Professional Documents
Culture Documents
Noli Me Tangere
Noli Me Tangere
Kabanata I
Isang Handaan
Kabanata II
Si Crisostomo Ibarra
Kabanata III
Ang Hapunan
Pinag-tatalunan ng dalawang pari kung sino ang uupo sa isang dulo ng mesa. Sa
tingin ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre
kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng
Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang
karapat-dapat na umupo. Maraming nakausap si Ibarra at pagkatapos ay nagpaalam ng
uuwi bagamat pnigilan ni Kapitan Tiago dahil dadating si Maria Clara ay hindi
nagpatinag ang binata.
Kabanata IV
Erehe at Pilibustero
Kabanata V
Pangarap sa Gabing Madilim
Kabanata VI
Si Kapitan Tiago
Kabanata VII
Suyuan sa Asotea
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria Clara ang tinatahi ng may
biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni
Ibarra, dali-daling pumasok sa silid si Maria Clara. Tinulungan siya ni tiya Isabel
na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra. Nang magkita na sila ni Ibarra at
nagtama ang kanilang paningin, nakaramdam silang dalawa ng tuwa.
Kabanata VIII
Mga Alaala
Kabanata IX
Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
Kabanata X
Ang San Diego
Kabanata XI
Ang mga Makapangyarihan
Kabanata XII
Araw ng mga Patay
Kabanata XIII
Mga Unang Banta ng Unos
Kabanata XV
Ang mga Sakristan
Kabanata XVI
Si Sisa
Kabanata XVII
Si Basilio
Kabanata XVIII
Mga Kaluluwang Naghihirap
Kabanata XIX
Mga Suliranin ng Isang Guro
Kabanata XX
Ang Pulong sa Tribunal
Kabanata XXI
Mga Pagdurusa ni Sisa
Kabanata XXII
Liwanag at Dilim
Kabanata XXIII
Ang Piknik
Kabanata XXIV
Sa Kagubatan
Kabanata XXV
Sa Tahanan ng Pilosopo
Kabanata XXVI
Ang Bisperas ng Pista
Sa bahay ng mga nakakariwasa,nakaayos ang minatamis na bungang kahoy,may
nakahandang pagkain ,alka na binili pa sa Maynila na katulad ng hamon at ng
relyenong pabo,serbesa,tsanpan at iba pang klase ng alak na inangkat pa mula sa
Europa. Ang mga pagkain ganito ay inuukol sa mga banyaga,kaibigan o kaaway,at sa
mga Pilipino, mahirap man o mayamanupang masiyahan sila sa pista.
Kabanata XXVII
Sa Pagtakip Salim
Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang
pinakamalaki. Sinadya niyang higitan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan dahil
kay Maria at Ibarra na kanyang mamanugangin.Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang
tanyag na diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya ay bihasa at mayamang kapitalista,
Kastilang-Pilipino at iba pa.
Kabanata XXVIII
Sulatan
Kabanata XXIX
Ang Umaga
Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago
nila.Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prusisyon. Ito ay dinaan sa
ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San
Francisco.
Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay
nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at
mahihirap.
Kabanata XXX
Sa Simbahan
Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua bendita.
Halos hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran
ng P250, ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na magatatanghal sa loob ng tatlong
gabi. Naniniwala ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang manonood
dito ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa. Ang mga nakikinig naman sa sermon ay
tuloy-tuloy sa langit.
Kabanata XXXI
Ang Sermon
Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya mapapagalaw ang pampakilos
ng kalong ang kanyang itinayo.
Sabi nito ay mayroong walang metro ang taas , nakabaon sa lupa ang apat na haligi.
Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kayaq tila napakatibay ng pagkayari at
napakalaki. Ang bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang kulay.
Kabanata XXXIII
Malayang Kaisipan
Kabanata XXXIV
Ang Pananghalian
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya,
maliban kay Ibarra. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay
Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring.
Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa
pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra.
Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero,
pinigilan siya ni Maria.
Kabanata XXXV
Mga Usap-usapan
Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa
buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa.
Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kanyang
ama.
Kabanata XXXVI
Ang Unang Suliranin
Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang
pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi
pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si
Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang
eskomonyon sa binata.
Kabanata XXXVII
Ang Kapitan-Heneral
Kabanata XXXVIII
Ang Prusisyon
Kabanata XXXIX
Si Donya Consolacion
Kabanata XL
Ang Karapatan at Lakas
Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Ang huling pailaw
ay parang bulkan habang ang daan ay naliliwanagan ng ‘luces de Bengala’ na siyang
nagsisilbing ilaw sa mga taong naglalakad patungo sa liwasang bayan. Tapos na ang
unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito
pinansin ni Ibarra. Malugod na binati niya ang kasintahan at ang mga kasama nito.
Kabanata XLI
Dalawang Dalawa
Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa sa
kanyang laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing mayroon
siyang panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon.
Ang kanyang panauhin ay si Elias. Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay
Ibarra. Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria Clara. Ikalawa,
magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas at
ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni
Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.
Kabanata XLII
Ang Mag-asawang De Espadaña
Kabanata XLIII
Mga Balak o Panukala
Kabanata XLIV
Pagsusuri sa Budhi
Kabanata XLV
Ang mga Pinag-uusig
Kabanata XLVI
Ang Sabungan
Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa San Diego. Nasa
loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at Lucas. Habang hindi
magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero sa gagawing pagsusultada, ang dalawang
binatang magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta.
Kabanata XLVII
Ang Dalawang Senyora
Kabanata XLVIII
Ang Talinhaga
Kabanata XLIX
Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya,
kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Hindi na
nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng
mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si
Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala.
Kabanata L
Ang mga Kaanak ni Elias
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya
ay kabilang din sa mga sawimpalad. May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno
ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang
asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang
isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa salang
panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay
nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat
panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng
pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may sakit. Nang
gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak
ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang
sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng
babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng
asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban
sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon. Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang
hatol.
Kabanata LI
Mga Pagbabago
Hindi nakaimik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya
Victorina. Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya
ang alperes subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura
kaya o si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at
pagsisinungaling sa paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang
nagpatianod sa kapritso ng Donya.
Kabanata LII
Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at
alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na
naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng
kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan
ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama
sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang
sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura.
Kabanata LIII
Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan
ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni San Francisco, may
20 ang nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at paghikbi naman ang narinig
ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libingan. Sa pulpito, binigyang
diin naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.
Kabanata LIV
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa
Kabanata LV
Ang Pagkakagulo
Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Nakatakdang
dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang
paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang
sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang
tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal.
Kabanata LVI
Ang mga Sabi at Kuro-kuro
Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni isa
mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang
buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at
inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbukas
ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang
nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na
si Kapitan Pablo raw ang sumalakay.
Kabanata LVII
Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung
kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-
malay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay
sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang
bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng
saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid sa leeg.
Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya.
Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa
magdugo ang buong katawan nito.
Kabanata LVIII
Ang Sinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Nakakapaso ang sikat ng araw,
ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang
kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at
kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero pinagbawalan sila ni Kapitana
Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-
anak ng bilanggo. Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na
kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni
Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko.
Kabanata LIX
Pag-ibig sa Bayan
Kabanata LX
Ikakasal na si Maria Clara
Kabanata LXI
Ang Barilan sa Lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa
bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may
puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si
Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni
Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi
inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni Elias, tutal
pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero, tumanggi si
Elias.
Kabanata LXII
Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Hindi napansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang
mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o
pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang dyaryo. Pamaya-maya
dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng
kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na
ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang
bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang kumbento.Napagmuni ni
Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng
tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang
walang kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na
pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan.
Kabanata LXIII
Ang Noche Buena
Noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga ng
hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya
ang mga tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wala man lamang
nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio
ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa
mga bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy pero hindi
naman nananakit ng kapwa.Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala
ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay
ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa
durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod,
kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng
alilang babaing nasa daan.
Kabanata LXIV
Katapusan