You are on page 1of 1

COUPLES FOR CHRIST

CHRISTIAN LIFE PROGRAM

MODYUL II : SESYON 6

ANG PAGMAMAHAL SA KAPWA

Maikling Balangkas

1. Ang pag-ibig sa kapwa at ang pag-ibig sa Diyos ang buod ng pamumuhay Kristiyano.

2. Ang pag-ibig ay hindi pakiramdam lamang, di rin ito palaging pagsang-ayon, o pagiging makasarili
o mapang-impluwensiya.

3. Ang pagmamahal na Kristiyano ay:


 Kaugnay ng pagtupad sa utos ng Diyos.
 Isang pagmamahal na naglalaan ng sarili.
 Isang nakalaang paglilingkod sa iba.

4. Ang kapwa natin ay sinomang nangangailangan ng tulong natin.

5. Ang katangian ng pagmamahal na Kristiyano sa 1 Cor. 13:4-7


 Palitan ng “ako” ang salitang “Pag-ibig”

Paksa para sa talakayan


1. Nauunawaan mo ba ng malinaw ang kaibahan ng kahulugan ng pag-ibig ayon sa Bibliya sa
pakahulugan ng mundo?
2. Saan ako nabigong magmahal sa aking pang-araw-araw na pamumuhay?

Ang hamon
Ipinakita ng ating Panginoon kung paano ang daan sa tunay na pag-ibig Kristiyano sa pamamagitan ng
paghugas niya sa paa ng mga apostoles at higit sa lahat sa kanyang kamatayang inihandog sa Ama para
sa atin. Nakahanda ba tayong magmahal sa isa’t-isa tulad ng kanyang ipinakitang pagmamahal para sa
atin.

Babasahin sa Bibliya para sa araw-araw na panalangin


Araw 1 Mateo 22:39-40; Marcos 12:28-34 Araw 5 1 Juan 2:7-11
2 Juan 13:1-5, 12-15, 34-35 6 1 Juan 3:16-18
3 Juan 15:9-17 7 1 Juan 4:7-21
4 1 Corinto 13:1-13

You might also like