Final RPH

You might also like

You are on page 1of 28

Readings in the Philippine History

President Ramon Magsaysay State University


College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
1

Katawan ng Sulating Pananaliksik

Panimula

Ang sulating pananaliksik na ito ay may layunin na alamin, kilalanin at suriin ang
pinagmulan ng bayan ng San Narciso. Dagdag pa rito, ito ay may adhikaing buksan ang
kaisipan at damdamin ng bawat kabataang nasasakupan ng buong Probinsya ng Zambales.
Nawa’y maging susi ang sulating pananaliksik na ito upang makadagdag sa kaalaman ng iba
pang mga sisibol na bagong henerasyon.

Pauna na dito kung saan nagmula at kung ano ang sinaunang katawagan sa bayan ng San
Narciso. Magmula sa mga nakalap na impormasyon na ayon sa mga nakatatandang residente
ng naturang bayan, mula sinauna hanggang sa kasalukuyan. Ang mga impormasyon mula sa
aklat at web ay lubhang nakatulong sa pananaliksik na ito. Matatagpuan din ang mga
larawan bilang patunay sa narang-ay (mayabong/mayaman) na kasaysayan ng San Narciso.

Limatado man ngunit patunay ang mga paktuwal na datos na ito para tumpak na mailarawan
ang pagbabago ng hanapbuhay, pinagkukunang yaman at edukasyon ng San Narciso.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ang pag-usbong ng San Narciso. Ang mga larawang aming
kinunan ay ilan lamang sa mga patunay ng patuloy pang pag unlad at pagka buhay ng bayan
ng San Narciso. Ang mapa ay makikita rin sa sulating pananaliksik na magpapatunay ng
rekognisyon sa naturang bayan. Nakapaloob rin ang heyograpikal na kalagayan nito.

Ang mga kilalang personalidad sa likod ng pagkakakilanlan sa bayan ng San Narciso,


maging ang mga tradisyon at sinaunang kultura ay matatalakay at matatagpuan sa sulating
pananaliksik na ito.
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
2

Pinagmulan ng Ngalan ng San Narciso

Ang bayan ng San Narciso ay kilala noon sa ngalan na ‘Barrio Alasiis’. Narito ang
1

iba’t ibang bersiyon ng pinagmulan ng ngalan ng naturang bayan. Ang mga bersiyon na ito
ay nag ugat sa interbyu mula sa matatanda, nakalap na impormasyon mula sa web at aklat
atsaka naman ang mga larawan.

Interbyu mula sa matatanda


Compiled by: Marianne Dane A. Reboja

Ayon kay Gerardo Novelia Umali 69 na taong gulang at isang native na mamamayan
ng San Narciso ang salitang Alasiis ay nagmula sa mga dayuhang Ilokano na nagmula pa sa
Ilocos. Dagdag pa rito isinalaysay rin niya ang kadahilanan kung bakit tinatawag na Alasiis
ang naturang bayan. Ayon kay Umali ang bayan ay laging dinadaluyan ng tubig kaya
nabanggit ng mga Ilokano na “ag al alasiis manen” na ang ibig sabihin ay ‘bumabaha na
naman’.

Mula sa ngalang Alasiis, ito ay napalitan sa katawang San Narciso dahil sa Heneral
na nanirahan rito na nag-ngangalang Narciso. Idinagdag rin ni Umali na may tatlong
kaibigan ang naturang Heneral na nanirahan sa mga kalapit na bayan na sina Heneral
Antonio, Heneral Felipe at Heneral Marcelino. Na kalaunan ay naging basehan ng mga
ngalan ng mga kalapit na bayan ng San Narciso. Ang mga naturang bayan ay ang San
Marcelino,San Antonio at San Felipe.

Ayon naman kay Abraham Reboja Sr., 60 na taong gulang hindi umano Alasiis ang
tawag sa bayan kundi “Alusiis” at kaya lamang naging Alasiis ang tawag dahil sa isang
dayuhang Amerikano na bumanggit nito na may pagka-slang. Gayunpaman nakagisnnan
narin ng mga taong bayan na tawaging “Alasiis” and “Alusiis”.

Nakalap na impormasyon mula sa Aklat


Compiled by: Ivie Sta. Ana & Aerielle Themine Rafanan

2
Ayon kay Don Thomas Bernabe ang fundador o nakatuklas ng bayan ng San
Narciso ay ipinanganak sa (eve of partition) at lumaki ito sa bayan ng Paoay, Ilocos Norte

Mayroong dalawang grupo ng Ilokano na pinaniniwalaang nakatuklas sa Barrio ng


Alasiis taong 1837. Ang isang pangkat naman ay natuklasan ang barrio ng pamisaroan na
1
Liberato Farne Ramos sa artikulong The Evolution of Alasiis to San Narciso
2
Liberato Farne Ramos sa artikulong The Evolution of Alasiis to San Narciso
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
3
ngayon ay San Antonio. Taong 1838 ang mga Ilokano ay nanirahan sa Barrio ng Bobolon at
ang iba namanm ay lumipat sa Sindol. Ang bayan ng Bobolon at Sindol ay tinatawag na
bayan ng mga Negrito noong panahong iyon. Taong 1843, labing apat na barangay mula
ilocos norte at ilocos sur ay lumipat sa Uguit upang buoin ang bayan ng San Marcelino. Ito
ay tinawag na San Marcelino bilang pagkilala sa gobernador heneral na si Marcelino Oraa na
nag approba sa palipat nila sa Zambales. Ang Alasiis, Bobolon at Sindol ay naging barrio ng
Cabangaan samantalang ang Pamisaroan at San Marcelino ay naging barrio ng Uguit. Ang
Alasiis ay ganap na naging San Narciso noong sakupin na ito ng dayuhang Amerikano.
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
4

Ang Pamahalaan ng San Narciso


Kinalap ni: Ivie Sta. Ana

3
Selyo ng San Narciso

4
Arko ng San Narciso

5
Mapa ng Zambales na ipinakikita ang San Narciso

3
https://en.m.wikipedia.org/wiki/San_Narciso,_Zambales
4
https://en.m.wikipedia.org/wiki/San_Narciso,_Zambales
5
https://en.m.wikipedia.org/wiki/San_Narciso,_Zambales
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
5

Ang bayan ng San Narciso ay matatagpuan sa (Rehiyon III) Central Luzon


Probinsiya ng Zambales. Ito ay kabilang sa pangalawang distrito ng Zambales. meron itong
labing-pitong barangay. ZIP CODE 2205. Ang karaniwang ginagamit nilang salita ay
ilokano, tagalog at sambal.

Ang bayan ng San Narciso ay kilala dahil sa magagandang (beaches) na tamang tama
sa pag susurfing. Marami nang mga local na artista ang bumisita ditto dahil sa pag susurf
may layo ito papuntang Maynila ng 163 kilometro (101mi).

Ang Philippine Merchant Marine Academy ay matatagpuan rin sa San Narciso.

-Isinalin sa Wikang Filipino ni: Marianne Dane A. Reboja


6
Ang San Narciso ay binubuo ng mga sumusunod na barangay:

1. Alusiis
2. Beddeng
3. Candelaria
4. Dallipawen
5. Grullo
6. La Paz
7. Libertad
8. Namatacan
9. Natividad
10. Omaya
11. Paite
12. Patrocinio
13. San Jose
14. San Juan
15. San Pascual
16. San Rafael
17. Simminublan

-Kinalap ni: Ivie Sta. Ana

6
https://en.m.wikipedia.org/wiki/San_Narciso,_Zambales
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
6

7Mga Nakalap na Pangalan ng mga Namuno sa Bayan ng San Narciso


Kinalap ni: Ivie Sta. Ana

Panahon ng Kastila

1884 Tomas Bernabe Gobernadorcillo


1886 Mariano Apolinariuo Gobernadorcillo
1887 Paulo Fogata Gobernadorcillo
1888 Esteban Foton Gobernadorcillo
1889 Mariano Marañon Gobernadorcillo
1890 Francisco Fajarito Gobernadeorcillo
1891 Gregorio Farañal Gobernadorcillo
1892 Leocadio Firme Gobernadorcillo
1893 Juan Flordeliza Dumlao Gobernadorcillo
1894 Quirico Amon Sr. Gobernadorcillo
1895 Luis Fogata Gobernadorcillo

Panahong Rebolusyonaryo

1897 Cipriano Fernandez Capitan Municipal


1898 Casamiro Amon Capitan Municipal 1
1900 Vicente Posadas Capitan Municipal

Panahon ng Amerikano

1903-1904 Simeon Marañon Presidente Municipal


1905-1906 Angel Dumlao Presidente Municipal
Hunyo 1906 – Enero 8, 1908 Simeon Villanueva Presidente Municipal
Hunyo 9, 1908 – Disyembre 1909 Angel Dumlao Presidente Municipal
1910 – 1912 Victor Amos Presidente Municipal
1912- 1916 Mariano Villanueva Presidente Municipal
1916-1919 Marcos Fuerte Presidente Municipal
1919- 1922 Severino Fuertes Presidente Municipal
1922-1925 Paulino Delos Santos Presidente Municipal
1926-1931 Esteban Florita Presidente Municipal
1932-1934 Donato Amon Presidente Municipal

7
https://en.m.wikipedia.org/wiki/San_Narciso,_Zambales
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
7

Panahong Komonwelt

1934-1940 Ireneo Delos Reyes Municipal Mayor


1941- 1942 Pacifico Fuerte Municipal Mayor

Panahon ng Hapon

1942-1944 Sebastian Fogata Municipal Mayor

Liberation Military Government

Pebrero 1945 Gerardo Evangelista Municipal Mayor


Mayo 1945 – hulyo 1946 Pacifico Fuerte Municipal Mayor
1947-1948 Severino Fuertes Municipal Mayor

Malayang Republika ng Pilipinas

Agosto 1948-1955 Sebastian Fogata Municipal Mayor


Enero 1956- 1960 Jose Delos Santos Municipal Mayor
Enero 1960-1963 Sebastian Fogata Municipal Mayor
Enero 1963-1986 Francisco A. Galvez, Jr. Municipal Mayor
1986-1989 Quirico F. Abrajano, Jr. Municipal Mayor
1989-1992 Francisco A. Galvez, Jr. Municipal Mayor
1992-2001 Quirico F. Abrajano, Jr. Municipal Mayor
2001-2010 William T. Lim Municipal Mayor
2010-2016 Peter T. Lim Municipal Mayor
2016-Present La Rainne Abad Sarmiento Municipal Mayor
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
8

Ili iti San Narciso

(Municipal Hall ng San Narciso)


Captured by: Marianne Dane A. Reboja
October 23, 2018
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
9

Defenders of Bataan and Corregidor Memorial

(matatagpuan ito sa Plaza ng Bayan ng San Narciso)


Captured by: Marianne Dane A. Reboja
October 23, 2018
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
10

Ang Labin-dalawang Martir ng San Narciso

(matatagpuan ito sa Plaza ng Bayan ng San Narciso)


Captured by: Marianne Dane A. Reboja
October 23, 2018
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
11

Sitwasyong Pangangalakal
Compiled By: Marianne Dane A. Reboja

Ang pangingisda

Figure 1 Mga Mangingisda ng Bayan ng San Narciso

Figure 2 Balangay sa Bagong Henerasyon


Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
12

Ang Paggawa ng Tuba


Kinalap Ni: Marianne Dane A. Reboja

8
Pag-kuha ng niyog para gawing tuba

9
Produktong Tuba

8
https://www.google.com.ph/search?q=ang+paggawa+ng+tuba

9
https://www.google.com.ph/search?q=ang+paggawa+ng+tuba
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
13

10
Ang Pagsasaka
Kinalap ni: Marianne Dane A. Reboja

10
punzalandroland.blogspot.com
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
14

Compiled By: Marianne Dane A. Reboja

Panahon ng Pre-historya

Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga taga San Narciso. Mayroon namang
mangilan ngilan sa pangingisda ang ikinabubuhay.

Ang edukasyon naman sa panahong ito ay hindi pa pinagtutuuan ng pansin dahil sa


nakatuon sila sa pinagkukunan nila ng yaman.

Panahon ng Kastila

Sa panahong ito ay nalimitahan sila sa pagtratrabaho sa kadahilanang takot silang


lumabas dahil sa presensiya ng mga kastila.

Ang mga lalaki lamang ang binigyan ng karapatang mag-aral sa panahong ito.
kristiyanismo naman ang sentro ng pag aaral ng mga kalalakihan dahil sa presensiya ng mga
Kastila. Samantala ang mga kababaihan naman ay nasa loob lamang ng kabahayan upang
tumulong sa mga gawaing bahay at matuto nito. Lumilikha sila ng mga indigo (dye) at
cotton mula sa kanilang mga pananim.

Kristiyanismo parin ang sentro ng edukasyon ngunit may mangilan ngilang mga
mayayaman ang nakakapag aral ng wikang kastila.

Panahon ng Amerikano

Pangingisda, paggawa ng tuba at ang pagsasaka ang pamumuhay na ginagawa


ng mga karamihan sa mga mamamayan ng bayan ng San Narciso. Ito lamang ang kanilang
ikinabubuhay dahil ito lamang ang kanilang alam na gawin.

Pagsasaka ang pinaka ginagawa ng mga taong bayan upang gawing hanap-buhay at
ito ang ginagawa nila sa pakikipagkalakalan o pakikipagpalitan nila ng mga yaman upang
mabuhay.
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
15
Sitwasyong Pang-Edukasyon at Kabataan
Captured By: Girly Jessica A. Baliscao

San Narciso Central Elementary School San Juan-Candelaria Elementary School

San Rafael- Natividad Elementary School


Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
16

Mahirap ang naging buhay ng mga taga-San Narciso noong panahon ng hapon dahil
sa pagsiklab ng giyera at gulo. Hindi rin nakaligtas dito ang kalagayan ng edukasyon at ng
mga kabataan. Kinapanayam ng mga mananaliksik ang dalawang native ng San Narciso sa
magkahiwalay na barangay upang malaman ang kalagayan ng mga tao noong panahong
iyon.

Compiled By: Marie Arca

Ginang Patrocinia Rosete


89 na taong gulang
A Native of Brgy. San Rafael
Former Baby Sitter and House Keeper
*Nagpaunlak si Ginang Rosete na makapanayam siya ngunit tumanggi siyang magpakuha
ng litrato. Aming nirespeto ang kanyang naging desisyon.

Ayon sa testamento ni Ginang Patrocinia Rosete (89 taong gulang), na mula sa


Barangay San Rafael, musmos pa lamang nang maulila siya. Ikatlong baitang lamang ang
kanyang natapos at maagang nagtrabaho bilang kasambahay at tagapangalaga ng mga bata sa
isang mayamang tao. Doon na siya pinakakain at pinatira ng mga amo kaya wala siyang
suweldo. Labing-dalawang taong gulang siya nang dumating ang mga Hapon sa Pilipinas.
“Magulo ang San Narciso dati noong dumating ang mga Hapon. Nakikipag-laban sila.
Maraming mga eroplano, mayroong naglanding dito [sa plaza], mayroon ding bumagsak sa
Grullo (isa pang barangay sa San Narciso). Maraming sumasabog sa itaas noon. Mahirap
noon, maraming nanlilimos. ‘Yung iba magtitinda ng ‘lames’(isdang tabang) tapos
makikipagpalitan para sa bigas. Gagawin nilang lugaw ‘yung bigas, igigisa ‘yung ‘sasa’ sa
lugaw. Pero ako, hindi ako [masyadong] nag-hirap kasi nakatira ako sa [mayamang] tao.”

Isinalaysay rin niya ang ibang nangyari nang minsang makasalamuha niya ang mga
sundalong Hapon. “Masungit sila at nananakit. Kailangang sumaludo ng mga tao [Pilipino]
sa kanila. Kung nagkamali ka magagait sila. Kaya, hindi ako pumupunta sa plaza o palengke.
Natatakot ako sa kanila.” Dagdag pa niya, nananakit din ng mga Pilipinong gerilya ang mga
sundalong Hapon kapag lumalaban ang mga ito.

Dahil sa hindi na nakapag-aral si Gng. Rosete noon, inilarawan na lamang niya ang
mga suot ng mga batang estudyante noon. “Bestida ang suot ng kababaihan at sa lalaki
naman ay pantalon at t-shirt. Ang bag nila noong araw ay sako lang na tinahi. Mayroon ding
bag na bayong para sa mga bata.”
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
17

Compiled By: Girly Jessica A. Baliscao

Ginang Rosalia Fallorina


89 na taong gulang
A native of Brgy. Simminublan
Former Vegetable vendor

Sa panayam naman kay Ginang Rosalia Fallorina (89 taong gulang), na mula naman
sa Barangay Simminublan, mahirap at nakakatakot ang naging karanasan niya noong
sakupin ng mga Hapon ang bansa. Noo’y naroon siya sa Mababang Paaralan ng
Simminublan, nahinto ang kanilang pag-aaral at nag-evacuate sila. Nang makabalik sila sa
kani-kanilang mga tahanan,bumalik sila sa ordinaryo nilang mga buhay ngunit nagtatago pa
rin sila kung may naririnig at nakikita silang mga sundalong Hapon. Bukod sa mga gawaing
bahay, ang mga babae ay marunong ding mag-gapas (mag-ani), magbunot ng punla. “Kapag
dadaan yung mga hapon, dumadapa kami sa pinag-gagapasan naming, kung nakalagpas na
sila, magtatrabaho na naman kami, kasi nanghuhuli sila ng mga lalaki [at mga babae].
Kukunin nila sa kampo nila at nananakit sila doon. Nanghuhuli rin sila ng mga maka-
amerikano. Kapag may nahuli sila, papatayin nila.” Dagdag pa niya kapag may narinig
silang eroplano sa itaas, pumupunta sila sa silong ng kawayan upang magtago.

“May dug-out (underground tunnel) din kami noon, ‘pag may makita kaming hapon,
pupunta kami sa ilalim, dumadapa pa kami kapag may dumadaang malalaking eroplano.
Mahirap noon. Nininerbyos kami lagi kapag nandidito yung mga Hapon.” Ang kinakain nila
noon sa ilalim ng tunnel, ayon kay Gng. Fallorina ay mga gulay galing na kinukuha sa
kanilang bukirin.
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
18

Nagtitinda rin ng mga gulay ang mga kababaihan noon at kapag may itininda ka, may
pera kang pambili ng iba pang pagkain. “Mag-susungkit pa kami ng Damortes (Camachile),
ititinda namin, nakalagay sa ulo namin tapos, kapag nakasalubong mo ang Hapon, kailangan
mong yumuko. Kapag hindi ka yumuko, magagalit sila at pipilitin kang yumuko. Kailangan
mo munang tanggalin yung Damortes na nakalagay sa ulo mo, at yuyuko ka.”

Nakabalik lamang umano sa pag-aaral si Gng. Fallorina nang makaalis na ang mga
Hapon. “Wala pang high school noon. Intermedia (elementary) pa lang noon. Mayroon nang
mga eskuwelahan sa Simminublan, Patrocinio, Beddeng, San Juan, San Rafael, at sa [San
Narciso] Central.” Ang apat sa nabanggit na eskuwelahan ay kinikilala bilang:

 North Central: San Narciso Central Elementary School;


 South Central: Beddeng-Mabangcal Elementary School;
 East Central: San Juan-Candelaria Elementary School; at
 West Central: San Rafael-Natividad Elementary School.

Ang mga itinuturong mga asignatura noon, dagdag pa niya ay Science, pananahi,
pag-buburda, pag-lalala at gawaing pambahay.

Sa hirap ng pamumuhay noong araw ay may ilan sa ating mga kababayan ang hindi
nakapag-aral. Bagamat, hindi sila nakapagtapos, marami namang matutuhan sa kanila na sa
karanasan nila mismo nanggaling. Maaari nila itong ibahagi sa mga susunod na henersyon, at
tayo naman ang maaaring mag-tuloy ng legasiyang ito.
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
19

Ang mga Kababaihan


Kinalap Ni: Aerielle Themine Rafanan

Ang mga kababaihan sa larawang ito ay kilala sa Bayan ng San Narciso

Queen Jovita-I and her royal court in the Petit Carnival of San Narciso in February 1936.
(From the collection of Dr. Felicidad Floresca)

Purificacion Rivera, Miss Liberty of the San Narciso Town Fiesta, January 28-29, 1946.
(Photo Credits: Dr. Felicidad Floresca)
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
20

Kinalap Ni: Aerielle Themine Rafanan

Kababaihan sa Panahong Pre-Kolonyal

Dahil sa walang payak na impormasyon tungkol sa mga kababaihan noong panahon


ng pre kolonyal nagsaliksik parin ang aming grupo ukol sa kalagayan, gampanin at kung ano
ang kababaihan sa paglipas ng panahon lalong-lalo na sa bayan ng San Narciso .

Ang mga kababaihan sa Pilipinas mula panahon ng pre-kolonyal ay may mahalagang


tungkulin sa lipunan dahil sa pangangalaga at pagkilos nila sa tahanan. Ang mga kababaihan
kasi ay ang mga ilaw ng tahanan magmula pa noon na kung saan may karapatan at tungkulin
ang mga ito na mag-stay lang sa kabahayan upang mamuno sa pagluluto at sa pag-aalaga ng
mga supling.

Isa ang babaylan sa patunay na pinapahalagahan at ginagalang ang mga kababaihan


sa panahong pre-kolonyal.

Babaylan: Ito ay ang katawagan sa mga katutubong kababaihan na mang gagamot na kung
saan kaya nitong makipag-koneksyon sa mga espiritu. Dagdag pa rito, ito ay naglilingkod sa
pamayanan upang maging taga gamut at ito rin ay nagbibigay ng karunungan sa lipunan.

Kababaihan sa Panahon ng mga Espanyol

Ang mga kababaihan sa panahon ng mga espanyol ay may limitadong karapatan


lamang. Limitado dahil bukod sa tahanan lamang ang mga kababaihan ay hindi sila nabigyan
ng karapatan upang makapag-aral. Bagamat limitado ang kanilang karapatan nabigyan sila
ng pagkakataonng makilahok sa mga misa.

Kalagayan ng mga kababaihan sa panahon ng mga Amerikano

Patuloy ang pagbabago ng kalagayan ng mga kababaihan sa paglipas ng panahon.


Ang mga nakalap na impormasyon sa panahon ng mga Amerikano ukol sa kalagayan ng mga
kababaihan ay binase sa isang kababaihan mula sa bayan na si Marcelina D. Asinas.
Bagamat ang respondonte ay yumao na, ito ay ikinuwento lamang niya sa kanyang apo na
tuhod na kung saan isa sa mga awtor ng naturang research paper na ito.

Higit na mas mainam ang buhay pangangalakal noon ng mga taga San Narciso noon
kaysa ngayon dahil habang tumatagal mas lalong tumataas ang mga bayarin o Ang mga
presyuo ng mga bilihin.
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
21

Ayon kay Gng. Marcelina, ang kalagayan ng mga kababaihansa panahaon ng mga
amaerikano ay naging madali at mahirap. Madali dahil may mga kababaihang nabigyan ng
trabaho dahil sa presensiya ng mga amerikano. May mga kababaihan daw kasing nagtrabaho
sa loob ng base ng Naval Education and training Command (NETC) na dating Chief of
Naval Education Training (CNET).

Ang mga kababaihang ito ay nagmula pa raw sa bayan ng San Antonio at San
Narciso. Dagdag pa rito mayroon raw mga kasambahay na naging may bahay na raw ng mga
amerikanong nakatira sa naturang lugar.

Ayon rin naman kay Gng. Marcelina, hindi naging mabuti ang kalagayan ng ibang
kababaihan dahil nauso raw ang prostisusyon sa panahong ito.
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
22

Abraham Rabang Reboja Sr.


60 na taong gulang
A native of Brgy. San Rafael
Former Agricultural Technician at LGU San Narciso

Taga-interbyu: Ano po yung katungkulan ng mga “don” po noon ditto sa San


Narciso?
Respondante: yung mga Don noon sila yung mga namumuno sa isang mga grupo
ng mga pamilya. Na kung saan yung mga pamilya na isang na itinatag parang isang
tribo, na kung dumamami sila dun sa isang lugar, ginawa na nilang barangay yun, so
parang (cabeza de barangay)o parang barangay na yung tawag doon, pero di ko alam
kung saa nanggaling talaga yung barangay, kasi yun dati barangay at balangay sabi
nila noh, balangay so yun napalitan ng barrio tapos nung panahon ng alam ko Marcos
nay at yun noon pinalitan ng barangay ngayon, bumalik sa barangay. So parang
balangay yung dati, so yung balangay nay un, yun yung group of families yun
(magkakamag-anak lang) oo, magkakamag-anak lang, parang tribo, na sila yung
nagtatag ng yung pamilya, tapos for certain number of mga household for family na
yun, yun na yung barangay. So ito ay pinapangunahan ng tinatawag nilang “Don”
noon, sila yung mga pag sinabi o tinawag kang don ikaw na yung namumuno sa
isang barangay, pero maliliit palang yun kasi kakaunti palang ang mga tao noon. So
yung tao noon ay yung mga group of families ganun.

Taga-interbyu: Kailan nagkaroon ng mga Alkalde?


Respondante: Panahon ng kastila the word Alkalde Mayor panahon ng kastila pero
mag-refer din kayo sa book history paara malaman kung anong taon nagsimula ang
pagtawag ng Alkalde hindi ko kasi sigurado.

Taga-interbyu: sa naabutan niyo po, Sa pagkakatanda niyo po sino ang


pinakatumatak sainyo na mayor?
Respondante: Si Sebastian Fogata sinundan ni Francisco Galvez tapos nagkaroon
ng Edsa Revolution that is 1986 at ang naging OIC noon ay si Dr. Quirico Abrajano
Jr. pagkatapos ng Edsa Revolution nag eleksiyon ulit after OIC mayor si Francisco
Galvez Jr. bumalik siya at pagkatapos niya ulit si Quirico Abrajano ang nanalo bali 9
na taon ang kanyang paglilingkod sa bayan at dun na pumalit si William Lim naka 9
na taon din siya pagkatapos niya ay si Peter Lim na siyang kapatid ni William lim
anim na taon naman itong namahala sa sa bayan at sumunod ay si La Rainne Abad-
Sarmiento ang kasalukuyang mayor ng bayan.
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
23

Taga-interbyu: Ano po ang pinagkaiba ng pamamalakad noon sa ngayon?


Respondante: Hindi naman nagbabago base kung doon sa ang itinadhana ng batas.
Kaya lang ng dahil doon sa local code yung tinatawag nilang local government code
may mga nakasaad na dun dagdag doon sa dating mga trabaho ng mga mayor, so
habang tumatagal nadadagdagan yung mga pinapagawa sa mga mayor. So bale ang
dapat president ang alter ego na siya, probinsya ang governor at ang alter ego naman
ng governor sa mga municipal ay ang mga municipal mayor tapos barangay captain.

Taga-interbyu: Noong panahon po ng martial law diba po mahigpit paano naman po


ang sitwasyon ng pamumuno noong panahong yun?
Respondante: yung martial law kasi, yan ay para sa mga “peace loving people” kaya
naman ngakaroon ng martial law dahil magulo. Kaya idineklara iyon noon dahil sa
dami ng nanggugulo kung wala sanang magulo eh walang martial law.

Taga-interbyu: Dito po ba sa San Narciso noon magulo po ba?


Responante: ay tahimik noon dito, kung tutuusin nga base dun sa mga peace loving
people, mas gusto nila yung tahimik, yung may martial law kasi tahimik siya noh,
pangalawa sa ekonomiya, nagkakaroon ng price control. So ibig sabihin nun hindi
basta batang tumataas yung presyo, dahil nakokontrol ng gobyerno yun, so kung sa
peace and order di masyado kasi maayos na naipapatupad yung curfew tapos wala
naming nanggugulo o kaguluhan na nangyare dito na nagrerebelde para kung bakit
nandoon yung martial law, tapos nagkaroon lang kaunting problema mung nagkaroon
ng flooding ang buong Central Luzon, na kung saan naapektuhan ang buong Pilipinas
na nag import tayo ng mga pagkain na yung bigas ay hinahaluan ng mais o yung iba
mais na nga lang ang kinakain nila o mga root crops. Pero sa panahong yun, di
naman nagtagal yun noh dahil nga lang sa nagkaroon ng malawakang pagbaha noon,
kaya maraming nasira. Doon nagsimula na mag-import pero after that nung inilunsad
yung Masagana 99’ kung dati tayong nag-iimport ng bigas ,ngayon nag-eexport na
tayo. Then dumami na doon naman ngayon pumasok yung mga sinasabi nilang “high
yielding varieties ng palay”. Nageeport na tayo noon kaya lang itong mga nagdaang
panahon dahil sa padami nan g padami yung mga tao. Di naman dumadami yung
sinasaka, so dahil dumadami yung tao at di naman masyadong dumadami yung
sinasaka, yung ating mga produkto ay bagamat tumataas din, anon a siya mabilis
yung pagdami ng pagkain, kaya bumabnalik tayo sa importation.
Taga-interbyu: Bale parang naging mataas nap o yung demand ngayon kaysa sa
supply?

Respondante: tumaas ang demand kasi dumami ang tao, dati nga ang per capita
consumption ay something 112 per capita kilo ngayon yata umaabot ng 145 or 160
ganun.kasi niloloko nga namin kaya tumataas yung per capita per consumption kasi
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
24

dati kung mayron kang bigas yun narin yung ulam nila. Kaya dumadami yung
consumption ng bigas ng bawat Pilipino. Pero yun ay joke lang pero kung tutuusin
parang totoo na dadamihan mo nalang ang kain ng kanin kahit kaunti nalang yung
ulam para mabusog at least. So yun bumabalik tayo sa panahon na nag-iimport tayo
dahil nga sa mataas yung demand kaysa supply, kaya ang nangyayare magtataas ng
presyo.

Taga-interbyu: Bale po ang nagyare po sa pamahalaan po noon dumating din po


myung time na nagipit tapos naging okay pot as ngayon nagiigipit nanaman po sa
supply?
Respondante: oo kasi napag-iiwanan na kasi yung mahihirap ,yung mga walang
buwanang sahod, sila yung mga napag-iwanan. Pag tumataas ang presyo, yung mga
may trabaho may buwanang dumadating na pera ay okay lang sakanila. Pero
nababawasan padin ang purchasing power ng pera nila kasi nga di naman ganun
kabilis ang pagtaas ng sweldo o yung natatanggap.yun lang ang mayroon lang
benefits ay yung mataas ang swelso ganun pero yung mga mahirap na wala naming
pirmihang trabaho sila yung apektado talaga, dahil sa pagtaas ng presyo mababa na
nga yung kinikita nila tumataas pa yung presyonapag-iiwanan na talaga sila.

Taga-interbyu: Noong Edsa Revolution po OIC lang po yung tumatayong alkalde


po noon? Pero maayos naman po yung naging sitwasyon ng pamamahala nila sa
buong San Narciso?
Respondante: ah, oo kasi sabi ko nga diba “hindi naman magulo ang San Narciso, of
all towns ng Zambales San Narciso ang isa sa mga pinaka tahimik” so hindi siya
tulad ng iba na maraming nagrerebelde gaya ng tinatawag nilang NPA pero dito sa
San Narciso passing lang sila hindi yung meron siloa ditong mga kampo-kampo na
ganun, kaya hindi ganun, kung meron man passing lang. may mga panahon nga noon
na sinasabi nila na may mga demand letter para sa revolutionary tax, pero di naman
sigurado kung yan nga ba ay legitimate nga sila. Kasi meron kasing mga
extortionists, meron din yung mga sindikato na gumagawa ng ganun, pero hindi
masyado, sa pagkakaalam ko ah, hindi masyadong natukoy kung yun ay gawa o anon
g mga taga-labas eh sa amin nga kwento-kwento ng mga ano is parang mga
extortionists yung mga yun.

Taga-interbyu: ano po yung pinakatumatak po sainyong pamumuno noon? Sa


pagkakatanda lang po ninyo?
Respondante: kung sa akin, parang mas magaan ang buhay noon kaysa ngayon. Sabi
ko nga noon hindi kung ikukumpara yung nangyare sa aming magkakapatid, labing-
isa (11) kaming magkakapatid. Eh ang kabuhayan lang naming ay pagsasaka, ay
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
25
nagkapag-aral na kami. Samantalang ngayon, dadalawa yung anak ko hindi ko
kayang pag-aralin dahil maliit yung sweldo, nanghihingi lang ako ng tulong sa
kapatid koat sa mga magulang ko noong nabubuhay pa sila. So ang hirap lalo na
ngayon napakahirap, yung sweldo naming as empleyado ano lang yung pumupunta
lang yun sa bayad lang sa rentas ng bahay nung mga nag-aaral. Sa amin walang
natitira , kaya ang matitira na lang ay nanghihingi na lamang kami ng ayuda sa mga
kapatid atsaka mga magulang naming noon. pero kung yung sweldo ngayon, yung
mga ordinaryong empleyado lang. kaya ang nangyayare diyan ay kung sino kung
mayaman, lalong yumayaman , at yung mga mahihirap lalong naghihirap. Nang dahil
hindi siya makaabot dun sa presyo.

Taga-interbyu: bale mas maganda po ang pamamahala noon kaysa ngayon?


Respondante: hindi yung pamamahala kundi yung kabuhayan ay hindi pa
masyadong mahal noon, hindi pa masyadong mabiyo ang mga tao noon. Sa amin nga
kung meron kaming 25 centavos eh nilalagay naming sa bulsa tinatalian pa naming
ng goma para lang hindi mawala. Gagamitin lang naming yun kung meron kaming
talagang paggagamitan na panggagastusan na necessity o importante. Pero kung hindi
namin ginagastos ang mga iyon dahil mahirap ang pera noo. Iniipon lamang namin
iyon hindi dahil sa ilokano kamio dahil kuripot kundi pinaghahanda yung meron na
kung anong meron ka lang. di tulad ngayon na ayaw na pumasok dahil ayaw na
pumasok dahil wala ng baon na bente, pag binigyan ng limang psio nagrereklamo,
ayaw nang pumasok, yung gusto niya bente, yun yung pagkakaiba noon, di ko alam
kung masyadong mabisyo o nang-aabuso or yung mga magulang ay konsintidor. Kasi
hindi nila alam masyadong iniisip kung gaano kahirrap kumita ng pera. Bale happy
go lucky, basta meron gastos lang ng gastos, kasi mayaman si papa o si mama
marami siyang perang maibibigay sa amin.pero di nila naiisip na yun sa panahong ito
napakahirap kumita ng pera. Kaya kailangan meron ka talagang savings. Kaya lagi
nga naming sinasabi na kapag kumita ka dapat inuuna yung savings bago yung
gastusin, yung sobra sa savings yun lamnag daopat yung gagastusin mo. Meron kang
matitira para ito ay maipon lang anuman ang kailangan mo sa mga susunod na araw
kasi din natin alam ang mga mangyayari sa susunod na araw. Sa mga bata ngayon eh
wala eh kung konti lang binigay mong baon wala na kukusilapan kana pagdadabugan
kappa. Iba kasi ang paghawak ng pera noon noon sa ngayon. Noon ay kung ano yung
hawak mong pera hanggat maari hindi mo ginagastos puro mga buksingero ang mga
tao noon. Ngayon ay puro karatista open, napahawak lang ng pera gastos dito gastos

doon. Ang katwiran pa nga ng iba nagagalit na yung iba nagagalit na yung mga
magulang kapag hindi

ginagastos ang binigay na allowance. Pero hindi yun dapat, dapat kailangan mong
mag-ipon dahil sa pagbilis ng pag-taas g bilihin ngayon di kayang tumbasan ng mga
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
26
ordinary lang na tao yung mahirap lalong naghihirap dahil lumalaki yung agwat nila
yung purchasing power pababa ng pababa sa mahirap

Taga-interbyu: Maraming salamat po sa pagpapaunlak ng interbyu sa amin


Respondante: ito ay pananaw ko lang base doon sa nakaeksperyensya ko noong mga
nakaraang panahon sa noo sa ngayon.
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
27

Gerardo Novelia Umali


69 na taong gulang
A native of Brgy. Alusiis
Farmer
Readings in the Philippine History
President Ramon Magsaysay State University
College of Arts and Sciences
MWF-2:00-3:00 P.M
Pagsibol ng Bayan ng San Narciso
28

References:

You might also like