You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

(Unang Araw)

Bb. Jenny Rose S. Basa

I. Yunit III Mga Pagpapahalagang Birtud sa Pakikipagkapwa


Paksa Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa
Sanggunian Bognot, R. M., et al. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao
(Ikalawang Baitang). Pasig City: Vibal Publishing, Inc.
Kagamitan Makukulay na papel, kartolina

II. Mga Layunin


A. Mga Kasanayang Pampagkatuto
KP1. Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng
kapwa at mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.
KP2. Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat
o kawalan nito.
KP3. Napatutunayan na ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang
maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao ay
nagmula sa kapwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos. Hindi ito
naglalayong bayaran o palitan ang kabutihan kundi gawin sa iba ang
kabutihang natatanggap mula sa kapwa. Ito ay kabaligtaran ng entitlement
mentality, isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay
karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.
KP4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos na nagpapakita ng pasasalamat.

B. Mga Layunin sa Pagtuturo o Pampagkatuto


1. Naiisa-isa ang mga biyayang natatanggap mula sa kagandahang-loob ng
kapwa at ang mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.
2. Naipapakita ang mga halimbawa o siywasyon ng kawalan ng pasasalamat.

III. Paunang Pagtataya


Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap.
Kung mali naman ang isinasaad ng pangungusap, iwasto ang salitang nagpamali dito.

1. Ang entitlement mentality ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam


mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.
2. Ang pag-alala sa kaarawan ng taong tumutulong sa iyo upang maipakita ang
pagmamahal at pagpapahalaga sa kanya ay isang gawain ng pasasalamat sa loob
ng paaralan.
3. Ang birutd ng pasasalamat ay gawain ng kalooban.
4. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong ay isang halimbawa ng
entitlement mentality.
5. Ang pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa ay maling paraan ng
pagpapakita ng pasasalamat.

Mga Tamang Sagot:

1. Tama
2. Tahanan
3. Tama
4. Kawalan ng pasasalamat
5. Tama

IV. Mga Gawain sa Pagtuturo at Pampagkatuto

A. Pagtuklas ng Dating Kaalaman


Panuto: Magpapakita ang guro ng mga “Puso ng Pasasalamat”. Sa loob ng
mga “Puso ng Pasasalamat”, mababasa ang mga kabutihan at kagandahang-loob
na ipinakita ng kapwa. Ibibigay ng mga mag-aaral ang mga biyayang kanilang
natatanggap at ang kanilang mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat kaugnay
dito.

Minahal at Tinulungan ka Binati ka ng


Inaruga ka ng ng iyong kapatid iyong mga
sa paggawa ng magulang sa
iyong mga proyrkto iyong kaarawan.
magulang

Binigyan ka ng Dinalaw ka ng
iyong kaibigan mga kamag-
ng regalo aral mo noong
noong pasko. may sakit ka.
Mga Tanong:

1. Ano-ano ang iyong natuklasan tungkol sa pasasalamat?


2. Ano-ano ang mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat?
3. Bakit mahalaga ang magpasalamat? Ano ang nagagawa nito sa ating kapwa?

B. Paglinang ng mga Kakayahan, Kaalaman at Pag-unawa

Panuto:

1. Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Ipapakita ng bawat pangkat ang mga
halimbawa o sitwasyon ng kawalan ng pasasalamt sa pamamagitan ng
pagsasadula nito. Ang kinatawan ng bawat pangkat ay bubunot ng sitwasyon
na kanilang isasadula. Narito ang mga sitwasyon na nagpapakita ng kawalan
ng pasasalamat:
 Paglimot ng anak sa sakripisyo ng magulang.
 Inuna ang pagnonobyo o pag-aasawa kaysa responsibilidad sa
pamilya.
 Hindi pagpapakita ng pasasalamat sa isang kaibigan matapos tulungan
sa paggawa ng proyekto.
 Hindi pag-iingat sa mga regalong ibinigay ng kaibigan o taong
malapit.
 Laging nagpapasalamat sa mga taong tumutulong kahit na hindi bukal
sa kalooban.
2. Pagkatapos ng sitwasyong nagpapakita ng kawalan ng pasalamat,
dudugtungan ito ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga
solusyon o tamang pamamaraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa
kabutihang-loob ng kapwa.
3. Bibigyan lamang sng sampung minuto (10) ang mga mag-aaral upang pag-
usapan ang gawaing nakaatas sa kanila, samantalang, limang minuto (5)
naman upang ipakita sa klase ang kanilang dula.

Pamantayan sa Paglinang ng mga kakayahan, kaalaman at pag-unawa

Kraytirya Puntos
Orihinalidad at pagiging malikhain 35%
Naipapakita nang mahusay ang paksa ng 35%
gawain
Pagtapos sa itinakdang oras 30%
Kabuuan 100%
Mga Tanong:

1. Paano ipinakita sa bawat sitwasyon ang pagsasabuhay ng pasasalamt sa kabutihang


ginawa ng kapwa?
2. Ano ang kabutihang dulot ng pagiging mapagpasalamat?
3. Sa iyong palagay, ikaw ba ay isang taong marunong magpasalamat? Paano mo nasabi?
4. Nais mo bang isabuhay rin ang pagiging mapagpasalamat? Bakit?
5. Paano mo maipapakita ang iyong pasasalamat sa ibang tao?

V. Takdang Aralin

Panuto: Bilang paghahanda sa susunod na aralin, basahin at pag-aralan ang


paksang “Pasasalamat sa Kabutihang Ginawa ng Kapwa” sa Edukasyon sa
Pagpapakatao 8 (Modyul) pahina 239-249.

You might also like