Professional Documents
Culture Documents
Kahulugan NG Panitikan at Mga Uri Nito
Kahulugan NG Panitikan at Mga Uri Nito
Uri ng Panitikan
http://image.slidesharecdn.com/akdangpatula-140625020840-phpapp01/95/akdang-patula-2-
638.jpg?cb=1403680202
Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang
kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-
kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.
Halimbawa:
Halika anak ko
Lulan ng pagkabalisa
Pakinggan mo ang payo ko
Dito ka lang sa kandili ko
Naliligid ng panganib
Liwanag na kay rikit
Lumapit ka sa akin
Sa kandili ko'y mas maligaya
Ngayon ay heto ka
Tupukin ang pakpak!
Tupukin ang katawan!
Tupukin ang paggasa!
Nobela - o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,0
00-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag
ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na
istilo o maraming tiyak na istilo. Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa is
ang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako
at ng hangarin ng katunggali sa kabila -
isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito
ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-
wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari -
kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan.
Maikling kwento - isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauha
n at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin i
tong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap s
a buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."
Dula - isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
http://www.slideshare.net/asanet2015/dula-40376935
http://www.slideshare.net/nicholeobillo/halimbawa-ng-impormal-na-sanaysay-at-pormal-na-sanaysay
Talambuhay- isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pan
gyayari o impormasyon.
Halimbawa:
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya
ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong
Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa
Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina
at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko.
At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga
prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La
Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng
komersiyo, industriya at agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat
na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan
na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong
Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.
Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na
nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.
Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat
sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).
Talumpati- isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong
pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Awit at Korido - Ang awitin ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong maganda kung gusto rin ito ng makikini
g. Mayroon itong tono at sukat. Naglalaman ang isang awiting ng bahaging pang-
tinig na ginagampanan, inaawit at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko), karaniwang sinusundan ng mga intr
umentong pang-
musika (maliban sa mga awiting acapella at scat). Kadalasang nasa anyong tula at tumutugma ang mga salita ng mga awi
tin, bagaman, may mga relihiyosong mga taludtod o malayang prosa. Ang mga salita ay ang liriko.
Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol.
Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang stanza.Ang korido ay binibigkas sa pamamag
itan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.
Epiko- uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaa
way na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-
paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-
gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang pandiwa) ay isang paglalahad na maka
bayani o bumabayani, samantalang ang epika (may titik a sa huli, isang pangngalan) ay tulang-
bayani, paglalahad na patula hinggil sa bayani.
May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.
Kantahin – (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa iba't ibang panig ng lugar sa bansa.
Tanaga- Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-
aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.
May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.