You are on page 1of 4

Page 1 of 4

CORRECTED COPY

Republic of the Philippines


Inihanda ni:
Bungsuan National High School MARK LEO D. HAPITAN
Dumarao, Capiz Practice Teacher, CapSU Dumarao

LESSON PLAN SA ARALING PANLIPUNAN 7


Hulyo 11, 2016

I. Layunin
1. Naitatala ang mga mahahalagang salitang may kinalaman sa pagtuklas sa
Katangiang Pisikal ng Asya.
2. Nakapagbubuo ng konsepto o kaisipan tungkol sa kahalagahan ng pag-
aaral ng heograpiya ng Asya.

II. Nilalaman
Paksa: “Panimula: Katangiang Pisikal ng Asya”
Sanggunian: Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Rosemarie C.
Blando, et al., Eduresources Publishing, Inc., p. 11-12
Kagamitan: LCD monitor, smartphone, pentel pen, construction paper
Pagpapahalaga: pagkakaisa at pagiging makakalikasan
Tinatayang oras: 40 minuto

III. Pamamaraan
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
SIMPLE RECALL
GURO MAG-AARAL
Sino ang tinaguriang pambansang Jose Rizal
bayani ng Pilipinas?
Sino ang inihalal na pangulo ng Rodrigo Roa Duterte
Pilipinas noong June 30, 2016?

2. Pagganyak
Panuto: Mula sa krossita ay subukan mong hanapin, sa anumang
direksyon, ang mga salitang may kinalaman sa pagtuklas ng mga
Katangiang Pisikal ng Asya. Isulat ang mga ito sa papel.

H I B L D K T E K M A L P I N
E K A P A L I G I R A N I P K
O R U S N A B I L H G A S Y A
G I W L E T S A P U N B I A B
R K O N T I N E N T E P K H I
A S B I N U T R A S G I A O H
P O B A H U R O N A N G L B A
I S U N U G N A Y A N I P I S
Y N I S B A S E L Y I T E S N
A K T R O S T Y A D O P S T A
N I B A S W E T R K Y O P E N

B. PAGLINANG NG ARALIN
a. Paglalahad ng Paksa
1. Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral.
Page 2 of 4
CORRECTED COPY

2. Magtalaga ng lider sa bawat pangkat.


3. Isa-isang isusulat ng bawat grupo ang mga salitang kanilang naitala
mula sa krossita sa ibinigay sa mga ginupit construction paper.
4. Ang guro ay magtatanong ng mga katanungang makikita sa
inihandang monitor o TV screen.
5. Matapos basahin ang katanungan, ang bawat grupo ay bibigyan ng
20 segundo upang balasahin ang kanilang pinal sa sagot mula sa
mga sinulatang parihabang papel.
6. Bibigyan ng 10 segundo ang mga pangkat upang ipaskil ang
kanilang sagot sa pisara.
7. Sa paglabas ng salitang “Time is up!” sa monitor o TV screen, dapat
ang lahat ng mga mag-aaral ang nakabalik na sa kani-kanilang
pangkat.
8. Ang kasagutan ay lalabas sa monitor na umaayon sa pamamagitan
ng wireless control na hawak ng guro.
9. Makakatanggap ng tatlong star ang pangkat na may tamang sagot,
dalawang star sa nagpaskil ng sagot ngunit hindi naitama at isang
star sa walang ipinaskil.
10. Ang pangkat na may pinakamaraming star ang syang idedeklarang
panalo.

GURO MAG-AARAL
Bigkis o pagtutulungan para sa kapwa Ugnayan
kapakinabangan
Pangunahing tagalinang ng Kultura
kapaligiran para sa kaniyang
kubuhayan at pagtugon sa
pangangailangan
Kalikasan, ang ekolohikal na Kapaligiran
komposisyon ng daigdig
Maunlad na yugto ng kulturang Kabihasnan
panlipunan, moral at kultural
Pag-aaral sa katangiang pisikal ng Heograpiya
mundo
Katutubo o tagapag-simula Sinauna
Pag-unawa o paghanga sa sining, Kultural
kaugalian, paniniwala, gawaing
panlipunan, edukasyon, relihiyon at
siyentipiko
malaking masa ng lupain ng mundo Kontinente
Ang pinakamalaking kontinente sa Asya
sukat at sa populasyon
Katangiang nakikita at nahahawakan Pisikal
Page 3 of 4
CORRECTED COPY

b. Analisis

GURO MAG-AARAL
May isang minuto ang bawat pangkat Inaasahang pagkakasunod-
upang pagsunod-sunurin ang mga sunod ng limang
salitang nasa parihabang papel batay pinakamahalagang salita:
sa kahalagahan nito kung ang pag-  Heograpiya
uusapan ay ang kabihasnan ng mga  Asya
Asyano. Iuulat ng bawat pangkat kung  Kabihasnan
bakit ganoon ang kanilang naging  Kultura
sagot.  Kapaligiran

C. PANGWAKAS NA GAWAIN
a. Paglalahat
GURO MAG-AARAL
Pangunahing tagalinang ng Kultura
kapaligiran para sa kaniyang
kubuhayan at pagtugon sa
pangangailangan
Kalikasan, ang ekolohikal na Kapaligiran
komposisyon ng daigdig
Maunlad na yugto ng kulturang Kabihasnan
panlipunan, moral at kultural
Pag-aaral sa katangiang pisikal ng Heograpiya
mundo
Ang pinakamalaking kontinente sa Asya
sukat at sa populasyon

b. Paglalapat
GURO MAG-AARAL
Bumuo ng konsepto o kaisipan Ang kontinente ng Asya ay
tungkol sa kahalagahan ng pag- aaral ating tahanan. Bilang
ng heograpiya ng Asya sa mamamayan nito, mahalaga
pamamagitan ng pagtagpi-tagpi ng ang pag-aaral ng heograpiya
lima o higit pang salitang ipinaskil sa upang malinang ang ating
pisara. kaalaman sa pisikal na aspeto
ng ating kapaligiran, gayon din
sa ating pang-araw-araw na
kultura na syang hinubog ng
ating mga ninuno sa yugto ng
kanilang kabihasnan,

IV. Pagtataya
a. MULTIPLE CHOICE (5 pts.)
Panuto: Isulat sa ¼ na papel ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pinakamalaking kontinente sa
sukat at populasyon?
a. pisikal c. Russia
b. kontinente d. Asya (TAMANG SAGOT)
Page 4 of 4
CORRECTED COPY

2. Ito ay tawag sa pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo.


a. heograpiya (TAMANG SAGOT) c. kabihasnan
b. Asya d. Physics

3. Ito ang pangunahing tagalinang ng kapaligiran para sa kaniyang kubuhayan at


pagtugon sa pangangailangan.
a. kultura (TAMANG SAGOT) c. negosyo
b. kabihasnan d. kapaligiran

4. Tawag sa yugto ng kulturang panlipunan, moral at kultural.


a. ugnayan c. kabihasnan (TAMANG SAGOT)
b. pananakop ng mga Kastila d. kultural

5. Tumutukoy sa kalikasan o ang ekolohikal na komposisyon ng daigdig.


a. kapaligiran (TAMANG SAGOT) c. Asya
b. kalawakan d. heograpiya

b. FILL IN THE BLANKS (5 pts.)


Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat puwang ayon sa mga salitang ating
napag-aralan.

Ang kontinente ng 1. _______ (ASYA) ay ating tahanan. Bilang mamamayan nito,


mahalaga ang pag-aaral ng 2. _______ (HEOGRAPIYA) upang malinang ang ating
kaalaman sa pisikal na aspeto ng ating 3. _______ (KAPALIGIRAN), gayon din sa ating
pang-araw-araw na 4. _______ (KULTURA), na syang hinubog ng ating mga ninuno sa
yugto ng kanilang 5. _______ (KABIHASNAN).

V. Kasunduan
Gamit ang inyong cellular phone, kuhanan ng litrato ang magagandang tanawin
sa inyong lugar katulad ng bundok at burol. Huwag humayo sa malayo at
delikadong lugar. Sapat na ang isang litrato sa bawat pangkat.

Pinansin:
Hulyo 11, 2016
____________________________
ARNEL V. HINGUILLO
(Guro sa Araling Panlipunan 7, BNHS)

NOTHING FOLLOWS • NOTHING FOLLOWS • NOTHING FOLLOWS • NOTHING FOLLOWS • NOTHING FOLLOWS • NOTHING FOLLOWS

You might also like