You are on page 1of 7

Ang Diskurso

Ang wika ay isang behikulo at instrumentong ginagamit ng


tao at institusyon sa lipunan. Alinman o maging anumang uri o anyo ng
lipunan ay nanganagailangan ng wika upang higit na magkaunawaan,
maging episyente ang pagpapagalaw ng mga gawain at maging epektibo
ang inihahaing simulain.
May kapangyarihang kumontro ang wika. May kakayahan itong
maglimita, magpalawak, magpalinaw o magpalabo ng mga ideya.

Ano ang Diskurso?

 Ito ay ang mga yunit ng linggwistik na binubuo ng iba’t ibang


pangungusap- sa ibang salita ay salisalitaan (conversation),
argumento o pananalita (speeches) at mga kwento. Paraan ng
pagpapahayag, pasulat man o pasalita. Nangangahulugan din ng
pakikipagtalastasan . Ang pormal at patuluyang pagsasagawa
ng isang mahusay na usapan. Interaktibong gawain tungo sa
mabisang paglalahad ng mga impormasyon.

 Discourse – Ingles
Discursus – Latin

 Kumbersasyon – isang verbal na pagpapalitan ng mga ideya na


pwedeng maganap sa mga sosyalang pampamilyaridad o kaya’y
sa isang pormal at maayos na karaniwang humahabang
pagpapahayagan ng mga kaisipan hinggil sa kung anong paksa
na maaaring pasalita o pasulat.
Ang pagdidiskurso ay hindi lamang nakapokus sa mismong
salita; sa halip, bahagi rin nito ang mga tagong mensahe (implied
messages).
Sa pagdidiskurso, mahalaga na:
1. Maging mapanuri hindi lamang sa salita kundi sa kulturang
nakapaloob ditto;
2. Mahusay maghinuha ng mga impormasyon gaya ng integrasyon
ng kilos sa salita;
3. Magkaroon ng kritikal at malalim na kakayahan sa pag-unawa
ng mga mensahe;
4. Maisaalang-alang ang ga sumusunod na dimensyon:
a. Konteksto – gaya ng inilahad ni Hymes sa kanyang
SPEAKING theory, tungo sa ikatatagumpay ng isang
pakikipagtalastasan, mainam na makita ang kabuuang
konteksto (setting, participants, ends, acts, keys,
instrumentalities, norms at genre). Sa pamamagita nito
maaaring mapaangat ang sensitibiti ng dalawang nag-
uusap.
b. Kognisyon – tumutukoy sa wasto at angkop na pag-unawa
sa mensahe ng mga nag-uusap. Bhagi ng kognisyon ang
oryentasyon at kulturang kanilang kinabibilangan.
c. Komunikasyon – ang dimensyong ito ay tumutukoy sa
berbal at di-berbal na paghihinuha ng mga impormasyon.
d. Kakayahan – Likas sa mga tao ang pagkakaroon ng
kakayahan sa pakikikinig, pagsaasalita, pagbasa at
pagsulat. Ang mga ito ang siyang pangunahing
kailanganin sa mahusay na pagdidiskurso.
Mga Teorya ng Diskurso:

1. Speech Act Theory – (Searles’ 1969)


- isang teorya ng wika kung saan sangkot ang kilos o galaw
sa pag- unawa sa pagpapakahulugan ng isang diskurso.
- Sa simpleng paliwanag ito ay tumutukoy sa paniniwalang
Ingles na “in saying something, we do something” .
Anuman ang ating sabihin, lagi na itong may kaakibat na
kilos, maging ito man ay paghingi ng paumanhin,
pagbibigay-babala, paghihimok atbp.
- Kaugnay ng gampaning lokusyon at ilokusyon, na ang
hangarin ay makilala ang tungkulin o gampanin ng
lokusyon – ito man ay tagatanggap o gumaganap.
Tatlong Akto ng Pagsasalita ng Tagapagsalita:
a. Gampanin/Tungkuling lokyusyonari – pagsasabi ng isang bagay
na makabuluhan o may katuturan.
 Ito ang pagsasaad ng isang pangungusap o bahagi ng
pangungusap na literal na nauunawaan sa paggamit ng
wika.
 Ang kaalamang panglingwistika na ang puhunan sa
pagsasagawa ng akto/ kilos .
Hal. Pangako kong tuturuan kitang magsayaw.
b. Gampanin/Tungkuling ilokyusyonari – ay isang tungkulin ng
pagsasagawa ng isag bagay o isang mensahe ayon sa intensyon
ng nagsasalita.
- May tiyak na puwersa tulad ng pagpapabatid, pag-uutos,
pagbabala atbp.
Hal. A. Pangako: Magkita tayo mamaya at tuturuan kita
ng sayaw.
B. Pakiusap: Edwin, maaari bang turuan mo akong
magsayaw?
C. Pag-utos: Turuan mo akong magsayaw, kung ayw
mong sisantihin kita sa trabaho.
c. Gampanin/Tungkulin Pelokyusyonari - tungkuling dulot ng
pwersang ilokyusyonari.
- nagpapalabas o nagtatamo ng isang bagay tulad ng
panghikayat, pagkumbinse at pagbabawal.

2. Ethnography of Communication- Gumagamit ng mga kasangkapan


mula sa antropolohiya upang pag- aralan ang berbal na interaksyon
sa setting nito.
- Tumutukoy rin ito sa pag-aaral ng komunikasyon kaugnay sa
sosyala at kultural na pag-uugali at paniniwala.
-Nakapokus ito sa kakayahang pangkomunikatibo: ang
kaaalamang sosyal, sikolohikal, kultural at linggwistikang may
kaugnayan sa angkop na gamit ng wika.

3. Pragmatic theory - ang salitang prama ay galing sa salitang


Griyego na ang ibig tukuyin ay aksyon, galaw, paggalaw, gawa,
gawain.
- Ang pragmatik ay ang relsyon sa pagitan ng wika at ng tao na
guagamit ng wika.
- Ito ang pag-aaral ng mga aktwal na pagsasalita sa iba’t ibang
konteksto.
3. Variationist Theory – nakapokus ito sa baryasyon ng wikang
ginagamit ng taong sangkot sa isang diskurso. Kinapapalooban ito
ng pagkakaiba ng tono, intonasyon, gamit ng salita gayundin ang
estrukturang panggramatika ng isang ispiker.
- Lumaganap ang teoryang ito dahil na rin sa unti-unting
pag-usbong ng iba’t ibang speech community na
nagtataglay ng maraming baryasyon sa wika.
Marxismo at Kritikal na Diskurso sa Globalisasyon

2 taong may malaking nai-ambag sa teoryang marxismo:

1.) KARL HEINRICH MARX


-Alemang sosyologo, historyan, dyornalist, at rebolusnaryong
sosyalista.
-may malaking papel sa pagkakatatag ng mga agham panlipunan at
pagkakabuo ng kilusang sosyalista.
-dakilang ekonomista

2.) FRIEDRICH ENGELS


-Alemang sosyalistang manunulat at matalik na kaibigan ni Karl
Marx.

TEORYANG MARXISMO

Isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na


tumutuon sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na
gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng takbo ng kasaysayan
at diyalektikong pananaw ng pagbabago ng lipunan.
Pampulitika at pang ekonomiyang pilosopiya na naniniwala sa
konsepto ng tunggalian ng uri sa lipunan.
Naglalayun na magkaroon ng CLASSLESS SOCIETY o Lipunang
Walang Uri.

MARXISMO BILANG TEORYANG PANGWIKA

Ginagamit ang mga oryentasyong ito upang mabuksan ang mga


isipan at mga mata ng tao sa pang-aapi at pananamantalang
nagaganap sa lipunan. Binibigyang pansin ng pananaw na ito ang
mga umiiral na tunggalian. Maraming gawang pampanitikan kagaya
ng kanta, kuwento, drama, teatrong palabas na nakikitaan ng
impluwensiya ng teoryang Marxismo.

TEORYANG KAPITALISMO

Mabigat na bumabatikos ang Marxismo sa anyo ng sosyo-


ekonomiko ng lipunan sa KAPITALISMO o tinatawag na
diktaduryang bourgeoisie. Pinapatakbo ito ng mga mamamayan para
sa kanilang kapakinabangan. Nahahati ang mga mamamayan sa
dalawang grupo: PROLETARIAT (manggagawa) at BOURGEOISIE
(kapitalista).

TEORYANG MARXISMO AT DISKURSO NG


GLOBALISASYON

Binigyang diin ni Marx na ang globalisasyon ay resulta ng


global expansion o pagpapalaganap ng kapitalismo sa buong mundo.
Ayon sa Marxistang analisis, nagaganap ang tunggalian ng mga uri sa
kapitalismo dahil sa paglala ng mga kontradiksyon sa pagitan ng
produktibo, mekanisado at maayos na paggawa ng proletariat, at ng
pribadong pagmamay-ari at paglalaan ng labis na produkto sa anyo ng
labis na halaga. Ang pagkakaibang teoretikal na ito ay bunsod sa mga
partidong sosyalista at komunista at kilusang politikal na magkaroon
ng magkakaibang estratihiyang politikal upang matamo ang
sosyalismo at magsulong ng magkaka-ibang programa at polisiya.
Pag-aklas, Pagbaklas, Pagbagtas: Politikal na
Kritisismong Pampanitikan

Sa mga kabanata sa libro, tatlong hakbang ang


isinasaad: pag-aklas bilang impetus sa panunuring historikal
at panlipunan na susing kawing ang panitikan; pagbaklas
bilang pagbuwag sa naunang formalistiko at makasentrong-
sining na panunuring pampanitikan; at pagbagtas bilang
mapagpalayang pagdalumat sa panitikang pangunahing
nagsasaalang-alang ng makauring panunuri.

You might also like