Professional Documents
Culture Documents
Mahilig Sa Sex
Mahilig Sa Sex
1. Ang taong nakikipag-sex sa permanenteng partner ng 2-3 beses bawat linggo ay mas
hindi inaatake sa puso at na-i-stroke. Oo, posibleng makahaba ng buhay ang sex,
lalo na kapag nagpa-practice ka ng safe sex.
2. Ayon sa pag-aaral, kapag mas madalas ang pagtatalik, mula sa isang beses bawat
buwan at ginawang isang beses bawat linggo, mas magiging masaya din sa buhay.
4. Ayon sa isang pagsusuri sa Japan, ang mga lalaking nakikipagtalik sa hindi nila
asawa ay mas nagkakaroon ng istrok. Ang istrok ay ang pagbabara ng ugat sa utak at
napaparalisa ang katawan.
5. Ang mga babaeng nag-e-enjoy sa sex ay mas humahaba ang buhay kumpara sa mga
hindi nag-e-enjoy.
6. Ito ang nangyayari sa katawan habang nagtatalik. Bumibilis ang tibok ng puso.
Lumalaki ang pupils (iyong itim sa gitna ng mata). Bumibilis ang paghinga at
lumalaki ang butas ng ilong. Bumubuka ang daanan ng pawis (sweat glands). Lumalaki
ang suso ng babae ng 25% at ang utong (nipples) ay humahaba ng kalahating pulgada.
Dumadami din ang daloy ng dugo sa labi, ilong at sexual organs.
8. Para malaman kung kaya mong mag-sex, subukang umakyat ng 2 floors. Kapag
hiningal ka pagdating sa itaas, ang ibig sabihin ay kulang sa kondisyon ang iyong
katawan, at baka mahirapan ka sa sex.
10. Para ganahan sa sex, kailangang matahimik ang lugar at maganda ang paligid.
Ayon sa pagsusuri, baka makatulong din ang tsokolate, kape, at amoy ng baby powder
sa sex drive.