You are on page 1of 1

*pasok si Sisa, na para bang nagdarasal*

Ah, *tingin sa audience*, magdasal na kayong lahat! Hindi niyo ba alam na Araw ng Patay ngayon?
Tignan niyo, kita niyo ba yung ilaw na iyon sa kampanaryo? Anak ko iyon, si Basilio! Si Crispin naman
yung nasa simbahan.

*manginginig kaunti, tila nalulungkot* Hindi ko nga lang sila mabisita sa kumbento. May sakit kasi yung
kura eh, at baka raw mawala ang onsang ginto. *tatawa bigla at ngingiti* Binibigyan ko ng gulay ang kura;
marami ring bulaklak sa aking bakuran at dalawa ang aking anak.

*tatakbo palayo* Basilio! Crispin! Mga anak ko, nasaan na kayo! *tuturo sa audience* Ikaw, nakita mo ba
ang anak ko? *hahagulgol at tatakbo ulit sa ibang pwesto*

*titigil at titingin sa isang tao sa audience* Basilio, ikaw ba iyan? H-hindi, hindi ikaw…*hihikbi* Hindi ikaw
ang anak ko!

*tatakpan ang mukha tapos tatawa* Ahh, kilala niyo ba ang asawa ko? Mahal na mahal ko siya, si Pedro.
*tutungo* Dapat talagang mahalin ang isang tao, kahit ano man ang kanyang pagkukulang. *tatawa
bigla* Kaya nga naman tinatawag na pag-ibig!

*aawit ng pabulong* Hmm, ayaw ni Doña Consolacion ang aking mga awitin. *kikibit ang balikat
kakaunti, tapos tatawa* Ang galing niyang sumayaw *titingin sa audience* alam niyo ba iyon? *tatawa
lalo*

*hihikbi bigla* Masakit yung latigo, masakit. *manginginig* Paano na kaya ang aking mga anak? *iiyak*
Basilio! Crispin!

You might also like