You are on page 1of 2

1. Sino ang mga tauhan?

 Marilou
 Jose
 Tessie
 Susan
 Edmond
 Renan
 Rosa
 Cecilia
 Ompong
 Mayor Alfredo
 Father Arturo
 Ate ni Jose

2. Bakit naging barbero si Marilou?


 Si Marilou ay nagpasyang maging barbero dahil sa panghihikayat ng pari ng kanilang baryo
matapos niya itong makitaan ng husay sa pag-gugupit.

3. Sino ang kapatid ni Renan?


 Si Rosa, isang bayarang babae, ay ang kapatid ni Renan.

4. Ano ang regalo ni Renan sa kapatid?


 Isang rosayo ang regalo ni Renan sa kanyang kapatid.

5. Ano ang nabasa ni Edmond sa pahayagan?


 Ang nabasa ni Edmond ay isang lathalain na may kinalaman sa petsa pagdating ni Muhammad
Ali sa Pilipinas para sa ‘Thrilla in Manila’.

6. Anong klaseng babae si Cecilia?


 Si Cecilia, gaya ng karaniwang pangtelebisyong Pilipina sa mga palabas, ay isang babaeng
nabiyayaan ng pagkabaog at labis na pagmamahal para sa kanyang mapangabusong asawa.

7. Anong klaseng mayor si Alfredo Bartolome?


 Si Alfredo, gaya ng karamihan ng mga opisyal sa ating bansa, bilang mayor ay sinungaling,
mapang-abuso at may interes lamang sa posisyon, hindi sa masa.
8. Anong ginawa ni Mayor kay Father?
 Ang Mayor ay nagpakalat ng kasinungalingan patungkol sa pari. Matapos ang pagkamatay nito
ay sinabi ni Mayor Alfredo na si Father Arturo ay kasapi umano ng kilusan at kasamang nakipag-
palitan ng bala laban sa militar na pinabulaanan naman ni Edmond bilang isang kasinungalingan.
Sabi nito ay natatapos na ang koneksyon nila sa nasabing pari sa pag-aabot ng rasyon ng pag-
kain at gamot, at wala ng iba pa.

9. Ano ang binudbod ni Susan sa kanyang asawa?


 Ang binudbod ni Susan sa kanyang asawa ay ‘tinadtad na sili’.

10. Ano ang kahalagahan ng pelikula sa mga kabataang Pilipino?


 Ang pelikula ay makikitaan ng halaga sa pagbibigay-buhay nito sa mga kaganapan ng panahon ng
Martial Law, pagtalakay sa mga mahahalagang usapin ngayon sa bansa tulad ng hindi pantay na
turing sa kabilang kasarian, rebelyon, huwad na pagbabalita at pang-aabuso ng kapangarihan.

You might also like