Professional Documents
Culture Documents
9 Filipino (Brunei)
9 Filipino (Brunei)
NG
BRUNEI
MEMBERS :
ABALOS, Rafael
SORIANO, Romina
ENORIO, Isabelle
ORDOÑA, Dharryl
CONANAN, Karl
9-bonifacio
Noong Enero 31, 2016, isinapubliko ang logo para sa selebrasyon ng Ika-32 Pambansang Araw
ng Brunei sa Ministry of Culture, Youth, and Sports (MCYS) ng bansa. Kinakatawan nito ang pag-
asa at mga hangarin ng Brunei Darussalam bilang isang Bansa ng Zikir bilang tugon sa isang
titah ng Kanyang Kabunyian Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mu’izzaddin Waddaulah ibni Al-
Marhum Sultan Haji Omas ‘Ali Saiduddien Sa’adul Khairi Waddien, Sultan at Yang Di-Pertuan ng
Brunei Darussalam, sa paghimay sa mga hangarin ng National Vision 2023 ng bansa. Ang
orihinal na disenyo ng logo ay iginuhit ni Abdul Rahman bin Ahmad, isang artist mula sa Sultan
Omar ‘Ali Saifuddien Sa’adul Khairi Waddien Memorial Hall at sa unang pagkakataon ay ginamit
sa mga selebrasyon ng Pambansang Araw noong nakaraang taon. Ngayong taon, binago ni
Abdul Azim bin Haji Ahad, designer sa MCYS, ang logo matapos itong aprubahan ng Executive
Committee para sa mga selebrasyon ng Ika-32 Pambansang Araw.
Ang Pambansang Araw ay isang popular na okasyon sa Brunei Darussalam at karaniwan nang
naiwawagayway ang watawat sa mga kalsada at gusali. Nagdaraos din ng malaking parada sa
national stadium, at naging pambansang tradisyon na para sa mamamayan ang pagbisita sa
mga mosque para mag-alay ng mga panalangin kaugnay ng pagdiriwang sa kalayaan ng bansa.
Ang Brunei ay isang maliit na bansa sa isla ng Borneo. Kilala ito sa naggagandahang
dalampasigan at sa rainforest biodiversity; na karamihan ay protektado sa mga iniingatang
lugar. Ang Ulu Temburong National Park, na maaaring marating sa pagsakay sa mahabang
bangka, ay may canopy walks, isang pasilip sa tradisyunal na longhouse culture, at may endemic
fauna and flora, gaya ng proboscis monkey.
Ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas at Brunei ay itinatag noong 1984. Simula noon, pinag-
ibayo ng dalawang bansa ang kanilang ugnayan sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga
pagbisita, na ang huli ay noong Abril 2013, sa pagbisita sa Pilipinas ng Kanyang Kabunyian,
Sultan Hassanal Bolkiah, para makipagpulong kay Pangulong Benigno S. Aquino III.
Kapwa sumang-ayon ang dalawang bansa na higit pang paigtingin ang kanilang ugnayan sa
pamamagitan ng pagtutulungan sa ekonomiya at kultura, at sa seguridad sa karagatan.
Tinalakay din nila ang suporta ng Pilipinas sa pamumuno ng Brunei sa ASEAN summit at ang
ayuda ng Brunei sa pagsusulong ng Pilipinas ng kapayapaan sa Mindanao. May embahada ang
Brunei sa Makati City, habang ang embahada ng Pilipinas ay nasa Bandar Seri Begawan, ang
kabisera ng bansa. May mahigit 20,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Brunei.