You are on page 1of 74

Kuwarter 4

Ako at ang Aking Pamayanan

28
I.
IKADALAWAMPU’T WALONG LINGGO
Paghihiwalay ng Basura

Panlingguhang Layunin:
Wikang Binibigkas:Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o
klasetungkol sa napakinggang teksto
Nakagagamit ng mga salita na angkop sa ikalawang baitang sa
pagpapahayag ng pagsang-ayon at hindi pagsang-ayon sa kuwento,
mga pangyayari, isyu at iba pa
Pagkilala ng mga Salita: Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang
binasa
Katatasan:Nakababasa ng mga salita sa unang kita nang may
kahusayan
Nababaybay nang tama ang mga mas mataas na antas ng mga
salitasa unang kita na angkop sa ikalawang baitang
Pagkatha/Pagsulat: Nakasusulat ng maikling kuwento na may tagpuan,
mga tauhan at mahahalagang pangyayari
Kamalayan sa Gramatika: Nakagagamit ng ekspresyon na angkop sa
sarilingkultura sa pagpapakita ng lokasyon
Pag-unlad sa Talasalitaan:Nakagagamit ng kaalamanat kakayahan sa
pagbasangmga gamiting salita/ bokabularyo sa pagbasa
Pag-unawa sa Binasa:Nakapaghihinuha sakung ano angmaaaring
maganap sa susunodna pangyayari sa kuwento, alamat, at iba pa
Natutukoy kung alin ang simula, gitna at wakas ng binasang teksto o
seleksiyon
Natutukoy ang impormasyon sa kuwento na sumasagot sa literal at
mas mataas na antas na mga tanong
Saloobin hinggil sa panitikan:Naipamamalas ang kawilihan sa pagbasa ng
kuwento at iba pang mga teksto sa pamamagitan ng pag-browse,
pagbasa ng mga aklat at pagbasa ng marami pang kuwento at teksto
Pagpapahalaga: Pangangalaga sa kapaligiran

II. Paksang Aralin:


A. Paksa:
Pakikipagtalastasan tungkol sa napakinggang kuwento.
Pagpapahayag ng pagsang-ayon at di pagsang-ayon sa kuwento,mga
pangyayari,isyu at iba pa
Panghalip na panturo (dito,doon, diyan)
Kahulugan ng mga salitang binasa
Elemento ng kuwento

222
Paghihinuha, pagtukoy sa simula,gitna at huling bahagi ng kuwento

B. Batayan/Sanggunian:
K-12 Curriculum Guide Grade 2
Kuwento: “ Saludo Ako sa Iyo, Mang Kanor ”
Akda ni Nida C. Santos

C. Mga Kagamitan
Kuwento “ Saludo Ako sa Iyo, Mang Kanor ”
“prediction chart”, tunay na bagay, kuwento, larawan, rap

III .Gawain sa Pagkatuto

1 Unang Araw

Layunin: Nakagagamit ng ekspresyon na angkop sa sariling kultura sa


pagpapakita ng lokasyon(dito,diyan, doon)

Kasanayang Pagbigkas at Wika


A. Panimulang Gawain
2. Ipabigkas ang “Rap”
Tapon dito.
Tapon diyan.
Basura,Basura
Dapat ay doon.
Doon,doon itapon !
Sa tamang tapunan.
Halika, halika doon mo itapon.
B. Pagganyak
Itanong sa mga bata.
Ano ang naramdaman ninyo habang binibigkas ang Rap?
Ano ang ipinapaalala sa atin ng Rap na ito?
Paano kayo tutugon sa ipinapaalala ng Rap na ating binigkas?
Saan ninyo itatapon ang mga basura? Pakinggan ang usapan ng mag-
amang Ador at Mang kanor kung saan sila dapat magtapon ng basura.
C. Paglalahad/Pagmomodelo
Tumawag ng bata na aakto sa usapan ng mag-ama na nasa LM pahina
203.Ipabasa ang mga pangungusap mula sa usapan at ang mga salitang
may salungguhit.
D. Pagtalakay
Ano- ano ang mga salitang may salungguhit?
(dito, diyan, doon)
Ano ang salitang panturo ng lokasyon ang ginamit sa unang pangungusap?
Bakit ang salitang dito ang ginamit ni Ador?
Kailan ginagamit ang salitang dito?

223
Sino ang nagsabi na hindi dapat diyan itapon ang basura?
Bakit salitang diyan ang ginamit ni Mang Kanor?
Kailan ginagamit ang salitang diyan?
Bakit salitang doon ang ginamit sa pangatlong pangungusap?
Ano ang gamit ng mga salitang may salungguhit?
E.Paglalahat
Ano-ano ang mga panghalip na panturo?
Ipabasa ang Tandaan sa LM, pahina 203.
F. Paglalapat
Gamitin sa sariling pangungusap ang dito, diyan, at doon.
Ipasulat ito sa isang buong papel at ipabasa pagkatapos.
G. Kasanayang Gawain
1. Pinatnubayang Pagsasanay
Basahin ang diyalogo sa Gawain 1 na nasa LM, sa pahina 203-204
at punan ng dito, diyan o doon ang bawat patlang.
2. Malayang Pagsasanay
Humanap ng kapareha at gumawa ng usapan gamit ang dito,diyan at
doon
H.Pagtatasa
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan ng dito, diyan, o
doon ang bawat pangungusap upang mabuo ang kaisipan.
1. _____ako sa Lungsod lumaki ngunit ikaw ay ____ sa lalawigan
lumaki.
2. Huwag kang aalis_____ at babalikan kita.Pupunta lamang ako
____
sa likod- bahay.
3.Aba, _____ palatayo magkikita.Hindi ko akalaing pupunta ka rito.
4.Sige, iwan mo ______ sa mesa ang naiwang bag at sasabihin ko kay
Dexter na _______ niya kunin.
5. Iyong malaking gusaling iyon ang pianakamataas na gusali sa
bayang ito._______ nakatira ang aming Mayor.

2 Ikalawang Araw

Layunin: Nakababasa ng mga salita sa unang kitanang may kahusayan


(automaticity )
Nababaybay nang tama ang mga mataas na antas ng mga salita sa
unang kita na angkop sa ikalawang baitang
Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o klase
tungkol sa napakinggang teksto
Nakagagamit ng mga salita na angkop sa ikalawang baitang sa
pagpapahayag ng pagsang-ayon at hindi pagsang-ayon sa
kuwento, mga pangyayari, isyu at iba pa
Nakagagamit ng kaalamanat kakayahan sa pagbasa ng mga gamiting
salita/ bokabularyo sa pagbasa

224
Nakapaghihinuha sakung ano angmaaaring maganap sa susunodna
mga pangyayari sa kuwento, alamat, at iba pa
Natutukoy kung alin ang simula, gitna at wakas ng binasang teksto o
seleksiyon
Natutukoy ang impormasyon sa kuwento na sumasagot sa literal at
mas mataas na antas na mga tanong

Istratehiya : Read by teacher (Read Aloud), (Read with the teacher(Shared


Reading)
A. Gawain Bago Bumasa
1. Paghahawan ng balakid
a. Plastik-sa pamamagitan ng tunay na bagay
b. Karatula- Ang karatula ay nagtataglay ng patalastas para sa
publiko.

Bawal Magtapon ng
Basura dito

c. Mayor- sa pamamagitan ng larawan


d. huwaran- sa pamamagitan ng pangungusap
Sumusunod si Mang Kanor sa batas kaya tinawag siyang isang
huwaran.
e. batas- sa pamamagitan ng pangungusap
Ang batas ay kautusan na dapat sundin.
2. Pagganyak
Sino sa inyong lugar ang maituturing mong huwaran? Bakit siya
tinawag na isang huwaran? Ano ang kanyang ginawa?
3. Pangganyak na Tanong
Bago ipabasa ang kuwento hulaan ang sagot sa tanong sa prediction
chart.

Tanong Hulang Sagot Tunay na


Nangyari

Ano ang nakasulat sa


karatula?

Paano ipinakita ni
Mang Kanor ang
pagiging matapat
niya sa bayan?

225
B. Gawain Habang Nagbabasa
1. Pagbasa ng kuwento ng tuloy-tuloy
Basahin ang kuwento sa LM , sapahina 204-205.
C.Gawain Pagkatapos Bumasa
1. Pagsagot sa pangganyak na tanong
Sabihin: Pagkatapos nating mabasa ang kuwento, alamin kung
tama ba ang inyong hulang sagot? Maari na ninyong sagutan ang
ikatlong hanay sa ating prediction chart.

Tanong Hulang Sagot Tunay na


Nangyari

Ano ang nakasulat sa


karatula?

Paano ipinakita ni
Mang Nardo ang
pagiging matapat
niya sa bayan?

Pagsagot sa mga tanong:


1. Kailan nangyari ang kuwento?
2. Ano ang nakasulat sa karatula?
3. Ano ang mangyayari kapag ikinalat ng aso ang basura?
4. Paano ipinakita ni Mang Kanor ang pagiging matapat sa bayan?
5. Tama ba ang kaniyang ginawa?Bakit?
6. Paano ipinakita ni Mang Kanor ang paggalang sa Mayor ?
7. Kung ikaw si Ador, sasaludo ka rin ba sa iyong tatay.

2. Ugnayang Gawain
Ipagawa ang pangkatang gawain
a. Pangkat I: Iguhit at Ipakilala Mo!
Iguhit sa loob ng kahon ang mag-ama sa kuwento.
b. Pangkat II:Tingnan Mo at Paghiwalayin!
Alamin ang laman ng malaking plastic bag at
paghiwa-hiwalayin.Ilagay sa tamang
tapunan. Isulat sa kuwaderno ang sagot at ipaliwanag sa klase
kung bakit doon dapat ilagay ang isang basura.

Nabubulok Di
Recyclable
Nabubulok

226
c. Pangkat III: Isadula Mo at Sumaludo!
Muling balikan ang huling bahagi ng kuwento
na kung saan ay naroroon si Mayor at isadula ito.
d. Pangkat IV: Isipin ang tama at Isigaw Mo!
Basahin ang mga pangyayari sa kuwento.
Sagutin ang kasunod na tanong.
1. Dapat bang tularan si Mang Kanor?
2. Bakit dapat tularan si Mang Kanor
3. Ano ang kahalagahan ng tamang pagtatapon ng basura.
3. Paglinang sa Kasanayan
a. Ano ang nakapaskil sa pader?
Alamin natin ang sagot sa Pangkat I
Saan pa kadalasang nakikita ang mga karatula?
Sino ang mag-ama sa kuwento?
Ano ang dala ni Mang Kanor?
Saan sila pupunta?
Ano ang itinanong ni Ador sa kanyang tatay?
Saan nagtapon ng basura sina Mang Kanor at Ador?

b. Saan dapat itapon ang mga basura?


Alamin natin mula sa pangkat II kung saan dapat itapon ang
mga basura na nasa plastic ni Mang Kanor?
Ano - ano ang itatapon sa nabubulok na basurahan?
Ano-ano ang itatapon sa di nabubulok na basurahan?
Ano-ano ang maaaring irecycle na basura.

c. Sino ang nakakita sa mag-ama habang nagtatapon sila ng


basura?
Paano ipinakita ni Mang Kanor ang paggalang kay Mayor?
Ano ang sinabi ni Mayor kay Mang Kanor?
Bakit sinabihan ni Mayor si Mang Kanor na huwaran?
Panoorin natin ang Pangkat III.
Paano ipinakita ni Mang Kanor na siya ay huwaran?
Kung ikaw si Mang Kanor, tutularan mo ba ang ginawa niyang
paggalangkay Mayor.

d. Dapat bang tularan si Mang Kanor?Bakit?


Ano ang kahalagahan ng tamang pagtatapon ng basura?Ano
ang maaaring mangyari kung ang mga tao ay tapon ng tapon ng
basura kung saan saan.
Pakinggan natin ang Pangkat IV

227
4. Paglalahat
Paano ninyo mauunawaan ang nilalaman ng kuwento?

Tandaan:
Mauunawaan ang kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong at pagbibigay ng detalye tungkol dito.Ang pagbibigay ng
hinuha,komento o reaksyon ang magbibigay kahulugansa
binasa.

3 Ikatlong Araw

Layunin: Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang binasa


Natutukoy ang impormasyon sa kuwento na sumasagot sa literal at
mas mataas na antas na mga tanong
Naipamamalas ang kawilihan sa pagbasa ng kuwento at iba pang
mga teksto sa pamamagitan ng pag-browse, pagbasa ng mga aklat at
pagbasa ng marami pang kuwento at teksto
Kasanayan sa Pagbasa
A. Pagganyak
Maglaro ng unahan sa pagbasa ng mga salita sa plaskard.(Ihanda ng guro
ang plaskard ng mga salita mula sa Talasalitaan I-II .

B. Paglalahad
Ipabasa ang mga salita na nakasulat sa sa LM sa pahina 206.
C. Pagtalakay/Paglalahat
Itanong kung paano nila binasa ang mga salita?
Ipabasa ang tandaan sa LM pahina 206.

D. Paglalapat
1. Ipabasa ang mga salita sa unang kita ng buong klase, pangkatan,
magkapareha at isahan na nakasulat sa chart.

E. Kasanayang Gawain

1. Pinatnubayang Pagbasa
Ipabasa ang kuwento tungkol sa isang batang babae na ang pamagat ay
“Ang Munting Prinsesa” Gawain 2 sa pahina 206-207 ng LM .
2. Malayang Pagsasanay
Ipabasa ang mga pangungusap sa Gawain 3- A at B sa LM, sa pahina
207-209.

228
4 Ikaapat na Araw

Layunin: Natutukoy kung alin ang simula, gitna at wakas ng binasang teksto o
seleksiyon
Nakasusulat ng maikling kuwento na may tagpuan, mga tauhan at
mahahalagang pangyayari
Kasanayan sa Pagsulat
A. Balik-aral/Pagganyak
Muling balikan ang kuwento tungkol sa “Munting Prinsesa”.
Ipakuha ang LM at ipagawa ang Gawain 4, sa pahina 209.
B. Paglalahad
Ipakita ang larawan ni Lally, ang lugar kung saan nagyari ang kuwento at ang
ilang larawan ng pangyayari.

Sino ang pangunahing tauhan?


Saan naganap ang pangyayari?
Ano ang unang nangyari sa kuwento?
Ano ang nangyari sa kalagitnaan ng kuwento?
Ano ang naging wakas o huling pangyayari sa kuwento?
Muling ilahad ang tamang pagsulat ng kuwento.
Ipasulat sa kumpletong pangungusap ang sagot ng mga bata sa
pisara.Buuin ang kuwento at sundin ang pamantayan sa pagsulat.
C. Pagtalakay/Paglalahat
Paano sumusulat ng isang maikling kuwento?
Ipabasa ang Tandaan sa LM ,sa pahina 209.
D. Kasanayang Gawain
1. Pinatnubayang Pagsulat
Pasulatin ang mag-aaral ng kuwento sa Gawain5, na nasa LM, pahina
209.
2. Malayang Pagsulat
Sumulat ng maikling kuwento tungkol sa iyong masayang karanasan
kasama ang iyong pamilya o kaibigan.

229
5 Ikalimang Araw:

A. Pagtataya
Ipabasa ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong.(Ihanda ng guro
ang chart para dito.)

Ang Batang Batangueño


Akda ni Marites P. Espelita

Si Jedrique ay kaibigan ko. Jed ang tawag ko sa kanya. Siya ay taga-


Batangas . Kasama ko siya sa paglalaro.Tuwing umaga, libangan na ni Jed
ang magpunta sa tabing dagat at magtampisaw sa tubig.Tumatakbo rin siya sa
buhanginan kasama ang kanyang alagang aso.
Sa tanghali, natutulog naman si Jed katabi ang kanyang
aso.Pagkagising ni Jed ay kumakain naman siya ng paborito niyang
lumpiyang gulay. Pagdating ng hapon naglilinis na si Jed ng kanyang sarili.

_____1. Sino ang kaibigan ng nagsasalaysay?


a. Jose c. Matthew
b. Raxle d. Jedrique
_____2. Taga- saan ang kaibigan ng nagsasalaysay?
a. taga- Laguna c. taga- Rizal
b. taga- Batangas d.taga- Cavite
_____3. Ano ang libangan ng kaibigan ng nagsasalaysay, bukod sa
pagkuha ng kabibe?
a. pagkukuwento c. paglalangoy
b. panonood ng TV d. pagtakbo sa tabing dagat

Isulat sa patlang ang hinihinging pangyayari sa kuwento tungkol kay Jed.


1. Unang Pangyayari 2.Gitnang Pangyayari 3. Huling Pangyayari

B. Pantulong na Gawain
Isulat ang tatlong elemento o sangkap ng isang kuwento.

1. ____________ 2. ___________ 3. ______________

C. Pagpapayamang Gawain
Sumulat ng isang kuwento tungkol sa karanasan o hilig gawin ng iyong
kaibigan.Isaalang-alang ang mga elemento ng kuwento.

230
Kuwarter 4
Ako at ang Aking Pamayanan

29
I.
IKADALAWAMPU’T SIYAM NA LINGGO

Komunikasyon (Telepono)
Panlingguhang Layunin:
Wikang Binibigkas: Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o
klase tungkol sa napakinggang teksto
Nakagagamit ng mga salita na angkop sa ikalawang baitang sa
pagpapaliwanag o pagbibigay ng dahilan sa mga isyu, mga
pangyayari, mga artikulo , balita at iba pa Pagkilala ng mga Salita:
Nakababasa nang hindi bababa sa 200 - 300 salita na angkop sa
ikalawang baiting
Katatasan:Nakababasa ng tekstong angkop sa ikalawang baitang
nangmalakas at may katumpakang 95-100%
Pagbaybay: Nababaybay nang tama ang mga salita na maykambal-
katinigoklaster
Nakasusunod sa halimbawa sa pagsulat ng isang liham
pangkaibigan
Pagkatha/Pagsulat: Nakagbubuo ng isang kuwento, advertisement atbp
gamit ang angkop na mga salita at teksto.
Pag-unlad sa Talasalitaan:Nagagamit ang kahulugan ng mga salita sa
pasulat at patugonsasimpleatkumplikadongteksto
Kamalayan sa Gramatika: Nakagagamit ng magagalang na salita na
angkop sa sariling kultura tulad ngpakikipag-usap sa telepono
Pag-unawa sa Binasa: Nahihinuha kung ano ang damdamin ng tauhan
bataysa ipinakitang pagkilos osakung ano angsinasabinila.
Natutukoy ang suliranin at nakapagbibigay ng angkop na solusyon sa
binasa o napakinggang teksto ,sanaysay, mga pangyayari,
komento,at iba pa.
Naibibigay angwastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
sa binasa.
Naipakikita ang pagmamahal sa gawaing pagbabasa sa
pamamagitan nang mabuting pakikinig,pagbibigay ng komento o
reaksiyon sa kuwentong napakinggan
Pagpapahalaga:Pagtitipid sa tubig/ Paggalang sa kausap at sa
nakatatanda/Pagiging masipag.

II. Paksang Aralin:


A. Paksa:
Pakikipagtalastasan tungkol sa napakinggang kuwento
Salitang angkop sa ikalawang baitang

231
Pagbasa nang hindi bababa sa 200 - 300 salita na angkop sa
ikalawang baitang
Pagbaybay ng salitang kambal-katinigoklaster.
Pagbuo ng isang kuwento, gamit ang angkop na mga salita at teksto
Kahulugan ng mga salita
Magagalang na salita
Salitang kambal-katinig o klaster
Paghihinuha kung ano ang damdamin ng tauhan
Pagbibigay ng solusyon
Pagsusunod-sunod ng pangyayari
Pagbibigay ng reaksiyon at komento

B. Batayan/Sanggunian:
K-12 Curriculum Guide Grade 2
Kuwento “Dyaryo, Dyaryo! ”
Akda ni Nida C. Santos

C. Mga Kagamitan
Kuwento “ Dyaryo, Dyaryo!”, Word Map

III. Gawain sa Pagkatuto

1 Unang Araw

Layunin : Nakagagamit ng magagalang na salita na angkop sa sariling


kultura tulad ng pakikipag-usap sa telepono
Kasanayang Pagbigkas at Wika
A. Panimulang Gawain
Magpakita ng Puppet na batang lalaki na nakikipag-usap sa telepono.
Ipaawit.( sa Tono na Hello, hello, hello)

Hello , hello, hello


Sino po sila?
Magandang umaga po.
Ang bati sa inyo.
Salamat po 2x
Sa tawag po ninyo
Paalam na po 2x
Paalam sa inyo.
B. Pagganyak
Itanong kung narinig na nila ang mga salita na binigkas sa awit.
Pag-usapan kung ginagamit nila ito sa pakikipag-usap sa telepono .

232
C. Paglalahad/Pagmomodelo
Ipabasa ang diyalogo sa LM, pahina 211.
D. Pagtalakay
Itanong kung paano ang tamang pakikipag-usap sa telepono at pag-
usapan ang mga magagalang na salita na ginagamit.
Sino ang tumawag sa telepono?
Sino ang tinawagan?
Bakit hindi nakausap ng tumawag ang tinawagan?
Anong katangian ng sumagot ang ipinakita sa pamamagitan ng
kanyang pakikipag-usap?
Kailangan bang maging magalang sa pakikipag-usap sa
telepono?Bakit?
Dapat bang tularan si Primo sa kanyang pakikipag-usap sa telepono?
Bakit mo tutularan si Primo?

E. Paglalahat
Paano ang tamang pagtawag at pagsagot sa telepono.
Basahin ang Tandaan na nasa LM, pahina 212.
F. Paglalapat
Ipasadula ang usapan sa telepono Gawain 1,na nasa LM, pahina 212.
G. Kasanayang Gawain
1. Pinatnubayang Pagsasanay
Isa-isahin ang mga paraan ng tamang pagtawag at pagsagot sa
telepono.
2. Malayang Pagsasanay
Sumulat sa isang buong papel ng isang usapan sa pakikipag-
usap sa telepono gamit ang mga magagalang na pananalita.
H. Pagtatasa
A. Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat sitwasyon.
1. Tumunog ang inyong telepono. Ano ang dapat mong gawin?
a. Damputin ito at sagutin kaagad.
b. Hayaan na lng ito na tumutunog.
c.. Lumayo at huwag nang pansinin

2. Tumunog ang telepono at sinagot mo ito.


Boses ng isang matandang babae ang narinig mo.
Ano ang sasabihin mo?
a. Bakit kayo tumatawag?
b. Magandang umaga po? Sino po sila?
c. Di ko kayo kilala.

B. Punan ang patlang ng magagalang na salita.( 8Puntos)


Isang umaga, tumawag ang iyong guro para sa mahalagang
impormasyon.

233
K-r-r-r-ring! K-r-r-r-ring!
Tricia: Hello___.
Guro : Hello. Maaari ko bang makausap si Trcia?
Tricia : ________.Si Tricia __ ito. Sino po sila?
Guro: Si Bb. Lopez ito?
Tricia: ______________, Bb. Lopez .Ano po
ang maipaglilingkod ko?
Guro: Magandang umaga naman.Tumawag ako upang
ipaalam na walang pasok ang buong klase
bukas dahil may pagpupulong na dadaluhan
ang guro.
Tricia: Ganun po ._________________.
Guro: Walang anuman. Sige paalam na Tricia?
Tricia: _____________.

2 Ikalawang Araw

Layunin: Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o klase


tungkol sa napakinggang teksto
Nakagagamit ng mga salita na angkop sa ikalawang baitang sa
pagpapaliwanag o pagbibigay ng dahilan sa mga isyu, mga
pangyayari, mga artikulo , balita at iba pa
Nakababasa nang hindi bababa sa 200 - 300 salita na angkop sa
ikalawang baitang
Nakababasa ng tekstong angkop sa ikalawang baitang nangmalakasat
may katumpakang 95-100%
Istratehiya: Read by the teacher (Read Aloud), Read with the teacher (Shared
Reading)
A. Gawain Bago Bumasa
1. Paghahawan ng balakid
1.1 dyaryo- sa pamamagitan ng tunay na bagay
Naglalaman ng mga balita o pangyayari sa araw-araw
ang dyaryo.
2.2 anunsiyo- sa pamamagitan ng pangungusap
Ang anunsiyo ay balita na nais ipabatid sa lahat ng
mambabasa ng dyaryo at nakikinig sa radyo.
2.3 namangha- sa pamamagitan ng pagsasakilos
2.4 troso- sa pamamagitan ng pangungusap
Dinala ng malaking baha ang mga troso pababa ng
bundok.

234
2. Pagganyak
Itanong kungsino sa kanila ang mga nagbabasa ng dyaryo , kung ano
ang kahalagahan ng pagbabasa ng dyaryo,at kung bakit maraming
nagbabasa ng dyaryo.
Kapag narinig ninyo ang salitang dyaryo ,ano ang salitang maiuugnay
ninyo dito?

dyaryo

3. Pangganyak na Tanong
Ipabasa ang kuwento tungkol sa dyaryo. Pagmasdan ninyo ang
larawang ito? Ano ang nais ninyong malaman sa kuwentong inyong
babasahin?
B. Gawain Habang Nagbabasa
1. Pagbibigay ng pamantayan sa pagbasa ng kuwento
2. Pagbasa ng mga bata sa kuwento ng tuloy-tuloy na nasa LM,
pahina 213-214.
3. Pagbasa ng kuwento na may paghinto at pasagutan ang mga
tanong.
Ano ang pamagat ng kuwento?
Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
Ano ang ginagawa ni Primo tuwing umaga?
Ano ang napansin ni Primo sa mga tao?
Bakit abala ang mga tao sa pagbabasa ng dyaryo?
Ano ang anusiyo sa dyaryo?
Sa inyong palagay, dapat ba na maghanda ang tao kapag may
ganitong anunsiyo?
Ano ang gagawin mong paghahanda kung ikaw mismo ang
nakabasa ng ganitong anunsiyo?
Bakit kailangan na paghandaan ang ganitong uri ng anunsiyo?
Ano ang masasabi mo kay Primo?
Kung ikaw si Primo ,tutularan mo ba siya sa kanyang pagiging
masipag?
C. Gawain Pagkatapos Bumasa

1. Pagsagot sa pagganyak na tanong.


Sino ang batang nagtitinda ng dyaryo?
Ano ang binabasa ng mga tao?
Bakit ang lahat ng tao ay nagbabasa ng dyaryo?

235
2. Ugnayang Gawain
Ipagawa ang pangkatang gawain.
a. Pangkat I : Ipakilala Mo!
Gamit ang sagutang papel, alamin kung sino-sino ang
tauhan sa kuwento. Isulat ang mga pangalan sa papel at
iguhit sa bilog kung ano ang kanilang nadarama matapos
mabasa ang balita.

b. Pangkat II : Sagutin Mo!


Isulat sa bilog ang anunsiyo o balita na nasa dyaryo. Isulat
naman sa parihaba ang paghahanda na gagawin mo sa
naisulat mong anunsiyo. Gawin ito sa Manila Paper.

c. Pangkat III : Iayos at Ipakita Mo!


Iayos ng pangkat ang tamang pagkakasunod- sunod ng mga
pangyayari sakuwento.Gawin ito sa papel. Lagyan ng
bilang 1-5 at pagkatapos ay ipakita ang pangyayari sa
pamamagitan ng pag-arte.

_____ Binasa ni Primo ang balita sa dyaryo.


_____ Maagang nagtinda ng dyaryo si Primo.
_____ Bumili ng dyaryo ang mga kapitbahay ni
Primo.

236
_____ Naghanda na ang mag-anak ni Primo para sa
anunsiyo.
_____ Sinabi ni Primo sa magulang ang maaaring
mangyari.

d. Pangkat IV : Basahin at Ipaliwanag Mo!


Basahin ang artikulo at ipaliwanag kung ano ang nilalaman
nito

KAPENG BARAKO
Barako kung tawagin ang kapeng Batangueno. Sikat
na kape na kinasasabikan. Sa amoy pa lamang ay mag-
aasam ka, na ito ay matikman. Mabango, katakam-takam
att sa init na taglay buong katawan ay pinupukaw. Maging
bata o man at matanda ang kapeng barako ay di
nalilimutan.Pinagkakakitaan
. ito ng Batangueno.

3. Paglinang sa Kasanayan
a. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
Ano ang masasabi mo tungkol kay Primo? Bakit?
Sino-sino pa ang mga nabanggit na tauhan?
Ano sa inyong palagay ang damdamin ng bawat isa matapos
mabasa ang balita sa dyaryo?
Pakinggan ang pag-uulat ng PangkatI.

b. Bakit abalang-abala ang mga tao sa pagbabasa ng dyaryo?


Ano ang nakasulat sa balita na ikinababahala at
pinangangambahan ng mga tao?
Ano-ano sa inyong palagay ang dapat gawing paghahanda ng
mga tao tungkol sa balita sa dyaryo?
Tingnan natin kung ano-ano ang gagawing paghahanda ng
Pangkat II.

c. Paano nalaman ng mga tao at ng magulang ng ating


pangunahing tauhan ang ang balita sa dyaryo?
Alamin natin mula sa pangkat III ang tamang pagkakasunod-
sunod ng pangyayari.
Ano ang kabutihang naidudulot ng pagbabasa?
Paano nakatutulong ba sa atin ang pagbabasa ng mga
babasahin tulad ng balita sa dyaryo, artikulo at iba pa?
Pakinggan natin ang babasahing artikulo ng ikaapat na
pangkat at ang kanilang pagpapaliwanag tungkol dito.
May kaalaman ba tayong narinig sa ulat ng Pangkat IV?

237
4. Paglalahat
Ano ang dapat nating gawin upang magkaroon tayo ng
Kaalaman tungkol sa iba’t ibang impormasyon?
Tandaan sa LM, sa pahina__.
Tandaan:
Makatutulong ang pagbabasa ng mga babasahin
tulad ng balita sa dyaryo, artikulo at
iba pa sa pag-alam ng mga impormasyon.

5. Pagtatasa
Ipamahagi sa mga bata ang artikulo at ginupit na balita mula sa
dyaryo.Ipabasa at hayaang ipaliwanag nila ang nilalaman
nito.

3 Ikatlong Araw

Layunin: Nababaybay nang tama ang mga salita na may kambal-katinigo


klaster
Kasanayan sa Pagbasa
A. Pagganyak
Pasagutan ang bugtong
Pahulaan ang sagot sa bawat bugtong.
“Magbugtungan Tayo at Hulaan Mo”

Kapag bukas,tubig ay tumutulo


Kapag sara, daloy ay humihinto
Gamit sa pagkukulay
Pula,berde, lila,rosas, at dilaw.

Tumbang preso ang laro


Gamit sa paa ang pambato

Araw-araw binabasa ng tao


Upang malaman,balitang bago.

B. Paglalahad/Pagmomodelo
Ipabasa ang sagot sa bugtong.(gripo, krayola,tsinelas,dyaryo)
Ipabasa ang mga salitang ngalan ng tao na may dalawang
magkasunod na katinig.
Tumawag ng isang bata na bibigkas ng bawat pangalan.

Primo Brix Gloria Tricia


Placido Troy Trinidad Brando

238
C. Pagtalakay
Ano ang napupuna ninyo sa mga may salungguhit na letra sa bawat
salita?
Ang may salungguhit na salita ay parehong katinig.
Anong tunog ang naririnig ninyo sa unahan ng bawat salita?
Ang naririnig natin ay tunog ng dalawang letrang katinig.
Ilang letra ang bumubuo ng bawat tunog?
Dalawang letra ang bumubuo ng bawat tunog na kung tawagin
ay kambal katinig o klaster.
Paano bigkasin ang bawat tunog?
Binibigkas ito nang isahang daloy o mabilis.

D. Paglalahat
Itanong kung ano ang tawag sa salitang may dalawang magkasunod na
katinig na binibigkas ng mabilis o isahang daloy?Ipabasa ang Tandaan
sa LM, sa pahina 215.

E. Paglalapat
A. Itanong kung ang pangalan nila ay may magkasunod rin na
parehong katinig.
Kung meron isulat ang mga pangalan sa pisara at ipabasa.
B. Isulat sa patlang ang tamang kambal katinig upang mabuo ang
bawat salita.
Piliin sa panaklong ang sagot at ipabasa ng maramihan, pangkatan
at isahan.(Ihanda ng guro sa Manila Paper.)
1. som__ __ero ( br, pl, tr ) 2. __ __ antsa ( pl, pr, bl )
3. __ __ ipo ( br, pl, gr ) 4.__ __utas ( pr, ts, sw )
5. __ __ ase ( pr, kr, kl ) 6.__ __ opa (tr, bl, kl )
7. __ __ insesa ( pr, tr, bl ) 8.__ __ iko ( br, ts, tr )
9. __ __ ayola ( fr, kl, kr ) 10.__ __ama (kl, dr, gl )

F. Kasanayang Gawain
1. Pinatnubayang Pagbasa
Ipagawa ang Gawain 2 sa LM, pahina 216.

2. Malayang Pagbasa
Sumulat ng mga salitang ngalan ng tao, bagay at lugar na may
dalawang magkasunod na katinig at basahin ito.

4 Ikaapat na Araw

Layunin: Nakasusunod sa halimbawa sa pagsulat ng isang liham pangkaibigan


Nakagbubuo ng isang kuwento, advertisement atbp gamit ang angkop
na mgasalita at teksto.

239
Kasanayan sa Pagsulat
A. Pagganyak
Itanong sa mga bata kung paano nila kukumustahin at padadalhan ng
mensahe ang kaibigan na malayo sa kanila na walang telepono o
cellphone. Itanong kung may karanasan na sila sa pagsulat ng Liham
Pangkaibigan, kung may napadalhan at natanggap na sila na liham
pangkaibigan.
B. Paglalahad
Tingnan ang liham pangkaibigan na natanggap ni Resmin mula kay
Raquel na nasa LM, pahina 216.
C. Pagtalakay
Magtanong tungkol sa nilalaman ng liham.
Ano ang binabasa ng nanay?
Sino ang sinulatan?
Ano ang nilalaman ng liham?
Ano- ano ang mahalagang impormasyon na binabanggit sa
liham?
Anong uri ito ng liham pangkaibigan?
D. Paglalahat
Anong uri ng liham ang inyong binasa?
Paano ito isinusulat?
Ipabasa ang Tandaan sa LM,pahina 217.

E. Kasanayang Gawain
1. Pinatnubayang Pagsulat
Ipagawa ang Gawain 3 na nasa LM, pahina 217.

2. Malayang Pagsulat
Sumulat ng isang kuwento na nais mong ibalita sa iyong
matalik na kaibigan.
Isulat ito bilang bahagi ng iyong liham pangkaibigan.
Sundan ang balangkas.

5 Ikalimang Araw

A. Pagtataya
Basahin ang bawat pangungusap.
Ikahon ang mga salitang may kambal katinig o klaster.

1. Tsuper si Mang Bruno.


2. May mga torso sa plasa.
3. Ang dyanitor ay nagbabasa ng dyaryo.
4. Magkaibigan sina Charo at Sharon.
5. Nawawala ang tsinelas ni Flora.

240
6. Pinalitan ni Clara ng bagong alambre ang sampayan.
7. Pinahiram ni Troy ang krayola kay Ana.
8. Maganda ang blusa ni Prinsesa Mikay.
9. Si Mang Brando ang gumagawa ng sirang gripo.
10. Sino sa klase ang walang dalang pluma?

Humanap ng kapareha at gumawa ng usapan sa telepono.Iparinig ito sa klase.

B. Pantulong na gawain
Basahin atpiliin ang salitang klaster sa bawat hanay.

klase kumot pluma bago prinsesa kasoy


Brenda troso plasa palaruaan blusa braso

C. Pagpapayamang Gawain
Sumulat sa inyong kuwaderno ng isang usapan sa telepono gamit angmga
magagalang na salita.

241
Kuwarter 4
Ako at ang Aking Pamayanan

30
I.
IKATATLUMPONG LINGGO
Kahoy Bilang Panggatong

Panlingguhang Layunin:
Wikang Binibigkas:Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o
klase tungkol sa napakinggang teksto
Nakagagamit ng mga salita na angkop sa ikalawang baitang sa
pagsasadula at paglalarawan ng pagkaunawa sa isang teksto
Pagkilala ng mga Salita: Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang
binasa
Katatasan: Nakababasa ng mgakuwento, alamat, mga artikulo ,balitaat iba
panang wasto at may kahusayan
Pagbaybay:Nababaybay nang tama ang mga salita na may diptonggo
Pagkatha/Pagsulat :Nakasusunod sa halimbawa sa pagsulat ng isang
liham pangkaibigan na liham pasasalamat
Nakasusulat ng Liham Pasasalamat na tama ang pormat
Kamalayan sa Gramatika:Natutukoy ang mga salitang diptonggo
Nakagagamit ng mga pautos na salita sa pagbibigay 3-6 na
simplengpanuto o hakbang na angkop sasariling kultura
Pag-unlad sa Talasalitaan:Naipaliliwanag ang karaniwang
kahuluganatkasalungat ng salita
Pag-unawa sa Binasa:Nakapaghihinuha kung ano angmaaring maganap
sa susunodna mga pangyayari sa kuwento, alamat, atbp.
Nakapaghahambing kung paano ginamit ng mga may akda ang mga
pampanitikang elemento
Naipakikita ang pag-unawa sa mga tekstong inpormasyunal
Nakasasagot sa mga literal at mataas na antas na mga tanong
Naipakikita ang pagmamahal sa gawaing pagbabasa sa
pamamagitan nang mabuting pakikinig,pagbibigay ng komento o
reaksiyon sa kuwentong napakinggan
Pagpapahalaga:Pagtitipid,Pagpapahalaga sa Pagkain

II. Paksang Aralin:


A. Paksa
Pakikipagtalastasan
Paggamit ng mga salita na angkop sa ikalawang baitang sa
Pagsasadula at paglalarawan ng pagkaunawa sa isang teksto
Kahulugan ng mga salitang binasa
Salitang diptonggo.

242
Pagbasa ng mga kuwento, alamat, artikulo, balita atbp.
Pagsulat ng isang liham pangkaibigan,liham pasasalamatkahulugan at
kasalungat ng salita
Pautos na salita sa pagbibigay ng simpleng panuto o hakbang na
angkop sa sariling kultura
Paghihinuha ,Paghahambing ,Pagpapakita ng pag-unawa sa mga
tekstong inpormasyunal
Pagsagot sa mga literal at mataas na antas na mga tanong

B. Batayan/Sanggunian:
K-12 Curriculum Guide Grade 2
Alamat ng Palay
Isinakuwento ni Nida C. Santos
C. Mga Kagamitan
Alamat “Alamat ng Palay”
larawan ngpalay, batang pawisan, Tula

III. Gawain sa Pagkatuto

1 Unang Araw

Layunin: Nakagagamit ng mga pautos na salita sa pagbibigay 3-6 na simpleng


panuto o hakbang na angkop sa sariling kultura

Kasanayan sa Pagbigkas at Wika


A. Panimulang Gawain
Ipabigkas ang tula
Palay
ni Nida C. Santos

Butil ng palay
Ginto sa buhay
Kulay na dilaw
Sa bahay ay ilaw

Palay na giniling
Bigas na ang turing
Kapag isinaing
Masarap kainin

B. Pagganyak
Itanong kung tungkol saan ang tula.
Paano inilarawan ang palay sa tula?
Ano ang tawag sa bigas kapag ito ay giniling?
Ano ang mangyayari kapag ang bigas ay isinaing?

243
Ano ang kahalagahan ng palay sa ating buhay?
C. Paglalahad/Pagmomodelo
Dahil mahalaga ang bigas sa atin, mahalaga na malaman natin kung
paano ito lulutuin.
Kung ang bilang ng kakain ay 3-4 na tao, nararapat lamang na gumamit ng
katamtamang laki ng kaldero. Basahin at sundin ang mga sumusunod na
panuto.
Ipabasa ang panuto para sa paraan ng pagluluto ng bigas sa LM, pahina
219.
D.Pagtalakay
Paano tayo makapagluluto ng maayos na sinaing?
Mahalaga ang pagsunod sa panuto upang maging maayos angating
gagawin.
Ano –ano ang mga slitang pautos na ginamit?
E.Paglalahat
Paano tayo susunod sa panuto?
Ano ang tawag sa mga salita na ginagamit sa pagbibigay ng 3-6 na
simpleng panuto?
Ano-ano ang halimbawa ng salitang pautos?
Ipabasa ang Tandaan sa LM,pahina 219.

F.Paglalapat
Basahin at sundin ang mga panuto .
1. Kumuha ng isang buong papel.
2.Isulat ang buong pangalan sa kaliwang bahagi.
3. Isulat ang pangalan ng guro sa kaliwang bahagi.
4. Gumuhit ng isang malaking bilog sa gitna ng papel.
5.Isulat sa loob ng bilog ang iyong palayaw
G.Kasanayang Gawain
1. Pinatnubayang Pagsasanay
Ipagawa ang Gawain 1 sa LM, pahina 220.
2. Malayang Pagsasanay
Sumulat ng 3-6 na simpleng panuto o hakbang kung paano
umawit pambansang awit.
H. Pagtatasa
Isulatang angkop na salitang pautos upang mabuo ang simpleng panuto o
hakbang sa pagpiprito ng isda.

Paraan ng Pagpiprito ng Isda


1. ___________at hugasan ang isda.
2.___________ ang bituka at hasang ng isda.
3. Hugasan itong muli at _________ ng katamtamang dami ng asin.
4. ________ sa kawaling may mainit ng mantika.
5._________ kung ito ay luto na.

244
2 Ikalawang Araw

Layunin: Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o klase tungkol sa


napakinggang teksto
Nakapaghihinuha kung ano angmaaring maganap sa susunodna mga
pangyayari sa alamat
Nakagagamit ng mga salita na angkop sa ikalawang baitang sa
pagsasadula at paglalarawan ng pagkaunawa sa teksto
Naipakikita ang pag-unawa sa mga tekstong inpormasyunal
Nakasasagot sa mga literal at mataas na antas na mga tanong

Istratehiya: Read by the teacher (Read Aloud)


A. Gawain Bago Bumasa
1.Paghahawan ng balakid
1.1. butil- sa pamamagitan ng larawan at pangungusap
Ito ang butil ng palay na dapat ay ipagiling
upang maging bigas..
1.2. gumulong- sa pamamagitan ng kilos
1.3. pinaghahampas- sa pamamagitan ng kilos
1.4. nagkadurog-durog- sa pamamagitan ng pangungusap
Napailaliman ang tinapay na paborita kaya ito ay
nagkadurog-durog.
1.5. pawis- sa pamamagitan ng larawan

2. Pagganyak
Ano ang pagkaing di makakalimutan sa hapag kainan tuwing
almusal, tanghalian at hapunan? Ang sarap nito ay katakam –
takam lalo na kung masarap ang ulam? Saan nagmula ang
kanin o ang bigas na ating niluluto?

3. Pagganyak na tanong
Ano ang nais ninyong malaman tungkol sa kanin o bigas?
Saan nagmula ang bigas na niluluto para maging kanin?
Paano nagkaroon ng bigas na isinasaing?

B. Gawain Habang Nagbabasa


Basahinang kuwento nang tuloy-tuloysa LM, pahina 220-221 at
ipabasa ito sa mga bata nang may paghintoat pagtatanong.

C. Gawain Pagkatapos Bumasa


1. Pagsagot sa pagganyak na tanong
Pasagutan ang pagganyak na tanong.

245
Saan nagmula ang bigas na iniluluto upang maging kanin?

Ang bigas ay nagmula sa palay.


Noong una ,hinihintay lamang ito ng mga tao na
dumating sa kanilang bahay.

Pagsagot sa mga tanong :


1.Ano ang pamagat ng alamat?
2.Paano nagkakaroon ng palay ang mga tao noong una?
3.Sino ang nagpagawa ng malaking bahay?
4. Bakit magpapagawa ng malaking bahay si Tandang Olay?
5. Ano ang nangyari nang magdatingan ang mga malalaking butil ng palay?
6. Ano ang ginawa ni Tandang Olay sa mga gumugulong na butil ng palay?
7. Ano ang naging kapalit ng ginawa ni Tandang Olay?

2. Ugnayang Gawain
Ipagawa ang pangkatang gawain.
a. Pangkat I: Halina Umarte tayo!
Isadula ang mga pangyayari sa Alamat.
Ipakita ang inyong galing sa pag-arte.
b. Pangkat II : Halina, Umawit tayo!
Awitin ang awit na “Magtanim ay Di Biro.” Saliwan ito ng
angkop na galaw.
c. Pangkat III : Halina, Gumuhit tayo!
Iguhit kung paano lumaki at lumago ang palay kapag
itinanim na sa lupa.

d. Pangkat IV: Halina, Mamasyal Tayo sa Bukid!


Pagmasdan ang larawan ng isang bukirin.
Paano mo ito ilalarawan?

246
3. Paglinang sa Kasanayan
a. Paano nabubuhay ang mga tao noong una?
Ano ang hinihintay nila sa kanilang mga bahay?
Sino si Tandang Olay?
Ano ang nangyari sa mga tao dahil sa ginawa ni Tandang
Olay?
Dapat bang tularan si Tandang Olay?Ano ang gagawin mo
upang di ka maging katulad ni Tandang Olay?
Ating panoorin ang pagsasadula ng Pangkat I.
Nabanggit sa Alamat na ang mga palay ay di na muling
gugulong sa kanya- kanyang mga bahay at magpapatulo muna
ng pawis ang mga tao bago makapag-ani ng palay.

b. Ngayon ay sabayan natin sa pag-awit at paggalaw ang Pangkat


II sa awit na “Magtanim ay Di Biro.
Bakit sinasabi na kailangan munang tumulo ng pawis bago
mag-ani ng palay?Paanoitinatanim ang palay sa bukid?

c. Paano lumaki at lumago ang palay?


Tingnan natin ang pagkakasunod-sunod ng mga larawang
iginuhit?
Tingnan natin ang iginuhit ng Pangkat III.
d. Saan karaniwang makikita ang palayan?
Paano mo ilalarawan ang bukid na iyong napagmasdan.
Bukod sa palay ,ano pa ang mga nakatanim sa bukid?
Ano ang naramdaman ninyo matapos ninyong makita ang
larawan? Bakit?
4. Paglalahat
Paano ninyo mauunawaan ang isang alamat?

Tandaan:
Mauunawaan ang kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong at pagbibigay ng detalye.Ang pagbibigay ng
hinuha,komento o reaksyon ,pagsasadula at paglalarawan ay
makatutulong sa pagbibigay ng kahulugan sa binasa.

3 Ikatlong Araw

Layunin: Nakababasa ngalamat na may mga salitang diptonggo.

Kasanayan sa Pagbasa
A. Pagganyak

247
Natatandaan pa ba ninyo ang “ Alamat ng Palay” ?
Ano ang butil na gumugulong?
Ano ang kulay ng butil na ito?
Saan patungo ang paggulong ng butil na ito?
Ano ang ginamit na panghampas ni Tandang Olay?
Ano ang ginawa ni Tandang Olay na naging dahilan ng hindi na
paggulong ng palay sa bahay ng mga tao?
Kung hindi pinaghahampas ni Tandang Olay ang mga palay, ano ang
maaaring mangyari?
B. Paglalahad
1. Ipabasa nang malakas ang Alamat sa mga bata na nasa LM,
pahina 220
2. Ipabasa ang mga pangungusap mula sa Alamat na nasa LM,
pahina 222.
3. Ipabasa ang mga salitang may salungguhit.
C.Pagtalakay
Ano ang napapansin ninyo sa mga may salungguhit na letra sa bawat
salita? Ilan ang letra na may salungguhit.
Ano ang tawag sa mga letra na may salungguhit?
Paano ang wastong bigkas ng mga salitang may tunog na diptonggo?
ay, aw, oy
D. Paglalahat
Ano ang tawag sa mga salitang nagtatapos sa ay, ey, iy, oy, uy, at aw, iw,
ew, ow, uw?
Paano binibigkas o binabasa ang mga salitang diptonggo?Ipabasa ang
Tandaan na nasa LM,pahina 222.
E. Paglalapat
Ipagawa ang Gawain 2 sa LM, pahina 222 (Oral)

F. Kasanayang Gawain
1. Pinatnubayang Pagsasanay:
Ipabasa/ Ipabigkas ang tula na nasa panimulang gawain.
2. Malayang Pagsasanay
Pasagutan ang Gawain 3 sa LM, pahina 222.
G. Pagtatasa
Basahin ang mga salita. Isulat ang tama kung may wastong baybay at
mali kung ito ay di wasto.
_____ 1.tatay ______ 6. bagay
_____ 2. dilay ______7. sisiw
_____ 3. kalabow ______8. aliw
______4. kahoy _______9. kasoy
______5.boghaw _______10.tulay

248
4 Ikaapat na Araw

Layunin: Nakasusunod sa halimbawa sa pagsulat ng isang liham pangkaibigan


na liham pasasalamat
Nakasusulat ng Liham Pasasalamat na tama ang pormat

Kasanayan sa Pagsulat
A. Balik-aral
Natatandaan pa ba ninyo ang liham paanyaya ni Raquel kay Resmin.
Ano ang nilalaman ng liham ni Raquel?
B. Pagganyak
Ano ang ginagawa mo kapag lubha kang nasiyahan sa ginawa ng
iyong kaibigan?
Paano tayo magpapasalamat kung malayo sa atin ang ating
pasasalamatan?
C. Paglalahad
Ipabasa ang liham na isinulat ni Resmin para kay Raquel na nasa
Gawain 4 sa LM,pahina 223.
Alamin ang nilalaman ng bawat bahagi ng liham pasasalamat.
D. Pagtalakay
Saan at kailan isinulat ang liham? Ano ang tawag sa bahaging ito ng
liham?
Para kanino ang liham? Ano ang tawag sa bahaging ito?
Bakit sumulat si Resmin kay Raquel?
Paano ipinadama ni Resmin ang matapat niyang damdamin?
Basahin ang mga bahagi ng liham na nagpapahayag ng
pagpapasalamat.
E. Paglalahat
Paano ang pagsulat ng isang liham pasasalamat? Ipabasa ang Tandaan
sa LM, pahina 224.

F. Kasanayang Gawain

1. Pinatnubayang Pagsulat
Ipagawa ang Gawain 4 , sa LM, pahina 224
2. Malayang Pagsulat
Sumulat ng isang liham pasasalamat sa iyong kaibigan.
Magpasalamat ka sa kanyang pagdalo sa:
 pista sa inyong bayan
 pagdiriwang ng iyong kaarawan
 pagdalaw sa iyo nang ikaw ay nagkasakit
 pagbibigay sa iyo ng regalo

249
5 Ikalimang Araw

Pagtataya
A.Isulat ang angkop na salitang diptonggo .

1. Kulay asul-________________________________
2. Tanglaw sa dilim-____________________________
3. Malakas na salita-____________________________
4. Sumisikat at lumulubog-_______________________
5. Maliit na manok- ___________________________

B.Sagutin ang mga tanong .


6. Ano ang butil na gumugulong? ______
7. Ano ang kulay ng butil na ito? _______
8. Saan patungo ang paggulong ng butil na ito?_________
9. Ano ang ginamit na panghampas ni Tandang Olay?________
10. Anong hayop ang katulong ng magsasaka sa pagbubungkal ng
lupa sa bukid?
__________
C.Sumulat ng isang Liham Pasasalamat sa iyong Ninong at Ninang noong
nakaraang pasko sa regalong natanggap mo.

250
Kuwarter 4
Ako at ang Aking Pamayanan

31
I.
IKATATLUMPU’T ISANG LINGGO
Ako Man Ay Bayani

Panlingguhang Layunin:
Wikang Binibigkas:Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o
klase tungkol sa napakinggang teksto
Nakapag-uusap at nakapagtatalakay tungkol sa mga sikat na tao,
lugar, pangyayari, atbp. gamit ang salitang naglalarawan na angkop
sa sariling kultura
Pagkilala ng mga Salita:Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang
binasa
Katatasan:Nakababasa ng mga salita sa unang kita na angkop sa
ikalawang baitang nangmay kahusayan
Pagbaybay:Nababaybay ang mga salita na nakatala sa talasalitaan
nang tama Pagbubuo/Pagsulat (composing) :Nakasusunod sa
halimbawa sa pagsulat ng isangliham pangkaibigan na liham na
humihingi ng paumanhin
Nakasusulat ng liham na tama ang pormat
Kamalayan sa Gramatika:Nakagagamit ng mga pautos na salita upang
makapagbigay 3-6 na simpleng panuto o hakbang na angkop sa
sariling kultura
Pag-unlad sa Talasalitaan:Nagagamit ang kaalaman at kakayahansa
pagbasa ng mga gamiting salita/ bokabularyo sa pagbas
Pag-unawa sa Binasa: Nakapaghihinuha kung ano angmaaring maganap
sa susunodna mga pangyayari sa kuwento, alamat, atbp.
Nakababasa at nakasasagot sa matataas na uri ng tanong
Naipakikita ang pag-unawa sa mga tekstong inpormasyunal
sapagbibigay ng maaaring maging wakas
Naipamamalas ang kawilihan sa pagbasa ng kuwento at iba pang
mga teksto sa pamamagitan ng pag-browse, at pagbasa pa ng mas
maramingaklat
Pagpapahalaga:Pagiging masunurin at mapagmahal sa magulang at
pamayanan

II. Paksang Aralin:


A. Paksa
Pakikipagtalastasan
Mga sikat na tao, lugar, pangyayari,atbp gamit ang salitang Paglalarawan
na angkop sa kultura

251
Kahulugan ng mga salitang binasa
Tamang baybay mga salita sa talasalitaan.
Salita sa unang kita na angkop sa ikalawang baitang nangmaykahusayan
Liham pangkaibigan,liham na humihingi ng paumanhin
Karaniwang kahulugan at kasalungat ng salita
Pautos na salita sa pagbibigay ng simpleng panuto o hakbang na angkop
sa sariling kultura
Paghihinuha. Pagsagot sa mga literal at mataas na antas na mga tanong
Pagkokomento at pagbibigay ng Reaksiyon

B. Batayan/Sanggunian:
K-12 Curriculum Guide Grade 2

C. Mga Kagamitan
Talambuhay“Talambuhay ni Pule”

III. Gawain sa Pagkatuto

1 Unang Araw

Layunin: Nakagagamit ng mga salitang pautos upang makapagbigay 3-6


na simpleng panuto o hakbang na angkop sa sariling kultura

Kasanayang Pagbigkas at Wika


A. Panimulang Gawain
Magkaroon ng palaro tungkol sa pagsunod sa panuto.
Hatiin sa apat na pangkat ang klase at hayaang pumili ang pangkat ng
isa mula sa miyembro na maglalalaro.
Sundin Mo!
Isulat mo ang buo mong pangalan sa loob ng kahon.
Iguhit ang isang malaking dahon at isulat sa loob nito ang bilang kung
ilang taon ka na.
Bilugan mo ang bilang ng iyong kaibigan sa paaralan.
Isulat sa loob ng lobo ang pangalan ng iyong nanay at tatay.
B. Pagganyak
Itanong kung bakit nanalo ang _____ na pangkat.
Itanong kung ano ang naramdaman nila habang naglalaro at ano ang
nasa isip nila na dapat gawin upang manalo.
Itanong kung kailan at paano sila naging masunuring bata.
C. Paglalahad/Pagmomodelo
Ilahad at basahin ang diyalogo na nasa LM. Ipabasa sa mga bata sa
pahina 226
D. Pagtalakay
Sino ang makikinig ng awit?
Saan magsusulat ang mga bata.

252
Paano malalaman ng guro kung nakasunod sa kanyang mga sinabi ang
mga bata?
Bakit pupunta sa harapan ang mg bata?
Ano ang sinunod ng mga bata?
Nakasunod ba sa panuto ang mga bata?

E. Paglalahat
Ano- ano ang sinunod ng mga bata ?
Ano ang salitang ginamit ng guro sa pagbibigay ng panuto? Ipabasa
ang Tandaan sa LM, pahina 228.

F. Paglalapat
Sundin ang panuto na ibibigay ng guro. (Maghanda ang guro ng
panuto na susundin ng mg a mag-aaral)

G. Kasanayang Gawain
1. Pinatnubayang Pagsasanay
Ipagawa ang Gawain 1 sa LM, pahina 228.
2. Malayang Pagsasanay
Ipagawa ang Gawain 2 sa LM,pahina 229.
H. Pagtatasa
Kumuha ng isang malinis na papel.
Iguhit ang daan papunta sa iyong paaralan mula sa iyong tahanan.
Sumulat ng panuto batay sa iyong iginuhit.

2 Ikalawang Araw

Layunin: Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o klase


tungkol sa napakinggang teksto
Nakapag-uusap at nakapagtatalakay tungkol sa mga sikat na tao,
lugar, pangyayari, atbp. gamit ang salitang naglalarawan na angkop sa
sariling kultura
Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang binasa
Nakapaghihinuha kung ano angmaaring maganap sa susunodna mga
pangyayari sa kuwento

Istratehiya: Read by the teacher (Read Aloud), Read with the teacher (Shared
Reading)
A. Gawain Bago Bumasa
1. Drill - Magpabasa ng mga gamiting salita na nasa Batayang
Talasalitaan II (high frequency words

2.Paghahawan ng Balakid
2.1 tinaguriang- sa pamamagitan ng pangungusap

253
Siya ay tinaguriang Prinsesa ng Kumintang dahil sa
kanyang kagandahan.
2.2 sumakabilang- buhay- sa pamamagitan ng pangungusap
Kalungkutan ang nadarama niya sapagkat
sumakabilang- buhay na ang kanyang lola
2.3 nais- sa pamamagitan ng pangungusap
Nais niyang makatapos ng pag-aaral.
2.4 Batid- sa pamamagitan ng pangungusap
Batid mo ang nangyari sa iyong kapatid?
2.5 Itustos- sa pamamagitan ng pangungusap
Maliit lamang ang perang kayang itustos sa akin ng
aking mga magulang.
3. Pagganyak
Ano ang dapat mong gawin kung may nais kang bilhin subalit
di naman kayang ibigay sa iyo ng iyong magulang?
4. Pagganyak na Tanong
Ngayon ay may kikilalanin tayong
isang bata na ang pangalan ay Pule. Pule
Ano ang gusto ninyong malaman
tungkol sa kanya?

B. Gawain Habang Nagbabasa


1. Paglalahad
Ilahad at ipabasa ang kuwento sa LM, pahina 229.
C. Gawain Pagkatapos Bumasa
Pagsagot sa Pagganyak na tanong.

1. Sino ang batang si Pule? Pule


2. Ano ang tawag o taguri sa kanya?
3. Bakit siya tinaguriang “Dakilang Lumpo”?
4. Ano ang pangarap ni Apolinario Mabini?
5.Paano siya nakapag-aral
6.Ano ang natapos niya sa pag-aaal?
7. Anong katangian mayroon si Pule na nakatulong sa kanya
upang matamo ang kanyang pangarap?
8. Kung ikaw si Pule ,gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?
Bakit?

D. Ugnayang Gawain
Pasagutan ang pangkatang gawain.
a. Pangkat I: Sagutin Mo!
Sagutin ng Oo kung sang-ayon ka at Hindi kung ikaw ay di ka
sang-ayon.
_____1. Ang palayaw ba ay maikling pangalanng isang tao.
_____2. Nakalalakad ba ang isang lumpo?

254
_____3. Ang manananggol ba ay isang abogado?
_____4. Ang sipon ba ay isang malubhang sakit?
_____5. Ang salitang itutustos ba ay kasingkahulugan ng
ibibigay?

b. Pangkat II:Isipin at Baybayin Mo!


Isipin ang salitang angkop sa patlang .
Isulat ang tamang baybay nito.
1. Si Apolinario Mabini ay ____________ “Utak ng
Rebolusyon” at “Dakilang Lumpo”.
2. ___________________ siya noong ika- 13 ng Mayo,1903.
3. ____________________ ni Pule na pinaghirapan ng kanyang
mga magulang ang perang ginagastos niya sa pag-aaral.
4. Kailangan na mapagkasya niya ang perang kayang
__________ ng kanyang mga magulang.
5. ___________ niyang makatapos ng pag-aaral.Alamin ang laman
ng malaking plastic bag at paghiwa-hiwalayin ang lamannito
kung saan dapat ito itapon

c. Pangkat III: Paikutin Mo!


Tukuyin at isulat ang hinihinging impormasyon tungkol kay
Apolinario Mabini at pagkatapos ay paikutin ang wheel.

Petsa ng Pagsilang

Pook na Tawag sa kanya


Sinilang
a
n

Uri ng pamilayang
pinagmulan
Magandang
Katangian

pinasukan

255
d. Pangkat IV : Hulaan Mo!
Magbigay ng maaaring kalabasan ng mga pangyayaring ito.
1. Ibig ni Pule na makapag-aral ngunit mahirap lamang
sila at ipinaalala ng kanyang mga magulang na wala silang
magagamit nap era upang siya ay mag-aral.
__________________________________________
2. Umulan man o umaraw ay pumapasok si Pule sa klase.
Hindi siya lumiliban. Puspusan siyang nag-aaral kaya
__________________________________________
3. Isinama ni Heneral Aguinalado si Apolinario Mabini
saan man siya pumunta. Isinasakay siya sa duyan at pinapasan
ng mga kawal kaya___________________________

E. Paglinang sa Kasanayan
a. Pakinggan natin mula sa Pangkat I kung tama ang kahulugan
ng mga salitang binasa natin sa Talambuhay ni Apolinario
Mabini.
1. Ano ang palayaw ?
2. Ano ang palayaw ni Apolinario Mabini?
3. Ano ang ibig sabihin ng lumpo?
4. Bakit tinaguriang dakilang lumpo si Pule?
5. Ano ang ibig sabihin ng abogado?
6. Ano ang natapos ni Apolinario Mabini?
7. Bakit nakatapos ng pag-aaral si Pule?
8. Ano ang nangyari kay Apolinario Mabini?

b. Upang lubos nating maunawaan ang binasa nating Talambuhay


ni Apolinario Mabini, ay ating pakinggan ang sinagutang
gawain ng pangkat II.
Ipaulat sa pangkat ang kanilang sagot.
c. Kilalaning mabuti si Apolinario Mabini.
Alamin natin mula sa Pangkat III ang mga impormasyon
tungkol kay Pule.

d Iparirinig sa atin Pangkat IV ang maaring kalabasan ng


pangyayari o kuwento.
Ano ang magandang pangarap ni Pule?
Bakit siya tinawag na “Dakilang Lumpo” ?
Kung ikaw si Pule, gagawin mo ba ang ginawa niya upang
makapag-aral at makapaglingkod sa bayan?

256
F. Paglalahat
Paano ninyo naunawaan ang kuwento?

Tandaan:
Mauunawaan ang kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong at pagbibigay ng detalye tungkol dito.Ang pagbibigay ng
hinuha,komento o reaksyon ang magbibigay kahulugan at
ugnayan sa buhay.

3 Ikatlong Araw

Layunin: Nakababasa ng mga salita sa unang kita na angkop sa ikalawang


Nababaybay ang mga salita na nakatala sa talasalitaan nang tama
Nagagamit ang kaalaman at kakayahansa pagbasa ng mga gamiting
salita/ bokabularyo sa pagbas
Nakababasa at nakasasagot sa matataas na uri ng tanong
Naipakikita ang pag-unawa sa mga tekstong inpormasyunal sa
pagbibigay ng maaaring maging wakas
Naipamamalas ang kawilihan sa pagbasa ng kuwento at iba pang mga
teksto sapamamagitan ng pag-browse, at pagbasa pa ng mas maraming
aklat

Kasanayan sa Pagbasa

A. Pagganyak
Itanong kung nakarating na rin sila sa bukid tulad ni Resmin sa
binasang sulat noong nakaraang linggo.
B. Paglalahad
Ipakita ang larawan nina Resmin at Raquel na nasa bukid (ihanda ang
larawan) at ipabasa ang kuwento tungkol sa bukid nina Raquel ang
Barangay Tahimik na nasa LM, sa pahina 231.
C. Pagtalakay
Anong barangay ang binanggit sa kuwento?
Paano ito inilarawan?
Bakit malulusog ang mga mamamayan ng Barangay Tahimik?
Anong uri ng salita ang tahimik at payapa?
Bakit magkasingkahulugan ang mga salitang ito?
Anong uri ng salita ang tahimik at magulo?
Bakit magkasalungat ang mga salitang ito?
Basahin ang mga salita sa loob ng bawat kahon sa LM, pahina 232.
Ano ang napansin mo sa unang pangkat?
Sa ikalawang pangkat?

257
D. Paglalahat
Kailan masasabi na ang salita ang magkasingkahulugan at
magkasalungat?
Ipabasa ang Tandaan sa LM, pahina 232.
E . Paglalapat
Ibigay ang kasalungat ng sumusunod na mga salita.
1. mahirap - __________________
2. maganda - _________________
3. masipag - _________________
4. masikip - __________________
5 tahimik- ___________________
F. Kasanayang Gawain

1. Pinatnubayang Pagsasanay
Ipagawa ang Gawain 3 sa LM, pahina 233
2. Malayang Pagsasanay
Ipagawa ang Gawain4sa LM, pahina 233

4
Layunin:
Ikaapat na Araw
Nakasusunodsa halimbawa sa pagsulat ng isang liham
pangkaibigan,liham na humihingi ng paumanhin
Nakasusulat ng liham na tama ang pormat

Kasanayan sa Pagsulat
A. Balik-aral
Muling alalahanin ang sulat ni Resmin kay Raquel.Ipaskil ng guro ang
sulat sachart.
B. Pagganyak
Naranasanna ba ninyong humingi ng paunmanhin sa pamamagitan ng
sulat.
Kung si Resmin ay nagpapasalamat kay Raquel. Si Fiela naman, na
kaibigan din ni Raquelay humihingi ng paumanhin sa hindi niya
pagdalo sa kaarawan.
C. Paglalahad
Ipabasa ang liham ni Fiela para kay Raquel sa LM, pahina 234.
D. Pagtalakay
Matapos ninyong mabasa ang liham paumanhin ni Fiela , ano ang
pagkakaiba nito sa liham pasasalamat ni Resmin?
Ano –ano ang bahagi ng liham paumanhin?
E. Paglalahat
Ano ang pagkakaiba ng liham na ito sa mga naunang liham na pinag-
aralan natin?
Ipabasa ang Tandaan sa LM, pahina 234.

258
F. Kasanayang Gawain
1. Pinatnubayang Pagsulat
Ipagawa ang Gawain 5 sa LM, pahina 235

2. Malayang Pagsulat
Sumulat ng isang liham na humihingi ng paumanhin tungkol sa
Hindi ka makararating sa usapan ninyo ng iyong kaibigan dahil
sa kailangang samahanmo ang iyong ate sa inyong Lolo at
Lola.

5 Ikalimang Araw
Pagtataya
A.Sumulat ng limang salitang magkakasingkahulugan at limang
salitang magkakasalungat ang kahulugan. Basahin ang mga ito sa
harap ng klase.
Magkasingkahulugan
1._____________- ___________________
2._____________- ___________________
3._____________ - __________________
4._____________ - __________________
5.____________ - __________________
Magkasalungat
1.______________ - ________________
2.______________- ________________
3.______________ - ________________
4.______________ - ________________
5.______________ - ________________

B.Sumulat ng isang liham na humihingi ng paumanhin tungkol sa


paksang ito.
Hindi mo naisauli sa takdang araw ang hiniram mong aklat sa iyong
kaibigan.

259
Kuwarter 4
Ako at ang Aking Pamayanan

32
I.
IKATATLUMPU’T DALAWA NA LINGGO
Pinagkukunang Yaman

Panlingguhang Layunin:
Wikang Binibigkas:Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o
klase tungkol sa napakinggang teksto
Nakapag-uusap at nakapagtatalakay tungkol sa mga sikat na tao,
mga lugar, mga pangyayari, atbp. gamit ng mga salitang
naglalarawan na angkop sa sariling kultura
Pagkilala ng mga Salita: Nakababasa ng talata, kuwento, alamat, atbp.
nang may pag-unawa na binubuo ng mga salitang pinag-aralan na
Katatasan:Nakababasa ng tekstong angkop sa ikalawang baitang
nangmalakas at may bahagdang 95-100%
Pagbaybay:Nababaybay nangtamaang mgamataas na antas ng salitasa
unang kita naangkopsaikalawang baiting
Pagkatha/Pagsulat :Nakasusulat ng maikling kuwentong na may tagpuan,
tauhan at mga pangyayari.
Nakasusulat ng liham pasasalamat na may tamang pormat.
Nakapagbubuo ng isang kuwento, advertisement atbp gamit ang
angkop na mgasalita at nauugnay sa teksto
Kamalayan sa Gramatika: Nakagagamit ng magagalang na salita na
angkop sa sariling kultura tulad ng pakikipag-usap sa telepono
Pag-unlad sa Talasalitaan:Nagagamit ang kahulugan ng mga salita sa
pasulat at patugonsasimpleatkumplikadongteksto.
Pag-unawa sa Binasa: Nakapaghihinuha kung ano angmaaring maganap
sa susunodna mga pangyayari sa kuwento, alamat, atbp.
Natutukoy kung alin ang simula, gitna at wakas ng binasang teksto
Naipakikita ang pag-unawa sa mga tekstong impormasyunal,
nakapagbibigay ng maaaring maging wakas
Naipakikita ang pagmamahal sa gawaing pagbabasa sa
pamamagitan nang mabuting pakikinig,pagbibigay ng komento o
reaksiyon sa kuwentongnapakinggan
Pagpapahalaga: Pagiging masipag sa pagpapaganda ng kapaligiran

II. Paksang Aralin:


A. Paksa:
Pakikinig at pakikipagtalastasan.
Sikat na tao, lugar, pangyayari,atbp gamit ang salitang naglalarawan
na angkop sa kultura
Pagbasa ng talata, kuwento, alamat, atbp.

260
Pagbaybay nang tama ng mga salita na nasa talasalitaan.
Salita sa unang kita na angkop sa ikalawang baitang
nangmaykahusayan
Pagsulat ng maikling kuwentong na may tagpuan, tauhan at mga
pangyayari
Paggamit ng magagalang na salita na angkop sa sariling kultura tulad
ng pakikipag-usap sa telepono
Paghihinuha
Pagtukoy sa binasang teksto kung alin ang simula, gitna at wakas
Pagpapakita ng pag-unawa sa mga tekstong inpormasyunal
Pagbibigay ng komento o reaksiyon sa kuwentong napakinggan

B. Batayan/Sanggunian:
K-12 Curriculum Guide Grade 2

C. Mga Kagamitan
Kuwento
Tunay na bagay (mga gulay)
III. Gawain sa Pagkatuto

1 Unang Araw

Layunin: Nakagagamit ng magagalang na salita na angkop sa sariling


kultura tuladng pakikipag-usap sa telepono

Kasanayang Pagbigkas at Wika


A. Panimulang Gawain
Magpakita o magparinig ng aktuwal na pagtawag sa
telepono,cellphone o improvised na telepono.
a. pagtawag sa nakatatanda
b. pagtawag sa kaibigan
c. pagtawag sa guro o sa isang taong kagalang -galang
B. Pagganyak
Itanong kung naranasan na nila ang makipag-usap sa kaibigan,
kakilala o kagalang –galang na tao gamit ang telepono o
cellphone. Dahil hindi nakarating si Fiela, sinikap ni Resmin
na ibalita kaagad kay Fiela ang nakita niya sa bukid nina
Raquel.
C. Paglalahad/ Pagmomodelo
Ipabasa ang usapan sa telepono ng magkaibigang Resmin at
Fiela sa LM, pahina 237-238.

D. Pagtalakay
Sino ang tumawag sa telepono?

261
Sino ang tinawagan niya sa telepono?
Bakit siya tumwag sa telepono?
Paano tumawag sa telepono si Resmin?
Tama ba ang ginawang pagtawag ni Resmin sa telepono?
Ano ang mga mga salitang ginamit ni Resmin sa pagtawag?
Kung ikaw si Resmin, ganito rin ba ang ggagawin mong paraan
ng pagtawag? Bakit?

E. Paglalahat
Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagtawag at pagsagot sa
telepono?
Ano- ano ang magagalang na salita na dapat gamitin sa
pagtawag at pagsagot sa telepono? Ipabasa ang Tandaan sa
LM, pahina 238.

F. Paglalapat
Humanap ng kapareha para sa usapan sa telepono. Bumuo ng
diyalogo at iparinig sa klase. Gumamit ng magagalang na
salita sa pakikipag-usap.Isulat ang usapang mabubuo sa isang
buong papel.
G. Kasanayang Gawain
1. Pinatnubayang Pagsasanay
Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon at
Gawain 1 sa LM, pahina 238-239.
2. Malayang Pagsasanay
Sumulat ng tatlong (3) magagalang na pananalita na
ginagamit sa pakikipag-usap sa telepono.
H. Pagtatasa
Pasagutan ang Gawain 2 sa LM, pahina 239.

2 Ikalawang Araw

Layunin: Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o klase tungkol


sa napakinggang teksto
Nakapag-uusap at nakapagtatalakay tungkol sa mga sikat na tao, mga
lugar, mga pangyayari, atbp. gamit ng mga salitang naglalarawan na
angkop sa sariling kultura
Nakapaghihinuha kung ano angmaaring maganap sa susunodna mga
pangyayari sa kuwento, alamat, atbp.
Istratehiya: Read by the teacher (Read Aloud), Read with the teacher (Shared
Reading)
A. Gawain Bago Bumasa
1. Paghahawan ng balakid

262
Pag-aralan ang kahulugan ng mga salita at ang ngalan ng mga larawan na
nasa LM pahina 239-240.

2. Pagganyak
Itanong kung nakarating na sila sa bukid at kung ano ang
nakatawag pansin sa kanila lugar.(kung hindi pa nakakarating
ay magpakita ng larawan ng bukid)
(Magpakita ng larawan ng mga magsasaka sa bukid.)
Pag-usapan ito.

3. Pagganyak na Tanong
Ngayon, magbabasa tayo ng kuwento ni Resmin tungkol sa
kanyang nakita sa bukid.Ano ang nais ninyong malaman sa
ikukuwento ni Resmin?
Ano –ano ang nakatawag pansin kay Resmin sa pagpunta niya
sa bukid?

B. Gawain Habang Bumabasa


Ipabasa ang kuwento ni Resmin tungkol sa bukid sa LM, pahina 240.

C. Gawain Pagkatapos Bumasa


1. Pagsagot sa pagganyak na tanong
Ano - ano ang nakatawag pansin kay Resmin?
2. Pagsagot sa mga tanong
Anong tanawin ang inilalarawan?
Sino- sino ang tinutukoy na maaga pa ay nasa bukid na?
Paano inilarawan ni Resmin ang kasuotan ng mga
magsasaka?
Saan nakatanim ang punla?
Bakit nawili si Resmin sa panonood sa pagtatanim?
Sa iyong palagay, ano ang nararamdaman ng mga
magsasaka sa kanilang pagtatanim? Bakit?
Sa iyong palagay ito rin ba ang dahilan kung bakit
nasiyahan si Resmin sa pagpunta sa bukid?

D. Ugnayang Gawain
Ipagawa ang pangkatang gawain.

a. Pangkat I : BAHAGI KO, TUKUYIN MO!


Iulat sa klase kung ang pangyayari ay sa SIMULA, GITNA O
WAKAS.

263
Walang ano-ano, maririnig na lamang nila ang sigaw na, “Kain na tayo!”
Biglang mag-uunat-unat ang pangkat at sabay- sabay na lalapit sa hapag
kainan.“O kay ganda talaga sa bukid ,”ang sambit ko sa sarili.

Maagang -maaga pa , nasa bukid na ang mga magsasaka. Mahaba ang


manggas na suot ng mga lalaki at babae. Patadyong na mahaba ang palda ng
mga babae. Salawal na mahaba rin ang gamit ng mga lalaki. Babae’t lalaki ay
may pananggalang sa init. Ang mga sumbrero at salakot ay suot na nila sa
paglusong sa taniman.

Nasa malambot na taniman ang mga punla. Bawat magsasaka ay may kani-
kaniyang lugar. Ang pagtatanim ng punla ay nakawiwiling panoorin. Paurong
ang pagtatanim. Mabilis na mabilis ang kanilang mga kamay.Halos hindi nila
namamalayan ay puno na pala ng punla ang malawak na bukid.

b. Pangkat II:ISULAT MO!


Sumulat ng isang liham pasasalamat para sa mga magsasaka na
nagkakaloob sa atin ng palay, mga prutas at gulay. Isaalang-alang
ang tamang pormat ng pagsulat ng liham pasasalamat.
c. Pangkat III: ISAAYOS MO!
Isaaayos ang wastong pagkakasunod-sunod ng paraan ng
pagtatanim ng palay.Gawin ito saManila Paper.
Lagyan ng bilang 1-7.
__________ Itinatanim ang mga binunot na punla.
__________ Nililinis ang bukid bago araruhin.
__________Nagsasaboy ng butil sa punlaan.
__________ Inaani ang mga hinog na palay.
__________ Inaararo ang basang lupa.
__________ Binubunot ang mga punla.
__________ Sinusuyod ang inaararong lupa.
d. Pangkat IV : ISIPIN MO!
Sagutin ang mga tanong :
Ano ang nais ipabatid sa atin ng may-akda ng kuwento?
Ano ang maaaring mangyari kung walang mga magsasaka na
nagtatanim ng mga palay, prutas, gulay at iba pa? Isulat ang
inyong sagot sa isang ika-apat na bahagi ng Manila Paper.
E. Paglinang sa Kasanayan
a. Sino ang tinutukoy ng may-akda ng kuwento na maaga pa ay
nasa bukid na?Bakit maaga sila sa bukid? Paano mo ilalarawan
ang kasuotan ng mga magsasaka.Sa iyong palagay, bakit ganito

264
ang kasuotan ng mga magsasaka?Pagmasdan natin at pakinggan
ang pag-uulat ng Pangkat I.
b. Narinig natin at nakita sa iginuhit ng pangkat I, ang hirap na
tinitis ng mga magsasaka sa kabila ng matinding init ng araw.
Ngayon , ipababasa sa atin ng pangkat II ang isinulat nilang
Liham Pasasalamat sa mga para sa mga magsasaka.
c. Batid natin ang hirap ng mga magsasaska ,alamin naman natin sa
pangkat III kung paano nga ba itanim ang butil ng palay.Alin ang
una, gitna at huling paraan ng pagtatanim ng palay ng mga
magsasaka.
d. Ano ang pagpapahalaga na nais ipabatid sa atin ng may-akda ng
kuwento?Ano ang aral na nalaman mo sa kuwento? Pakinggan
natin ang kasagutan ng pangkat IV.

3 Ikatlong Araw

Layunin: Nakababasa ng talata, kuwento, alamat, atbp. nang may pag-unawa


na binubuo ng mga salitang pinag-aralan na
Nakababasa ng tekstong angkop sa ikalawang baitang nangmalakas at
may bahagdang 95-100%
Nakapaghihinuha kung ano angmaaring maganap sa susunodna mga
pangyayari sa kuwento, alamat, atbp.
Natutukoy kung alin ang simula, gitna at wakas ng binasang teksto
Naipakikita ang pag-unawa sa mga tekstong inpormasyunal,
nakapagbibigay ng maaaring maging wakas
Kasanayan sa Pagbasa
A. Pagganyak
Ipaawit ang awiting “Bahay Kubo”
B. Paglalahad
Ipabasa ang kuwento sa LM ,sa pahina 241-244.
C. Pagtalakay
Saan naganap ang kuwento?
Ano ang pagdiriwang na pinaghahandaan sa kaharian?
Sino-sino ang mga nag-uusap sa kuwentong inyong binasa?
Bakit napahinto ang pag-uusap nina Singkamas at Talong?
Ano ang misyon na ibinigay ng Reyna sa dalawang gulay?
Ano sa inyong palagay ang dapat baguhin kay Amy?
Kung kayo ang dalawang gulay paano mo isasakatuparan ang inyong
misyon?
Paano ninyo binasa ang kuwento?
Paano mo ilalarawan ang binasa mong kuwento?
Nagustuhan mo ba ang pagbabasa ng kuwento? Bakit?
Naunawaan mo ba ang kuwento?
D. Paglalahat

265
Ano ang masasabi mo sa bawat bahagi ng kuwento? Ipabasa ang
Tandaan sa LM, pahina 244.
E. Paglalapat
Ipabasang muli ang kuwento tungkol kay Singkamas at Talong sa
klase na binubuong mga tauhan.
F. Kasanayang Gawain
Ipagawa ang pangkatang gawain sa Gawain 2 sa LM, pahina 244

4 Ikaapat na Araw

Layunin: Nakasusulat ng maikling kuwento na may tagpuan, tauhan at


mga pangyayari.
Nakasusulat ng liham pasasalamat na may tamang pormat.
Nakapagbubuo ng isang kuwento, advertisement atbp gamit ang
angkop na mga salita at nauugnay sa teksto
Natutukoy kung alin ang simula, gitna at wakas ng binasang teksto
Naipakikita ang pag-unawa sa mga tekstong inpormasyunal,
nakapagbibigay ng maaaring maging wakas
Kasanayan sa Pagsulat
A. Balik- aral
Muling balikan ang isinagawang gawain ng ikatlong pangkat.
B. Pagganyak
Magtanong na muli tungkol sa pinangyarihan ng kuwento, tauhan,at
mga naganap na pangyayari.
C. Paglalahad
Ipabasa ang buod ng kuwento na pinagsunod-sunod ng ikatlong
pangkat.
Abala sa kaharian ang lahat ng mga gulay sa pagdating ng kanilan
kapistahan.
Ipinatawag ni Reyna Kalabasa kay Ampalaya sina Singkamas at
Talong.Sinundo ni Ampalaya si Singkamas at Talong. Umisip ng
paraan sina Singkamas at Talong kung papaano mapapakain ng
gulay si Amy. Dumating sa tahanan nina Amy ang magkaibigan.
D. Pagtalakay
Ano ang simulang pangyayari sa kuwento?
Ano-ano ang sunod na nangyari sa kuwento?
Saang bahagi ng kuwento mababasa ang mga ito?
Ano naman ang huling nangyari sa kuwento?
Paano isinulat ang kuwento?
Ang isang kuwento ay may simulang bahagi, may gitna at may
hulingbahagi o wakas.
E. Paglalahat
Ano-ano ang mga bahagi ng kuwento? Ipabasa ang Tandaan sa
LM, pahina 244.
F. Paglalapat

266
Sumulat ng isang maikling kuwento tungkol sa sarili mong
karanasan sa pagkain ng gulay. Isaalang - alang ang mga bahagi at
elemento ng kuwento.Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.
G. Kasanayang Gawain
Basahin ang maikling kuwento sa Gawain 2 sa LM ,pahina 244 at
lagyan ito ng angkop na wakas.

5 Ikalimang Araw

A. Pagtataya
Basahinangkuwento at pagkatapos ay sagutanangmgatanongsaibaba.

ArawngLunesumpisananamanngklase. NapansinniJoy
nawalaangkaibiganniyangsiLala. Tinanongsiyangkanyangguro kung nasaansiLala.“
Joy, alammoba kung bakitlibansiLalangayon?”, angtanongngguro. “Ma’am
hindikopoalamangdahilanngkanyangpagliban,” wikani Joy. Nang
uwiannamabilisnaumalisngsilid-aralansiJoy.Pagdatingniyasabahay ay
agadsiyangtumawagsabahayninaLala.
Hello! Magandanghaponpo.Akoposi Joy, angkamag-aral at
kaibiganniLala,”pakilalani Joy. “Magandanghaponnaman, akoang Mommy niLala.
May kailanganka ba sa kanya? Puwede ko po bang malaman
kungbakitsiyalibansaklase,” sagotni Joy. “ Ah, kagabi ay mataasanglagnatniya.
Magaling-galingnasiyangayon .Bakamakapasoknasiyasamakalawa.
“Salamatnamanpo.Ikumustaponinyoakosakanya”,wikani Joy.
“Salamat!Kaybutimongkaibigan, masayangwikang Mommy niLala. “Sigepo
,paalam.”
Panuto. Isulatangsagotsasagutangpapel.
1. Sino anglibansaklase?
2. Sino angnagtatanongkungbakitlibansi Lalas a klase.
3.SinoangtumawagsabahayninaLala?
4. Sino angnakausapni Joy satelepono?
5. AnoangdahilanngpaglibanniLalasaklase?
Lagyanng √ angpatlangkungito ay wastongpakikipagusapsa
telepono.
____ 6.Bumatisasumagotsatawag mo.
____ 7.Magpakilalakungangsumagot ay hindiangtaongkailangan.
____ 8.Magsalitangmabilis at malakassatelepono.
____ 9.Magingmagalngsapakikipag-usap.
____ 10.Magpasalamatbagomagpaalam

B. Pantulong na Gawain1-5
Sumulat ng isang maikling kuwento tungkol sa sarili mong karanasan sa
pagkain ng gulay. Isaalang - alang ang mga bahagi at elemento ng kuwento

267
Kuwarter 4
Ako at ang Aking Pamayanan

33
I.
IKATATLUMPU’T TATLO NA LINGGO
Pangkabuhayan

Panlingguhang Layunin:
Wikang Binibigkas:Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o
klase tungkol sa napakinggang teksto
Nakikilahok at nakapagsisimula sa isang usapan sa mga kasing -edad
at nakatatanda tungkol sa mga di pangkaraniwang paksa sa
pamamagitan ng pagtatanong , pagsagot sa mga tanong , muling
pagpapahayag at pangangalap ng impormasyon
Pagkilala ng mga Salita:Nakababasa nang hindi bababa sa 200 - 300 salita
na angkop sa ikalawang baiting
Katatasan:Nakababasa nang wasto at may kahusayan mgakuwento,
alamat, mga artikulo ng balitaatbp
PagbaybayPag-unawa sa Binasa: Nababaybay nangtamangmgamataasna
salitasa unang kita naangkopsaikalawang baitang
Pagkatha/Pagsulat:Nakasusunod sa halimbawa sa pagsulat ng isang liham
pasasalamat
Nakasusulat ng liham pasasalamat na tama ang pormat
Kamalayan sa Gramatika: Nakagagamit ng mga pautos na salita upang
makapagbigay 3-6 na simpleng panuto o hakbang na angkop sa
sariling
Pag-unlad sa Talasalitaan: Naipaliliwanag ang karaniwang
kahuluganatkasalungat ng salita
Pag-unawa sa Binasa: Nahihinuha kung ano ang damdamin ng tauhan
batay sa ipinakitang pagkilos osakung ano angsinasabinila.
Naibibigay ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa
binasang teksto o seleksiyon
Naipakikita ang pag-unawa sa mga tekstong inpormasyunal,
nakagagawa ng paghihinuha.
Naipakikita ang pagmamahal sa gawaing pagbabasa sa pamamagitan
nang mabuting pakikinig,pagbibigay ng komento o reaksiyon sa
kuwentong napakinggan
Pagpapahalaga:Pagiging masipag, matiyaga at masinop

II. Paksang Aralin:


A. Paksa
Pakikipagtalastasan,pagsagot sa mga tanong

268
Pagbaybay nangtamangmgamataasna antas ng salitasa unang kita
naPagbasa nang wasto at may kahusayan ngkuwento, alamat, mga
artikul, balitaatbp
Pagsulat ng isang liham pangkaibigan,liham na humihingi ng
paumanhin atbp
Pagsulat ng Liham Pasasalamat
Kahulugan ng mga salita sa pasulat
Pagtugonsasimpleatkumplikadongteksto
Pautos na salita upang makapagbigay 3-6 na simpleng panuto o
hakbang na angkop sa sariling
Paghihinuha, pagtukoy sa simula,gitna at wakas ng kuwentoat alamat
Pag-unawa sa mga tekstong inpormasyunal,sa pamamagitan ng
pagbibigay ng maaaring maging wakas
Pagbibigay ng komento o reaksiyon sakuwentong napakinggan
Paghihinuha, pagsusunod-sunod.

B. Batayan/Sanggunian:
K-12 Curriculum Guide Grade 2
Aklat Pagdiriwang ng Wikang Filipino 160-161
C. Mga Kagamitan
Sanaysay ( Bote- Garapa )
Kuwento “ Paano Ba Magbasa?” pp.160-161

III. Gawain sa Pagkatuto

1 Unang Araw
Layunin: Nakagagamit ng mga pautos na salita upang makapagbigay 3-6 na
simpleng panuto o hakbang na angkop sa sariling kultura

Kasanayang Pagbigkas at Wika


A. Panimulang Gawain
Ipabigkas ang tula na nasa LM sa pahina 246.

B. Pagganyak
Itanong kung ano ang mensaheng tulaat kung ano ang reaksiyon nila
tungkol dito.
C. Paglalahad/Pagmomodelo
Ipabasa ang kuwento at ang anunsiyo na nakapaloob dito sa LM,pahina
247.
D. Pagtalakay
Ano ang ipinagbili nina Ana at Niko?
Bakit gusto nilang ipununin ang kinita nilang pera?
Kung ikaw si Ana, idedeposito mo rin ba ang pera mo? Bakit?

269
Nakatutulong ba sa pag- unlad ang pag-iimpok ng pera sa bangko?
Bakit?
Saang bangko maghuhulog sina Ana at Niko?
Saan sila naghanap ng anunsiyo para sa magandang bangko?
Ano ang mga salitang utos na ginamit sa anunsiyo?
Ano-ano pa ang mga salitang pautos na ginamit sa kuwento
E. Paglalahat
Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit sa pagbibigay ng panuto o
gawain? Basahin ang tandaan sa LM, pahina 248.
F. Paglalapat
Papagbigayin ang mga bata ng tig-isang simpleng panuto o hakbang
gamit ang salitang pautos.
G. Kasanayang Gawain
1. Pinatnubayang Pagsasanay
Ipagawa ang Gawain 1 sa LM,pahina 248.
2. Malayang Pagsasanay
Sumulat ng 5 simpleng panutong ginagamit sa paaralan.
H. Pagtatasa
Pansinin ang patalastas sa Gawain 2 sa LM pahina 249.
Punan ng angkop na salitang pautos upang mabuo ang mga
pangungusap.

2 Ikalawang Araw
Layunin: Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o klase
tungkol sa napakinggang teksto
Nakikilahok at nakapagsisimula sa isang usapan sa mga kasing -edad
at nakatatandatungkol sa mga di pangkaraniwang paksa sa
pamamagitan ng pagtatanong , pagsagot sa mga tanong , muling
pagpapahayag at pangangalap ng impormasyon
Nakababasa nang wasto at may kahusayan ng mgakuwento, alamat,
mga artikulo ng balita, sanaysay atbp
Istratehiya: Read by the teacher (Read Aloud), Read with the teacher (Shared
Reading)

III. Gawain sa Pagkatuto


A. Gawain Bago Bumasa
1. Paghahawan ng balakid
1.1. garapa– sa pamamagitan ng tunay na bagay
sa pamamagitan ng pangungusap
Ang diyanitor ng ospital ay maraming nakukuhang
garapa ng gamot.
1.2. industriya- sa pamamagitan ng pangungusap
Isa sa mga industriya na dapat nating paunlarin ay ang
pamimili at pagbibili ng mga bote.

270
2. Pagganyak
Ano ang masasabi ninyo kapag nakarinig kayo ng sumisigaw
ng “Bote- Garapa”?
3. Pagganyak na Tanong
Ipamasid ang larawan at magtanong tungkol sa nais nilang
malaman tungkol sa sanaysay na “Bote -Garapa ”

B. Gawain Habang Nagbabasa


Ipabasa ang sanaysay nang tuloy-tuloy sa LM, pahina 250.
C. Gawain Pagkatapos Bumasa
1. Pagsagot sa pagganyak na tanong
Ano ang kahalagahan ng bote-garapa sa kabuhayan ng mga Pilipino?
Pagsagot sa iba pang tanong:
Tungkol saan ang sanaysay?
Ano ang ipinahahatid ng sanaysay na inyong binasa.
Alin ang itinuturing na malaki nang industriya?
Sino ang mag-amang tinutukoy sa sanaysay?
Magkano ang kinikita ng mag- ama tuwing araw ng Sabado at Linggo.
Paano mo ilalarawan si Makoy na sa batang edad ay kasakasama ng
kanyang tatay sa pamimili ng bote.
Kung ikaw si Makoy at ang hanapbuhay ng tatay mo ay magbobote ,
tutulong ka rin ba tuwing Sabado at Linggo?
D. Ugnayang Gawain.
Ipagawa ang pangkatang gawain.
a. Pangkat I: Magdrama! Magdrama Ka!
Ipakita ng inyong pangkat kung paano maghanapbuhay
ang magbobote.
b. Pangkat II:Lumikha! Lumikha ka!
Tuklasin kung paano pa mapapakinabangan ang isang
patapong bote ,tulad ng boteng nasa kahon.Sa tulong ng iba
pang kagamitan sa loob ng kahon ay lumikha kayo ng isang
malikhaing bagay gamit ang bote.
c. Pangkat III:Magsalita! Magsalita ka!
Pag-usapan ang sagot sa tanong:
Paano pa mapauunlad ang industriyang pamimili at pagbibili
ng bote at garapa?
d. Pangkat IV:Magkuwenta! Magkuwenta ka!
Pag-aralan ang impormasyon sa tsart.

271
Naglalahad ito ng kita nina Mang Ador at Makoy sa
pamumulot at pamimili ng bote at garapa.

Lingguhang Kita nina Mang Ador at Makoy

LINGGO KINITA
Una ₱100
Ikalawa ₱150
Ikatatlo ₱135
Ikaapat ₱200

Sagutin mo.
1. Magkano ang kita nina Mang Ador at Makoy sa
una/ikalawa/ikatlo/ikaapat?
2. Paghambingin ang kita sa una at ikalawang
linggo?/ikatalo at ikaapat?Ano ang nangyari?Bakit
kaya?
3. Magkano ang kabuuang kita ng mag-ama sa loob
ng isang buwan?Paano mo nakuha ang tamang sagot?Ano
ang ginawa mo?
4.Ano ang ginagawa nila sa kanilang kinikita sa
pamumulot at pamimili ng bote-garapa?
5. Sa iyong palagay ,tama ba ang ginagawa nilang pag
iimpok o pag-iipon?
6. Kung ang hanapbuhay ninyo ay katulad ng hanapbuhay ng
mag-ama, paano mo ipagmamalaki ang inyong ginagawa?

E. Paglinang sa Kasanayan
a. Sino ang pangunahing tauhan sa sanaysay?
Ano ang pinagkakakitaan ng mag-ama?
Paano sila naghahanapbuhay?
Ipakikita ng pangkat I kung ano ang ginagawa ng magbobote.
b. Ano ang itinuturing nang malaking industriya o pinagkakakitaan
ng mga Pilipino?
Magkano ang isang bote kapag malinis na at walang basag kung
ipagbibili sa kilalang kompanya?
Ano pa ang maaring gawin sa bote at garapa?
Pagmasdan natin ang malikhaing gawa ng pangkat II
c. Paano pa mapauunlad ang industriya ng pamimili at pagbibili ng
bote-garapa?
Pakinggan natin ang pinag-usapang sagot ng pangkat III?
d. Mula sa tsart na pinag-aralan ng pangkat IV,pakinggan natin ang
sagot sa tanong .
Magkano ang kita nina Mang Ador at Makoy sa una/ ikalawa/
ikatlo/ ikaapat na araw?

272
Paghambingin ang kita sa una at ikalawang linggo/ ikatlo at
ikaapat .Ano ang nangyari? Bakit kaya?
Magkano ang kabuuang kita ng mag-ama sa loob ng isang
buwan?Paano mo nakuha ang tamng sagot?Ano ang ginawa mo?
Ano ang ginagawa nila sa kanilang kinikita sa pamumulot at
pamimili ng bote-garapa?
Sa iyong palagay, tama ba ang ginagawa nilang pag-iimpok o
pag-iipon?
Kung ang hanapbuhay ninyo ay katulad ng hanapbuhay ng mag-
ama,paano mo ipagmamalaki ang inyong ginagawa?
F. Paglalahat
Paano ninyo naunawaan ang sanaysay?
Ipabasa ang Tandaan sa LM, pahina 251.

3 Ikatlong Araw

Layunin: Nakababasa nang hindi bababa sa 200 - 300 salita na angkop sa ikalawang
baitang
Kasanayan sa Pagbasa
A. Balik-aral
Bakit kayo nakasusunod sa mga patalastas, utos ,at babala?
B. Pagganyak
Paano ba kayo magbasa? Paano ang wastong paraan ng pagbabasa?
C. Paglalahad
Ipabasa ang kuwento sa LM, pahina 252-253.
D. Pagtalakay
Ilan ang paraan ng pagbasa?
Paano sinagot ni Bb. Villasan ang tanong ni Ana?
Paano ang pagbasa ng tahimik?
Paano ang pabigkas na pagbasa?
Ano ang dalawang bahagi ng katawan na mahalaga sa pagbasa?
Bakit?
Ano- ano ang mga hakbang sa pagbasa nang pabigkas na dapat
sundin?
Ano –ano ang mga hakbang sa pagbasa nang tahimik na dapat sundin?
E. Paglalahat
Paano ninyo isasagawa ang wastong paraan ng pabigkas at tahimik na
pagbasa? Ipabasa ang Tandaan sa LM, sa pahina 253-254.
F. Kasanayang Gawain
1. Pinatnubayang Pagsasanay sa Pagbasa
Gawin ang wastong paraan ng pabigkas at ng tahimik na
pagbasa sa harap ng isang kamag-aaral.Pag-usapan kung bakit
ito kailangang gawin.

273
2. Malayang Pagsasanay
Kumuha ng ibang aklat at magsanay sa pagbasa nang tahimik
at pabigkas.

4 Ikaapat naAraw

Layunin: Nakasusunod sa halimbawa sa pagsulat ng isang liham pasasalamat


Nakasusulat ng liham pasasalamat na tama ang porma.

Kasanayan sa Pagsulat
A. Balik –aral
Sa binasa ninyong talata,sino ang batang hindi makalilimot sa kanyang
guro?
Bakit hindi niya malilimutan ang kanyang guro?

B. Pagganyak
Katulad din ba kayo ni Ana na hindi nakakalimut sa guro?
Alamin natin kung paano ipinamalas ni Ana ang hindi paglimot sa
kanyang guro.

C. Paglalahad
Ilahad ang liham ni Ana para sa kanyang guro sa LM, pahina 254-255.

D. Pagtalakay
Ano ang nilalaman ng sulat ni Ana?
Kung ikaw si Ana, ganito rin ba ang nilalaman ng iyong sulat?
Sa inyong palagay, matututo kayang magbasa si Ana kung hindi siya
nakikinig kay Bb. Villasan?
Muling pagmasdan ang kanyang liham.
Bakit nagpadala ng sulat na pasasalamat si Ana sa kanyang guro?
Ano pa ang maaring dahilan ng pagbibigay o pagpapadala ng liham
pasasalamat?
Ano- ano ang mga bahagi ng liham na nakapaloob sa kanyang liham
pasasalamat?

E. Paglalahat
Paano isinusulat ang isang liham pasasalamat? Ipabasa ang Tandaan sa
LM, pahina 255.

F. Kasanayang Gawain
1. Pinatnubayang pagsulat
Sumulat ng isang liham pasasalamat para sa iyong guro. Sundin
ang pormat ng liham na ginawa ni Ana para sa kanyang guro.
2. Malayang Pagsulat

274
Sumulat ng liham pasasalamat para sa isang kaibigan o
kakilala na nagbigay sa iyo ng regalo noong huli mong
kaarawan.

5 Ikalimang Araw

Pagtataya
A. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat kung wasto ang
paraan ng pagbasa.
____1. Bumasa simula kanan-pakaliwa.
____2.Itaas ang isang paa habang bumabasa.
____3. Bilisan ang pagbigkas ng mga salita habang bumabasa.
____4. Pakiputin ang bibig habang bumabasa nang pabigkas.
____5. Ibaba ang tinig sa hulihan ng pangungusap na may tuldok.
B. Punan ang patlang ng salitang pautos upang mabuo ang panuto.
6. ________ sa tamang tawiran.
7._________ sa magkabilang panig bago tumawid.
8.________ ng marahan sa pagtawid.
9.________ ang basura sa tamang tapunan.
10._______ ang mga halaman araw-araw

275
Kuwarter 4
Ako at ang Aking Pamayanan

34
I.
IKATATLUMPU’T APAT NA LINGGO
Balitang Lokal

Panlingguhang Layunin:
Wikang Binibigkas:Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o
klase tungkol sa napakinggang teksto
Nakagagamit ng mga salita na angkop sa ikalawang baitang sa
pagpapaliwanag o pagbibigay ng dahilan sa mga isyu, mga
pangyayari, mga artikulo , balita at iba pa
Pagkilala ng mga Salita:Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang
binasa
Katatasan:Nakababasa ng mga salita sa unang kita na angkop sa
ikalawang baitang nangmay kahusayan
Pagbaybay:Nababaybay nang tama ang mga salita na may:
a. Kambal-katinigatklaster
b. diptonggo
c. at iba pa
Pagkatha:Nakasusulat ng maikling kuwento na may tagpuan, tauhan at
mga pangyayari
Kamalayan sa Gramatika:Nakagagamit ng magagalang na salita na
angkop sa sariling kultura tulad sa pakikipag-usap sa telepono
Pag-unlad sa Talasalitaan:Nagagamit ang kaalaman at kakayahansa
pagbasa ng mga gamiting salita/bokabularyo sa pagbasa.
Pag-unawa sa Binasa: Nahihinuha kung ano ang damdamin ng tauhan
batay sa ipinakitang pagkilos osakung ano angsinasabinila.
Nakapaghahambing kung paano ginamit ng mga may akda ang mga
pampanitikang elemento
Naipakikita ang pag-unawa sa mga tekstong inpormasyunal sa
pamamagitan ng pagtukoy sa sanhi at bunga
Naipamamalas ang kawilihan sa pagbasa ng kuwento at iba pang
mga teksto sa pamamagitan ng pag-browse, at pagbasa pa ng mas
maraming aklat
Pagpapahalaga: Pangangalaga sa kalikasan

II. Paksang Aralin:


A. Paksa
Pakikinig at pakikipagtalastasan
Salita na angkop sa baitang

276
Pagpapaliwanag o pagbibigay ng dahilan sa mga isyu, mga
nangyayari, mga artikulo ng balita atbp.
Kahulugan ng mga salitang binasa
Pagbaybay nang tama ang mga salita na may:
a. Kambal-katinigatklaster
b. diptonggo
Salita sa unang kita na angkop sa ikalawang baitang
Pagsulat ng maikling kuwento na may tagpuan, tauhan at mga
pangyayari
Paggamit ng kaalaman at kakayahansa pagbasa ng mga gamiting
salita/bokabularyo
Magagalang na salita na angkop sa sariling kultura tulad ng pakikipag-
usap sa telepono
Paghihinuha,Paghahambing,
Pagpapakikita ng pag-unawa sa mga tekstong inpormasyunal sa
pamamagitan ng pagtukoy sa sanhi at bunga

B. Batayan/Sanggunian:
K-12 Curriculum Guide Grade 2
Balita- Halaw sa Tagalog News
C. Mga Kagamitan
Balita Pagtotroso : Ipinagbabawal

III. Gawain sa Pagkatuto

1 Unang Araw

Layunin: Nakagagamit ng magagalang na salita na angkop sa sariling kultura


tulad sa pakikipag-usap sa telepono
Kasanayang Pagbigkas at Wika
A. Panimulang Gawain
Ipaawit sa tono na “Sitsiritsit” ang awit sa LM, pahina 257.
B. Pagganyak
Itanong kung ano ang gagawin mo kung ikaw ay may nakitang tao na
kahinahinala at di mo kilala .Katulad din kaya ng ginawa ni Brix at
Troy sa kuwentong inyong babasahin? Alamin ang kanilang ginawa.
C. Paglalahad/Pagmomodelo
Ipabasa ang kuwento sa LM, pahina 257-259.
D. Pagtalakay
Sino ang naglalaro sa may likod ng bahay?
Ano ang napansin ng dalawang bata habang sila ay naglalaro?
Ano ang naalala ni Brix ng makita ang mga manganagahoy?
Ano kaagad ang kanyang ginawa?
Paano nakipag-usap si Brix sa kanyang tatay gamit ang telepono ?
Sa iyong palagay ,tama ba ang ginawang pakikipag-usap ni Brix?

277
Ano naman ang ginawa ni G. Florendo upang maipagbigay alam ang
pangyayari sa may kapangyarihan?
Paano nakipag-usap si G. Florendo sa pulis o sa awtoridad?
E. Paglalahat
Paano ang wastong pakikipag-usap sa telepono kung bata o matanda
man ang kausap? Ipabasa ang Tandaan sa LM, pahina 259.
F. Paglalapat
Bumuo ng usapan sa telepono gamit ang mga magagalang na salita.
Humanda sa pagpaparinig sa klase.
G. Kasanayang Gawain
1. Pinatnubayang Pagsasanay
Ipabigkas ang mga magagalang na salita na ginagamit sa
pakikipag-usap sa telepono.
2. Malayang Pagsasanay
Bumuo ng apat na miyembro sa isang pangkat at bumuo ng
usapan sa telepono.
H. Pagtatasa
Isulat ang angkop na salita para mabuo ang usapan sa telepono ng
mag -amang Mang Gregorioat Glen sa Gawain 1 sa LM, pahina 259.

2 Ikalawang Araw

Layunin: Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o klase tungkol sa


napakinggang teksto
Nakagagamit ng mga salita na angkop sa ikalawang baitang sa
pagpapaliwanag o pagbibigay ng dahilan sa mga isyu, mga
pangyayari, mga artikulo , balita at iba pa
Naipakikita ang pag-unawa sa mga tekstong inpormasyunal sa
pamamagitan ng pagtukoy sa sanhi at bunga

A. Gawain Bago Bumasa


1. Paghahawan ng balakid
Pag-aralan ang kahulugan ng mga salita sa LM, pahina 260.
2. Pagganyak
Ipakita ang larawan sa LM, pahina 260.
Ano ang masasabi ninyo sa larawan?
3. Pangganyak na Tanong
Sagutin ang tanong sa pamamagitan ng paghula.Isulat ang
inyong sagot sa ikalawang hanay. Pagkatapos mabasa ang
balita, alamin kung tama ba ang inyong hulang sagot.

Tanong Hulang Sagot Tunay na Nangyari


Ano ang naging
sanhi ng pagbaha at

278
pagguho ng lupa?

B. Gawain Habang Nagbabasa


Pagbasa sabalitanang tuloy-tuloy sa LM, pahina 261.
C. Gawain Pagkatapos Bumasa
1. Pagsagot sa pangganyak na tanong
Balikan ang prediction chart at ihambing ang tunay na nangyari
sa hulang sagot ng mga bata.

2. Pagsagot sa mga tanong:

1. Ano ang sinasabi sa balita?


2.Ano- ano ang kasalukuyang nararanasan ng mga tao?
3.Ano ang tinatawag na climate change?
4.Ano ang kampanya na pinagtutuunan ng Department of
Environment and Natural resources (DENR)
5. Ano ang maaaring gawin kapag may lumabas na illegal
loggers?
6.Mula sa nagbalita ,ano ang ipinahayag ng Environment and
Natural Resources Sec. Ramon Paje ?
7.Saang programa binanggit ng Kalihim ang pahayag?

2 Ikalawang Araw

A. Ugnayang Gawain
Ipagawa ang pangkatang Gawain.
a. Pangkat I: Broadcaster Go!
Pumili ng dalawang anchor person na mangunguna sa
pagbabalita ng inyong narinig. Ang ibang kasapi ay bubuo ng
patalastas na may kaugnayan sa balita.
b. Pangkat II: IIlustrator Go!
Gumuhit ng poster na nagpapakita ng wastong pangangalaga
sa kalikasan.
c. Pangkat III : Artist Go!
Gumawa ng role play tungkol sa saloobin sa pagtotroso.
Ipakita ang damdamin ng mga taong nasalanta ng baha at
pagguho ng lupa.
d. Pangkat IV : Writer Go !
Isulat sachart ang sanhi o dahilan ng pagbaha at pagguho ng
lupa o landslide sa isang lugar

B. Paglinang sa Kasanayan

279
a. Ano ang nilalaman ng balita?Pakinggan ang angkat I sa
kanilang pagbabalita o pagbobroadcast?
b. Ano sa palagay ninyo ang mensahe ng balita sa ating
lahat?Tingnan ang poster na iginuhit ng pangkat II at
pakinggan natin ang kanilang pagpapaliwanag kung paano ang
wastong pangangalaga sa kalikasan.
c. Sa inyong palagay, ano-ano ang damdamin ng mga tao na
naapektuhanng baha at pagguho ng lupa? Panoorin natin
ang role play ng pangkat III.
d. Bakit ganito ang naging damdamin ng mga nasalanta ng baha
at pagguho ng lupa?
e. Bukod sa pangangalaga sa kalikasan at hindi pagputol ng mga
puno, ano ang magagawa ninyo bilang isang mag-aaral sa
ikalawang baitang?

3 Ikatlong Araw

Layunin: Nakapaghahambing kung paano ginamit ng may akda ang mga


pampanitikang elemento
Nakababasa ng mga salita sa unang kita na angkop sa ikalawang
baitang nang may kahusayan
Nababaybay nang tama ang mga salita na may:Kambal-
katinigatklaster, diptonggo, at iba pa
Kasanayan sa Pagbasa
A. Balik-aral
Natatandaan pa ba ninyo sina Brix at Troy na mahilig maglaro , ang
mga batang nakakita sa mga Illegal loggers sa kanilang lugar? Muli
natin silang maririnig sa isang kuwento.
B. Pagganyak
Sino sa inyo ang nakarating na sa gitna ng kagubatan ?Ano ang
masasabi mo sa larawang nasa LM, pahina 262 ?

C. Paglalahad
Ipabasa ang kuwento sa LM, pahina 262-263.

D. Pagtalakay
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
Saan nangyari ang kuwento?
Ano ang hilig ng dalawang bata?
Saan sila nakararating sa paglalaro?
Ano ang nangyari sa kanila sa gitna ng kagubatan?
Sino ang nakilala ng dalawa sa gitna ng kagubatan?
Ano ang kanilang ginawa kasama ang batang ada oengkantada?
Ano ang ibinigay sa kanila ng batang ada o engkantada?
Ano ang naramdaman nina Brix at Troy?Bakit?

280
Aling pangyayari sa kuwento ang naibigan mo? Bakit
Alin ang hindi totoo sa kuwento? Bakit?
Anong aral ang nais ipahiwatig ng may akda ng kuwento?
E. Paglalahat
Paano isinulat ng may-akda ang kuwento?
Ipabasa ang Tandaan sa LM, pahina 263.
F. Paglalapat
Magbigay ng mga pamagat ng kuwento at itanong kung ito ay
kuwentong makatotohanan at hindi makatotohanan.
G. Kasanayang Gawain

1. Pinatnubayang pagsasanay
Ipagawa ang Gawain 2 sa LM, pahina 264.

4 Ikaapat na Araw

Layunin: Nakasusulat ng maikling kuwento na may tagpuan, tauhan, at mga


pangyayari
Kasanayan sa Pagsulat
A. Balik-aral
Ano – ano ang elemento ng isang kuwento?
Ano ang masasabi mo sa mga pangyayari sa kuwento?
B. Paglalahad
Ipakita ang kopya ng kuwentong binasa “Karanasan sa Kakahuyan”
C. Pagtalakay
Ipapansin kung paano isinulat ang unang salita sa unang pangungusap
ng talata.
Ipapansin kung paano isinusulat ang unang letra ng bawat
pangungusap. Ipapansin kung saan nagtatapos ang bawat
pangungusap.
D. Paglalahat
Paano isinusulat ang isang kuwento? Ipabasa ang Tandaan sa LM,
pahina 264.
E. Kasanayang Gawain
1. Pinatnubayang Pagsulat
Ipagawa ang Gawain 3 sa LM, pahina 265.

5 Ikalimang Araw

Pagtataya
Bumuo ng isang maikling kuwento tungkol sa iyong karanasang di
malilimutan. Sikaping nakapaloob ang bawat elemento ng isang kuwento,may
tagpuan, tauhan,at pangyayari. Sundin ang pamantayan sa pagsulat.

281
Kuwarter 4
Ako at ang Aking Pamayanan

35
I.
IKATATLUMPU’T LIMA NA LINGGO
Ang Paboritong Pagkain

Panlingguhang Layunin:
Wikang Binibigkas: Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o
klase tungkol sa napakinggang tekstong
Nakagagamit ng mga salita na angkop sa ikalawang baitang sa
pagsasadula at paglalarawan ng pagkaunawa sa isang teksto
Pagkilala ng mga Salita: Nakababasa ang mga salitang angkop sa
ikalawang baitang
Katatasan: Nakababasa ng talata, kuwento, alamat, at iba pa nang may
pag-unawa na binubuo ng mga salitang napag-aralan na
Nakababasa ng tekstong angkop sa ikalawang baitang nang malakas
at may kawastuang 95-100%
Pagbabaybay:Nababaybay nang tama ang mga salitang nakatala sa
talasalitaan
Pagkatha/Pagsulat: Nakasusulat ng maikling kuwentong may tagpuan,
tauhan at mga pangyayari
Pag-unlad sa Talasalitaan: Nakagagamit ng magagalang na salita na
angkop sa sariling kultura sa pakikipag-usap sa telepono
Nagagamit ang mga salitang napag-aralan sa pagsulat at pagtugon
sa teksto
Pag-unawa sa Binasa: Nahihinuha kung ano ang damdamin ng tauhan
batay sa ipinakikitang kilos o sa sinasabi nila
Nakababasa at nakasasagot sa matataas na uri ng tanong
Naipakikita ang pag-unawa sa tekstong binasa sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong
Naibibigay ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
Naipakikita ang pagmamahal sa gawaing pagbabasa sa pamamagitan
nang mabuting pakikinig, pagbibigay ng komento o reaksiyon sa
kuwentong napakingggan
Pagpapahalaga:Pagiging magalang, pangangalaga sa kalusugan

II. Paksang Aralin:


A. Paksa
Pakikinig at pakikipagtalastasan
Mga salitang angkop sa baitang sa pagsasadula at paglalarawan ng
pagkaunawa sa isang teksto
Mga salitang angkop sa ikalawang baitang

282
Mga salitang nasa talasalitaan
Pagbasa ng talata, kuwento, alamat, at iba pa nang may pag-unawa na
binubuo ng mga salitang napag-aralan na
Maikling kuwentong may tagpuan, tauhan at mga pangyayari
Damdamin ng tauhan batay sa ipinakitang kilos o sinasabi nila
Pagbasa at pagsagot sa matataas na uri ng tanong
Pag-unawa sa mga tekstong inpormasyunal sa pamamagitan ng
pagbibigay ng tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
Pakikinig, pagbibigay ng komento o reaksiyon sa kuwentong
napakinggan
B. Batayan/Sanggunian:
K-12 Curriculum Guide Grade 2
C. Mga Kagamitan
Kuwento: “Si Amor”
“Ang Kaarawan ni Lita”
III. Gawain sa Pagkatuto

1 Unang Araw

Layunin: Nakagagamit ng magagalang na salita na angkop sa sariling kultura sa


pakikipag-usap sa telepono
Kasanayan sa Pagbigkas at Wika
A. Panimulang Gawain
Muling ipaawit ang awit ng pagbati sa tono na“Paru-parong Bukid”

B. Pagganyak
Itanong kung saan sila bumibili ng kanilang tanghalian at kung sino
sa kanila ang malimit tumawag sa mga kainan upang magpadeliber ng
pagkain.
C. Paglalahad
Ipabasa ang usapan sa telepono sa LM, pahina 267-268.
D. Pagtalakay
1. Paano nag-umpisa ang usapan nina Amor at ng tindera?
2. Ano ang unang naging usapan ng dalawa?
3. Paano inorder ni Amor ang kanyang pagkain?
4. Paano niya ibinigay ang direksiyon ng kanilang bahay?
5. Ano ang huling sinabi ni Amor sa tindera?
a. Isulat ang sagot ng mga bata.
b.Talakayin ang sagot ng mga bata upang makatulong na
maangkin ng mga bata ang kasanayan.
E. Paglalahat
Paano ka dapat sumagot sa kausap mo sa telepono?
Hayaang sumagot ang mga bata.
Ipabasa ang Tandaan sa LM, pahina 268.
F. Paglalapat

283
Pangkatin muli ang mga bata sa apat.Gagawa ang bawat pangkat ng
usapan sa telepono gamit ang magagalang na pananalita.Ang mga
nagawa nilang diyalogo ay isusulat sa isang malinis na papel.Ipakikita
sa lahat ng pangkat ang ginawa nilang diyalogo.
G. Kasanayang Gawain
Pinatnubayang Pagsasanay
Ipagawa ang Gawain 1 sa LM, pahina 268-269.

2 Ikalawang Araw

Layunin: Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o klase tungkol sa


napakinggang tekstong
Nakagagamit ng mga salita na angkop sa ikalawang baitang sa
pagsasadula at paglalarawan ng pagkaunawa sa isang teksto
Istratehiya: Read by the teacher (Read Aloud), Read with the teacher (Shared
Reading)
A. Gawain Bago Bumasa
1. Paghahawan ng balakid
Pag-aralan ang kahulugan ng mga salita sa LM, pahina 269.

2. Pagganyak
Naranasan mo na bang maiwan sa bahay nang nag-iisa? Ano
ang ginawa mo?
3. Pangganyak na Tanong
Tanungin ang mga bata tungkol sa nais nilang malaman sa
kuwento.Isulat ang kanilang tanong sa Prediction chart.
Isulat din ang kanilang hulang sagot.

Tanong Hulang Sagot Tunay na


Nangyari sa
Kuwento
Ano ang ginawa ni
Amor ng hindi niya
dinatnan sa bahay
ang kanyang mga
magulang?

B. Gawain Habang Nagbabasa


1. Unang pagbasa ng kuwento nang tuloy-tuloy sa LM pahina 269-
271.
2.Ikalawang pagbasa ng kuwento na may paghinto at interaksyon
Ipakuha ng guro ang Leraner’s Material at ipabasa sa bata ang
kuwentong ito.

284
C. Gawain Pagkatapos Bumasa
1. Pagsagot sa pangganyak na tanong
Ano ang ginawa ni Amor ng hindi niya dinatnan sa bahay ang kanyang
mga magulang?
Isulat ang sagot ng mga bata sa prediksiyon tsart sa hanay ng tunay na
nangyari sa kuwento.
Kung marami ang ibinigay na tanong, maaaring basahin na lamang
ang tanong, at ibigay ang hulang sagot at tunay na nangyari sa
kuwento.
2. Ugnayang Gawain
Ipagawa ang pangkatang Gawain.

a. Pangkat I: Maibubuod Mo Ba?


Ibuod ang kuwentong narinig sa pamamgitan ng pagsagot sa mga
tanong gamit ang concept mapping.

Sino-sino ang mga Saan ang nangyari ang


tauhan sa kuwentong kuwento?
narinig?

Isulat ang
hinihinging
impormasyon
tungkol sa narinig
na kuwento

Kailan nangyari ang Ano ang nangyari sa


kuwento? kuwento?

b. Pangkat II: Gayahin Mo!


Kumuha ng kapareha.
Isadula ninyo ang naging pag-uusap sa telepono nina Amor at
ng tindera.

c. Pangkat III: Lumikha Ka!


Gumawa ka ng isang simpleng diyalogo ng usapan sa telepono
at iulat ito sa harap ng klase.

285
d. Pangkat IV: Natatandaan Mo Ba?
Isalaysay mong muli ang kuwentong iyong binasa ayon sa
pagkakasunod-sunod nito.

3. Paglinang sa Kasanayan
a.Sino-sino ang mga tauhan sa ating kuwentong narinig?Saan
nangyari ang kuwento?Ano ang nangyari sa kuwento?Kailan ito
nangyari?Ano kaya sa palagay ninyo ang damdamin ni
Amor?Pakinggan natin ang pag-uulat ng Pangkat I sa kanilang
ginawang pagbubuod.

b. Natatandaan nyo ba ang naging usapan nina Amor at ng


tindera?Paano nakipag-usap si Amor sa tindera?Ngayon panoodin
natin ang tagpo nina Amor at ng tindera.Narito ang Pangkat II
upang isadula ito.

c. Kaya nyo bang gumawa ng isang diyalogo ng pakikipag-usap


sa telepono?
Paano mo ito dapat gawin?Ngayon, ating pakinggan ang ginawang
diyalogo ng Pangkat III.

d. Natatandaan mo pa ba ang mga detalye ng kuwentong ating


binasa?
Maisasalaysay mo bang muli ang mga detalye ng kuwentong
narinig?
Pakinggan natin ang pag-uulat ng Pangkat IV.

Itanong pagkatapos ng gawain:


Ano ang gagawin mo kung naiwan ka sa bahay ng mag-isa?
Gagawin mo ba ang ginawa ni Amor?
Bilang isang mag-aaral dapat mo bang tularan ang naging ugali ni
Amor? Bakit?
Ano ang mararamdaman mo sa ganoong sitwasyon? Bakit?

D. Paglalahat
Paano mauunawaan ang isang kuwento ,diyalogo, o isang usapan?
Ipabasa ang Tandaan sa LM, pahina 271.

3 Ikatlong Araw

Layunin: Nakababasa ng talata, kuwento, alamat, atbp nang may pag-unawa na


binubuo ng mga salitang napag-aralan na
Nakababasa ng tekstong angkop sa ikalawang baitang nang malakas at
may kawastuang 95-100%

286
Kasanayan sa Pagbasa
A. Pagganyak
a. Natatandaan ninyo pa ba kung paano ang tamang pakikipag-usap
sa telepono?
b. Paano naman ang pagbuo ng simpleng kuwento?
B. Paglalahad
a. Pangkatin muli ang mga bata sa apat.
b. Gagawa ang mga bata ng isang kuwento tungkol sa isang
mahalagang pangyayari sa kanilang lugar na ipinagdiriwang ng
mamamayang nakatira dito.
c. Iuulat ng bawat pangkat ang kanilang nabuong simpleng kuwento
na nakasulat sa chart.
d. Ipababasa sa mga bata ang nabuong simpleng kuwento nang
maramihan, pangkatan, at indibiduwal.
C. Pagtalakay
Sino-sino ang mga tauhan sa kuwentong narinig?
Saan nangyari ang kuwento?
Kailan nangyari ang kuwento?
Ano ang mga nangyari sa kuwento? Ano ang tawag sa mga tauhan,
lugar, atmga pangyayari ng isang kuwento?
D. Paglalahat
Ano-ano ang elemento ng isang kuwento? Ipabasa ang Tandaan sa
LM, pahina 271.

E. Paglalapat
Maghanda ng mga maiikling kuwento at ipabasa sa mga mag-aaral
nang maramihan, dalawahan at isahan.

F. Kasanayang Gawain
1. Malayang Pagsasanay
Pipili ang mga bata ng diyalogong nais nilang basahin sa harap
ng klase na inihanda ng guro.

4 Ikaapat na Araw

Kasanayan sa Pagsulat
A. Balik-aral
Ipatukoy sa mga bata ang elemento ng kuwento.
B. Paglalahad/Pagtalakay
Isulat sa pisara ang mga elemento ng kuwento.
Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na makapagbigay ng halimbawa
ng bawat elemento.
Pag-usapan kung wasto ang ibinigay nilang kasagutan.

287
C. Paglalahat
Ano angdapat tandaan sa pagsulat ng isang kuwento?
D. Kasanayang Gawain
Ipagawa ang Gawain 2 sa LM, pahina 272.
Ipabasa sa harap ng klase ang kanilang isinulat.

5 Ikalimang Araw

Pagtataya
A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Tumawag ang Tatay kay Lino upang ipaalala sa kanya ang baon
niyang pagkain. Ano ang dapat sabihin ni Lino?
a. Tatay, bakit po?
b. Tatay, pahingi ng baon.
c. Tatay, nasaan ka?
2. Tumawag ka sa iyong tiyahin upang batiin siya sa kanyang
kaarawan. Ano ang dapat mong sabihin sa kanya?
a. Ano ang handa mo?
b. Magandang umaga po, maligayang kaarawan.
c. Pahingi ng pagkain.
3. May tumawag sa inyo. Hindi mo kilala kung sino ang nasa kabilang
linya. Paano mo siya kakausapin?
a. Magandang hapon, sino ang kailangan mo?
b. Magandang hapon, sino po sila?
c. Magandang hapon, sino ka?
4. Paano mo dapat tapusin ang pakikipag-usap sa telepono?
a. Sige, paalam na po.
b. Tapos na tayo.
c. Bukas ulit.
5. May kausap ka sa telepono nang bigla kang tinawag ng nanay
upang hugasan ang mga gulay na lulutuin niya. Paano ka
magpapaalam sa iyong kausap?
a. Sige, pwede po bang mamaya ka na ulit tumawag?
b. Bukas na ulit tayo mag-usap.
c. Tama na ang usapan natin.

A. Humanap ng kapareha.Gagawa ang magkapreha ng isang diyalogo ng usapan


sa telepono. Ibuod ang kuwentong narinig sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga sumusunod na tanong.

B. Isulat ang inyong sagot sa isang malinis na papel


1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwentong narinig?
2. Saan ang nangyari ang kuwento?
3. Kailan nangyari ang kuwento?
4. Ano ang nangyari sa kuwento?

288
Kuwarter 4
Ako at ang Aking Pamayanan

36
I.
IKATATLUMPU’T ANIM NA LINGGO
Ang Lutong Kapana-panabik

Panlingguhang Layunin:
Wikang Binibigkas:Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o
klase.
Nakapag-uusap at nakapagtatalakay tungkol sa mga sikat na tao,
mga lugar, mga pangyayari, atbp. gamit ng mga salitang
naglalarawan na angkop sa sariling kultura
Pagkilala ng mga Salita:Nakababasa ng talata, kuwento, alamat, atbp.
nang may pag-unawa na binubuo ng mga salitang pinag-aralan na
Katatasan:Nakababasa nang wasto at may kahusayan mgakuwento,
alamat, mga artikulo ng balitaatb
Pagbaybay: Nababaybay nangtamangmgamataasna salitasa unang kita
naangkopsaikalawang baitang
Pagkatha/Pagsulat: Nakasusulat ng maikling kuwentong na may tagpuan,
tauhan at mga pangyayari.
Kamalayan sa Gramatika: Nakagagamit ng mga pautos na salita upang
makapagbigay 3-6 na simpleng panuto o hakbang na angkop
sa sariling kultura
Pag-unlad sa Talasalitaan:Naipaliliwanag ang karaniwang
kahuluganatkasalungat ng salita
Pag-unawa sa Binasa: Nakapaghihinuha kung ano angmaaring maganap
sa susunodna mga pangyayari sa kuwento, alamat, atbp.
Nahihinuha kung ano ang damdamin ng tauhan batay sa ipinakitang
pagkilos osakung ano angsinasabinila.
Nakababasa at nakasasagot sa matataas na uri ng tanong
Naipakikita ang pag-unawa sa mga tekstong inpormasyunal sa
pamamagitan ng pagtatalakay, paglalarawan, pag-awit, pagsasadula
ng may pag-arte
Nakapagbibigay ng sariling opinyon at reaksyon tungkol sa mga
isyu, atbp. bilang isang output ng kanilang pananaliksik.
Naipamamalas ang kawilihan sa pagbasa ng kuwento at iba pang
mga teksto sa pamamagitan ng pag-browse, at pagbasa maraming
pang aklat
Pagpapahalaga: Pagmamalaki at pagtangkilik sa sariling lutong pagkain

II. Paksang Aralin:


A. Paksa

289
Pakikipagtalastasan
Sikat na tao, lugar, pangyayari,atbp gamit ang salitang naglalarawan
na angkop sa kultura
Pagbasa ng talata, kuwento, alamat, atbp. nang may pag-unawa
Pagbasa nang wasto at may kahusayan mgakuwento talata,, alamat,
mga artikulo,balitaatbp
Pagsulat ng maikling kuwentong na may tagpuan, tauhan at mga
pangyayari
Kahuluganatkasalungat ng salita
Paggamit ng mga pautos na salita upang makapagbigay 3-6 na
simpleng panuto o hakbang na angkop sa sariling kultura
Paghihinuha ,pagsagot sa matataas na uri ng tanong
Pag-unawa sa mga tekstong inpormasyunal sa pamamagitan ng
pagtatalakay, paglalarawan, pag-awit, pagsasadula nang may pag-arte
Sariling opinyon at reaksyon tungkol sa mga isyu, atbp. bilang isang
output ng kanilang pananaliksik.

B. Batayan/Sanggunian:
K-12 Curriculum Guide Grade 2
Mga Kuwento“ Fishkill sa Lawa” Akda ni Shirley M. Aranas
“ Ang Tawilis”Akda ni Nida C. Santos
“Ang Sinaing na Tulingan”Akda ni Nida C. Santos
C. Mga Kagamitan
Mga Kuwento“ Fishkill sa Lawa”
“ Ang Tawilis”
“Ang Sinaing na Tulingan”
III. Gawain sa Pagkatuto

1 Unang Araw

Layunin: Nakagagamit ng mga pautos na salita upang


makapagbigay 3-6 nasimpleng panuto o hakbang na angkop
sa sariling kultura
Kasanayan sa Pagbigkas at Wika
A. Panimulang Gawain
Ipabigkas ang ibig sabihin ng nasa akronim sa LM, pahina 274.
Ano ang nabuong salita?
Ano ang isdang ito?
Naranasan mo na ba ang mangisda sa dagat?
B. Paglalahad/Pagmomodelo
Basahin ang kuwento sa LM, pahina 274-275
C. Pagtalakay
Ano ang isang uri ng isada na binaggit sa kuwento?
Paano niluluto ang isdang tawilis?

290
Ipabasa ang wastong pamamaraan ng pagluluto ng Tawilis na may
patis.
Ano –ano ang mga salitang may salungguhit sa bawat hakbang sa
pagluluto tawilis?
Ano ang dapat gawin upang makasunod tayo nang wasto sa
pagluluto?
Sa inyong palagay maayos bang naibigay ni AlingSaling ang
panuto o hakbang para sa pagluluto? Kung ikaw si Aling Saling ,
paano ka magbibigay ng hakbang o panuto?
D. Paglalahat
Ano-ano ang salitang gagamitin upang makapagbigay ng panuto o
hakbang para sa isang gawain? Ipabasa ang Tandaan sa LM, pahina
276.
E. Paglalapat
Ipagawa ang Gawain 1 sa LM,pahina 276-277.
F. Pagtatasa
Ipagawa ang Gawain 2 sa pahina 277-278.

2 Ikalawang Araw
Layunin: Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o klase.
Nakapag-uusap at nakapagtatalakay tungkol sa mga sikat na tao, mga,
mga pangyayari, atbp. gamit ng mga salitang naglalarawan na angkop
sa sariling kultura
Istratehiya: Read by the teacher (Read Aloud), Read with the teacher (Shared
Reading)
A. Gawain Bago Bumasa
1. Paghahawan ng balakid
Pag-aralan ang kahulugan ng mga salita sa tulong ng
larawan at pangungusap na nasa LM sa pahina 278.
2. Pagganyak
Nakita na ba ninyo ang Bulkang Taal nang malapitan?Ano ang
masasabi ninyo sa Bulkang Taal?
Sino ang nakaranas ng mamangka sa Lawa ng Taal?
3. Pagganyak na Tanong
Mayroon akong ipababasang kuwento sa inyo tungkol sa isang
kamangha-manghang pangyayari sa Lawa ng Taal.
Ano ang nais ninyong malaman tungkol sa kuwentong
“Fishkill sa Lawa”

291
B. Gawain Habang Nagbabasa
Ipabasa ang kuwento sa LM, pahina 279-280..
Unang pagbasa ng kuwento nang tuloy-tuloy. Ikalawang pagbasa ng
kuwento na may paghinto at interaksyon
C. Gawain Pagkatapos Bumasa
1. Pagsagot sa pangganyak na tanong
Balikan natin ang mga tanong kanina bago basahin ang
kuwento.
Isulat ang sagot ng mga bata sa prediksiyon tsart sa hanay ng
tunay na nangyari sa kuwento.
Kung marami ang ibinigay na tanong, maaaring basahin na
lamang ang tanong, at ibigay sagot o tunay na nangyari sa
kuwento.
2. Ugnayang Gawain
Ipagawa ang pangkatang Gawain.

a. Pangkat I : Guhit mo, Kulayan Mo!


Gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng
pangangalaga sa lawa o iba pang anyong tubig.

b. Pangkat II : Bigkas mo, Idrama Mo!


Isadula ang pinakamadramang tagpo sa kuwento.

c. Pangkat III : Tanong mo ,Ilahad mo!


Magkaroon ng pakikipanayam sa mga kamag-aaral tungkol
sa isyung “Fishkill “ na naganap sa kuwento. Gamitin
ang mga tanong sa ibaba.
1. Sa iyong palagay, ano ang maaaring dahilan ng
pagkamatay ng mga isda sa lawa?
2. Kung isa ka sa naninirahan sa lawa ,ano ang maaring
gawin upang maiwasan ang pagkamatay ng mga
yamang-tubig.
3. Makabuluhan ba ang panonood ng balita sa telebisyon?

d. Pangkat IV : Sumulat ng maikling balita na may kaugnayan


sa kuwentong binasa. Alamin mo kung ano ang pook
pasyalan na makikita rin sa Lawa ng Taal.

3. Paglinang sa Kasanayan
a. Sino-sino ang mga tauhan sa ating kuwentong narinig?
Saan nangyari ang kuwento?Ano ang nangyari sa
kuwento?

292
Paano mapangangalagaan ang lawa o ang iba pang anyong
tubig sa ating bansa?Pakinggan natin ang paliwanag ng
pangkat II tungkol sakanilang iginuhit na poster.

b. Ano –ano ang nangyari sa kuwento ?


Anong bahagi ng kuwento ang pinakamadramang tagpo?
Pakinggan at panoorin natin ang drama ng ikalawang
pangkat. Ano ang damdamin ng mga tauhan sa kuwento?
Bakit ito ang kanilang nadarama?
Kung isa ka sa mga naninirahan sa may lawa ng Taal,
mawawalanka naba ng pag-asa para mabuhay? Bakit?

c. Sa pakikipanayam ng pangkat III, pakinggan natin sa


kanila ang kasagutan sa mga tanong .
Sa iyong palagay, ano ang maaaring dahilan ng pagkamatay
ng mgaisda sa lawa?

Kung isa ka sa naninirahan sa lawa ,ano ang maaring gawin


upang maiwasan ang pagkamatay ng mga yamang-tubig.
Makabuluhan ba ang panonood ng balita sa telebisyon?
Bakit?

d. Ano ang kahalagahan ng balita?


Paano nagbabalita sa telebisyon o radyo?
Pakinggan natin ang balita ng ikaapat na pangkat na may
kaugnayan sa ating binasa kuwento.

3 Ikatlong Araw
Layunin: Nakababasa ng talata, kuwento, alamat, atbp. nang may
pag-unawa na binubuo ng mga salitang pinag-aralan na
Nakababasa nang wasto at may kahusayan mgakuwento, alamat, mga
artikulo ng balitaat iba pa

Kasanayan sa Pagbasa
A. Balik-aral
Magkaroon ng balik-aral tungkol sa kuwentong, “ Fishkill”.

B. Pagganyak
Ipaawit ang awitin sa LM sa pahina 280 na may tono na “Ako ay
May Lobo”

C. Paglalahad
Ipabasa ang tungkol sa Alamat ng Bulkang Taal sa LM, pahina 281-
283.

293
D. Pagtalakay
Tungkol saan ang Alamat na iyong binasa?
Bakit tinawag ito na Bulkang Taal?
Sino ang pinuno na itinuturing na makapangyarihan at magaling?
Ano ang kautusan ng Lakan Taal para sa taong bayan?
Ano ang nangyari sa Lakan?
Nakita pa ba ng taong bayan si Lakan Taal?
Ano ang ginawa ng taong bayan?
Ano ang nangyari sa taong bayan sa pagpunta nila sa bundok?
Paano mo ilalarawan ang Bulkang Taal?

E. Paglalahat
Ano ang inyong binasa?Ano ang paksa ng alamat na inyong binasa?
Ipabasa ang Tandaan sa LM, pahina 283..

F. Pagtatasa
Isa-isang ipabasa sa mga mag-aaral ang kuwentong Kamangha-
manghang Bulkan.

4 Ikaapat na Araw

Layunin: Nakasusulat ng maikling kuwento na may tagpuan, tauhan at mga


pangyayari.

Kasanayan sa Pagsulat
A. Balik-aral
Kahapon ay nabasa natin ang kuwento ni Nida .
Ano ang nilalaman ng kuwento ni Nida?
Nabasa ba ninyo ang iba’t ibang elemento ng isang kuwento.

B. Paglalahad
Tingnan ang tamang pormat ng kuwento na Kamangha-manghang
Bulkan (Ipaskil ang chart na kung saan nakasulat ang kuwento.)

C. Pagtalakay
Ano ang pamagat ng kuwento?
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
Saan naganap ang kuwento?
Ano-ano ang mga pangyayari na naranasan ng may-akda sa
kuwento?
Ano sa palagay ninyo ang dahilan kung bakit naisulat ni Nida ang
kanyang karanasan?
Kung kayo si Nida maisusulat rin ba ninyo ang inyong karanasan
tungkol sa isang lugar na inyong pinuntahan?
Ano – ano ang mga bahagi o elemento ng kuwento na inyong binasa?

294
D. Paglalahat
Ano –ano ang mga bahagi o elemento ng kuwento na dapat isaalang-
alang sa pagsulat? Ipabasa ang Tandaan sa LM, pahina 285.

E. Pagsasanay sa Pagsulat
Ipasipi nang wasto ang kuwentong “Kamangha-manghang Bulkan”.
1. Pinatnubayang Pagsulat
Isulat nang wasto ang sanaysay tungkol sa akla na nasa. Gawain 3sa
pahina 285
2. Malayang Pagsulat
Maghanap ng iba pang aklat at sumipi ng isang kuwentong nais mo.
Isaalang-alang ang tamang porma sa pagsulat ,Gawain 4 sa pahina
286.

F. Pagtatasa
Sumulat ng isang maikling kuwento na binubuo ng mga
bahagi o elemento. Ikahon kung saan ang tagpuan,bilugan
ang tauhan at salungguhitan ang mga pangyayari.

5 Ikalimang Araw

Pagtataya

A. Sumulat ng 5 salitang pautos at gamitin ito sa pangungusap na


nagbibigay ng panuto o hakbang.
B. Sumulat ng isang kuwento tungkol sa iyong karanasan.
Sundin ang tamang pagsulat ng kuwento at isaalang – alang ang mga
elemento o bahagi nito.

295

You might also like