You are on page 1of 10

Gabay sa Pagtuturo

Modyul 4: ANG AKING TUNGKULIN BILANG KABATAAN

I. MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- Naisasagawa ang mga kilos tungo sa
unawa sa mga hakbang tungo sa maayos na pagtupad ng kanyang mga
maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin bilang nagdadalaga /
tungkulin bilang nagdadalaga / nagbibinata
nagbibinata

Batayang Konsepto: Ang pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga


tungkulin sa sarili, bilang anak o kapatid, mag-aaral, mamamayan,
mananampalataya, konsiyumer ng media at bilang tagapangalaga ng
kalikasan ay isang paraan upang maging mapanagutan bilang paghahanda
sa susunod na yugto ng buhay.

A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO


1.1 Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa sumusunod na
paksa:
a. Kahalagahan ng Pagtupad sa mga Tungkulin Bilang Kabataan
b. Mga Tungkulin ng mga Kabataan
i. Sa Sarili
ii. Bilang Anak
iii. Bilang Kapatid
iv. Bilang Mag-aaral
v. Bilang Mamamayan
vi. Bilang Mananampalataya
vii. Bilang Konsyumer ng Media
viii. Bilang Tagapangalaga ng kalikasan
2.1 Malinang ang sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
a. Pagtaya sa kasalukuyang kakayahan sa pagtupad sa mga tungkulin
bilang kabataan
b. Pagtukoy sa mga tungkulin na inaasahang gagampanan bilang
kabataan mula sa mga kapamilya at kakilala
c. Pagtukoy sa magiging kahihinatnan ng di pagganap o pagtupad ng
isang kabataan sa kanyang mga tungkulin
d. Pagtukoy sa mga gampanin bilang nagdadalaga / nagbibinata
e. Paghinuha sa kahalagahan ng kanyang mga gampanin tungo sa
pagkamit ng kanyang kaganapan bilang tao

40
f. Pagtukoy sa kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang
nagdadalaga / nagbibinata
g. Paghinuha kung ano ang magiging epekto sa kanya bilang
nagdadalaga / nagbibinata kung di niya nagagampanan ang kanyang
mga tungkulin sa bawat gampanin
h. Pagtukoy sa mga bagay na dapat niyang pagbutihin sa pagtupad niya
ng mga tungkulin sa bawat gampanin
i. Paggawa ng Plano ng Maayos na Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang
Nagdadalaga / Nagbibinata
j. Pagsulat ng pagninilay sa (a) mga dapat niyang paunlarin sa
pagtupad ng kanyang mga tungkulin bilang isang kabataan at (b) ang
mga taong makatutulong sa kanya sa bagay na ito.
k. Pagsasagawa ng Plano ng Maayos na Pagtupad ng mga Tungkulin
Bilang Nagdadalaga / Nagbibinata

B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO


Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 91-92. Isa-sahin ang mga
layuning pampagkatuto para sa Modyul 4 na nasa loob ng kahon.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang


sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
a. Natutukoy ang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang
nagdadalaga / nagbibinata
b. Natataya ang mga kilos tungo sa maayos na pagtupad ng
sariling mga tungkulin bilang nagdadalaga / nagbibinata
c. Napatutunayan na ang pag-unawa ng kabataan sa
kanyang mga tungkulin sa sarili, bilang anak o kapatid,
mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, kostumer ng
media at bilang tagapangalaga ng kalikasan, ay isang
paraan upang maging mapanagutan bilang paghahanda
sa susunod na yugto ng buhay.
d. Naisasagawa ang mga kilos tungo sa maayos na
pagtupad ng kanyang mga tungkulin bilang nagdadalaga /
nagbibinata
Narito ang mga pamantayan ng pagtataya ng output mo sa
letrang b :
a. Malinaw ang mga tinukoy na kilos tungo sa maayos na
pagtupad ng mga tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata
b. May limang paraan ng maayos na pagtupad ng mga
tungkulin sa bawat gampanin
c. Angkop ang bawat paraan ng pagtupad ng mga tungkulin
sa bawat gampanin
d. Makatotohanan ang mga paraan ng pagtupad ng tungkulin

Itanong: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa?

41
II. PAUNANG PAGTATAYA
Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 92-95. Bigyan ng sapat na
panahon ang mga mag-aaral upang gawin ito. Pagkatapos, hayaang markahan
ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa
Annex 1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa
pagmamarka.

Paunang Pagtataya

Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat ang letra ng pinakaangkop na sagot sa
kuwaderno.
1. Ang sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang nagdadalaga/nagbibinata s a
kanyang sarili maliban sa:
a. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig
b. Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap
c. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito
d. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng
Pagdadalaga/Pagbibinata
2. ”Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay,
para sa sarili lamang”. Ano ang pinakaangkop na pakahulugan sa katagang ito?
a. Ang lahat ng tao ay may pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
b. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang kapwa.
c. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang kanyang sarili
para sa kanyang kapwa.
d. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang kanyang sarili sa
kanyang kakayahang makipagkapwa.

Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha.


Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang
mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha
ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang.
Gayundin ang gawin para sa 0 hanggang 4 na puntos.
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,
maaaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.

Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang gawain sa mga bahaging


Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-
unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos.

Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring


mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa.

42
III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Mga Hakbang:
1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga
mag-aaral sa pahina 83-84.

2. Ipabasa ang Panuto at saka itanong: Mayroon bang kailangang linawin sa


Panuto?
3. Ipagawa ang gawain. Bigyan sila ng 15 minuto para sa gawaing ito.
4. Matapos ang 15 minuto ay ipabilang sa kanila ang mga tsek na kanilang
nailagay sa bawat tungkulin. Gabayan silang alamin kung ano ang antas ng
kanilang pagtupad sa tungkulin gamit ang interpretasyon na nasa pahina 85.

Ang bahaging
ito ang
magbibigay ng
interpretasyon
sa nakuhang
kabuuang
marka ng mga
mag-aaral.

5. Matapos maibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na gawin ito,


tawagin ang ilan sa kanila upang ibahagi ang resulta ng kanilang pagtataya.
6. Pagkatapos, pasagutan sa kanila ang mga tanong na nasa pahina 85.

43
Kumusta? Naging masaya ka ba sa sagot mo sa tseklist? Tingnan mong muli ang
resulta ng iyong sagot at sagutin ang mga inihandang tanong sa ibaba.
1. Naging madali ba ang iyong pagsagot sa tseklist? Bakit? Bakit hindi?
2. Sa kabuuan, ano ang iyong naging pagtataya sa iyong kakayahan sa
pagtupad sa iyong mga tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata?
3. Ano ang mahalagang aral na iyong nakuha mula sa gawain?

7. Iugnay ang sagot ng mag-aaral sa mga tanong sa susunod na gawain.


Sabihin: Patuloy nating tayain ang iyong kakayahang tumupad sa iyong
tungkulin sa pamamagitan ng mga speech balloon na nasa Gawain 2.

Gawain 2
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto sa Gawain 2 sa pahina 97. Itanong:
Naunawaan ba ang Panuto?

Sabihin: Mahalagang maging tapat sa isusulat na tugon. Dito lamang


magkakaroon ng saysay ang Gawaing ito, na ang tunay na layunin ay
tayahin ang kasalukuyang kakayahan sa pagtupad ng tungkulin. Ang
magiging resulta ng Gawaing ito ay magagamit ninyong batayan kung
ano pa ang mga dapat gawin at mga pagpapahalagang dapat taglayin
upang mapagyaman ang kakayahan sa pagtupad ng tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata.

2. Bigyan sila ng 15 minuto upang sagutan ang gawain. (pahina 85-88)

3. Pagkatapos, tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang


ginawa sa klase.
4. Pansinin na may nakalaang aytem para sa bawat isang gampanin na
tatalakayin sa klase. Matataya rin sa pamamagitan ng gawaing ito kung
saang gampanin mas naisasakatuparan ng mga mag-aaral ang kanilang
gampanin.
5. Pasagutan ang mga tanong na nasa pahina 88. Ipasulat ang kanilang sagot
sa kanilang kuwaderno.

44
Kumusta ang iyong mga sagot sa bawat sitwasyon? Subukin naming
sagutin ang mga kasunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Naharap ka nab a sa mga sitwasyong nabanggit?

a. Kung oo, naging madali ba ang paninindigan mo na


maisakatuparan ang iyong tungkulin?

b. Kung hindi pa, ano ang maitutulong sa iyo ng pagganap sa mga


tungkulin bilang isang kabataan?

2. Ano ang magiging epekto sa iyong sarili kung hindi mo tutuparin ang
iba’t ibang tungkulin? Iapliwanag.

3. Paano mapaunlad ng mga tungkuling ito ang iyong sarili bilang


nagdadalaga/nagbibinata?

4. Bakit nararapat nag awing positibo ang pagtingin sa mga tungkulin?

5. Ano-ano ang mga kinakailangan mong pagpapahalaga na makatulong


sa iyo upang magampanan nang mapanagutan ang iyong mga
tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata?

6. Matapos bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral ay tumawag ng


ilan upang magbahagi ng kanilang sagot. Pagyamanin ang pagtalakay sa
pamamagitan ng pagbabahaginan ng opinyon at pananaw.

B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA

Mga Hakbang
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto para sa gawain sa bahaging
“Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa”. Tiyakin na
malinaw ang Panuto sa lahat. Maging bukas sa mga paglilinaw.
2. Ibigay ang gawain bilang takda ngunit kailangan ng patunay sa pagsasagawa
ng panayam. Maaaring larawan, tape recorder o video.
3. Ilapat sa graphic organizer na nasa pahina 89 ang nakuha mula sa panayam.

45
4. Maaari nila itong ipasulat sa kalahati ng kartolina. Magagamit ito bilang
paalala sa mga mag-aaral sa mga inaasahan ng mahahalagang tao sa
lipunan na isasakatuparan nilang tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata.
5. Ipabahagi sa klase ang ilan sa mga gawain ng mga mag-aaral. Ipaskil sa
pisara ang kanilang output upang makita ng mga kapwa mag-aaral.
6. Pagkatapos, pasagutan sa mga mag-aaral ang tanong sa pahina 101-102.

C. PAGPAPALALIM

Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga mag-


aaral bilang Takdang Aralin.

1. Ipabasa ang kabuuan ng sanaysay sa pahina 89-96. Pagkatapos, pangkatin


ang mga mag-aaral. Tiyaking hindi hihigit sa sampu ang bilang ng kasapi sa
pangkat. Hayaang magtalaga ang mga mag-aaral ng lider at tagapag-ulat.
2. Bigyan ng activity card, Manila paper at pentel pen ang bawat pangkat.

Activity Cards

Activity Card 1

Panuto: Gamit ang overlapping concepts graphic organizer,


tukuyin at isa-isahiin ang mga konseptong nabasa mula sa
pahina 102-105, bilang 1 hanggang 3. Sa ibaba ng graphic
organizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga
konseptong nabasa.

Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto

Iulat ang inyong output sa klase.

Activity Card 2

Panuto: Gamit ang idea web graphic organizer, tukuyin at


isa-isahiin ang mga konseptong nabasa mula sa pahina 105
– 108, bilang 4 hanggang 6. Sa ibaba ng graphic organizer,
isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa.

Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto.

Iulat ang inyong output sa klase.

46
Activity Card 3

Panuto: Gamit ang organizational outline graphic organizer,


tukuyin at isa-isahiin ang mga konseptong nabasa mula sa
pahina 108 – 110, bilang 7 hanggang 8. Sa ibaba ng graphic
organizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong
nabasa.

Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto

Iulat ang inyong output sa klase.

Paalala: Maaaring makakuha ng magkatulad na activity card ang ilang pangkat.


Maaaring gawing dalawang kopya ang mga Activity Cards upang dalawang
magkaibang interpretasyon ang maibahagi sa klase.

3. Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.


4. Matapos ng mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang
mahahalagang konseptong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.
5. Atasan ang ilang mag-aaral na buuin at pagtibayin ang mga konseptong
tinalakay.
Tayahin ang Iyong Pag-unawa
1. Pasagutan ang mga tanong sa bahaging “Tayahin ang Iyong Pag-unawa” sa
pahina 97. Bigyan sila ng 5 minuto upang gawin ito. Ipasulat sa kanilang
kuwaderno ang mga sagot.
2. Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replika ng graphic organizer sa pahina 97.
Basahin ang tanong: Ano ang iyong naunawaang mahalagang konsepto sa
aralin? Pasagutan ang tanong na ito gamit ang graphic organizer.

Paghinuha ng Batayang Konsepto


Panuto: Ano ang iyong naunawaang mahalagang konsepto sa aralin?
Sagutin ito gamit ang graphic organizer sa ibaba.
Ang pag-unawa ng kabataan sa kanilang

ay isang paraan upang


tungkulin sa

_____________
_____________
_____________
_____________
_____________
______

47
Tumawag ng ilang mag-aaral upang punan ang graphic organizer sa pisara.
Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na mga output
ng bawat pangkat na graphic organizer. Piliin ang konseptong pinakamalapit sa
Batayang Konsepto na nasa kahon sa ibaba:

Ang pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa sarili, bilang


anak o kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, konsiyumer ng
media at bilang tagapangalaga ng kalikasan ay isang paraan upang maging
mapanagutan bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay.

D. PAGSASABUHAY
Pagganap
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Pansariling Plano ng Maayos na Pagtupad
ng mga Tungkulin Bilang Kabataan.

2. Ipaliwanag na: (a) magsisilbi itong gabay sa pagganap ng iyong mga


tungkulin bilang kabataan.(b) magsisilbi din itong pagtatalaga sa iyong sarili
tungo sa maayos na pagganap ng bawat tungkulin.
Pagganap
Gumawa ng Pansariling Plano ng Maayos na Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang
Kabataan. Magsisilbi itong gabay sa pagganap ng iyong mga tungkulin bilang
kabataan. Magsisilbi rin itong pagtatalaga sa iyong sarili tungo sa maayos na
pagganap ng bawat tungkulin:
a. Sa sarili
b. Bilang anak
c. Bilang kapatid
d. BIlang mag-aaral
e. Bilang mamamayan
f. Bilang mananampalataya
g. Bilang konsiyumer ng media
h. Bilang tagapangalaga ng kalikasan

Pagninilay
1. Pasulatin ng pagninilay ang mga mag-aaral tungkol sa:
a. Mga dapat nilang paunlarin sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin
bilang isang kabataan at;
b. Mga taong makatutulong sa kanila sa mga bagay na ito.
2. Ipaskil sa pisara ang katulad na pormat na nasa pahina 99.

48
Pagsasabuhay
9. Ipagawa sa mga mag-aaral ang “Pansariling Plano ng Maayos na Pagtupad
ng mga Tungkulin Bilang Kabataan” sa bahaging Pagsasabuhay sa pahina
99.
10. Ipabasa sa isang mag-aaral ang panuto. Pagkatapos, sabihin: Mayroon bang
katanungan tungkol sa panuto?
11. Makatutulong kung magpapaskil ng katulad na halimbawa na nasa Modyul.
Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na basahin ang halimbawa na nasa
pisara.

Miyerkules

Huwebes

Biyernes
Pamamaraan ng

Sabado

Linggo
Martes
Lunes
maayos na
Tungkulin
pagtupad ng
tungkulin

Halimbawa: Sa sarili
 Palaging Kakain ng
pananatilihing masusustansiyang
malusog ang pagkain sa lahat ng
pagkakataon
pangangatawan

Paalala: Magtalaga ng kapareha ang


12. Matapos ang panahong ibinigay sa mga bawat mag-aaral upang tiyaking
mag-aaral ay tumawag ng ilan na nasusundan at natataya ang mga tala
sa Tsart ng bawat mag-aaral. Pagawin
magbabahagi ng kanilang ginawa sa ang bawat isa ng ulat ng mga
harap ng klase. pagbabago sa mga kilos at gawi ng
13. Atasan ang mga mag-aaral na kamag-aral bunga ng pagsunod sa
“Pansariling Plano ng Maayos na
magbigay ng mga patunay sa Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang
pagsasagawa ng gawain. Maaaring Kabataan”. Ipapasa ng mga mag-aaral
ang kanilang journal. Basahin ang
larawan o video habang isinasagawa kanilang pagninilay at mamarkahan ito
ang panayam. gamit ang pamantaya sa Annex 2.

49

You might also like