Professional Documents
Culture Documents
Nina:
Alvarez, Rhea A.
Pamplona, Bethlehem S.
Ipinasa kay:
G. Fernando V. Alarcon
Philippine Women’s University
JOSE ABAD SANTOS MEMORIAL SCHOOL
Taft Avenue, Manila
KABANATA I
PANIMULA AT INTODUKSIYON
Buhay ng May-akda at Kaligirang Pangkasaysayan
1.1 Buhay ng May-akda
Ipinanganak si Macario Pineda noong 1912, at yumao siya noong 1950, hmigit-umulang
sa apat na dekada sa yugto ng kasaysayan na piamamayanihan ng impluwensiyang
Amerikano. Sa loo ng labin-limang taon (1935-1950), unang nailala si Pineda bilag
manunulat ng maikling kuwento sa Ingles hindi nagluwat at nagbasa ng publiko ang
kaniyang mga kuwento at nobela sa Tagalog sa mga pahina ng Liwayway at iba pang
babasahin. Naging isa ring kolumnista si Pineda para sa magasing Daigdig, at nagging utak
sa likod ng kolum na, “Ang Inyong Kapalaran Sang-ayon sa mga Bituin” sa Liwayway. Para
sa libo-libong mambabasa ng Graphic na siy niyang innaglathalaan ng mga akda sa Ingles, at
mga magasing tulad ng Liwayway, Aliwan, Tagumpay, Daigdig, Sinag-tala at Malaya, isang
pamilyar na tanawin ang mga likhang-isip ni Pineda sa isang tiyak na panahon. Walang
linggong hindi nabasa ng publiko ang kaniyang mga kuwento at isineryeng nobela. Subalit
biglang natahimik ang kaniang inig nang panawan siya ng buhay sa murang gulang na
tatlumpu’t walong taon.
Philippine Women’s University
JOSE ABAD SANTOS MEMORIAL SCHOOL
Taft Avenue, Manila
likhang labas sa kasaysayan, lipunan at kamalayann. Bukod ditto, pinag-aaralan ang mga
akda bilang ganap at kumpletong likha na wala nang kapangyarihang makipag-unawaan sa
kasalukuyan at sa hinaharap.
Marahil higit na makatwirang suriin ang mga akda ni Pineda bilang produkto ng isang
masalimuot na proseso, ng maraming uri ng ugnayan sa isang malawak na Sistema ng
lipunan at sa kasaysayan. Sa gayon, hindi lamang ang mga akda ang isasali sa talakayan
kundi pati mga puwersa sa lipunan at sa panitikan na nagbigay-daan sa mga kuwento at
nobela ni Pineda. Makakamit ang ganitong pangkalahatan layunin kung gagamit ng historical
na pananaw sa pagpapaliwanag sa kakaniyahan ng sining ni Pineda.
1.2 Panimula o Kaligiran ng Pag-aaral
(wala pa po yung first paragraph kasi di pa po nag-oonline si Tanya)
Makalipas ang dalawang linggo ay nagbalik na si Sanang sa bigasan ni Ba Tomas upang
mabaling ang atensyon nito sa ibang bagay at kahit papaano ay hindi ito magmukmok sa
kanilang tahanan at maisip ng maisip ang pagkawala ng kanyang kasintahan. Lingid sa
kaalaman ni Sanang na nagkita na ang kanyang pamangkin na si Doro at ang kanyang irog na
si Edong ay nagkita na. Kasa-kasama ni Doro si Edong na nagtungo sa Bigasan kung saan
naroroon si Sanang at sila nga nagtagpo na. Hindi makapaniwala si Sanang sa kanyang
nakita, isang binatang maputla pa ng bahagya ang mukha, may kaunti pang pagkayayat ang
mga pisngi at iika-ika pa ang paglakad. Sa labis na pagkabigla ay nagpahatid si Sanang sa
dalawang dalagang kasamahan sapagkat siya’y nanlambot sa kanyang nakita. Naiwan si
Edong kasama ang iba pang tauhan at doon ay isinalaysay niya ang tungkol sa kanyang
pagkawala. Di rin nagtagal ay sumunod na siya sa tahanan nila Sanang upang makipag-usap
ng maayos sa dalaga. Naabutan nya ang musmos na si Doro at sinabi ng musmos na kanina
pa siya hinahanap ni ate Menyang. Naroon sa tahanan ang mga magulang ni Sanang at
naroroon rin ang ama ni Edong at sa pagkakataong iyon ay ipinagkasundo na ng dalawang
pamilya ang tungkol sa pag-iisang dibdib ng dalaga. Pinuntahan ng binata ang umiiyak na si
Sanang sa gilid ng banggera. Nag-usap ang dalawa at dito na ipinaliwanag ni Edong ang mga
kaganapan noong siya’y nasa Makiling at ipinaalam rin Sanang ang magaganap na kasalan
nila na gaganapin na sa pagbago ng buwan. Dahil sa mga sinabi ni Edong ay ninais na rin ni
Philippine Women’s University
JOSE ABAD SANTOS MEMORIAL SCHOOL
Taft Avenue, Manila
Sanang na makarating roon sa Makiling at doon na rin manirahan kasama ang binata.
Ipinaliwanag ni Edong na hindi ganoon kadaling makapasok sa bayan ng Makiling sapagkat
hindi ito simpleng bayan na gaya ng sa kanila. Ngunit nangako si Edong na ipagpapaalam
nya kung maaring sa susunod na pagbalik niya ay kasama na niya ang kasintahan.
Ipinaliwanag ni Edong sa dalaga na siya lamang ang kanyang iibigin habang siya ay may
buhay at hindi muna magaganap ang kasalan sa kadahilanang babalik pa ang binata sa
Makiling gaya ng ipinangako niya kay Maria at upang doon na ring lubusang magpagaling.
Urduha si Edong ng gintong kwintas upang isuot kay Sanang at isang pag subok na
makakapag tupad ng kanilang kagustuhan na manirahan sa Makiling. Ang tanging paraan
upang manirahan ang magkasintahan sa makiling ay mapatunayan nilang tapat ang kanilang
pag mamahalan at mananatiling tapat sa loob ng apatnapung taon.
(di pa po tapos)
1.3 Paglalahad ng Suliranin
Ang pagunawa o pakaintindi sa mga salita ay isa sa mahalagang aspeto ng buhay ng tao.
Ang mga kahulugan at interpretasyon ng mga ito ay nagsisilbing behikolong koneksyon ng
bawat isa sa mundo. Kaya naman ang impluwensya ng mga salita ay malaking sanhi sa
pagkakaunawan ng bawat tao. Ang mga lalawiganing salita sa nobelang Ginto sa Makiling ay
maaring kumaharap ng mga ganitong suliranin. Suliranin sa pagkakaunawa at sariling
interpretasyon ng tao sa mga salita na maaring makaapekto sa wastong kahulugan ng nito
kaya naman kinakailangan ng wastong kasagutan sa mga katanungan na kakaharapin ng mga
tagapagsuri at pagsusuri, ang mga suliranin na nakalahad ay ang mga sumusunod:
1. Ano ba ang mga lalawiganing salita?
2. Ano ba ang impluwensyang dinudulot ng mga lalawiganing salita sa isang akda? Mas
malinaw ba nitong naipahihiwatig ang nais nitong sabihin?
3. Paano nakakaapekto ang mga lalawiganing salita sa pagkaunawa ng mga mambabasa sa
isang akdang binabasa? Nababago ba ng mga salitang ito ang pagkakabuo sa bawat
pangungusap na nakapaloob sa teksto?
4. Paano matitiyak kung nauunawaan ng mga mambabasa ang mga salitang ginamit sa
teksto?
5. Ano-ano ang mga hakbang upang mas mabilis na matugunan ang pangangailangan ng
mga mambabasa sa kanilang pagkakaintindi sa isang akdang binabasa?
6. Bakit mahalaga na magkaroon nang sapat na kaalaman ang mga mambabasa patungkol sa
mga lalawiganing salita? Mas mapapabilis ba ang pagproseso ng kanyang interpretasyon sa
binasang teksto?
1.4 Layunin ng Pag-aral
Philippine Women’s University
JOSE ABAD SANTOS MEMORIAL SCHOOL
Taft Avenue, Manila
makatutulong upang mas maging mapanuri, kritikal at magkaroon nang malalim na pag-
unawa sa akdang binabasa.
Sa mga guro sa Filipino. Nagbibigay ito ng daan upang matukoy ng mga kaguruan ang
kakayahan ng mga mag-aaral na unawain ang mga malalalim na salita. Higit pa rito ay
magsisilbi itong hudyat sa kanila upang makalikha ng isang paraan o produktibong talakayan
na maaari nilang magawa na kung saan ay mas mapapabilis ngunit naiinitindihan ang
kahulugan ng mga salitang nasa ibang antas na ginamit sa isang akda.
Sa mga susunod na tagapagsuri. Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang
din sa mga susunod pang mga tagapagsuri sa paraang maaari nila itong gamitin bilang
sanggunian upang mapatibay ang pundasyon ng kanilang pag-aaral at nang masuportahan
ang bawat detalye ilalahad. Magkakaroon din sila ng mga kaalamang magagamit upang
gawing kapani-paniwala, may paninindigan at nagtataglay ng sistematikong proseso upang
mas maging malinaw at epektibo ang pagbabahagi nila sa mga mambabasa ng kanilang
natuklasan mula sa isinagawang pagsusuri.
1.6 Saklaw at Limitasyon
(di pa po nakakauwi si Bethel)
1.7 Mga Terminolohiya
(wala pa po nakaassign)