You are on page 1of 2

“Noong unang panahon sa malayong reyno ng Berbanya, mapayapa at masayang

namumuhay ang mga mamamayan nito na di nakakakilala ng ligalig. Ito ay utang


ng lahat sa mabuting pamamalakad ng mabait na Haring Fernando at ng kanyang
butihing maybahay na si Reyna Veleriana.”

ADAN: Ito ay tumutukoy sa Jerusalem, na pinamamalakaran ng Birheng Maria at


ng Diyos na Ama ni Hesus.

LLAVE: Ang lubos na kalungkutan ni Haring Fernando ay maihahalintulad sa


Kalungkutan ni Hesus nang mamatay si Lazarus.

REY: Ngunit ano ang maihahambing sa paglalakbay ni Don Pedro at Don Diego?

Ang pagsasawalang-bahala nila sa ermitanyo ay maihahalintulad sa


nangyayari sa kasalukuyan. Minsan, hindi natin binibigyang-pansin ang maliliit na
bagay na ating kakailanganin sa ating ikinahaharap. Sa halip na tumutok sa
pagiging kalmado at positibo, lumalaki pa ang suliranin sa kaguluhan ng isip.
Bagkus, tayo ay nahihirapan at nabibigo, tulad ng nangyari kina Don Pedro at Don
Diego.

LLAVE: Ang Ibong Adarna naman ay maihahalintulad sa muling pagkabuhay ni


Lazarus, na naging lunas sa kalungkutan ni Hesus at ni Haring Fernando.

ADAN: Samantala, si Don Juan ay kusang tumulong sa ermitanyo at sa kaniyang


mga kapatid kahit na may paboritismo sa pamilya. Hindi naging hadlang ang mga
negatibong bagay sa kaniya sa pagpapatuloy ng kaniyang paglalakbay tulad ng
mga OFW, at ni Hesus na isinakripisyo ang kaniyang sarili para maisalba ang mga
mamamayan sa mga kasalanan nila.

REY: Ipinapakita ng korido ang mabubuting katangian ng mga Pilipino, matulungin


at magiliw tulad nang tumulong si Don Juan sa ermitanyo, may utang na loob,
tulad nang pagtulong ni Don Juan sa kaniyang ama, at pagiging matiyaga sa bawat
pagsubok sa buhay.
LLAVE: Ngunit may hindi kaakit-akit na mga katangian sa korido: ang paboritismo,
katamaran, labis na pagprotekta, at pagsasawalang-bahala sa maliliit na bagay, na
binigyang-halaga ng korido. Bagkus, isa sa mga aral ng korido ay ang
pagpapahalaga. Kahit naghihirap tayo sa ating buhay, mayroong magbibigay-
halaga sa bawat positibong gawa natin, maliit man o hindi.

You might also like