagkakatiwalaang mamuno sa ating bayan o


lipunan. Dito tayong mga mamamayan ang may kapangyarihang magloklok sa kung sinu mang
sa tingin natin na magiging maayus na tagapangasiwa ng ating bansa. Dito sa pilipinas ang
halalan sa pinakamataas na pwestu tulad ng presidente at besi-presidente ay nangyayari lamang
kada anim na buwan, at para naman sa masmababang pwesto tatlong buwan lamang bago
magkaroon ng halalan ulit. Halimbawa sa senador ng pilipinas Ang Senado ng Pilipinas ay ang
itaas na kapulungan ng lehislaturang bikameral ng Pilipinas, ang Kongreso ng Pilipinas. Hindi
tulad ng Senado sa Estados Unidos, ang Senado ng Pilipinas ay binubuo ng 24 na senador na
inihalal hindi mula sa anumang partikular na distrito o lugar. Sila ay pinili sa pamamagitan ng
 pambansang halalan.

Ang mga senador ay naglilingkod sa anim na taong termino, na ang kalahati sa kanila ay
inihahalal kada 3 taon. Sa ganitong paraan, ang Senado ay nagpapatuloy lamang. Nang ibinalik 
ang Senado sa pamamagitan ng 1987 Saligang-Batas, ang 24 na senador na inihalal noong 1987
ay nagsilbi hanggang 1992. Noong 1992, ang 12 na kandidato para sa Senado na nakakuha ng
 pinakamataas na bilang ng mga boto ay nagsilbi hanggang 1998, habang ang susunod na 12 na
kandidato ay nagsilbi hanggang 1995 lamang. Pagkatapos noon, ang bawat senador na inihalal
ay naglilingkod ng buong 6 na taon.

D. MGA PATAKARAN PARA MAGING KANDIDATO.

Ang mga kandidato para sa halalan sa Lupon ng mga Tagapangasiwa ng Wikimedia


ay kailangang mag-presenta ng kanilang sarili sa pahinang ito bago ng 23:59 sa Agosto 28, 2006
(UTC). Sa pinakakaunti, isang miyembro ng Lupon ay ihahalal sa isang taning na matatapos sa
Hulyo 2007.

Para maari kang maging kandidato, kailangan na ikaw ay nakarami na ng 400 pagbabago sa
isang proyekto ng Wikimedia sa pinakakaunti; ang mga pagbabago ay dapat natala sa parehong
account; at ang pinakaunang pagbabago ay ginawa 90 araw bago ng 00:00, Agosto 1, 2006
(UTC). Ang mga kandidato ay dapat nasa 18 taong gulang o pataas. Dapat namamalayan ng mga
kandidato ang mga obligasyon ng isang posisyon sa Lupon.

Hindi posible na humawak ng posisyon sa Lupon bilang isang taong anonimo, kaya tumayo lang
 po kayo kung ikaw ay pumapayag na gawing publiko ang iyong identidad. Ang mga kandidato
ay kailangan magsuri ng kanilang sarili sa kapun uan kay Essjay, Aphaia, Datrio, o ibang tiniyak 

9.
na indibidwal, maliban kung ginawa na ito para sa halalan para sa Lupon sa nakaraan. Ikaw ay
ikokontak kasama ng mas maraming impormasyon. Ang mga kandidato na kinumpirma ng isa ng
mga Opisyal ng Halalan ay magkakaroon ng salitang kumpirmado sa tabi ng kanilang pangalan.

Pakikopya ang template at punuin ang sumusunod na impormasyon. Para maiwasan ang
 pagbibigay-preperensya sa isang kandidato higit sa iba, pakitala ang iyong impormasyon sa
 paraang naka-alpabeto ayon sa username, ayon sa Algoritmo ng Pagkokolasyon sa Unicode
(Unicode Collation Algorithm). Pwede kang mag-sumite ng iyong pahayag sa kahit anong wika,
 pero rinerekomenda na mag-sumite ka rin ng pahayag sa Ingles. Rinerekomenda rin namin na
ang mga pahayag ay dapat hindi lalampas ng 1,000 karakter sa kahabaan sa orihinal na wika.
Mga boluntaryong taga-salita sa Wikimedia ay magsasalin ng iyong pahayag sa ibang wika;
gagawin naming ang lahat para makatiyak na ang lahat na pahayag ay madaling makita sa ilan-
ilang wika na kaya, pero hindi makakabigay ng garantiya na ang lahat ay masasalin. Ang
 pahayag na mas maigsi at mas maaga sa pag-sumite ay mas marahil na isang boluntaryo ay
magsasalin ng pahayag na iyon.

Sa wakas, pakitala ang iyong pangalan at lahat ng mga wika kung saan ikaw ay nag-sumite ng
iyong pahayag sa seksiyong #Mabilis na tingin sa mga kandidato ng pahinang ito.

E. KWALIPIKASYON PARA MAGING KANDIDATO

Ang mga kwalipikasyon para sa pagiging kasapi ng Senado ay sinabi sa Seksyon 3, Artikulo
VI ng 1987 Saligang-Batas ng Pilipinas tulad ng sumusunod:

Walang maaaring maging isang senador maliban kung siya ay isang likas-ipinanganak na
mamamayan ng Pilipinas, at sa araw ng halalan, ay hindi bababa sa 35 taong gulang, marunong
magbasa at magsulat, isang rehistradong botante, at isang residente ng sa Pilipinas na hindi
 bababa sa dalawang taon pagkatapos ng araw ng halalan. Ito ay karapat-dapat na tandaan na ang
edad ay nakatakda sa 35 at dapat niyang angkin sa araw ng halalan, iyon ay, kapag ang mga
lugar ng botohan ay binuksan at ang mga balota ay ibinigay na, at hindi sa araw ng
 pagpapahayag ng mga panalo ng board of canvassers.

Tungkol sa mga kinakailangan sa paninirahan, ito ay pinasiyahan sa kaso ni Lim v. Pelaez na ito
ay dapat na ang mga lugar na kung saan ang kandidato ay laging umuuwi at kung saan siya,
matapos ang pagliban, may intensyong bumalik.

Ang enumerasyon na inilatag ng 1987 Saligang-Batas ng Pilipinas ay eksklusibong nasa ilalim


ng prinsipyong Latin na expressio unius est exclusio alterius. Ito ay nangangahulugan na ang
Kongreso ay hindi na maaaring magdagdag pa ng mga kwalipikasyon maliban sa mga ibinigay
ng 1987 Saligang-Batas ng Pilipinas.

10.
F. MGA KINAKAILANGAN BAGO MAGING KANDIDATO

Dapat ikaw ay nakagawa ng di-bababa sa 600 na pagbago bago ang ika-1 ng Marso
taong 2009 sa alin mang nakalistang account (ang mga pag-bago sa ilang wikis ay maaring pag-
samahim kung ang iyong account ay unified into a global account); at

hnakagawa ng di-bababa sa 50 na pagbago sa pagitan ng ika-1 ng Enero at ika-1 ng Hulyo taong


2009; at Nagpa-alam ng totoong pangalan sa publiko sa iyong candidate presentation (Dahil ang
 pagkakakilanlan sa mga bahagi ng lupon ay dapat nasa kaalaman ng publiko, hindi maaaring
maging bahagi ng lupon na hindi nalalaman ang pagkakakilanlan o nasa ilalim ng palayaw); at
hindi bababa sa 18-taong gulang at nasa edad na ayon sa batas ng iyong iyong bansa.

G. PAANO MAG SUMITE NG IYONG KANDIDATURA

kung ikaw ay maaring kumandidato, maari kang magsumite ng iyong kandidatura sa


 pamamagitan ng mga sumusunod:

Sumulat ng tungkol sa mga plano mong gawin kung ikaw ay mapili na mapabilang sa lupon ng
di sosobra ng 1200 na letra, ang iyong naaayong opinyon at mga karanasan, at kahit ano sa tingin
mo ay naayon na isulat mo. Hindi mo itong maaaring gamitin upang mag-sama ng mga bagay na
nag-eendorso o mga pahinang nag hahayag ng plataporma, at hindi maaaring tumakbo sa slate sa
iba pang mga kandidato.

Submit your summary sa pagitan ng ika- 00:00, ng ika-6 ng Hulyo taong 2009 (UTC) at ika-
23:59, ng ika-27 ng Hulyo taong 2009 (UTC). Pagkatapos ng ika-27 ng Hulyo, hindi na ito
mababago maliban sa mga maliliit na pagtutuwid o mga pagsalin. Kahit anu mang pag-dagdag
 pagkatapos ng taning ay mamarkahan ng oras ng gawa at i-hihiwalay sa tunay na buod, at maaari
lamang ipakita sa mga botante kung sila ay naisalin sa wika ng naunang buod.

Magsumite ng patunay ng pagkakakilanlan kay Cary Bass (Volunteer Coordinator) bago mag
ika-27 ng Hulyo taong 2009. Isang bahagi ng lupon ng halalan ay makikipag ugnayan ng pribado
sa iyo tungkol sa iba pang mga kailangan mo upang maisakatuparan ang mga ito bilang
kandidato.

Ang mga kandidatong hindi makasusunod sa mga kailiangan at taning na panahon ay


diskwalipikado o hindi na maaaring maging kandidato.

H. PARAAN NG PAGBOTO.

Una, dapat munang pagparehistro sa inyong lugar para maging isang botante. Siguraduhing
tama lahat ang mga naitalang pagkakakilanlan. At sa araw ng eleksyon, pumunta sa lugar o

11.
 paaralan kung saan naroroon ang iyong pangalan para makaboto. Piliing mabuti ang mga
kandidatong alam mong makakatulong sa pag-angat ng kabuhayan ng mga tao. Hindi
mangungurakot. Tapat sa pagsisilbi. Mabuting tao at may mabuting kalooban. At higit sa lahat
may takot sa Diyos.

I. KARAPATAN SA PAGBOTO.

Ang pagboto ay isang malakas na paraan upang ang tinig mo ay marinig. Lahat ng naninirahan
sa bansa ay may karapatang bomoto kung ikaw ay nasa rehistrado sa kumisyun ng Eleksyon.

Ganunpaman, maging ang mga hindi citizen ay maari ding makabahagi ng Eleksyon sa
 pamamagitan ng pagtulong sa ibang mga citizen upang makapagparehistro, o kaya ay bumuo ng
mga forums at workshops na magbubukas sa isipan ng mga tao tungkol sa kanilang karapatang
ito.

J. BAKIT PINAG‟AAGAWAN ANG PWESTU SA POLITIKA?

Batay naman sa isyu ng  politika gumawa ako ng pag‟aaral tungkol sa anung mga
 pangunahing dahilan kung bakit pinag-aagawan ang pwestu sa politika. Sa pag‟aaral na ito
kinuha ku ang mga listahan kung magkano ang sinasahod ng mga taong nakaloklok sa pwesto.
Heto‟t isa-isahin natin. Ang sahod ng  boardmember ay ₱35,000 kada buwan. Sa 766,000 na
 posisyun ay mayroong 242,000 kandidato sa pagkabokal at ang sahod ni vice-governor pala ay
₱37,000 e sa pagka governor o mayor vice-mayor, konsehal, congressman, magkano ba ang
sinasahod ng mga ito at ang iba ay nagpapatayan pa mahalal lamang. Ngayong darating na
halalan may kabuoang 17,999 posisyon ang gobyerno na pinaglalabanan mula sa presidente
hanggang sa kahuli-hulihang konsehal sa kaliblib-liblibang lugar. Ang mga posisyon na ito ay
may 50,262 kandidato ang maglalaban-laban. Bakit nga ba ang dami-daming makikisaw-saw sa
 politika.? Tulad na lamang ng lungsod ng Davao Isan daan (100) kandidato sa dalawampu‟t apat
(24) upuan ng pagka konseho. Sa pagka mayor naman Sampu (10) ang gustong maging mayor sa
lungsod ng CEBU ang pinakamaraming kandidato na naglalaban-laban sa pagka mayor. Bakit
nga ba.? Magkano nga ba sinasahod nila? Bueno ilatag natin. Sa third class na bayan tulad ng
BALER at VIRAC CATANDUANES ang isang konsehal ay sumasahod ng ₱33,231 kada buwan
sa second class naman gaya ng CATARMAN at MISAMIS ACCIDENTAL ₱35,077 kada
 buwan sa mga konsehal naman sa mga syudad tulad ng CORONADAL CITY, SOUTH
COTABATO at PUERTO PRINSESA ay meron silang 36,923 sahod kada buwan. Para naman
sa mga mayor sa mga third class na lugar gaya ng NAGA CITY,BIKOL at JOLO SULU ang

12.
 buwanang sahod nila ay umaabot sa ₱41,347 kada buwan. Sa mga second class naman gaya ng
IBA ZAMBALES at SURIGAO CITY sumasahod sila ng ₱43,644 kada buwan. Sa first class
naman na syudad tulad ng ANGELES CITY PAMPANGGA ay ₱45,941 kada buwan ang
sinasahod. Sa mga governors naman sa third class na mga lugar tulad ng SOUTHERN LEYTE
₱41,347 ang buwanang sahod. Sa second Class namang mga probinsya tulad ng ZAMBOANGA
₱43,644 kada buwan at ₱45,941 naman ang buwanang sahod sa first class na lugar gaya ng
MAGUINDANAO, Ang sahod naman ng Congressman ay ₱59,186 kada buwan pariho lamang
sila ng sahod ng senador at ang Vice- president naman ay ₱82,400 kada buwan. Kung susumahin
naman natin ang sinasahod ng konsehal sa isang taon nila ay aabotion lamang ng ₱443,076.
Batay sa impormasyong nakalap ko nakapagtatakang gumagastos ng bilyong peso ang mga
kumakandidato mahalal lamang. Ang presidente naman umaabot lamang ng ₱988,800 ang
sinasahod sa isang taon. Anu nga ba ang mayroon sa politika at sumusugal sila ng napakalaking
halaga manalo laman. Ayun naman sa mga eksperto pinaniniwalaang kapag naloklok ka sa
 pwestu ay maari mung magamit ang yung kapangyarihan sa pwestu para mapalawak ang iyung
kuneksyon kung saan ang kapangyarian mu sa politika ay pwede mung magamit para sa
 pansariling pangangailangan o hanap buhay.

K. ISYU AYUN SA POLITICAL DYNASTY

Anti-Political dynasty bill, dapat maging ganap na batas bago ang 2016 Presidential
elections.Naniniwala si Solidarity Philippines at Kontra Daya lead convenor Rev. Fr.Joe Dizon
na sa pamamagitan ng “peoples initiative” ay mabubuwag na ang mga political dynasty sa bansa.

Ayon kay Fr.Dizon, hindi dapat i-asa sa mga Kongresista ang pagsusulong ng anti-political
dynasty bill dahil hindi naman ito susuportahan ng mga mambabatas na karamihan sa kanila ay
mga magkaka-mag-anak, negosyante, mga landlord at mga gambling lord.

Sinabi ni Fr.Dizon na iniipon nila ang mga nagdaang panukalang batas na may kinalaman sa
 political dynasty at mula rito ay kakausapin nila ang Catholic Bishops Conference of the
Philippines, Peoples Organizations at iba pang Religious groups para isulong ang pagpasa sa
 panukalang batas bago maganap ang 2016 Presidential elections.

“Well pinag-aaralan na namin ang sinasabi ngayon na magkaroon ng peoples initiative para
diyan. Kasi kung i-aasa mo yan sa Congress na inatasan na gumawa ng enabling law ay wala
tayong pupuntahan. You cannot expect these landlord, big business, these people who belong to
the political dynasty at mukhang 75 % ay nasa Congress to do their jobs. Kaya ngayon ini-ipon
namin yung ibat ibang mga bills that were filed in the previous congress on political dynasty at

13.
mula rito, we will be coordinating from the CBCP, NCCP, other religious groups gaya ng
AMRSP and Peoples Organizations na pag-usapan namin kung anu itong political dynasty at
mag-committ na bago ang 2016 elections ay mayroon ng enabling law para ipatupad yang anti-
 political dynasty law”.pahayag ni Fr. Dizon sa panayam ng Radyo Veritas.

 Naniniwala si Fr.Dizon na kailangan ng mabuwag ang political dynasty sa bansa para magkaroon
ng pagbabago sa political system at matamasa ng mga Filipino ang kaunlaran.

Ayun naman sa pahayag ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na linawin kung
ano ang tunay na kahulugan ng political dynasty, iginiit na hindi magiging makatarungan kung
hindi papayagan ang isang political family na may maaayos at walang dungis na record sa
 panunungkulan sa publiko.

“Ang issue talaga ay kung sino ang corrupt at sinong hindi. Kung magkakamag-anak kayo sa
gobyerno pero pare- pareho kayong malinis, mas mabuti ba „yun sa isa ka lang sa gobyerno pero
napaka-corrupt mo,” ani Cayetano.

“Why not have a clear understanding kung sinong dapat hindi?” tanong ng Senador.

14.
IV. KONKLUSYON

Batay sa aking pananaliksik dito ay nadagdagan ang aking kaalaman at pag-unawa sa


karapatan at isyu patungkol sa halalan. Dito ko mas naintindihan ang kahalagahan at pati narin
ang negatibong mga pahayag ukol dito. Nakapaloob din dito karapatan nating bumoto at kung
 paano tayu bubuto ang mga klwapikasyon para maging kandidato at mga paraan ng pagboto.
Tayong mga mamamayan ang lubos na may kakayahan para piliin ang sa tingin nating
mapagkakatiwalaan sa larangan ng politika. Nakasalalay sa ating maayos na pagpili kung sinu
ang syang paniniwalaan nating gagawin ang pangakong maglingkod ng tapat sa bayan. Ang
isang mamamayang may pagmamahal sa bayan ay hindi kailangan man papabulag sa
kapangyarihan o kakayahan ng isang tao para pwersahin at kontrolin ng sinu mang tatakbo sa
halalan. Walang karapatan ang sinu man na mag-utos sa kung sinu-mang kandidato ang
napupusuan nating iloklok.

Dito ko rin nalaman ang samo‟t saring problema na kinakaharap natin at pati narin sa
mga kumakandidato. Ang problema dito ng mga kumakandidato ay kung paano nila mailalatag
ang kanilang plataporma para ibigin at gustuhin sila ng mamamayan.

Kailangan nilang patunayan ang kanilang dignidad at lubos na pagtulong sa


sambayanan. Kung papaanu nila masususlusyunan ang mga kinakaharap na mga problema ng
ating bansa. Madaming kandidato ang tapat at may isang salita ngunit ang malaking kinakaharap
nilang problema ay ang paglaganap ng mga panunuhol sa parte ng halalan. Dito kahit gaanu
kalinis ang hangarin mo na maglingkod sa bayan ay mahihirapan ka paring manalo. Kapag pera

na ang nagsalita ang karamihan ay nakikinig dahil sa panahon ngayun. Nagiging praktikal na ang
mga tao, dahil mas inu‟una na ng iilan na pakinggan ang sigaw ng kalam ng kanilang sikmura
dahil narin sa kahirapan. Hindi iniisip ng iba ang magiging epekto nito sa bayan. Ganun pa man
marami parin namang kababayan natin ang sumusunod sa malinis na paraan ng pagpili sa
magiging pinuno ng bayan. Tayong mga mamamayan ang gumagawa ng gobyerno kung kaya‟t
hindi natin masisisi ang mga taong nakaloklok kung hindi nila magawa ang kanilang papel sa
gobyerno isa lamang ang dahilan nito, ito ay dahil hindi tayo naging maingat sa pagpili at hindi
natin kinilatis ng masusi ang pinili nating ihalal. At kung ibibinta naman natin ang ating boto
wala tayong karapatan na magreklamo kung wala siyang ginagawa para sa bayan natin dahilan sa
 parang ibininta narin natin ang ating tiwala at dignidad sa kanya. Bago bumuto surin at kilatisin
natin kung sini ang tapat at tunay na mapagkakatiwalaan.

15.
V. BIBLIOGRAPI

http://meta.wikimedia.org at http://fil.wikipilipinas.org
http://xiaochua.wordpress.com/2013/02/12/xiaotime-12a-february-2013-kasaysayan-ng-
halalan-at-pangangampanya-sa-pilipinas/

KASAYSAYAN NG HALALAN

MGA PATAKARAN PARA MAGING KANDIDATO.

KWALIPIKASYON PARA MAGING KANDIDATO

MGA KINAKAILANGAN BAGO MAGING KANDIDATO

PAANO MAG SUMITE NG IYONG KANDIDATURA

PARAAN NG PAGBOTO

KARAPATAN SA PAGBOTO

http://tl.wikipedia.org/wiki/Komisyon_sa_Halalan_(Pilipinas)

A. Bakit pinag‟aagawan ang pwestu sa politika (Failon ngayon abs-cbn channel 2)

B. ISYU AYUN SA POLITICAL DYNASTY (http://www.balita.net.ph at Veritas846)

16.

You might also like