You are on page 1of 12

Bilang

95
Marso 2019

SBPL nagkaloob ng 100M Grant at 110M


Advance Financial Assistance sa Brgy. Cagsiay 1,
Lokal na Pamahalaan ng Mauban
at Lalawigan ng Quezon

(Itaas) Malugod na tinanggap ni Brgy. Chairman Orly Mandrique


at Mayor Dingdong ang mga pondong nakalaan para sa Brgy.
Cagsiay 1 at Lokal na Pamahalaan ng Mauban. Kasama sa
larawan ang mga konsehal ng bayan ng Mauban at Brgy. Cagsiay 1
at ang pamunuan ng QPL-SBPL.
(Kaliwa) Nagbigay ng maikling mensahe si G. Frank Thiel sa
ginanap na MOA Signing ng SBPL Advance Financial Assistance.

Noong ika-23 ng Enero 2019, sama-samang nilagdaan MGA BALITA


nina G. Frank Thiel, SBPL General Manager, Mayor Dingdong 2 • Mga Pagbabago Tungkol 8 • Muling Paghahanda ng
Llamas, Punong Bayan ng Mauban at ni Kapitan Rogelio sa Programang ER 1-94 Dalaw Turo Team para sa
Mandrique ng Barangay Cagsiay I ang kasunduang nakapa- ng Department of Energy Taong 2019
3 • Nakatakdang Taunang 9 • Kaalamang Pangkalusugan:
loob sa San Buenaventura Power Limited Co. Advance Pagsasaayos ng Planta Hot na Hot Ka na Ba?
Financial Assistance. Ang Advance Financial Assistance ay • Tamang Pagbabayad ng 10 • Tagumpay sa Trabaho:
bahagi ng DOE ER 1-94 kung saan ang lahat ng bagong Buwis,Tungkuling Hindi Ating Kilalanin:
itinatayong planta ng kuryente ay kinakailangan na magbigay Kinalilimutan ng QPL-SBPL Jonefer Benitez
4 • Editoryal: Halalan 2019 11 • Softball Team ng Cagsiay II
ng paunang pondo sa lalawigan, bayan at barangay kung • Boteng Itinapon Mo, National High School,
saan itatayo ang planta. Pakikinabangan Ko Suportado ng QPL-SBPL
Ang kabuuang halaga na natanggap ng bayan ng Mauban 5 • IEC School Envi Contest 12 • St. Clare Monastery,
ay 45 milyon, sa probinsya ng Quezon ay 40 milyon at sa 6 • Palaisipan Blg. 77 Tumanggap ng mga Gamot
• Alam Ba News mula sa SBPL
barangay ng Cagsiay I ay 25 milyon. Ang halagang ito ay 7 • Isinagawang Steam Blow, • Bigas Para sa mga Pulis
gagamitin nila sa mga sumusunod na proyekto: Ipinabatid sa mga taga at Sundalo
Sundan sa pahina 2 Dalig ng Brgy. Cagsiay I
SBPL nagkaloob ng 100M Grant at 110M
Advance Financial Assistant Fund... mula pahina 1
Mga pagbabago tungkol PROBINSIYA NG QUEZON
sa Programang ER 1-94 Mga Proyekto
1. Construction of Three (3) Storey Science
Pondo
40,000,000.00
(Energy Regulations) Laboratory Building at Quezon Science
High School in Tayabas, Quezon
ng Department of Energy TOTAL PROVINCE
MUNICIPALITY OF MAUBAN
Php40,000,000.00

Mga Proyekto Pondo


1. Construction of Eight (8) Classroom 13,654,871.58
Patuloy na tumutulong ang Quezon Power at School Building Type 1 for the Pambayang
San Buenaventura Power sa pagpapaunlad ng Kolehiyo ng Mauban Complex in the
Municipality of Mauban, Quezon
lalawigan ng Quezon, bayan ng Mauban at Barangay 2. Construction of Eight (8) Classroom 13,507,602.78
Cagsiay 1 sa pamamagitan ng binuong Energy School Building Type II for the Pambayang
Regulation 1 – 94 ng Department of Energy. Layunin Kolehiyo ng Mauban Complex in the
ng programang ER 1-94 na mabigyan ng kaukulang Municipality of Mauban, Quezon
pondo ang host community kung saan nakatayo ang 3. Construction of Multi-Purpose Covered 6,230,730.74
planta ng kuryente. Court Project for the Municipality of
Mauban, Quezon
Ang mga pondo ay nahahati sa mga sumusunod: 4. Construction of Administration Building 11,179,736.07
1. Electrification Fund for Pambayang Kolehiyo ng Mauban
(PKM) in Brgy. Polo, Mauban, Quezon
2. Development and Livelihood Fund 5. To be determined (TBD) 427,058.83
3. Reforestation, Watershed Management TOTAL MUNICIPALITY Php45,000,000.00
and/or Health and Environment
BARANGAY CAGSIAY I
Enhancement Fund Mga Proyekto Pondo
1. Rehabilitation of Water Supply System & 10,343,480.18
Ang bawat kilowatt hour ng enerhiya na nagmumula Construction of Elevated Water Tank
sa Quezon Power Plant ay may karampatang 1 sentimo 2. Phase III – Construction of 5,354,859.51
na mapapapunta sa tatlong pondong nabanggit. Ang Multi-Purpose Covered Court Project
kabuuang halaga ng 1 centavo/kilowatt hour ay 3. Improvement of Barangay Hall 1,232,643.35
ibinibigay sa Department of Energy kada ikatlong (Canopy Office)
buwan. Ito ay nahahati-hati sa mga sumusunod: 4. Purchase of Ambulance 2,008,230.00
5. Construction of Concrete Footbridge 99,141.00
50% para sa Electrification Fund in Sitio Dalig, Brgy. Cagsiay 1,
Mauban, Quezon
25% para sa Development and Livelihood Fund
6. Construction of Canteen for 1,137,420.76
25% para sa Reforestation, Watershed Resettlement Homes
Management and/or Health and 7. Construction of Multi-Purpose 3,773,956.37
Environment Enhancement Fund Covered Court Project
Limang Porsyento (5%) ng DLF at RWMHEEF 8. To be determined (TBD) 1,050,268.83
TOTAL BARANGAY Php25,000,000.00
ay nakalaan sa Resettlement Homes
Bente Porsyento (20%) naman ng DLF at
RWMHEEF ay napupunta sa Barangay
Cagsiay 1 o host barangay
Tatlumpu at Limang Porsyento (35%) ng DLF
at RWMHEEF ang para sa Mauban
o Host Community
Tatlumpung Porsyento (30%) ang para
sa Quezon o Host Province
At ang natitirang Sampung Porsyento (10%)
ng DLF at RWMHEEF ay para sa
CALABARZON Region
Nilagdaan ang kasunduan sa SBPL Advance Financial Assistance
Kung dati na ang pondo ay ibinibigay muna ng planta nina (mula kaliwa) Mayor Dingdong Llamas, G. Frank Thiel
at Kapitan Orly Mandrique ng Brgy. Cagsiay 1.
sa DOE o Department of Energy na syang nangangasiwa
at nagmomonitor ng lahat ng proyekto na isinusumite Bilang pagsuporta sa paglagda ng kasunduan, kasama
ng mga beneficiaries bago ibigay ang kaukulang ni Punong Bayan Dingdong Llamas ang mga konsehal ng
pondo ng bawat proyekto ngayon ay hindi na dadaan Mauban at ang lahat ng hepe ng mga departamento ng
ang pondo sa DOE kundi diretso na itong ibibigay o munisipyo. Samantala, kasama naman ni Kapitan Orly
idedeposito ng planta sa kanya kanyang bank account Mandrique ang lahat ng konsehal ng Barangay Cagsiay I.
ng LGU Mauban, Province at Barangay, at sa LGU na Bukod dito, nagkaloob din ang SBPL ng dagdag pondo
maaaprubahan ng CALABARZON RDCC. para sa bayan ng Mauban na 60 milyon at sa lalawigan ng
Quezon na 40 milyon noong 2018.
2 TINIG NG KAUNLARAN | MARSO 2019 BLG. 95
NAKATAKDANG TAUNANG PAGSASAAYOS
NG PLANTA
(Annual Planned Maintenance Outage Schedule)
Bilang bahagi ng taunang pagpa-
panatili para sa ikagaganda ng takbo
ng planta, ang pamunuan ay naglaan
ngayong taon ng 23 araw, simula Enero
19 hanggang Pebrero 10 taong kasalu-
kuyan upang isagawa ang taunang
pagsasaayos at pagmimintina ng planta
upang mapanatili ang maaasahan at
de kalidad na serbisyo publiko ng
pagbibigay ng kuryente. Pangunahing
gawain ay ang mga sumusunod:
1. Pagpapalit ng materyales para
‘’Reheater tubes”.
2. Paglalagay ng karagdagang
“series breaker” sa L1 at L2 na ating
“Switchyard” L1 & L2 Series Breaker installation
3. Generator (TE/CE) hydrogen seal
replacement
4. MSV 1&2 inspection
5. Pagpapalit ng 60 batteries
(1 string) sa bank 2
6. Turbine bearing inspection
7. Pagpapalit ng GRP sa seawater
supply discharge pipe.
8. Air heater basket inspection
9. Main Boiler inspection
Ang mga nasabing gawain ay
matagumpay at ligtas na natapos sa
Reheater Tubes replacement Sea Water GRP replacement
pamumuno ni Engr. Nonie Ercia
Maintenance Superintendent at kontraktor at 32 dito ay mga banyaga. Masasabi na ang 2019 QPL Plant
Outage Manager at ng buong Matagumpay na naibalik ang Outage ay naging matagumpay at
samahan sa departamento ng operasyon ng planta noong Pebrero walang naging suliranin sa kaligtasan
“Maintenance” at “Operation” kasama 8 ganap na 11:58 ng gabi makaraan ng mga manggagawa, paglabag sa
na rin ang mga lokal at dayuhang ang 21 na araw. Una ng 2 araw sa kalikasan at ayon sa itinakdang
kontratista. Sa kabuuan may 1,478 na itinakda ng planta na 23 araw. budget ng planta.

Tamang pagbabayad ng buwis,


tungkuling hindi kinalilimutan ng QPL-SBPL
Masigasig na ginagampanan ng
QPL-SBPL ang taunang pagbabayad
ng business permit na ipinagkaka-
loob ng pamahalaan ng Mauban sa
lahat ng establisyemento na
matatagpuan dito. Tuwing sasapit
ang Enero, una sa mga gawain ng
QPL-SBPL ang asikasuhin ang lahat
ng mga dokumento na kailangan
para sa buwis pangangalakal.
Sinisigurado ng planta na matutugu-
nan nila ang lahat ng kailangan at
makakapagbayad sila ng buwis bago
sumapit o sa itinakdang huling araw
Makikita si Gng. Vandeeh Alad ng QPL-SBPL na nakikipag-ugnayan kay ng pagkuha ng business permit.
Gng. Kenneth Caliwanagan ukol sa buwis na babayaran ng planta ngayong 2019. Sundan sa pahina 10

TINIG NG KAUNLARAN | MARSO 2019 BLG. 95 3


BOTENG ITINAPON MO,
Editorial PAKIKINABANGAN KO
Bilang bahagi ng adbokasiya ng QPL-SBPL na panga-
lagaan ang kapaligiran at makatulong sa mga komuni-
dad na kinasasakupan nito, nagdonasyon ng 1,379 piraso
ng PET bottles ang planta noong ika-11 ng Enero 2019 sa
Talipan District Jail sa Pagbilao, Quezon. Bago ang
nasabing petsa, nagbigay na din ng mga PET bottles sa
nasabing institusyon noong ika-14 ng Setyembre at ika-17
ng Nobyembre 2018 kaya naman 3,911 piraso na ang
kabuuang bilang ng PET bottles na naibahagi sa kanila.
Nagsisilbing pangunahing materyal ang mga boteng ito
upang makalikha ng mga kapakipakinabang na kagamitan
gaya ng parol na ipinagbibili naman para pagkunan ng
tulong pinansyal para sa mga preso na lumilikha nito. Sa
pamamagitan ng gawaing ito, nababawasan ang mga
plastik na pwedeng mapunta sa karagatan at makapinsala
sa mga lamang dagat kagaya ng pawikan at nakakakuha
rin ng karagdagang kita para sa ating ibang kababayan na
nalihis ng landas.

Ang hinaharap
pagkatapos ng
Halalan 2019
Isang makabuluhang tungkulin na naman ang ginam-
panan ng bawat Pilipino nitong katatapos lamang na
eleksyon noong nakaraang Mayo 13. Sabi nga sa batas,
ang pag boto ay isang karapatan at kapangyarihan ng
taong-bayan dahil tayong mga ordinaryong mamamayan Ang parol na ito ay isa sa mga produktong mula sa PET bottles.
ang pumipili at nagluluklok ng mga mamumuno sa ating
bayan at sa buong bansa. Sa ating mga kamay nakasalalay
ang kinabukasan at magiging katayuan ng ating bansa.
Ngayon, tapos na ang eleksiyon. Nakilala na ang mga
nanalo na siyang pinili ng mas nakararaming Pilipino.
Pagkakataon naman ng mga nanalo na ipakita at
isakatuparan ang mga ipinangako nilang programa para
sa mga tao at para sa ating bansa. At sa mga taong
bumoto, sana ay naging makabuluhan ang inyong boto,
maraming beses na pinag-isipan at hindi nagpasilaw sa
anumang halaga o materyal na kapalit. Tandaan, hindi
lamang sa mga lider nakasalalay ang ika-uunlad ng ating
bansa at ng ating pamilya. Sa atin nagsisimula ang
magandang kinabukasan ng Pilipinas.
Dahil ang boto natin ang naglagay sa kanila sa kanilang
posisyon. Mahalaga ang tungkulin natin para magkaroon
ng magandang bukas ang bawat isa. Ang hinaharap ng
bansa ay nakasalalay sa boto ng bawat Pilipino.
Hangad namin na pagkatapos ng eleksyon ay may
mapayapa at magandang bukas tayong hinaharap. Makikita sa larawang ito ang tauhan ng Talipan District Jail (una mula sa kaliwa),
Mabuhay ang Pilipinas, mabuhay ang mga Pilipino! QPL Repository Supervisor Nante Villanueva (gitna) at Driver ng Dynamo na
nagdala ng mga donasyong PET bottles (una mula sa kanan).

4 TINIG NG KAUNLARAN | MARSO 2019 BLG. 95


Cagsiay 2 National Highschool- unang gantimpala sa nakaraang IEC School Envi Contest ng QPL at SBPL. Makikita sa larawan ang pagbisita
ng QPL-DENR-LGU Mauban IEC Dalaw Turo Team sa Cagsiay 2 National Highschool.

PAG-AALAGA NG BUBUYOG,
WAGI SA IEC SCHOOL ENVI CONTEST
Ang IEC School Envi Contest ay nasa ikatlong taon nang
isinasagawa ng QPL-SBPL, DENR at MENRO Mauban. Ang
layunin ng patimpalak na ito ay bigyang pansin ang kaha-
lagahan at tamang pangangalaga ng ating kapaligiran at kung
paano ang tamang pamamahala ng ating mga basura. Katulad
ng mga narakaraang taon, bago simulan ang nasabing
patimpalak ay nagsasagawa muna ng panayam ang grupo ng
IEC Dalaw Turo sa lahat ng sekondaryang paaralan sa bayan
ng Mauban, Sampaloc, at sa Lungsod ng Tayabas. Dito ay
itinuturo ng grupo ang kahalagahan ng ating kapaligiran at
kung paano ang tamang pagtatapon ng basura, paano maba-
bawasan ang ating basura at kung paano maiiwasan na
Cagsiay 2 National High School gumamit ng mga hindi nabubulok na mga basura.
Matapos ang IEC sa bawat paaralan ay binigyan ng 30
araw ang bawat paaralan upang magsumiti ng kanilang mga
proyekto na makakatulong sa kanilang paaralan upang
pangalagaan ang kapaligiran. Masasabi natin na lubhang
napakamalikhain ng bawat paaralan sa kanilang mga
proyektong isinumiti sa QPL-SBPL at sa pitong sumali,
ang tatlong proyekto na pumasok sa patimpalak ay ang
mga sumusunod:
NO. SCHOOL PROJECT
1. Luis Palad Oneself-to Recycle and Execute
National High Ecology Beautification Through
School Utilization Trash and Eco-bricks
MSEMSAT
2. Cagsiay 2 National Apiculture Is Our Keeps -
High School Farming and Culturing of
Honeybees For Better Living
3. Manuel S. Enverga Paradise on Top
Memorial School
of Art and Trade

Ang mga napiling proyekto ay binigyan ng mga materyales


na nagkakahalagang Limampung Libong Piso (Php50,000.00)
upang maisakatuparan ang kanilang proyekto. Noong naka-
raang Nobyembre 2018 ay ibinigay ng QPL-SBPL ang mga
nasabing materyales upang masimulan nila ang kanilang
mga proyekto. Dito ipinakita ng bawat paaralan ang kanilang
Pagkakaloob ng premyong Tatlumpung Libong Piso sa Cagsiay 2 National
pagkakaisa upang maisakatuparan ang gagawing proyekto.
High School. Unang gantimpala sa nakaraang IEC School Envi Contest. Hindi lamang mga mag-aaral ang nagsagawa, katulong din
Ang pasinaya ay dinaluhan ni G. Ronnie Talisayon (naka blue na polo) ng QPL-SBPL. nila ang mga guro, magulang at ibang
Sundan sa pahina 6

TINIG NG KAUNLARAN | MARSO 2019 BLG. 95 5


PALAISIPAN
BILANG 77
1 2 3 4 5
ALAM BA NEWS
6 7 8 9 10 11 CONGRATULATIONS
12 13 14 15
TO THE BOARD PASSER
16 17 18

19 20 21 JAIME A. LAROGA JR.


22 23 24 25 For passing the following:
- Registered Electrical Engineering
26 27 28 29
Board Examinations
30 31 32 33 April 25, 2019
- Certified Mechanic Board Examinations
34 35 36 37
October 2016
38 39 - Top 4 in the Registered Master
Electrician Board Examinations
September 2015
PAHALANG PABABA
2. Tawag sa Ama 1. Biskwit Current Work:
3. Symbol ng TIN 2. Tulad ng Plant Electrician at Quezon Power
(periodic table) #30 pahalang (Philippines), Limited Co. and
6. Di katulad 4. National University San Buenaventura Power Ltd. Co.
8. Blood type 5. Tawag sa sinisinta Barangay Cagsiay 1, Mauban, Quezon
10. Lamang lupa 7. Hugasan ng pinggan
12. Salitang anyaya sa bukid
13. Dumi sa mukha 8. Pamalit sa gatas
15. University 9. Alisan ng takip IEC School Envi Contest ... mula pahina 5
of Bohol 11. Simangot
16. Ayusing muli 13. Nasaktan,
17. Higaan salitang komiks
19. Kapatid na babae 14. Salitang pantukoy
21. Tulad ng 18. Totong Tungaw
#12 pahalang 20. Ipihit
22. A…; Puti 23. Irene Ingles
24. Bata 25. Papel (pabalik)
26. Nasa lutuan 26. Tinapay
28. Amoy sunog 27. Salitang paggalang
30. Tulad ng 29. S…; Ayap
#2 pahalang 32. Tagalog ng and
31. Tinapay 35. Tatak ng appliances
33. Overtime 37. Sambit ng naaduwa
34. Atong …
36. Sambit sa taguan
37. Di sigurado
38. Extra Terrestrial
39. Tahol ng aso
grupo tulad ng Philippine Army at ilang residente na malapit sa paaralan.
1 2 3 4 5 Upang masubaybayan, nagkaroon ng tatlong pagbisita ang QPL-SBPL,
L T I T L T
6 7 8 9 10 11 DENR at MENRO IEC Dalaw Turo Team sa bawat paaralan. At nitong
I B A A S I K O nakaraang Marso 14, 2019 ay isinagawa ang pagpili sa pinaka
12 13 14 15
T A A R A T A G matagumpay na proyekto at ang mga nagwagi ay:
16 17 18 19
O T U K K A T R E RANK SCHOOL PRIZE 50% FOR 50% FOR
20
THE STUDENT THE SCHOOL
I G
21 22
T A L S I
23 24 25 1ST Cagsiay 2 National Php30,000.00 Php15,000.00 Php15,000.00
K O L A N I T High School
B A K A T K E
26 27 28 29
I L 2ND Manuel S. Enverga Php20,000.00 Php10,000.00 Php10,000.00
30 31 32 33 Memorial School
O L L A A T L A of Art and Trade
34 35 36 37
S I P R T B A T 3RD Luis Palad National Php10,000.00 Php 5,000.00 Php 5,000.00
38 39 High School
O U N M O A
Itinaon na ipinagkaloob ang mga papremyo sa kanilang graduation
SAGOT SA PALAISIPAN 76 kung saan sadyang napakamakulay ng araw na iyon para sa mga
Mga Nanalo:
1. Aljerwin Jaca – DMDPHS mag-aaral sa kadahilanang malaki ang kanilang natutunan kung
2. Honey P. Balitaan – Municipal Budget Office paano ang tamang pangangalaga ng ating likas na yaman. Umaasa
3. Rowena Urgelles – Brgy. Rizaliana kami na ipagpapatuloy ng paaralan ang proyektong nasimulan ng
4. Ohyette M. Gandia – Brgy. Bagong Bayan kanilang mag-aaral at para sa mga mag-aaral, huwag ninyong itigil
5. Baby Escasa – Brgy. Lual (Pob.)
6. Daisy Callejo – Brgy. Lual (Pob.) ang pangangalaga at pagmamahal sa ating inang Kalikasan.

6 TINIG NG KAUNLARAN | MARSO 2019 BLG. 95


Isinagawang Steam Blow ng SBPL,
ipinabatid sa mga taga Cagsiay 1
Bago pa naganap ang steam blow ng San Buenaventura Power Limited Co. (SBPL) ay nagsagawa na ng Steam Blow
lecture sa mga residente ng Sitio Dalig, Brgy. Cagsiay I ang SBPL. Ito ay ginanap noong ika 23 ng Pebrero 2019. Ang mga
paksang tinalakay ang mga sumusunod:

Paksa Paliwanag
• Ang steam blow ay ang pagbuga
Ano ang steam blow
at bakit kailangan ng singaw bilang paglilinis ng mga
ng steam blow? tubo ng isang planta.
• Walang pinagkaiba ito sa isang
bagong sasakyan na kailangang
balansehing mabuti ang dami ng
hangin at gatong sa loob ng
karburador para makuha ang
pinakamaganda at pinong takbo
na walang usok.
• Ang steam blowing ay bahagi ng
pagtotono ng boiler ng planta.
Ang kaganapang ito ay simbolo ng
nalalapit na operasyon ng planta.
Isang beses lang itong isasagawa
sa buhay ng planta.

Sino ang Ang steam blow ng San Buenaventura


magsasagawa Power Plant ay isasagawa ng
ng steam blow? DAELIM.
Residente ng Sitio Dalig habang binabasa ang abiso tungkol sa Steam Blow lecture.
Gaano kalakas ang Ang tunog na maririnig tuwing
tunog ng steam blow? magaganap ang steam blow sa
inyong lugar ay tinatayang mula 40
dB hanggang 90 dB. Mahina ito
kumpara sa QPL steam blowing
noon dahil sa makabagong
teknolohiya kung saan gagamit ng
silencer na siyang magbabawas ng
ingay na maririnig.

Kailan at anong oras • Simula Marso 2, 2019 hanggang


isasagawa ang Marso 25, 2019 o maaring maging
steam blowing? mas maaga ng ilang araw.
• Oras – 7:00 ng umaga hanggang
G. Chuckie C. Rivera, QPL-SBPL Community Relations Manager, ipinaliliwanag
10:00 ng gabi ang mga antas ng tunog ng Steam Blowing.
• Dalas – 3 hanggang 4 na sunud-
sunod na pagsingaw na tatagal ng
20 segundo kada singaw sa loob
ng 5 minuto. Pagkatapos ng 90
minuto, muling magpapasingaw
ng 3 hanggang 4 na sunud-sunod.
Ito ay magaganap hanggang
sumapit ang ika 10:00 ng gabi at
tinatayang sampung paulit-ulit
(cycle) o 30 beses na pagsingaw
ang maisasagawa sa isang araw.

Anu-ano ang mga Walang nakikitang pagkaantala


dapat at hindi dapat sa mga regular na ginagawa. (Itaas)
gawin sa oras ng Ipagpatuloy lamang ang mga Isa sa mga dumalo sa
steam blowing? kasalukuyang ginagawa. panayam ay si
G. Benjamin Montifar Jr.
Sino ang kakausapin Mr. Chuckie C. Rivera – QPL-SBPL ng DENR Mauban.
kung may katanungan Community Relations Manager, (Kaliwa)
o reklamo tungkol CP No. 0918-905-8919 Isa sa mga dumalo
sa steam blowing? habang binabasa ang
Mr. Kwangsoo Han – Daelim Steam Blow leaflets na
General Manager ipinamahagi noong
CP No.: 0999 223 3609/0917 592 0639 isinagawa ang
Steam Blow lecture.
TINIG NG KAUNLARAN | MARSO 2019 BLG. 95 7
Ang grupo ng QPL-SBPL kasama ang DENR at MENRO Mauban para sa taunang pagpaplano ng mga programang pang komunidad.

TAUNANG PAGHAHANDA
NG IEC DALAW TURO TEAM, GINANAP
Isang buong araw ang ginugol ng DENR, Mauban MENRO mga dadalo sa isasagawang IEC kada barangay. Minabuti rin
at QPL-SBPL Dalaw Turo Team upang muling pagplanuhan ng grupo na baguhin ang ilan sa mga presentasyon upang
ang mga dapat na gawain ngayong 2019. Ginanap ang mas maunawaan ng mga tao ang nais ipabatid ng grupo.
nasabing pagpupulong noong ika-30 at 31 ng Enero, 2019 Ito ay kung anu-ano ang mga pamamaraan upang sila ay
sa Makati Diamond Residences. Ang mga kasapi ng Dalaw makatulong para pangalagaan ang ating kalupaan, karagatan,
Turo na dumalo ay mula sa QPL-SBPL Public Affairs at kagubatan at kapaligiran.
Health Safety & Environment (HSE), MENRO ng Mauban at Pinalawak din ng grupo ang mga paaralan na bibisitahin
DENR-PENRO. ngayong taon. Napagkaisahan na dahil tapos ng bisitahin
Ngayong taon, hangad ng grupo na madagdagan at noong nakaraang taon ang mga sekondaryang paaralan sa
maghikayat ng mga bagong kalahok. Upang maisakatuparan Sampaloc at Tayabas, ang mga paaralan naman sa bayan
ito ay hihingi ng tulong ang grupo sa mga lider ng 4Ps at sa ng Pagbilao at Lucban, Quezon ang bibisitahin ng grupo
bawat Barangay Health Worker (BHW) na maghikayat ng ngayong 2019.

Isinagawang Steam Blow, ipinabatid sa mga taga Dalig ng Brgy. Cagsiay I ... mula pahina 7

Ang pagpapaliwanag ay Antas ng tunog ng steam blow


pinangunahan ni G. Chuckie C.
Rivera, QPL-SBPL Community
Relations Manager kasama ang
iba niyang kasamahan at ilang 90 dB
kawani ng Daelim sa pangun-
guna ni Mr. Kwangsoo Han.
Kabilang sa mga paksa ay ang
antas ng tunog na maririnig ng Ingay ng mga trak na dumadaan,
mga taga Dalig. Makikita sa tunog ng umaandar na motorsiklo na
may layong pito’s kalahating metro
85 dB
larawan ang antas ng tunog ng
steam blow.
*70dB Kantahan gamit and videoke,
Ang maikling pagpupulong ingay ng mga sasakyan
ay dinaluhan ng mahigit
isangdaan at limampung katao
kabilang ang mga inimbitahan
60 dB
na representante ng DENR,
miyembro ng MMT at mga
opisyal ng Barangay Cagsiay I Pagaspas ng mga dahon, tahol ng mga
sa pangunguna ni Kapitan aso, tunog ng alon sa dagat na pumapalo
Rogelio Mandrique at mga sa dalampasigan, nag-uusap na mga tao
40 dB
residente ng Dalig. *55dB Huni ng insekto, pag-iingay
ng palaka

8 TINIG NG KAUNLARAN | MARSO 2019 BLG. 95


KAALAMANG
PANGKALUSUGAN
MGA PAYO NI DOC

HOT NA HOT
KA NA BA?
Summer na! Kadalasan ito ay panahon ng paglilibot,
mga outing at mga exciting na mga gimikan sa beach. Pero
napansin nyo ba, kakaiba ang init ng summer ngayon. Sobra
ang init! Ayon sa tala, ito na marahil ang isa sa pinakamainit
na summer na kasalukuyan nating nararanasan. At kasabay
ng sobrang init ay ang maaaring mga panganib sa ating sintomas nito ang mga sumusunod: pamumutla at pagpa-
kalusugan. Pangunahing panganib na dala ng sobrang init pawis ng sobra, pagkaramdam ng sobrang kapaguran,
ay ang heat stroke. Maaari din tayong makaranas ng heat pagkahilo o kaya ay pagkahimatay. Ang heat exhaustion
exhaustion, heat cramps, heat collapse, heat rashes at heat ay mapanganib dahil ang cooling system na kontrolado
fatigue. Bagama’t hindi kasing panganib ng heat stroke, ng utak ay hindi gumagana. Kapag hindi naagapan, ito ay
ang mga nasabing panganib ay maaaring magdulot din ng maaaring maging sanhi ng brain damage o di kaya ay
matinding paghihirap sa may katawan. organ failure.
Ang heat cramps ay kadalasang nararamdaman natin sa Sa mga panganib na dala ng sobrang init, ito na marahil
ating mga braso, hita o sa sikmura, madalas na nangyayari ang pinaka delikado, ang heat stroke! Ang heat stroke ay
ito sa gabi, pagkatapos na ng trabaho at habang tayo ay karaniwang nagmumula sa sobrang paglalaro o pagtatra-
nagpapahinga na. Ang mga pangunahing sanhi nito ay ang baho sa maiiinit na kapaligiran at kakulangan ng tubig sa
masyadong pagkapagod dahil sa mga pisikal na pagtatra- ating katawan. Karaniwang nasa panganib ng heat stroke
baho, dehydration dahil sa kakulangan ng tubig sa ating ang mga bata, ang mga matataba, mga taong hindi
katawan. Bagama’t masakit sa katawan, ito ay hindi pinagpapawisan o di sanay pawisan.
nagdudulot ng permanenteng panganib sa may katawan. Kapag ang isang kasamahan sa trabaho ay naging biktima
Madali lamang solusyunan ang heat cramps, magpahinga ng heat stroke, narito ang mga ilan sa mga paunang lunas
sandali, uminom ng malamig na tubig o mga inuming may na maaaring gawin: ilagay sa lilim ang na heat stroke,
mga electrolytes tulad ng Gatorade, unti-unting subukang kung may available na air-conditioned room, dalhin siya
igalaw at masahihin ang apektadong parte ng katawan, duon, ihiga sya at luwagan ang kasuotan, simulang
itigil muna ang pisikal na ginagawa at tawagan ang inyong pababain ang temperatura ng biktima sa pamamagitan ng
supervisor. Kapag hindi bumuti ang pakiramdam, agad na paglalagay ng cold packs, pagpapaypay o paypayan siya.
magtungo sa klinika. Painumin ng malamig na tubig. Tandaan, huwag na huwag
Hindi tulad ng heat cramps, ang heat exhaustion ay siyang bibigyan ng aspirin o acetaminophen. Tawagan agad
delikado. Ang kundisyong ito ay kadalasang nangyayari ang supervior at ang inyong klinika. Ang heat stroke ay
kung ang isang tao ay naglalaro o nagtatrabaho sa isang tunay na mapanganib. Ang isang taong mukhang na heat
mainit na lugar. Nauubos ang tubig sa katawan dahil sa stroke ay kailangang pumunta agad sa ospital. Paalala,
sobrang pagpapawis na nagiging sanhi upang ang i-enjoy natin ang summer pero huwag na huwag isasaalang
katawan ay mag-overheat. Karaniwang mga alang ang ating kalusgan at kaligtasan.

SYMTOMS
HEAT
STROKE
Mabilis na pagtibok Hindi Pagkahilo Pagkawala Pagsusuka
ng puso pagpapawis at pananakit ng malay
at pamumula ng ulo

PREVENTION
ng balat

Iwasan ang Huwag magsuot Huwag Gumamit ng mga Gumamit ng Uminom ng Maligo ng
pag-inom ng makakapal magbilad proteksyon laban sunscreen maraming tubig malamig na tubig
ng alak at masisikip na damit sa araw sa matinding at payong araw-araw
init ng araw

TINIG NG KAUNLARAN | ENERO 2019 BLG. 95 9


TAGUMPAY Tamang pagbabayad
ng buwis ...Mula pahina 5
SA TRABAHO Ngayong taon, maagang
natapos ng planta ang
pag-aasikaso ng buwis
ATING KILALANIN: pangangalakal. Nakuha ng QPL

JONEFER AGUILAR BENITEZ


ang business permit noong
ika-14 ng Enero habang noong
ika-15 ng Enero naman ang sa

Pag Sama-sama, Kayang-kaya!


SBPL. Ang mga halagang
binayaran ng planta ay ang
mga sumusunod:
QPL P104,326,482.10
Basta’t sama-sama, kayang-kaya, SBPL P2,950.00
wala na sigurong mas hihigit pang (wala pang
akmang kasabihan sa buhay ng mga binabayarang malaking
Benitez ng Mauban, Quezon, ayon sa halaga dahil sa BOI
ikatlo sa mga magkakapatid na Income Tax holiday
Benitez na si Jonefer. Maagang kung saan ang mga
naulila sa ama ang pamilya Benitez, bagong itinatayong
kaya naman sa mga murang edad nila proyekto ay walang
ay natutunan na nilang magsumikap babayarang buwis sa
at magtulung tulong upang maitaguyod loob ng anim na taon –
ang kanilang pamilya. Ayon kay simula 2016 hanggang
Jonefer, kilalang masipag at maginoong 2021 para sa SBPL)
Maubanin ang kanyang ama, kaya KPI P59,600.00
naman bukod sa naipamana nitong Kasabay ng pagbibigay ng
kasipagan sa kanilang magkakapatid Mayor’s o Business Permit ay
ay naging mabubuting tao din sila. Isa ipinagkaloob din ng lokal na
ang malinis na pangalan ng kanilang Cristy Alferez-Benitez, isang Secondary pamahalaan ng Mauban ang iba
ama sa mga pinahahalagahan nila School Teacher sa Cagsiay 1 National pang permit katulad ng Sanitary
habang sila ay nagsisilaki. Bagama’t High School dito sa Mauban, Quezon. Permit at mga sertipiko mula sa
sinubukan ng kanilang masipag na ina Nabiyayaan sila ng anak na si Teltel MENRO, Municipal Planning,
na piliting itaguyod na mag-isa ang ngayon ay Labing Dalawang Taong Assessor’s Office, Engineering
kanyang mga anak, hindi ito naging gulang na mahilig sumayaw at kumanta, Office at Bureau of Fire.
sapat, dahilan kung bakit kinailangan isang hobby na ayon kay Jonefer ay
ni Jonefer na isantabi muna ang nakuha ng kanyang anak sa kanya.
kanyang pangarap na maging Life begins at 40, at sa edad na ito
inhinyero at namasukan siya bilang nakamtan ni Jonefer ang kanyang
isang helper mechanic sa isa sa mga pangarap na makapagtapos ng Ang Tining ng Kaunlaran ay inilalathala
motor shops sa Mauban. kursong Bachelor of Science in ng QPL at SBPL tuwing ikatlong buwan

Determinasyon, sipag at tiyaga, ito Mechanical Engineering sa Enverga


at ang tibay ng kalooban ang ginawang University sa Lucena. Naging malaking
sandata ni Jonefer upang magsumikap bahagi sa pagtatapos ni Jonefer ang
na matutunan ang mga gawain sa kanyang maybahay na si Cristy Alferez
motor shop, mga kaalamang ayon nga Benitez at ang kanyang anak na si Teltel
PLANT SITE:
sa kanya ay napapakinabangan niya na siyang naging inspirasyon ni Jonefer. Brgy. Cagsiay 1, Mauban, Quezon
hanggang ngayon. Hindi nahinto sa Si Cristy na laging nakagabay at Tel. No.: (042) 719-3000 / (02) 779-5250
Fax No.: (02) 779-5259
pagkukumpuni ng mga makina si nagpapalakas ng loob niya. Kaya malaki
REGISTERED ADDRESS:
Jonefer, natuto din syang mag operate ang pasasalamat ni Jonefer sa kanyang 62 Horacio Dela Costa St.,
ng mga heavy equipment. Bitbit ang asawa na laging nakasuporta sa kanya. Brgy. Daungan, Mauban, Quezon
Tel. No.: (042) 7840-295
kaalamang natutunan ay nagbakasakali Marami pang mga nais maabot si Fax No.: (042) 7840-290
si Jonefer sa Maynila, dito ay namasukan Jonefer para sa kanyang mga kapatid, MAILING ADDRESS:
siya sa isang Chinese company, kung sa kanyang pamilya at lalung-lalo na 14/F Zuellig Bldg., Makati Ave. cor.
Paseo de Roxas, Makati City, Philippines 1225
saan lalo pa niyang nahubog ang sa kanyang anak at asawa; pero sabi Tel. No.: +63 (2) 687-2180
kanyang mga kaalaman. nga nya, one step at a time. Isa sa mga Fax No.: +63 (2) 662-1051

Taong 1998 nang makuha si Jonefer paboritong quote ni Jonefer ay ang CHUCKIE RIVERA Editor-in-Chief
sa Quezon Power Plant bilang isa sa quote ni Newton Baker, na nagsabing VANDEEH ALAD Writer
BERNIE VALENCIA Writer
kanilang mga regular na empleyado at “The man who graduates today and VANESSA DEQUILLA Writer

matapos nito ay nagpakasal na sila ng stops learning tomorrow is uneducated RONNIE TALISAYON Photographer/Writer
ARIEL MANINGAS Distributor
kanyang ngayon ay maybahay na si the day after”.

10 TINIG NG KAUNLARAN | MARSO 2019 BLG. 95


Softball Team ng Cagsiay II National High School,
suportado ng QPL-SBPL

Ipinagkaloob ni G. Chuckie Rivera at Bernie Valencia ng QPL-SBPL ang mga kumpletong set ng softball sa Cagsiay 2 Elementary School.

Tunay nga na ang kabataan ang pag-asa ng bayan dahil sa kanilang kakayanan
at pagpupunyagi ay makapagbibigay sila ng karangalan para sa kanilang paaralan,
magulang at sa bayan ng Mauban.

Ang QPL-SBPL ay maraming koponan na nasa edad na 14 at 16 anyos, softball ay hindi nag atubili ang
programa para sa komunidad upang pawang mga naninirahan sa Brgy. planta na mabigyan sila ng
lalong maging matatag o matibay ang Cagsiay 2 ay umabot na sa unit meet ng kumpletong kagamitan.
samahan ng bawat isa. Isa sa mga Quezon Province. At nitong nakaraang ika-6 ng Pebrero
pinagtutuunan ng pansin ng QPL-SBPL Malaki ang kapabilidad na mananalo 2019 ay ipinatawag ng QPL-SBPL ang
ay mapalakas sa larangan ng palakasan sa iba pang sangay ng palaro ang koponan ng softball ng Cagsiay 2
ang bayan ng Mauban upang makilala grupong ito kung sila ay nagsanay na National High School sa pangunguna
ang bayan na may angking kagalin- mula elementarya pa lamang. Kung ni G. Wilson Martinez upang ipagkaloob
gan lalo’t higit ang mga kabataan sa nahasa ang talento nila sa larong ang kanilang kahilingan.
larangan ng palakasan. Sa katunayan softball ng mas maaga upang mas Laking pasasalamat ng mga bata at
ay may mga programa ang QPL-SBPL malaki ang tyansa nila na makapasok ng kanilang punong guro dahil sa
upang maturuan ang mga kabataan sa mas mataas na antas ng paligsahan. wakas ay mapapalitan na ang kanilang
sa larangan ng basketball. Ikalawa sa mga naging obserbasyon luma at sirang softball equipment.
Noong nakaraang taon 2018, nakita ni G. Wilson Martinez ay ang kakulangan Makikita din sa mga kabataan ang
ng QPL-SBPL ang mga mag-aaral ng ng mga kagamitan ng mga manlalaro kanilang determinasyon sa larangan
Cagsiay 2 National High School na upang magamit nila sa kanilang pang ng palakasan. Tunay nga na ang
pawang mga kababaihan kung papaano araw-araw na pag-eensayo. Matapos kabataan ang pag-asa ng bayan dahil sa
sila maglaro ng softball. Sa pakikipag- na mabatid ng pamunuan ng kanilang kakayanan at pagpupunyagi
talakayan ng QPL-SBPL kay G. Wilson QPL-SBPL ang kahilingan ng Cagsiay ay makapagbibigay sila ng karangalan
Martinez, ang punong-guro ng paaralan II National High School na mabigyan para sa kanilang paaralan, magulang at
ay napag alaman na ang kanilang sila ng mga kagamitan para sa larong ng bayan ng Mauban.
TINIG NG KAUNLARAN | MARSO 2019 BLG. 95 11
St. Clare Monastery,
tumanggap ng mga gamot
mula sa SBPL
Sa kahilingan ng mga madre sa St. Clare Monestary ng
Sariaya, Quezon na mabigyan ng mga gamot na kailangan
nila para sa kanilang kalusugan ay nagtungo noong ika 12
ng Pebrero 2019 sina G. Chuckie C. Rivera, QPL-SBPL
Community Relations Manager, Dr. Ajerico Razo, PEPOI
Site Physician, Gng. Vandeeh Alad, QPL-SBPL Site
Accountant at Senior Admin Asst., at Gng. Deanna Razo,
PEPOI Company Nurse sa kanilang kumbento upang
ipagkaloob ang hiling na mga gamot.
Bukod sa ibinigay na gamot, regular na nagbibigay ng
pinansiyal na donasyon ang Quezon Power sa St. Clare
Monestary. At bukod pa dito, regular ding nagsasagawa si
Dr. Jerry Razo ng boluntaryong konsultasyon para sa mga
madre at sa mga taong tinutulungan ng monasteryo. Ito ay
paraan ng planta upang magpasalamat sa palagian nilang
pagdarasal para sa ikaaayos ng operasyon ng Quezon Malugod na tinanggap ng mga madre ang donasyong gamot ng QPL at SBPL.
Power at San Buenaventura Power Plant at sa magandang Makikita mula kaliwa sina Gng Vandeeh Alad, G. Chuckie Rivera, mga madre,
Dr. Razo at Gng. Deanna Razo.
kalusugan at kaligtasan ng mga empleyado nito.
Taos-puso naman ang pasasalamat ng St. Clare Monastery
sa ginagawang pagtulong sa kanila ng planta.

Bigas para sa mga pulis


at sundalo
Ang isa sa mga paraan ng pagtulong at pagsuporta
ng Quezon Power at San Buenaventura Power Plant sa
mga kapulisan at kasundaluhan na nakatalaga malapit
sa planta ay ang pagbibigay ng bigas sa kanilang himpilan.
Buwan-buwan ay nagpapadala ng bigas ang QPL-SBPL
sa mga sumusunod:
Kampo o Tanggapan Bilang
ng Sako
1. Mauban Municipal Police Station, 4
Mauban, Quezon
2. PNP Maneuver Team based in 4
Polo, Mauban
3. PNP Maneuver Team based in 2
Quilib, Lucban, Quezon
4. Sampaloc Municipal Police Station, 2
Sampaloc, Quezon
5. Cafgu Unit in Barangay San Lorenzo, 5
Mauban, Quezon
5. Cafgu Unit in Barangay Bataan, 2
Sampaloc, Quezon
6. Alpha Company of 76th IB based in 2
Barangay Lakawan, Tayabas City
7. Cafgu Unit in Barangay Cagsiay 3, 2
Mauban, Quezon
8. Alpha Company of 76th IB based in 4
Barangay San Lorenzo, Mauban, Quezon
Total: 27
Ang ganitong pagtulong ay may sampung taon nang
ginagawa ng planta para sa ating kapulisan at kasundaluhan
para sa adhikain na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan
sa ating lugar. Maliban sa pagbibigay ng bigas ay may mga Nasa larawan si G. Ariel Maningas ng QPL-SBPL habang namamahagi ng mga
kagamitan din at mga gamot na ibinibigay ang planta sa donasyong bigas sa mga kapulisan at kasundaluhan ng Mauban, Tayabas,
ilang kampo na nangangailangan nito. Sampaloc at Lucban, Quezon.

12 TINIG NG KAUNLARAN | MARSO 2019 BLG. 95

You might also like