You are on page 1of 2

Paksa: Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa

UPTV: Sentro ng Wikang Filipino

Tesis na pahayag: Pagyakap sa Wikang Filipino ang susi upang mapanatili ang
kasaysayan, at kulturang Pilipino tungo sa pag unlad sa gitna ng modernisasyon
at teknolohiya
Konstitusyon ng 1987 Artikulo XIV

SEKSYON 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,


ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba
pang mga wika.

Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng


Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

SEKSYON 7. Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal


ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at
opsyonal ang Kastila at Arabic.

Bakit ba mahalaga ang wikang Filipino?


 Dahil nangangahulugang Malaya ang isang bansa kung ito ay may sariling wika.
 Mahalaga ito dahil ang wika ay isa sa mga paraan ng komunikasyon.
 Ang wikang Filipino ay identidad nating mga Pilipino dahil pinag-yaman ito ng iba’t ibang
wika sa ating bansa.
 Ang wika ang kaluluwa ng isang bansa dahil ito ang daan upang ang mga tao ay mag-
kaintindihan, at mag-kaunawaan.
 Wikang Filipino ang Unang Tagpuan dahil kahit ibat iba ang ating wika, bisaya man o
bikol, tagalog man o Kapampangan, babalik at babalik parin tayo sa wikang Filipino.

Paano nga ba umuunlad wikang filipino sa gitna ng modernisasyon at


teknolohiya?

Napapaunlad ang wika tungo sa teknolohiya at modernisasyon dahil tulad nalang ng paggamit
ng mga makabagong teknolohiya tulad ng kompyuter na ginagamit naming mga bagong
henerasyon upang makapaglimbag ng mga impormasyon tungkol sa wika at iba pa.

Reaksyon Komentaryo at puna:


Walang binanggit tungkol sa kasaysayan ng wika
Konklusyon:
Ang wikang filipino ay ang ating pagkakakilanlan, at dapat nating ipagmalaki ang wikang ating
kinagisnan. Wikang Filipino ang susi sa pag-unlad ng ating bansa.

References:
Santos, T. U. (2016, December 05). Identidad-pangunahing suliranin sa pagsusulong ng wikang
Filipino. Retrieved from https://varsitarian.net/filipino/20160228/identidad-
pangunahing_suliranin_sa_pagsusulong_ng_wikang_filipino

C. (n.d.). Ang ating wika ay ang sumisimbolo bilang identidad ng ating bansa at nating mga.
Retrieved from https://www.coursehero.com/file/p5jq81j/Ang-ating-wika-ay-ang-sumisimbolo-
bilang-identidad-ng-ating-bansa-at-nating-mga/

Bakit ba mahalaga ang Wikang Filipino. (2012, August 22). Retrieved from
https://nicolejarguilla0915.wordpress.com/2012/08/01/paggamit-ng-wikang-filipino-ay-mahalaga/

B. (1970, January 01). Pag-unlad ng bansa. Retrieved from


http://kaunlaranngbansa.blogspot.com/2016/10/kahalagahan-ng-wikang-pambansa-para-
sa.html

You might also like