You are on page 1of 10

Unang Markahan - Ikalawang Linggo

Unang Araw

I. Layunin
1.Naipapaliwanag ang kahulugan ng pagbubukas ng Suez Canal
sa pandaigdigang kalakalan.
2. Masigasig na nakakasali sa “brainstorming” at talakayan tungkol
sa mga epekto ng pagbubukas ng Suez Canal.
3.Nakagagawa at nakaaawit ng jingle tungkol sa mga naging impluwensya
ng pagbubukas ng Suez Canal.
ll. Nilalaman
A. Paksa:
Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan.
“Pagbubukas ng Suez Canal”
B. Sanggunian:
CG AP6PMK-lb-4, AP6 Kasaysayang Pilipino
C. Kagamitan :
mga larawan
D. Isinanib na Aralin:
Filipino, Pagkilala sa sanhi at bunga
lll. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1.Balitaan
2.Balik- aral
Buuin ang semantic web. Isulat ang mga salitang naiisip ninyo kaugnay
ng salitang nasyonalismo.

nasyonalismo

3.Pagganyak
Ipakita ang larawan ng tulay ng Calumpang. Itanong sa mga bata
ang kahalagahan ng tulay na ito sa mga taga Lungsod ng Batangas.
B. Panlinang na Gawain
1. Pangkatang Gawain
Pangkat 1
Ipabasa ang LM at bumuo ng isang jingle upang sagutin
ang tanong.
Ano ang kabutihang dulot ng pagbubukas ng Suez
Canal para sa mga sasakyang pandagat sa mga manlalakbay na taga
Maynila at mga Espanyol.
Pangkat 2
Ipabasa ang LM at gumawa ng isang awit upang sagutin
ang tanong.
Bakit naging mabilis ang pagpasok ng mga dayuhang
may dalang iba’t ibang ideya na pumukaw sa kaisipan ng mga
mamayan?
Pangkat 3
Ipabasa ang LM at sagutin ang tanong sa pamamagitan ng jingle na
inyong mabubuo.
Bakit namulat ang mga Pilipino sa kaisipang liberal?
2. Talakayan
Pag usapan ang mga naging kasagutan ng bawat pangkat.
3. Paglalahat
Anong naging bunga ng pagbubukas ng Suez Canal sa mga
manlalakbay?
Ano naman ang sanhi upang mapadali ang transportasyon at
komunikasyon sa mga Pilipino at Kastila
4.Paglalapat
Ano kaya ang mangyayari sa ating paglalakbay kung hindi
naimbento ang barko, eroplano, kotse.
Paano kaya natin madadala 2n gating mga kalakal sa pamilihan?
lV. Pagtataya
Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagbubukas ng Suez Canal .
V. Takda
Gamit ang typewriting iguhit ninyo ang kabutihang naidulot sa atin ng
pagbukas ng Suez Canal.
Unang Markahan - Ikalawang Linggo
Ikalawang Araw

I. Layunin
1. Natatalakay ang epekto ng pagbubukas ng mga daungan sa bansa
2. Napapahalagahan ang epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng
bansa sa pandaigdigang kalakalan
3. Nakalilikha ng poster tungkol sa epekto ng pagbubukas ng mga
daungan ng bansa sa pandaigdigang kalakalan
II. Nilalaman
A. Paksa:
Epekto ng Pagbubukas ng mga Daungan sa Bansa sa Pandaigdigang
Kalakalan
B. Sanggunian:
Curriculum Guide 6, Kayamanan 6, pp.21-31
C. Kagamitan:
Mga larawan,handouts, tsart, bola, laptop, tv
https://www.youtube.com/watch?v=D13zsLJOaL
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-Aral
Pagpapakita ng talaan tungkol sa sanhi at bunga ng pagbubukas ng Suez
Canal.
Punan ang tsart ng mga impormasyon na nagsasaad ng mga
sanhi at bunga ng pagbukas ng Suez Canal.
3. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng pinakamalapit at pinakakilalang
daungan sa kanilang lugar. (Batangas Port)
Ipalarawan sa mga bata ang ipinakitang mga daungan.
B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
Powerpoint Presentation
Pagpapakita ng video/larawan ng mga sinaunang daungan sa
Pilipinas.
2. Analisis
Focused Group Discussion
Pangkatin ang klase sa 4 na grupo. Bigyan sila ng hand-outs na
naglalaman ng paksang-aralin. Hayaan silang pag-usapan ang mga
ito.
3. Abstraksyon
Think-Pair-Share
Panoorin ang video na ipapanuod ng guro ukol sa kalakalang
galyon sa panahon ng mga Espanyol.
https://www.youtube.com/watch?v=D13zsLJOaL
Gamit ang naunang pagpapangkat, bigyan ang bawat grupo ng
larawan. Ang mga miyembro ay magbabahaginan ng kanilang mga
kaalaman at pananaw ukol sa napanood na video. (Silbi ng
Kalakalang Galyon sa Panahon ng Espanyol).
Pagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa paksa:
Epekto ng pagbukas ng mga daungan sa bansa
Punan ang concept map. Ano ang mga epekto ng pagbubukas
ng mga daungan sa pandaigdigang kalakalan?.

4. Aplikasyon
Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang mga kahalagahan
ng mga daungan sa ekonomiya ng bansa.
5. Paglalahat
Ano-ano ang epekto ng pagbubukas ng mga daungan sa
pandaigdigang kalakalan?
Paano mo mapahahalagahan ang mga epekto ng pagbubukas
ng mga daungan sa bansa?
IV. Pagtataya
Pangkatang Gawain
A. Talakayin ang mga epekto ng pagbubukas ng mga daungan sa bansa sa
pamamagitan ng pag-uulat. Gawing gabay sa pagtupad ng gawain ang
sumusunod na rubric.

Rubrik sa Pagmamarka ng Ulat


Pamantayan Puntos Nakuhang
Puntos
Wasto ang impormasyong iniulat sa klase 6

Mayaman sa impormasyon ang presentasyon 6


Mahusay ang presentasyon ng impormasyon sa
3
klase
Kabuuang Puntos 15
B. Lumikha ng isang poster tungkol sa epekto ng pagbubukas ng mga
daungan ng bansa sa pandaigdigang kalakalan.
Markahan ang mga mag-aaral ayon sa panuntunan ng pagkakagawa ng
likhang sining.

Rubric ng Pagmamarka
5 – Pinakamaganda ang poster, nagpamalas ng pagkamalikhain ang
mga kasapi
4 – Maganda ang poster at may pagkakaisa ang mga kasapi
3 – Maganda ang pagkakaguhit ng poster ngunit walang kulay
2 – May iginuhit, walang kulay at hindi malikhain
1 – Hindi natapos ang pagguhit
V.Takda
Bukod sa mga daungan, sa anong paraan pa naiaangkat ng mga tao ang
kanilang mga produkto?
Unang Markahan-Ikalawang Linggo
Ikatlong Araw

l. Layunin
1. Naipaliliwanag kung paano umusbong ang gitnang uri sa lipunan
sa Pilipinas.
2. Napahahalagahan ang epekto ng pag usbong ng gitnang uri
sa lipunang Pilipino
ll. Paksang Aralin
A. Paksa:
Pag usbong ng gitnang uri
B. Sanggunian:
CG AP6PMK-lb-4, AP6 Kasaysayang Pilipino, LM AP6
C. Kagamitan:
mga larawan
lll. Pamamaran
A. Balik-Aral
Gamit ang semantic web
Anu ano ang pagbabagong naganap sa Pilipinas sa Pagbukas ng
Suez Canal?
B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
Pangkatang Gawain
Pangangalap ng datos gamit ang aklat.
Pangkat l: Isulat sa metacards ang mga pagbabagong
pangkabuhayan noong umusbong ang gitnang uri.
Pangkat ll: Isulat sa metacards ang mga pagbabago sa larangan ng
edukasyon noong umusbong ang gitnang uri,
Pangkat lll: Gamit ang radio broadcasting ipahayag sa klase ang
kinahinatnan sa pag usbong ng gitnang uri.
2. Analisis
Palitang kuro sa mga pagbabagong naganap sa larangan ng
pangkabuhayan at edukasyon batay sa nakalap na datus.
3. Abstraksyon:
Ano ang pagbabagong naganap sa kabuhayan ng mga
Pilipino noong umusbong ang gitnang uri?
Ano naman ang pagbabago sa larangan ng edukasyon?
4. Aplikasyon:
Kung kayo ay nabigyan ng pagkakataon na naging kabilang
sa Pilipinong nasa gitnang uri, anong gagawin mo upang
mapaunlad ang edukasyon sa ating bansa?
5. Paglalahat:
Ano ang dulot ng pag usbong ng gitnang uri sa larangan ng
edukasyon at kabuhayan.
Ang pag usbong ng gitnang uri ay nagdulot ng positibong resulta sa larangan
ng edukasyon at kabuhayan.

IV. Pagtataya
Sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.Nang mabuksan ang Suez Canal na nagpadali sa transportasyon maraming
mga dayuhan ang nagdala ng kanilang puhunan sa Pilipinas. Alin sa mga sumusunod
ang hindi kabilang sa mga ito?
a. Arabe b. Tsino
c. Amerikano d. Ingles
2. Dahil sa pagbabagong pang ekonomiya ng bansa may mga
Pilipinong umunlad ang kabuhayan kayat nakapag aral sila sa ibang bansa. Ano ang
dulot nito sa mga Pilipino noong panahong iyon?
a. Nagkagulo ang mga tao dahil nagpang-agaw sila sa kayamanan.
b. Namulat sila sa maling pamamahala ng mga kastila sa ating bansa.
c. Lumipat sila ng ibang lugar dahil ayaw na nilang manirahan sa Pilipinas.
d. Lahat ng Pilipino ay naging hasyendero at hasyendera.
3. Ang mga sumusunod na pangungusap ay epekto ng pag usbong ng gitnang
lipunan sa Pilipinas. Alin ang hindi?
a. Nakihalubilo sila sa matataas na tao sa lipunan.
b. Nakapag aral ang mga anak ng Pilipinong umunlad ang kabuhayan.
c. Naiahon nila ang Pilipinas sa kahirapan.
d. Lalong naghirap ang mga Pilipino.
4. Paano nagkaroon ng gitnang uri ng tao sa lipunang Pilipino noong panahon ng
kastila?
a. Sa pagkamulat ng mga Pilipinong nangibang bansa at nakapag aral
b. Sa pakikihalubilo sa mga taong may mataas na katayuan sa lipunan.
c. Sa paghiling nila sa kastila ng pagbabago sa kanilang pamamahala.
d. Sa paghahangad nilang maiahon sa hirap ang mga Pilipino.
5. Ang sumusunod na mga bayani ay napabilang sa gitnang uri ng tao sa lipunan
noong panahon ng kastila, sino sa kanila ang hindi kabilang?
a. Jose P. Rizal b. Rodrigo Duterte
c. Juan Luna d. Pedro Paterno
V . Takda
Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan tungkol sa kahalagahan ng
pag usbong ng gitnang uri sa larangan ng edukasyon.
Unang Markahan - Ikalawang Linggo
Ikaapat na Araw

I. Layunin
1. Nakapagtatala ng mga dahilan sa pagsasabatas ng Dekretong
Edukasyon ng 1863 at mga naging epekto nito
2. Nakapagpapahalaga sa mga kabutihang dala ng edukasyon
3. Nakakagawa ng poster na may slogan na nagpapakita ng kahalagahan
ng edukasyon
II. Nilalaman
A..Paksa:
Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863
B. Sanggunian:
Curriculum Guide 6, Kayamanan 6, pp.21-31,
http://irishmurillodizon.blogspot.com/2014/02/isang-pagsusuri-sistema-ng-
edukasyon.html
C.Kagamitan:
mga larawan,handouts, tsart, bola, laptop,tv
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-Aral
Magkaroon ng review sa nakaraang leksyon sa pamamagitan ng
pagtatanong ng mga katanungang sasagutin ng Tama o Mali. Kung
ang sagot ay Tama, ang mga mag-aaral ay tatayo at kung Mali naman
ang kanilang sagot, sila ay uupo sa kanilang upuan.
3.Pagganyak
Pass the ball: Itanong sa mga mag-aaral kung bakit mahalaga ang
kanilang pag-aaral dito sa paaralan. Magpapaikot at magpapapasa ng
isang bola ang mga mag-aaral habang tumutugtog ang musika. Ang
sinomang may hawak ng bola sa paghinto ng musika ang siyang
sasagot sa tanong.
B. Panlinang na Gawain
1..Aktibiti
Powerpoint Presentation
Ilahad sa mga mag-aaral ang naging adhikain ng pamahalaan
Espanyol sa pagtatag ng sistema ng edukasyon sa ating bansa upang
tugunan ang mabilis na paglaganap ng kaisipang liberal. (Sumangguni
sa LM para sa mga detalye ).
2. Analisis
Focused Group Discussion
Pangkatin ang klase sa 5-8 grupo. Bigyan sila ng hand-outs na
naglalaman ng paksang-aralin. (Sumangguni sa LM para sa
karagdagang impormasyon). Hayaan silang pag-usapan ang mga ito.
3. Abstraksyon
Data Retrieval Chart
Magbigay ng Blank Chart sabawat pangkat. Ipatala sa mga mag-
aaral ang mga dahilan sa pagsasabatas ng Dekretong Edukasyon ng
1863 at ang mga naging epekto nito sa bayan.
Magtalakayan, buuin o lagumin ang mga natapos na mga Data
Retrieval Chart ng mga mag-aaral.
4. Aplikasyon
Pass the Ball
Itanong sa mga mag-aaral kung paano nila mapahahalagahan
ang edukasyon. Magpapaikot at magpapapasa ng isang bola ang
mga mag-aaral habang tumutugtog ng musika. Ang sinomang may
hawak ng bola sa paghinto ng musika ang siyang sasagot sa
tanong.
5. Paglalahat
Ano-ano ang dahilan sa pagsasabatas ng Dekretong
Edukasyon ng 1863? Ano-ano naman ang naging epekto nito?
Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga kabutihang
dulot ng edukasyon?
IV.Pagtataya
A. Piliin at itala ang mga pangungusap na nagpapakita ng mga dahilan ng
pagsasabatas ng Dekretong Edukasyon ng 1863.
1.Upang magkaroon ng aktibong partisipasyon ng isang
mamamayan sa ugnayang sosyal ng isang komunidad
2. Nagkaroon ng liberal na kaisipan o ideya ang mga Pilipino
3. Namulat ang mga Pilipino sa maunlad na kaisipan
4. Nang matulungan ang abang kalagayan ng maraming mga
Pilipinong hindi nakapag-aaral
5. Nagising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino

Pagsasabatas ng Dekretong Edukasyon ng 1863


Dahilan Epekto
1. 3.
2. 4.
5.

B. Gumawa ng isang poster na may slogan na nagpapakita ng kahalagahan ng


edukasyon.
V.Takda
Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga kabutihang dala ng
edukasyon.?
Unang Markahan – Ikalawang Linggo
Ikalimang Araw

I. Layunin:
A. Nakakakuha ng tamang sagot ang bawat mag-aaral sa pagsusulit;
B. Nakasusunod sa mga layunin at panuto ng pagsusulit;
C. Nakapagpapakita ng katapatan at disiplina sa sarili habang may
pagsusulit.
II. Nilalaman
A. Paksang Aralin
Lingguhang Pagsusulit
B. Sanggunian:
Curriculum Guide, Kayamanan 6, pp.21-31
C.Kagamitan:
testpaper
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Aktibiti
Pagpapaliwanag ng guro sa mga layunin at panuto ng pagsusulit
2. Analisis
Paano nasusuri ang bawat katanungan?
Naging mahirap ba o madali ang pagsusulit?
3. Abstraksyon
Pagbibigay ng pagsusulit sa bawat mag-aaal
4. Aplikasyon
Pagpapakita ng mga mag-aaral ng disiplina at katapatan habang
isinasagawa ang pagsusulit
IV. Takda
Sa isang buong papel, isulat kung ano ang iyong saloobin kung sakaling may
nag-alok sa iyo na makisama sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

You might also like