Professional Documents
Culture Documents
BUOD BAWAT KABANATA NG NOLI ME TANGERE Adrian Benavente
BUOD BAWAT KABANATA NG NOLI ME TANGERE Adrian Benavente
Adrian Benavente
Kabanata I
Isang Pagtitipon
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit
na popular sa taguring kapitan Tiago. Kabilang sa mga bisita ang bagong dating sa
Pilipinas na si Padre Damaso na nailabas ang kanyang mapanlait na ugali.
Kabanata II
Si Crisostomo Ibarra
Kabanata III
Ang Hapunan
Pinag-tatalunan ng dalawang pari kung sino ang uupo sa isang dulo ng mesa. Sa tingin
ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre
kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng
Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-
dapat na umupo. Maraming nakausap si Ibarra at pagkatapos ay nagpaalam ng uuwi
bagamat pnigilan ni Kapitan Tiago dahil dadating si Maria Clara ay hindi nagpatinag ang
binata.
Kabanata IV
Erehe at Pilibustero
Kabanata V
Pangarap sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala. Mula sa bintana, natanaw niya
ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. May isang magandang binibini na
nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at ginto. Ang mga umpukan
naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni
Maria Clara.
Kabanata VI
Si Kapitan Tiago
Kabanata VII
Suyuan sa Asotea
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria Clara ang tinatahi ng may biglang tumigil na
sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, dali-daling
pumasok sa silid si Maria Clara. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili
bago harapin si Ibarra. Nang magkita na sila ni Ibarra at nagtama ang kanilang
paningin, nakaramdam silang dalawa ng tuwa.
Kabanata VIII
Mga Alaala
Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa Maynila, marami siyang naalala.
Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong
may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga
babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga
ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw.
Kabanata IX
Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago. Ang nakasakay sa
loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Biglang
dumating si Padre Damaso at kinausap si Kapitan Tiago. Tutol si Padre Damaso sa
pakikipagmabutihan ni Maria Clara kay Ibarra.
Kabanata X
Ang San Diego
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng
isang lawa at my malalapad na bukirin at palayan. Mula sa pinakamataas na bahagi ng
simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng bayan.
Kabanata XI
Ang mga Makapangyarihan
Kabanata XIII
Mga Unang Banta ng Unos
Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Nakita
nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don
Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng
sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil
sa utos ni Padre Garrote.
Kabanata XIV
Si Pilosopo Tasyo
Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Dahil sa katalinuhan, pinatigil saiya sa pag-
aaral ng kanyang ina dahil ang gusto nito para sa anak ay maging isang pari.
Kabanata XV
Ang mga Sakristan
Kabanata XVI
Si Sisa
Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din
bago marating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan. Kapuspalad si Sisa sapagkat
nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at
palaboy sa lansangan. Si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa
kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili niya ang mga alahas niya ng siya ay dalaga
pa. Minsan lang umuwi ang kanyang asawa at sinasaktan pa siya.
Kabanata XVII
Si Basilio
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang
masaganang dugo. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na
napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang
parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor.
Kabanata XVIII
Mga Kaluluwang Naghihirap
Kabanata XIX
Mga Suliranin ng Isang Guro
Kabanata XX
Ang Pulong sa Tribunal
Kabanata XXI
Mga Pagdurusa ni Sisa
Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip
ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng
sariling bait sa pag-iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga
sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay
natanaw na niya nag dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa
kanyang dibdib.
Kabanata XXII
Liwanag at Dilim
Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa
pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na
siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na
huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan
nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura.
Kabanata XXIII
Ang Piknik
Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina,
Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at
nagbibiruan. Paminsan-minsa ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa
pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan.
Kabanata XXIV
Sa Kagubatan
Kabanata XXV
Sa Tahanan ng Pilosopo
Kabanata XXVI
Ang Bisperas ng Pista
Kabanata XXVII
Sa Pagtakip Salim
Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang
pinakamalaki. Sinadya niyang higitan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan dahil
kay Maria at Ibarra na kanyang mamanugangin.Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang
tanyag na diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya ay bihasa at mayamang kapitalista,
Kastilang-Pilipino at iba pa.
Kabanata XXVIII
Sulatan
Kabanata XXIX
Ang Umaga
Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago
nila.Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prusisyon. Ito ay dinaan sa ilalim
ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco.
Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay
nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at
mahihirap.
Kabanata XXX
Sa Simbahan
Kabanata XXXI
Ang Sermon
Kabanata XXXII
Ang Panghugos
Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya mapapagalaw ang
pampakilos ng kalong ang kanyang itinayo.
Sabi nito ay mayroong walang metro ang taas , nakabaon sa lupa ang apat na haligi.
Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kayaq tila napakatibay ng pagkayari at
napakalaki. Ang bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang kulay.
Kabanata XXXIII
Malayang Kaisipan
Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay
niya ng babala sa kanya. Isa pa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa
kanya. Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng
dako ito ay mayroong kaaway.
Kabanata XXXIV
Ang Pananghalian
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya,
maliban kay Ibarra. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay
Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring.
Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa
pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni
Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero,
pinigilan siya ni Maria.
Kabanata XXXV
Mga Usap-usapan
Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat
sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa
dalawa. Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan
sa kanyang ama.
Kabanata XXXVI
Ang Unang Suliranin
Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang
pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan
ang payo ng kanyang ale at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang
ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.
Kabanata XXXVII
Ang Kapitan-Heneral
Kabanata XXXVIII
Ang Prusisyon
Kabanata XXXIX
Si Donya Consolacion
Kabanata XL
Ang Karapatan at Lakas
Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Ang huling pailaw
ay parang bulkan habang ang daan ay naliliwanagan ng ‘luces de Bengala’ na siyang
nagsisilbing ilaw sa mga taong naglalakad patungo sa liwasang bayan. Tapos na ang
unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito
pinansin ni Ibarra. Malugod na binati niya ang kasintahan at ang mga kasama nito.
Kabanata XLI
Dalawang Dalawa
Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa sa
kanyang laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing mayroon
siyang panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang
kanyang panauhin ay si Elias. Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra.
Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria Clara. Ikalawa, magpapaalam
na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas at ikatlo,
itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra ang
maluwalhating paglalakbay ni Elias.
Kabanata XLII
Ang Mag-asawang De Espadaña
Kabanata XLIII
Mga Balak o Panukala
Kabanata XLIV
Pagsusuri sa Budhi
Kabanata XLV
Ang mga Pinag-uusig
Kabanata XLVI
Ang Sabungan
Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa San Diego. Nasa loob
ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at Lucas. Habang hindi magkamayaw
sa pagpusta ang ilang sabungero sa gagawing pagsusultada, ang dalawang binatang
magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta.
Kabanata XLVII
Ang Dalawang Senyora
Kabanata XLVIII
Ang Talinhaga
Kabanata XLIX
Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya,
kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Hindi na
nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga
sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si
Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala.
Kabanata L
Ang mga Kaanak ni Elias
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay
kabilang din sa mga sawimpalad. May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno
ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang
asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang
isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa salang
panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay
nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat
panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng
pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may sakit.
Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang.
Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang
nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito
naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang
pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at
ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon. Gayunman, pagkasilang
niya, ginawa ang hatol.
Kabanata LI
Mga Pagbabago
Hindi nakaimik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya
Victorina. Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang
alperes subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o
si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling
sa paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso
ng Donya.
Kabanata LII
Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at
alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na
naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng
kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni
Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama
sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang
sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura.
Kabanata LIII
Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan
ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni San Francisco,
may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at paghikbi naman ang
narinig ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libingan. Sa pulpito,
binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa
purgartoryo.
Kabanata LIV
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa
Kabanata LVI
Ang mga Sabi at Kuro-kuro
Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni
isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang
buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at
inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbukas
ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw
ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap,
lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay.
Kabanata LVII
Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam
si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si
Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo
ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay
umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na
asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong
walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang
alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong
katawan nito.
Kabanata LVIII
Ang Sinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Nakakapaso ang sikat ng araw,
ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang
kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at
kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero pinagbawalan sila ni Kapitana
Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-
anak ng bilanggo. Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na
kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra
na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko.
Kabanata LIX
Pag-ibig sa Bayan
Kabanata LX
Ikakasal na si Maria Clara
Kabanata LXI
Ang Barilan sa Lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay
ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng
balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa
pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi
nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa
kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng
kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero, tumanggi si Elias.
Kabanata LXII
Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Hindi napansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang
mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o
pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang dyaryo. Pamaya-maya
dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng
kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na
ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang
bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang kumbento.
Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya
humingi ito ng tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin
niya ang walang kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi
pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan.
Kabanata LXIII
Ang Noche Buena
Noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga ng
hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-
masaya ang mga tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wala man
lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan
Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala
sa mga bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy pero hindi
naman nananakit ng kapwa.
Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika
niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina,
umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na
papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo.
Takot. Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa daan.
Kabanata LXIV
Katapusan
Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak
ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
Elias
Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang
mga suliranin nito.
Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.
Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng
matagal na panahon sa San Diego.
Padre Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
Maria Clara
Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng
kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso
Pilosopo Tasyo
Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
Sisa
Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang
pabaya at malupit.
Basilio at Crispin
Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San
Diego.
Alperes
Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
Donya Victorina
Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa
mukha at maling pangangastila.
Donya Consolacion
Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
Linares
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili
niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang
Lucas
Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Tarsilo at Bruno
Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia
Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya’y maisilang.
Kapitan-Heneral
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si
Ibarra.
Don Saturnino
Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Mang Pablo
Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio
Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin
Tinyente Guevarra
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol
sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Kapitana Maria
Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng
ama.
Padre Sibyla
Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Albino
Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.