You are on page 1of 1

Pass or Fail?

Paano Maging the Best Student Ever


By
Ronald Molmisa

Ayon sa aking nabasa kaya tayo nag aaral ay upang mapalawak pa natin ang ating
kaalaman. Sa aking binasa ay nalaman ko na kaya tayo nag aaral dahil ayaw ni God na
manatiling mangmang ang mga tao at walang kaalam alam sa mundong kanilang
ginagalawan.

Natutunan ko rin sa na upang maging matagumpay at maging magaling naestudyante


ay kailangan natin magkaroon ng magandang plano sa buhay upangmaging maganda ang
ating kinabukasan.

Kailangan din maging matyaga at masipag ang isang estudyante. Sapagkat kung di
tayo magiging masipag at magiging matyaga ay hindi tayo magiging magaling na estudyante
at wala tayong matatapos na mga Gawain sa ating paaralan. Di lang sa paaralan pati sa
komunidad.

Nalaman ko rin na bakit nga ba kailangang mag-aral ay upang makilala ang Diyos. Nag-
aaral tayo ng ibat ibang subjects para mag grow ang knowledge natin kung gaano kadakila
ang diyos. Nag-aaral tayo ng Biology para malaman natin ang ibat-ibang species ng hayop at
organism na ginawa niya.

"Pass or Fail? Why not excel too, and not just pass." Tama nga naman. Alam ko
importante ang pumasa, pero mas maganda kung pumasa ka na, natuto ka pa. Sa paaralan,
maraming pinagdadaanan ang isang istudyante. Kaya hindi na rin masama na malaman mo
kung paano makakasurvive sa mala-roller coaster na mundo nito.

Sinalaysay dito ang mga do's and don'ts sa pagiging estudyante at masasabi ko na
nakarelate ako sa maraming bagay. Mula sa kung bakit tayo nag-aaral hanggang sa road to
success.

Kailangan ay maypaniniwala tayo sa diyos upang sa tuwing tayo ay magdedesisyon ay


tama. Ang lahat ng aking nabasa ay iaaply ko sa aking sarili upang maging isang magaling na
estudyante.

Jasmine P. Muldez
1B1P-ABM
Ms. Marie Alino

You might also like